CHAPTER 1

1970 Words
LUPAYPAY ang mga balikat na’ng huminto ako sa tapat ng bahay namin. Nangmamanhid ang buo kong katawan. I couldn’t feel my muscles anymore. Nananakit ang mga kasu-kasuan ko lalong-lalo na ‘yong likod ko. Pagod na pagod ako sa trabaho. Araw-araw akong kumakayod kalabaw. Ilang taon na akong natengga sa ganitong sitwasyon. Hindi ko na maaalala kung kailan ako nakapagpahinga ng maayos. Mas’yado pa akong bata no’n. Bahagyang nanginginig ang mga tuhod ko habang dahan-dahang humakbang palapit sa naka-saradong pinto. Tumigil ako sa harapan no’n. Pinasok ko ang kaliwang kamay sa loob ng bulsa nitong apron ko. Kinakapa-kapa ko roon ang duplicate key. Na’ng mahawakan ko na, inalis ko na ang kamay ko pero bigla kong nabitawan ang susi at bumagsak sa simento. “Tangina naman,” mariing usal ko. Huminga ako ng marahas saka unti-unting pinayuko ang upper body ko. At dahil ang dilim dito sa labas, nangangapa na lang ako. Bumuntong hininga ulit ako na’ng mahanap ko na ang susi. Napa-ngiwi ako na’ng tumayo ako ng tuwid. “Sobrang sakit ng likod ko…” mahinang bulong ko habang sinususian ang door knob. Buong araw kasi akong nag-kuskos ng mga bathroom sa ilang mga palapag. Nagtatrabaho lang ako bilang servant ng isang villa sa private island dito sa ‘min. Wala tayong college degree kaya ‘yon lang ang kaya ng powers ko. Kawawa ka talaga kapag wala kang pinagaralan. Kung hindi ka marunong dumiskarte, mamamatay ka rito. It's so tiring to survive here. Ang bata ko pa. Ang tagal ko pang mamatay kaya kung hindi ako gagawa ng paraan, habang buhay akong mahihirapan. “Nandito na ako…” mahinang usal ko. Mas lalo lang lumala ang pangingiwi ng bibig ko na’ng malanghap ko na naman ang usok ng sigarilyo na pinakaayaw ko. Pag-tingin ko sa sala, diniin ko ang aking panga na’ng makita ang apat kong mga palamunin. Para silang pensyonadong pahiga-higa lang sa sofa. Ang sarap ng buhay nila. Sanay na sanay na akong makita na ganito ang nadadatnan ko araw-araw pero hindi ko pa rin maiwasan na uminit ang ulo ko lalo na ngayong pagod na pagod ako. Siguro kung kinareer ko talaga ang pagiging masama, matagal ko na silang nilason. Nagtatawanan pa sila habang nanonod ng kung anong palabas sa TV. Hindi lang ‘yan, tumatagay pa ang mga walang hiya. Umiling-iling na lang ako at pinagpatuloy na lang ang mga hakbang patungong kusina. Nagugutom na ako. Kanina pa kumukulo ang sikmura ko. “Kuya Lino? Ininiit n'yo ba ang ulam?” tinatamad kong tanong na’ng maka-pasok na ako sa loob ng maliit naming kusina. "Tingnan mo sa lamesa," rinig kong sagot n'ya sa 'kin. May nasilayan akong kaserola na naka-lapag sa mesa. Doon sumentro ang mga mata ko pero bago pa ako maka-lapit, nasilayan ko na agad na walang laman ang transparent na bubog na takip. Napa-kiskis ako ng bagang at pumikit ng mariin. "BAKIT HINDI N’YO AKO TINIRHAN NG ULAM?!” malakas kong sigaw. Kahit kita kong walang laman, padabog kong inalis ang takip. Nandilim ang paningin ko. May laman pa pala pero puro buto na lang ng baboy ang natira at may konting sabaw. Kahit isang pirasong petchay, wala akong nakita. “Inubos na pala ni Limo ang ulam.” Marahas kong hinarap si Kuya Lino. Nasilayan ko s’yang naka-tayo sa bungad ng naka-bukas na pinto habang humihithit ng sigarilyo. “Bakit hindi n’yo nga ako tinirhan?! Hindi ba’t kakabigay ko lang ng limang libo kanina?! Ang ayos-ayos ng usapan natin na sinigang na baboy ang lulutuin para may ulam ako pag-uwi tapos buto lang pala ang ititira n’yo sa ‘kin?! Ano ako, aso?!” “Tsk, tahol ka naman ng tahol. May sabaw pa naman. ‘Yan na lang ang ihalo mo sa kanin,” naiirita n’yang tugon. Sumulpot bigla si Kuya Limo sa tabi n’ya. “Ano ba ang magagawa ko kung nagutom ako? Ano gusto mo, isuka ko?” natatawang sambit ng kuya ko na ikinakuyom ng mga kamao ko. Ganito ang takbo ng buhay ko simula noong namatay ang mga walang kwenta naming mga magulang sa kulungan. Mabuti na lang, nakapag-moving up pa ako nu’ng Junior high school ako at doon nagsimula ang mga problema ko dahil ako na ang sumalo ng lahat ng responsibilidad. Isipin mo, 17 years old pa lang ako, nagtatrabaho na. Akala mo, may asawa na ako dahil sobrang busy ko sa buhay. Parang patay na patay sa pagtatrabaho para may ipalamon sa pamilya. Sa kaso ko naman, apat na kuya ko ang binubuhay ko. Ang tatanda na pero sobrang tamad mag banat ng buto. May pinagmanahan sila. Gan'yan mga magulang namin. Sa sobrang katamaran, nagbebenta na lang ng pinagbabawal na gamot. Hindi mabigat ang trabaho tapos ang laki-laki ng kinikita. Ang tatamad pero ang sipag gumawa ng bata. Every year, nanganganak ang mama ko at mga walang silbi ang nabuo nila. Na'ng nahuli silang mag-asawa, hindi sila nag-tagal sa bilangguan dahil nabalitaan na lang namin na pinatay sila ng mga kapwa preso. Ni hindi ako umiyak nu'ng namatay sila. Karma na nila 'yon. Siguro ang sama ko ring tao dahil kahit mga magulang ko sila, kinatuwa ko pang nabura na sila sa mundo. Nabawasan na ang mga masasamang damo sa buhay ko. May natira pang apat. Si Kuya Lino, bente sinco anyos. Si Kuya Limo, bente kwatro, bente tres naman ngayon si Kuya Devon at bente dos si Kuya Liro habang ako naman, bente pa lang. Sa apat na taon na kayod-kalabaw, wala silang ginawa kundi magpalaki ng mga bayag, maginom, sigarilyo, tumambay, mambabae, at kung ano-ano pa. Akala mo naman mga nasa isang daang libo ang sahod ko buwan-buwan. Pinakamalaki na nga ang sampung libo. Ang mas masaya pa rito, sa kanila ko binibigay ang kalahati. May panakot kasi sila sa ‘kin kung hindi ko ibibigay. Ibebenta nila itong kaisa-isang bahay at lupang natira sa ‘min na pamana pa ng lolo ko. Naka-pangalan sa kanilang apat. Hindi ako binigyan ng karapatan dahil nga, hindi kami mag-kasundo ng mga magulang ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko natiis na tumira rito kasama sila at nagpapakahirap mag-trabaho para may maibuhay lang sa mga palamunin. Hindi ako maka-ipon ipon ng sarili kong pera dahil hawak nila ang leeg ko. Hindi rin ako puwedeng umalis sa pinagtatrabahuhan ko dahil may utang pa ako sa butler namin. Kung lalayas naman ako, wala naman akong pera. Wala talaga akong savings. Kung mayroon man akong naitabi, nagagastos ko naman dahil sa dami kong utang at allowance ko pa araw-araw. Sana talaga makatagpo ako ng mapapangasawang galanteng lalake. Kung wala talaga, ayos na sa ‘kin kung mabantot o pangit, basta may pera. Pagtitiisan na lang kaysa mapupudpod ang mga buto ko sa kakatrabaho. Napapagod na talaga ako sa sitwasyon ko. Gustong-gusto ko naman magpahinga. “Mga putang inang palamunin,” matigas kong bulong. Bago pa ako maka-sigaw, tinalikuran ko na lang sila. Kasasahod ko lang kahapon. May bilin ako kay Kuya Lino na tirhan ako ng ulam tapos ganito ang bubungad sa ‘kin. Buto pa talaga ang iniwan. Wala akong nagawa kundi nag-luto na lang ng instant noddles kahit wala na akong lakas gumalaw. “Tang ina, ang tigas pa ng kanin,” mariing usal ko habang sinasalinan ng giniginaw at naninigas na kanin ang mangkok ko. Pabagsak kong nilapag sa ibabaw ng mesa at umupo na. Mainit naman ang sabaw ng noodles kaya lumalambot naman ang kanin. That was my dinner for tonight and it sucks. Kailan pa kaya ako makatikim ng masasarap na pagkain? Hindi kasi kami puwedeng mag-luto ro’n sa villa. Nakakahiya mang aminin pero minsan, hindi ko talaga napipigilang kumain ng tira-tira galing sa mga matataas na staffs lalo na kung during working hours ko. Hindi naman kasi masarap ang hinahain sa ‘min do’n. Kinukurap kasi ng butler ang budget galing sa kataas-taasan. Iyan ang balitang nasagap ko dahil kanin lang at papiranggot na ulam ang pinapalamon sa ‘min. Wala naman kaming magagawa. Sana tuluyang malagas ang lahat ng buhok ng panot na ‘yon dahil mas’yadong malupit. Pagkatapos kong kumain, wala na talaga akong lakas para maligo kaya natulog talaga ako. Bagsak na bagsak ang katawan ko sa kama. Natulog akong naka-dapa, nagising akong ganoon ang posisyon ko. Ala sais, dapat nandoon na kami sa villa. Alas kuwatro pa lang, mulat na ang mga mata ko. Inasikaso ko ang sarili ko. Nag-saing para sa mga palamunin at pinagluto ko sila ng ulam para hindi ako mabungangaan. Kumain na rin ako bago umalis. Para makarating sa isla, bumili ako ng ticket para makasakay ng bangka at mga 15 minutes lang ang tinatagal bago ako nakarating doon. Nagmamadali na ako dahil kahit isang segundo kang late, sisingilin ka pa ng panot. Akala mo naman ikakamatay n’ya. “Miss Fiacra, you are late again!” Ganiyan ang bungad n’ya sa ‘kin na’ng nahihingal akong pumasok sa loob. Nandoon na ang mga kasama ko at ako lang yata ang late this time. “Pasens’ya na,” kalmadong tugon ko. Lumakad na ako palapit sa mga katrabaho kong naka-fall in line. Huminto ako sa kaliwang dulo ng linya nitong second row. “Psst… may bisita raw tayong dadating kaya makinig ka,” bulong sa ‘kin ni Jessie. Nahihikab akong tinitigan ang panot. May hinahalungkat s’ya sa clip board n’ya. “Kaya ba pinalinis sa ‘tin ang buong villa kahapon?” “Oo.” Natawa ako ng pagak. “May naka-afford ulit na mag-bakas’yon sa walang kuwentang lugar na ‘to? Sa loob ng isang buwan, malaki na ang tatlong boysita na mag-s-stay dito. Sa mahal ba naman ng bayad... mga mayayaman lang talaga ang makaka-afford dito,” pasimpleng bulong ko. “Sana naman, binata ang guest natin. Lahat ng mga pumupunta rito, mga mayayaman nga pero may mga asawa na. Hindi ko naman puwede landiin dahil kasama nila sa bakasyon ang babae. Halos lahat… kasado na.” Pangarap ko talagang makatagpo ng matandang mayaman madaling mamatay. Easy money, kumbaga. Wala pa akong nahahanap. Kailan kaya mangyayari 'yon. “’Wag kang umasa. Nasilip ko sa folder ni Sir Simon kanina na… forty seven na ang guy. Sa tingin mo ba, walang asawa ang gan’yang edad?” “Halata namang meron dahil mas’yado na’ng lagpas sa kalendaryo,” sagot ko. “Hindi kayo titigil na dalawa?” Nagulat na lang ako na’ng nagsalita ang panot. Tinikom ko agad ang aking bibig at maging si Jessie. “Lakasan n’yo pa, hindi namin naririnig,” he said sarcastically. Niyuko ko na lang ang ulo ko dahil tinawanan kami ng mga katrabaho ko. Hindi ko napansin na ang lakas pala ng bulungan namin. “Anyway, we have a guest arriving today. His name is Gideo Verno, 47 years of age—“ “Sir, single po ba s’ya?” tanong ko agad na’ng inangat ko ang ulo ko. Taas noo naman akong tinitigan ng panot. He smiled at me. “Rather not to say.” Na’ng binalik n’ya ulit ang buong atens’yon sa clipboard, I rolled my eyes. “First, we have to welcome him properly at the rooftop. Jessie and Devillaine will accompany him to the VIP room.” Hindi ako excited dahil sigurado naman akong taken itong guest namin. “Let’s proceed to the rooftop now. In a few minutes, darating na ang helicopter,” pormal n’yang utos. Sinunod namin ang panot. Sa malawak na roof top nitong villa, luminya ulit kami ng maayos doon habang naka-tayo ng tuwid at bahagyang naka-yuko ang aming mga ulo na para bang kagalang-galang ang nilalang na darating. Nag-hintay pa kami ng mahigit sampung minuto hanggang sa may narinig na lang kaming ingay ng helicopter na papalapit sa aming lokasyon. “No sudden movements. Lower down your heads. Our guest has arrived,” iyan ang sunod-sunod na bilin ng panot kahit alam na namin ‘yan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD