CHAPTER 2

1480 Words
KAHIT palakas ng palakas ang ingay na sinabayan pa ng mala-signal number one na hangin, umakto kaming mga statwa. Na’ng maka-landing na ang helicopter, hindi ko napigilang inangat ng konti ang aking ulo dahil naka-talikod naman ang panot sa ‘min. Sa ‘di kalayuan, nasilayan ko ang itim na helicopter. Sobrang ingay ng elisi. Na’ng makita kong pa-slide na bumukas ang pinto, zinoom-in ko agad ang paningin ko para masilayan kung anong klaseng lalake ang lalabas. “Oh, Maria napuno ka po ng grasya…” rinig kong mahinang usal ni Jessie. Kahit ang sakit sa mata ng hangin, hindi na ako naka-kurap pa na’ng makita ko ang isang matangkad at matipunong lalakeng lumabas sa helicopter. Naka-suot s’ya ng black formal attire. Parang malalaglag ang kung anong puwedeng malaglag sa ‘kin dahil biglang luminaw ang mga mata ko at ngayon lang ulit ako naka-kita ng guwapo! From this moment, tila naging binoculars ang mga mata ko. The man is so fuçking handsome! Kahit balot na balot s’ya sa suit n’ya, sa tindig pa lang, alam kong ang ganda ng katawan nito! Nasanay na kasi akong puro malalaman ang mga mayayamang guest. ‘Yong malalaki ang tiyan pero itong dumating, parang nasa mga twenty five plus years old lang! “Welcome to our island, Boss Gideo!” At sinalubong s’ya ng panot. Habang pasulong ang guest, hindi ko talaga sinubukang ikurap ang mga mata ko. He has a tan skin, charming face, and a physically fit body. Gan’yan lang muna ang description ko dahil wala pa s’yang close up sa ‘kin. I can't wait to see more. “Hala… s’ya lang mag-isa?” nagtatakang tanong ni Jessie. “Paalis na ang helicopter pero walang dumating na babae.” Oo nga ‘no? Paangat na ulit ang helicopter na sinakyan n’ya at wala nga s’yang kasama. Doon kuminang-kinang ang mga mata ko. “Baka hindi sumama ang asawa?” Nawala naman kaagad ang sigla ng mukha ko sa sinabi ni Jessie. Magpoprotesta pa sana ako pero may punto naman s’ya. Oo nga naman, baka nagpaiwan. “Thank you for coming, Boss!” Lumayo na ang helicopter at hindi na namin gaanong naririnig ang malakas na ingay ng elisi. Napa-focus kaming lahat sa guest na kaharap ng panot. Grabe, ang tangkad. Tinitingala s’ya ng butler namin at naka-baba naman ang tingin n’ya. “It’s been five years since my last visit here.” Umawang ang bibig ko. Ang ibig sabihin, naka-punta na s’ya rito dati? Pero sa mga panahong ‘yon, hindi pa ako nagtatrabaho rito. “Enjoy the island, Boss,” magalang na sambit ng butler at kinuha ‘yong itim na maletang kapit-kapit ng guest. I didn’t notice that he was dragging something. “Yes, I will be delighted.” Shet, ang lalim, malumanay, at ang ganda-ganda ng boses. Kinikinig ang pantog ko. Kung pwede sanang tumili, kanina ko pa ginawa. “Girls!” Our butter snapped his fingers. We stepped forward. Nag-lakad kami ni Jessie palapit sa kanilang kinaroronan. Tumigil kami sa likuran ng panot. “Bring this suitcase to the VIP room—“ “No, just let them follow me and I will carry my suitcase.” Napansin kong sabay kaming napa-tikom ng bibig ni Jessie. Ang gentleman naman. This man is a walking green flag already. “Oh, well then… you heard him, girls,” tugon ng panot na’ng saglit kaming hinarap. “Yes, Sir,” malumanay kong tugon. Kinuha ng guest namin ang kan'yang maleta. “This way, Boss.” Naunang nag-lakad ang butler na agad s’yang sinundan ng guest at doon kagaad kami bumuntot. Kumurap-kurap ako ng ilang beses dahil parang 20x yatang naging malinaw ang mga mata ko. Habang tinutungo namin ang exit, kinagat ko ng mariin ng ibabang parte ng labi ko. I was staring at his sexty back. At his age, he has a nice manly ass. Hindi ko inalis ang kumikinang kong mga mata sa likod n’ya. Tinititigan ang puwedeng mahagip ng aking mga mata. Sumakay kami ng elevator pababa sa floor 5 kung saan ang private room. “Take good care of our guest,” bilin sa ‘min ng panot bago n’ya sinara ang pinto. Biglang tumahimik ang paligid. Naka-talikod sa ‘min ang guest habang ginagala ang kan’yang paningin sa bawat sulok ng malawak na kuwarto. Ang angas ng kuwartong ‘to dahil may pool pa sa balcony at ang favorite spot ko, ang bathroom. Naka-dalawang ulit ko ‘yong nilinisan dahil pinaulit sa ‘kin ng panot. Malinis at pulido naman ang pagkakalinis ko pero gumaganti lang ‘yon sa ‘kin sa pagiging late ko. “Thanks for showing my room, ladies. This room has some changes but I like the improvement.” Hinarap n’ya kami. Ang gaan n’ya naman mag salita. ‘Yong tipong boses pa lang, kinikilig na ako. Ang hirap pa naman pigilan ang kilig. Parang nagpipigil lang ng ihi. “Do you want something to drink, Boss?” I never used an innocent tone of my voice. Ang pormal ko mag-salita na tila hindi maka-basag ng pinggan pero sa totoong buhay, ang gaspang ko makipagusap. Ang guwapo ng bisita namin kaya dapat, magpakitang gilas na agad ako kahit hindi ako sigurado rito. “Coffee or tea?” Mas’yado pang maaga para maging kaswal. Bahagya pa ring naka-yuko ang ulo ko. “Coffee. Thank you… uh, Devil…laine... Did I pronounce it correctly?” Saglit kong pinikit ang mga mata ko dahil binanggit n’ya ang pangalan ko. May name tag kasing naka-pin sa kaliwang dibdib ko banda. “Yes, boss. I am Devillaine Romo Fiacra,” pakilala ko para tatatak sa isip n’ya ang buong pangalan ko. “Nice meeting you, Devillaine.” Parang lalabas ang nagwawala kong kaluluwa na’ng nilahad n’ya talaga ang kanan n’yang kamay. Kinagat ko ng likuran ng lower lip ko. Tinititgan ko ang maugat at malaki n’yang kamay. May kalakihan ang mga daliri n’ya kumpara sa ‘kin tapos ang haba pa. “Nice to meet you too, Boss.” At nakipagkamay na ako. Lalo ko pang diniinan ang pagkakakagat sa labi ko na’ng maramdaman ko ang kakapalan ng kan’yang palad. Mainit-init at med’yo magaspang pa. “So, how long you guys have been working here?” tanong n’ya sa ‘min pagkababa ng aming mga kamay. “Noong 17 years old pa ako, Boss. Twenty na ako ngayon. Nagulat nga po ako dahil naka-punta na pala kayo rito pero hindi pa ako nag-w-work dito that time…” marahang usal ko. Shit, gustong-gusto kong titigan s’ya sa mukha. “Oh, you are already working at that young age.” Tumango ako. “Kailangan po eh. Sa hirap ba naman ng buhay ngayon…” mahinang usal ko sabay isinabit ang ilang hibla ng aking buhok sa kaliwang tainga ko. “You are right. Don’t worry, magbibigay ako ng tip but bring my coffee first.” Parang pumalakpak ang mga tainga ko na’ng marinig ang magic words na ‘yon na hindi ko narinig ilang buwan na. Doon napa-angat ang ulo ko. “T-Talaga po?” My heart wants to explode when I see his face. Hindi nagkakamali ang mga mata ko. Sobrang guwapo. He has a deep black iris, sharp-almond shaped eyes, a pointed nose, thick sexy lips—especially the lower part and… he has well-carved jawlines. Sa talas ng aking mga mata, nakikita ko pa ang balbas n’yang patubo pa lang. Kaka-shave lang n’ya siguro dahil may bakas pa ng nangingitim na buhok sa panga n’ya banda pati na rin sa chin n’ya. He is so freaking gorgeous up close. Kahit hindi n’ya na ako bigyan ng tip basta’t hayaan na lang akong masilayan ang mukha n’ya araw-araw. “Boss, kung hindi n’yo po mamasamain… kakapalan ko talaga ang mukha ko para itanong sa ‘yo po ito…” Kumurap ako ng ilang beses na’ng nag-salita si Jessie. “You can ask me anything,” he said confidently. “May… asawa na po ba kayo?” Taos puso akong nagpasalamat sa katapangan ni Jessie dahil inunahan n’ya pa talaga akong itanong ‘yan. “I usually don’t answer a personal question but since kasasabi ko lang na puwede akong tanungin ng kahit ano… My answer is…” Napa-focus ang lahat ng atens’yon namin sa Boss. “I never had a girlfriend.” Doon namilog ang mga mata ko at muntikan na’ng umawang ang aking mga labi. Natahimik kami sandali. “Bakit po, Boss? Imposible namang wala?” pangungulit pa ni Jessie. “Just because I don’t want to. I have a lot of responsibilities. I don’t even have enough free time for myself. I don’t mind kung papanaw akong walang asawa.” Super duper ultra mega jackpot! Niliitan ko ang aking mga mata. Unti-unting gumuhit ang ngisi sa aking mga labi habang pinagmamasdan ang guest namin. Target locked. He’s the one. I will make him mine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD