CHAPTER 10

663 Words
NAGTATAKA sina Jonas at Bella nang makita ang madaming pulis sa bahay ni Owen. Nilapitan ni Jonas ang isang pulis upang magtanong. “Boss, ano pong meron sa loob?” “Natagpuang patay at naaagnas na ang bangkay ng may-ari ng bahay.” Maya-maya nga ay isang bangkay na nalagay sa stretcher ang inilabas mula sa loob. Natatakpan ito ng puting kumot na may mantsa ng dugo. Halos magkakapanabay na nagtakip ng ilong ang mga usyuso nang maamoy nila ang nakakasulasok na amoy na nagmumula sa bangkay. Hindi naman maipinta ang mukha ng iba habang ang iba ay umalis na dahil hindi nila maatim ang mabahong amoy. Agad na sumakay ng kotse sina Bella at Jonas at nilisan ang lugar na iyon. Dapat na silang kumilos kaagad. Alam nilang isa na sa kanila ang susunod kay Owen! HINUBAD lahat ni Bella ang saplot sa katawan. Binuksan niya ang shower at itinapat ang katawan sa tapat ng dutsa. Aaminin niya, natatakot siya sa mga nangyayari ngayon. Ang pagkamatay ng magkasunod ng dalawa niyang kaibigan ay hindi aksidente. Alam niyang may kinalaman ito sa nangyari noon sa kweba. Si Ezana o si Maya. Malakas ang kutob niyang si Maya ang pumatay sa mga kaibigan niya. Malamang ay naghihiganti ang kaluluwa nito sa kanila dahil trinaydor nila ito. Pinatay na niya ang shower at kinuha ang nakasampay na twalya. Pinunasan ang basang buhok at nagtapis ng katawan. Papalabas na sana siya ng banyo nang mapatingin siya sa salamin sa banyo... IBINUGA ni Jonas ang huling usok ng sigarilyo niya. Itinapon niya ang upos malapit sa paa niya at pinatay ang sindi noon sa pamamagitan sa pagtapak dito. Nasa harapan siya ng mansion ni Rodoro Madrigal dahil napag-usapan nila ni Bella na nakawin na lamang ang tiara of Ezana. Kung hindi nito ibibigay sa kanila ang hinihingi nila, pwes, nanakawin nila! Buhay nilang mag-asawa ang nakataya at hindi siya papayag na mamatay katulad nina Owen. Alam niyang mapanganib ang gagawin niya pero mas mahal niya ang kanyang buhay. Kanina pa siya nakatanaw sa malaking bahay ni Rodoro. Naghihintay lang siya ng magandang tiyempo at kikilos na rin siya. Nalaman niyang sa pagmamanman niya nj isa lang naman pala ang guwardiya nito kaya di na siya mahihirapan. Hinihintay niyang makatulog ang gwardiya. Tiningnan niya ang oras sa pambisig na relo niya. Alas dos na ng madaling araw at tila walang balak na matulog ang gwardiya. Kitang-kita ni Jonas na nasa loob ng kotse ang pagbabasa nito ng dyaryo. Naiinip na siya at di na niya kayang maghintay pa. Gagawin na niya ang ikalawa niyang plano. Bumaba siya ng kotse at lumapit sa gate ng bahay ni Rodoro. Alertong lumapit sa kanya ang gwardiya. “Sino ka?” Agad siyang tinanong ng gwardiya. “Boss, magtatanong lang. Nasiraan kasi ako ng sasakyan,” pagsisinungaling ni Jonas. “Itatanong ko lang kung saan ang pinakamalapit na talyer dito.” “Medyo malayo pa. Sa labas pa ng subdivision ang alam ko,” sagot ng gwardiya. “Ganun ba, boss? Paano na kaya 'to, kelangan ko pa namang makauwi ngayon kundi lagot ako sa misis ko,” naglabas si Jonas ng sigarilyo at may kinapa sa bulsa. “May lighter ka ba, boss?” tanong ni Jonas. “Meron. Sisindi ka ba?” “Oo.” Inilabas ng guwardiya ang lighter mula sa bulsa nito at sinindihan ang sigarilyo ni Jonas. Mabilis ang naging paggalaw ni Jonas. Lumusot ang kamay niya sa rehas na bakal ng gate at ipinulupot niya ang kanyang braso sa batok ng guwardiya upang di ito makapalag pa. Mula sa bulsa ay hinugot niya ang panyong may pampatulog at tinakip niya ito sa ilong ng guwardiya. Tulog na tulog at walang malay na bumagsak sa sahig ang guwardiya. Hinila niya papalapit ang katawan nito at kinuha ang bungkos ng susi sa tagiliran nito. Nang mabuksan niya ang gate ay itinago niya muna ang katawan ng guwardiya sa guard post. Nakangiti niyang tinungo ang main door ng mansion...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD