Until the world to an end (chapter 5 - alone)

1631 Words
Until The World To An End Chapter 5 "Ayan! mag tubig kalang, ako nalang mag Sho-shot para Sayo!" Sabi ni Hazel at ininum Ang alak na nasa baso. Oo nag iinum kami ni Hazel, pero ako tubig at Siya alak. Siya nalang daw iinum dahil bawal nga sakin Ang alak Kasi nga sa buntis ako. Iinum daw kami para gumaan daw Ang pakiramdam ko kahit papano, niyaya Niya ako uminum pagkatapos ko umiyak ng umiyak. "Anong Plano mo ngayon?" tanong sakin Hazel. "diko alam." sagot ko. "kung nung una palang na nahuli mong may iba siya ay makipag hiwalay kana nun, di wala ka na ngayong problema." Sabi ni Hazel. "Kung Hindi ako nag kakamali sa pag kaka alala, wala pa kayong isang buwan na magkarelasyon ng mahuli mo siyang may ibang babae diba?" Sabi pa niya. Oo, Tama lahat Ang sinasabi ni Hazel, nung magkasintahan pa kami ni Mike, nahuli ko na siyang may ibang babae, pero hinayaan ko dahil ang rasun ko nun, sa wala pa akong ipag papalit Kay Mike. Seguro nga, Karma to sakin, dahil nun, noong dalaga pa ako, pinag lalaruan ko lang ang damdamin ng mga lalaki, sasagotin ko Sila at hihiwalayan after 3 days or 1 week, hihiwalayan ko Sila sa walang dahilan. Play time lang ako nun, dahil nag hahanap lang Naman ako ng mag mamahal sakin na inaasam-asam ko. Hindi ako sumagot sa sinabi ni Hazel. Nanatili parin akong tahimik. "tapos, Nung nagtagal kayo, every monthsary neyo, Ikaw Yung gumagastos. Nereregaluhan mo pa." Tuloy na Sabi ni Hazel. "Kusa ko yon, at diko Yun isusumbat, dahil kusang bigay ko Yun, di Naman Niya hinihingi. Saka Hindi ako nag aasam ng kapalit." Sagot ko. "ah! so dun Tayo sa hiningi Niya. Ano na ulit Yung hiningi Niya Sayo na binigay mo din, at tapos makikita mo sa Isang babae na naka suot dito?! - ah! Tama! Yung jacket na nagkakahalaga na 500. Tapos Nung tinanong mo Siya kung sino yong babae Sabi Niya tropa niya, na nagustuhan Niya Yung jacket at hiningi Neto kaya binigay Niya Kasi tropa niya, pero ng tanongin mo Yung babae sabi Niya ex Niya si Mike, at 2 weeks lang daw na naging Sila." Pag kukwento ni Hazel. Tapos bigla etong tumawa. Kaya tinignan ko eto ng masama. "HAHAHAHA!! sorry bestie ah! natatawa lang ako sa kakagahan mo! samantalang Ikaw nun nag kakaroon ng ex ng mga two weeks, one week ang tinagal ni piso dika nanghingi saka nila. HAHAHAHA!! Natatawa lang ako sa naiisip ko, ano Yun? may halaga Sila sayo, pero para sakanila walang kang halaga? HAHAHAHA. Biroin mo diba, ni Isa sakanila wala kang natangap kahit Isang bulaklak man lang HAHAHA." Sabi pa ni Hazel at tumatawa tawa pa eto. "Sege lang, sabihin mo lahat ng mga katangahan ko, Lalo na Ang katangahan ko Kay Mike, sabihin mo na din mga naibigay ko Kay Mike para maikompara ko sa isip ko at ng saganun Maka pag isip ako. Maka pag desisyon ako." Sabi ko an medyo pagalit. "grabe Naman to, nagagalit agad! Sorry naman. Pero sege! ipapa alala ko Sayo Ang mga katangahan mo Kay Mike ng saganun Iwanan mo na Siya." Sagot Naman ni Hazel. Tinignan ko eto ng masama. Pero ang babaita, tinawagan ako. "HAHAHAHA Ikaw na nga tinutulungan, Ikaw pa tong Galit. HAHAHAHA" Nirolyohan ko eto ng mata, Hindi ko Kasi alam kung gusto ba ako tulungan o inisin lang. "Sege, eto seryoso." Sabi Niya, at nag seryoso nga eto. "Isipin mo sarili mo, isipin mo Ang kapakanan mo at Ang anak mo. Isipan mo mabuti Ang desisyon mo, kung eto ba ay makakabuti o Hindi. Kung bibigyan mo ng chance si Mike, dalawa lang Ang pwede Mangyari, pwede na mag Bago si Mike sa chance na ibibigay mo or pwede rin na Hindi Siya mag Bago." Sabi ni Hazel. "Sa sitwasyon mo kasi Ang hirap mag desisyon kasi may involve na, may Bata na Kasama, kung walang batang involve Ang dali lang ehh! Ang dali lang mag desisyon, pero my involved eh! Mahirap." Sabi pa Neto. "kung ganito. Kung may pamilya Kang susuporta Sayo at gagabayan ka, kahit wlang Mike sa Buhay mo, sa Buhay neyong mag ina, okey lang eh!. Okey lang na walang Mike, Basta andiyan Ang pamilya mong naka suporta Sayo." Tuloy pa Neto na Sabi. -Kaso, Hindi ko alam kung susuportahan ba ako ng pamilya ko, ganong sinabihan ako ma Wala akong matatangap na tulong mula sakanila.- Sabi ko sa aking isipan. Nag isip isip ako. Inisip Kong mabuti Ang mga sinasabi ni Hazel. "Uuwi muna ako bukas samin." Sabi ko. Uuwi Muna ako samin at sabihin sa pamilya ko ang sitwasyon ko, baka sakaling matulungan nila ako at mapayuhan. "Tama yan!" pag sasang-ayon ni Hazel. "Tama na umuwi ka Muna sainyo, baka sakaling tulungan ka at mapayuhan ka ng pamilya mo." Sabi pa Neto. Pareho talaga kaming mag isip ni Hazel. Medyo gumaan Ang pakiramdam ko kahit papano. Kinaumagahan, umuwi ako samin. Gusto ko muna mag pahinga, gusto ko ng kakampi mula sa pamilya ko. Nang dumating ako sa aming bahay, nadatnan ko sa Sala si mama. Nag Mano pa ako sakanya Bago ako nag tungo sa kwarto ko. Pero Bago ako makahakbang papuntang kwarto ko, nagsalita si mama. "bat ka umuwi? bakit ka andito." Sabi ni mama. Teka, bawal na ba ako umuwi samin, anak din Naman nila ako, tahanan ko din eto diba, bakit Ganon nalang Ang tanong sakin ni mama. "Nag day-off po Kasi ako, pero Mamaya babalik din ako doon. Dun Po ako matutulog." sagot ko. "Buti Naman Kong Ganon." Saad ni mama. "ma! bakit?" Sabi ko. Hindi ko alam bat ko yon nasabi, Ang dating Kasi sakin ng pananalita ni mama parang ibang tao ako. "Anong bakit?" takang Sabi ni mama. Huminga ako ng malalim. Pinigilan ko Ang sarili ko na wag sumagot, wag mag salita. Baka Kasi Kong ano pa masabi ko. "wala Po. Dibale nalang." Sabi ko nalang. Pagpasok ko sa silid, Hindi ko alam bat tumulo agad Ang mga luha ko. Nag uunahan eto sa pag patak. Hanggang sa napa upo nalang ako at isinubsob Ang Mukha ko sa may hita ko. Umuwi ako samin para Maka hanap ng kakampi. Umuwi ako samin para may nakatulong sakin. Umuwi ako samin para Sabihin sakanila Ang sitwasyon ko. Pero, paano ko sasabihin sa kanila? ngayong mukhang ayaw nila akong Makita, ayaw nila ako makasama. Kong ano ano na ang iniisip ko. Bakit? Bakit? Bakit? Yan Ang bigkas ng aking isipan na umuulit ulit. Hindi ko alam, ano ba nagawa Kong kasalanan? parusa ba to sakin? parusa? Saan Naman? parusa na dapat Hindi ko nalang Pinili si Mike, Ganon ba yon? Ano bang kasalanan ko?. Pag mamahal lang Naman Ang hanap po. Pag mamahal ng magulang, pag mamahal ng pamilya ko. Pag mamahal ng taong Pinili at minahal ko. Bakit? bakit? Bakit? Bakit wala ako masabihan sa problema ko? Bakit di ko magawa mag sumbong sa pamilya ko. Bakit wala man lang ako matakbuhan, masandalan at masabihan sa Kong ano nangyayari sakin. Dahil sa pag bungad sakin ni mama. Pinili ko na wag nalang Sabihin sakanila. Dahil sa pananalita niya kanina, alam ko, panigurado ako na masasakit na salita lang Ang matatangap ko mula sakanila. Kaya nag desisyon ako na wag nalang sabihin sa kanila. Pinunasan ko Ang aking mga luha sa pisngi ko. Tumayo ako at inaayos ang sarili ko. Lumabas ako sa silid ko upang mag Tungo sa kusina at Maka inum ng tubig. Habang ako ay umiinom, biglang dumating si mama. "Anong oras ka Pala aalis?" tanong saki ni mama. "Baka mamayang hapon Po ma!" sagot ko. "Okey sege, linisan mo yang kwarto mo at Ayosin mo, may darating na bisita Ang Kapatid mo Dyan Sila matutulog. Nakaka hiya Naman Kong marumi Ang gagamitin nila diba." Saad ni mama. Nainis ako, ano ba ako sakanila? Bat TILA mas gusto nila Ang bisita ng Kapatid ko na andito kesa sa ako yong andito. Kinuha ko ang cellphone ko, at kunwari may binasa ako don. Saka ko sinabi Kay mama na Hindi ko malilinisan at maayos Ang kwarto ko dahil aalis na paala ako. "ha! aalis ka kagad, pinapalinis yang kwarto dahil may bisita yong Kapatid mo. Ang tamad mo talaga, kahit kailan dika maasahan, wala ka talagang kwenta." Saad ni mama. "sorry ma! nag txt Kasi yong kasamahan ko. wala daw Sila Kasama. Di dumating yong mag extra sana sakin." Sabi ko nalang. Saka tinalikuran si mama. Diko alam, Basta naiinis ako. Sana Naman tinanong man lang ako Kong okey lang sakin gamitin yong kwarto ko. Kita Naman sa mata ko na galing ako sa kakaiyak pero diman lang tinanong Kong okey lang ba ako. Ayoko ang sitwasyon ko sa Bahay, kaya nagmadali akong umalis sa Bahay. Bumalik nalang ako sa pwesto. Mag tatrabaho nalang ako, libangin ko nalang sarili ko kesa sa mag mokmok. Tanging sarili ko lang Ang kakampi ko sa panahon Ngayon. Bago ako nagtungo pabalik sa pinag tatrabahuan ko. Dumaan Muna ako sa simbahan at dun, bumuhos lahat ng patak ng luha ko na kakina pa nag pipigil. Hinayan ko lang na pumatak ng pumatak Ang mga luha ko. "ano ba? bakit? bakit ganito? Gusto ko lang sumaya? Gusto ko lang Naman maranasanang pag mamahal na Yan. Gusto ko lang mahalin ako at iparamdam sakin na mahalaga at mahal ako ng pamilya at taong minahal ko." Sabi ko. Walang humpay Ang pag iyak ko, saktong walang katao tao sa loob ng simbahan ng mga oras na Yun. Hanggang sa nahimasmasan ako, at nag desisyon na umalis na sa simbahan. Pakiramdam ko, mag Isa ako. Mag Isa akong hinaharap Ang problema ko. Tama! mag Isa lang ako sa buhay. Tanging sarili ko Kang Ang kakampi ko, sarili ko Kang Ang makakaintini sakin. Mag Isa lang ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD