Until the world to an end
Until the world to an end
Chapter 1
"Mike, buntis ako."
Mahinahon Kong sabi sa kasintahan Kong si Mike.
Tumingin eto sakin, pero umiwas ako ng tingen. Diko alam pero pakiramdam ko nahihiya ako. Pero diko alam san ako nahihiya.
"Ilang buwan?"
Tanging sabi lang ni Mike.
Narito kami Ngayon sa Isang plaza at naka upo sa may lilim ng Puno.
Nakipag kita ako Kay Mike para Sabihin sakanya Ang pag bubuntis ko.
"Isang buwan palang."
Sabi ko uli, pero Hindi parin ako nakatingen sakanya. Nasa malayo Ang tingen ko. kinakabahan Kasi ako. Baka mautal utal ako pag magsasalita ako na nakaharap kay Mike.
"Ganon ba, anong balak mo?"
tanong ni Mike. At kalmado parin etong nagsasalita.
Diko tuloy mawari Kong nasisiyahan siya sa Balita ko o Hindi. Pano ba Naman kasi napaka kalmado Niya makipag usap.
"Ipag papatuloy ko pag bubuntis ko. Palalakihin ko siya."
Tanging sabi ko.
Pareho kami ni Mike na Bata pa, para pasokin ang ganitong sitwsyon. Twenty palang ako at Siya twenty one. Walang Permanenteng trabaho din si Mike, ako? wala din. Pero andito na eto, nangyari na, paninindigan ko nalang. Bahala na Kong ano Ang mangyayari sa hinaharap.
"Okey lang Mike, kung dikapa handa."
Sabi ko uli.
Ayokong umasa na paninindigan niya ako. Masakit isipin oo. Pero parang ganon Kasi nasa isip Niya base sa mga pananalita niya.
Nagulat nalang ako ng biglang kinuha ni Mike ang palad ko at hinalikan eto.
"Bakit?"
Pagtataka Kong tanong.
"Pano mo nasasabi yan, Pano mo naisip na Hindi kita kayang panindigan. Maureen Tayo gumawa diyan, ako Ang ama ng dinadala mo, ayoko lumaki Ang Bata na wala ako sa tabi niya. Hindi mo pwede akohin lahat ng resposibilidad, andito ako Maureen, wag mo naman ako kalimutan. Mahal kita. Mahal na mahal, kaya dito lang ako sa tabi mo kasama ang anak natin."
Mahabang sabi ni Mike.
Nabigla ako sa mga sinabi niya. Dahil oo, buong akala ko, Hindi talaga ako paninindigan ni Mike. Na iiwan niya ako sa ere. Pero hindi pala, Mali ako sa inakala ko.
Sa sobrang saya ko sa sinabi ni Mike, niyakap ko eto ng mahigpit at nag pasalamat.
. . . . . . . . . .
- - - - - - - - - - -
Lumipas Ang Isang buwan, dalawang buwan na Ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis, pero ako at si Mike lang nakaka alam. Diko pa sinasabi sa pamilya ko, Lalo na sa magulang ko. Natatakot Kasi ako, kung ano ano Kasi pumapasok sa isipan ko, na baka itakwil ako or pagalitan, baka di tangapin.
Nag aalangan ako, dahil nung pinakilala ko si Mike sa pamilya ko bilang kasintahan ko. Hindi na eto trinato ng maayos, pinakita sakanya at pinaramdam na ayaw nila eto.
Alam ko Yun na ayaw nila si Mike para sakin dahil sinabi nila mismo sakin. Pero di ako nakinig sakanila, pinaglaban ko si Mike sa pamilya ko.
Kaya ngayon, Hindi ko alam pano ko sasabihin sakanila Ang sitwsyon ko.
"Kelan mo balak Sabihin sa pamilya mo?"
Tanong sakin ni Mike.
Andito kami Ngayon sa Bahay na inuupahan ni Mike, malapit sa pinag tatrabahuan Niya.
" Hindi ko pa alam kung kelan, Hindi ko Kasi alam pano Sabihin sakanila."
Sagot ko.
"Samahan kita mag sabi sakanila, Tayong dalawa haharap sa pamilya mo, Lalo na sa magulang mo. Hindi kita papabayaan."
Sagot ni Mike.
Sa sinabi ni Mike Lalo ako napahanga sakanya. Lalo tuloy ako nahuhulog sakanya. Lalo ko tuloy Siya minamahal. Pinapatunayan lang Niya sakin na mahal na mahal Niya ako.
"Sege. Tayong dalawa Ang mag sasabi sa pamilya ko. Salamat. I love you."
Sabi ko.
"I love you too Maureen."
Sagot ni Mike.
Hinaplos Niya Ang mukha ko at hinalikan Ang mga labi ko. Hanggang sa naglakbay Ang mga palad Niya sa mga parte ng katawan ko.
Hanggang sa namalayan ko nalang na pareho na kaming hubod hubad.
Pinag saluhan namin ni Mike ang init ng Gabi.
. . . . . . . . . .
- - - - - - - - -
Dumating na ang araw na pag haharap namin sa pamilya ko para Sabihin Ang kalagayan ko, Ang pag bubuntis ko.
"Ma. Pa."
Bungad ko pag dating namin sa Bahay namin.
Nasa sala Ang mga eto, tanging Sila Mama at Papa lang ang naroon.
"Sila ate po andiyan po ba Sila?"
Pagtatanong ko pa.
"Wala dito ang mga ate mo, bakit? may kailangan ka ba sakanila?"
Sagot ni Mama.
Tumingin ako kay Mike na hawahawak ang kamay ko. Tumingin din eto sakin at sabay kami lumingon ulit kila Mama at Papa, pero nakatitig na Pala Sila samin at bigla ding tinignan nila Ang kamay namin ni Mike, kaya sa ilang ko sa pagtitig ng magulang ko, bigla ko tuloy napabitaw sa kamay ni Mike.
"Oh! bakit?"
Sabi ni Papa.
"Wala po."
Sagot ko kagad.
"Kung wala? Bat mo hinahanap Ang mga ate mo?"
Pag tatanong ni Papa.
"may problema ba?"
Sabi ni Mama
Muling hinawakan ni Mike ang kamay ko, at tumitig sakin.
"Sege na, Sabihin mo na."
Sabi ni Mike sakin.
Bago ako magsalita muli umupo Muna ako sa bakanteng upuan na nasa harapan nila Mama at Papa.
Sumunod sakin si Mike at tumabi eto sakin.
Huminga Muna ako ng malalim.
"Ma. Pa. Buntis Po ako."
Bigkas ko.
Niyuko ko Ang ulo ko pagkatapos ko mag salita. Pero nakikiramdam ako kung ano Ang magiging reaksyon nila.
Pero napansin ko na nagka titigan lang Sila Mama at Papa.
"Ano pa ba magagawa namin andiyan na Yan."
Sagot ni Papa.
Tumayo si papa at tumungo sa kusina. Oo Hindi nagalit si papa, at Yun lang sinabi Niya, pero ramdam ko na Galit Siya. Mas gugustuhin ko pa ata na pagalitan Niya ako kesa ganitong hindi Siya nag sasalita.
Sumond si mama na tumayo at lumabas Naman si mama.
Hinawakan ni Mike ang kamay ko, na nag sasabing kumalma ako.
"wag ka mag alala, okey lang ako."
Sabi ko at ngumiti dito.
"Dito kalang, ako na kakausap Kay papa."
Sabi ko pa.
Kaya tumayo ako at nagtungo din sa kusina para sundan si papa.
Iniwan ko si Mike na mag Isa sa sala.
"Pa."
Sabi ko ng maabutan ko si papa sa kusina at umiinom eto ng tubig.
"Ano na naman?"
malamig niyang sabi
"Sorry."
Tanging sabi ko. Pero nanginginig ako. Diko alam kung bakit pero nanginginig talaga ako.
"wala na Tayong magagawa kahit ilang beses kapa mag sorry andyan na Yan."
Sagot ni Papa.
"Pa. Ga-"
Hindi ko na natapos Ang sasabihin ko sana. Kasi nag salita muli si papa. Halatang ayaw ni Papa na marinig Ang paliwanag ko.
"Eto lang masassbi ko. Pinili mo Yan Maureen. Pinili mo siya at sinuway mo kami, alam mo na ayaw namin Siya para Sayo dahil wala Kang kinabukasan sakanya, pero nag pumilit kapa rin, sinununod mo Ang gusto mo. Kaya bahala ka sa Buhay mo. Desisyon mo Yan! Panindigan mo. Wala Kang maasahan samin. Dahil Yan Ang pinili mong Buhay."
Mahabang sabi ni Papa.
Umalis si Papa sa tabi ko pagkatapos niyang magsalita. Napa upo nalang ako pagka alis ni Papa. Gusto ko mapaiyak sa sinabi sakin ni Papa. Ang Sakit lang Kasi wala man lang Silang suporta sakin.
Teka, kelan ba nila ako sinuportahan, for the first place, kahit kelan Pala Hindi na Nila ako sinuportahan.
(flashback .. )
.....
- "pa! pwede Po ba ako mag aral ng arts? Yun pong mag drawing. Gustong gusto ko Po Kasi mag drawing."
Naka ngiting sabi ko Kay papa.
Oo, hilig ko mag drawing at gusto ko maging bihasa ako sa pag dadrawing, may special class Kasi sa pinapasukan Kong school at nag tuturo Sila pano mag drawing.
Nag Apply na ako pirma lang ng magulang ko Ang kulang, Kasi may bayad eto monthly. Kaya need pirma ng magulang para sa confirmation na pinapayagan ako.
"kung libre yan sege mag aral ka. Pero kailangan maaga ka umuwi, 4 pm uwian mo diba, kaya dapat 4:30 andito kana."
Sabi ni Papa sakin.
"pa! Yun nga Ang problema, may bayad Po buwan buwan. Pero mura Kang Po 150 monthly Ang bayad. Pero sa uwian makaka uwi Po ako sa tamang oras kasi erere-schedule nila iyon sa schedule ko, para may time Po ako."
Paliwanag ko.
"150 monthly? San Naman kami kukuha Yan ha! pwede ba Maureen, tigil tigilan mo ko sa kakagayan mo, kung ipag pipilitan mo Yan wag kana mag aral."
Sagot ni Papa.
Sa pag uusap namin ni Papa biglang dumating si mama Kasama Ang Kapatid ko na dalawang taon lang Ang pagitan namin.
"Pa! pumayag na si mama na mag aral ako sa theater ha! baka dika pumayag. Wala ng bawian. Don't worry mura lang Po Ang bayad monthly 150 lang Po"
Sabi ni Carina. Ang Kapatid ko. Naka ngiti pa eto na nagsasabi sa papa namin.
"sege anak. Gagawan ni Papa Yan, Basta mag aral Kang mabuti ha."
Sagot ni Papa.
"Teka lang Naman pa! bakit ako Hindi pwede pero Kay Carina pwede?!"
Reklamo ko.
"at bakit Hindi ha Maureen. Mas matalino yang Kapatid mo kesa Sayo. Kaya tumigil tigil ka."
Si mama Ang sumagot.
"hay! Maureen. Mag saing ka nalang mas mabuti pa. Nangg may pakinabang ka din."
Sabi ni Papa.
Wala na ako nagawa kundi Ang sumunod sakanila.
Kahit na iingit ako sa sa Kapatid ko, himayaan ko nalang.
(end of flashback...)
. . . . .
Naalala ko tuloy Ang nangyari noon, Ang Hindi nila pag suporta sa gusto ko. Parang naulit muli Ngayon pero sa ganitong paraan, at sa ganitong sitwsyon pa.
Mas masakit lang Ngayon kumpara noon.
Pinunasan ko Ang mga luha ko na pumatak. At inayos ko Ang sarili ko, para Hindi mahalata na umiyak ako.
Nang mapakalma ko Ang sarili ko Ang Siya ding pag dating si Mike sa tabi ko.
"oh okey kalang ba?"
Pag tatanong ni Mike sakin.
Ngumiti ako sakanya na para bang walang nangyari.
"okey lang ako ano kaba, nag usap lang kami ni Papa. Saka Hindi Siya Galit."
Sabi ko at ngumiti ulit.t
"Segurado ka ha."
Sabi ulit ni Mike.
Tumango tango nalang ako bilang sagot na okay lang ako.
Nag palipas kami ng Gabi sa Bahay, pero Ang lamig talaga ng pakikitungo nila samin, kaya Nagkulong nalang kami ni Mike sa kwarto ko pagkatapos naming Kumain. Syempre may dala kaming pang ulam, pero nakaka Sakit lang ng dadamin na kahit sa pagkain man lang Hindi lang Sila nag panggao na okey sakanila.
Dahil nag luto Sila ng mauulam nila, at Hindi nila inulam yong dala naming ulam.
Tanging ako at si Mike lang talaga Kumain Nung dala naming ulam at pagkain.
Alam ko na ramdam ni Mike ang malamig na pakikitungo nila samin pero Hindi lang Siya nag sasalita, kaya pagkatapos naming Kumain Hindi na kami lumabas ng kwarto. Naroon nalang kami sa loob ng kwarto at natulog.
Kinabukasan maaga kami gumising ni Mike at nag tungo na sa aming trabaho, nag paalam parin kami ng maayos sa magulang ko.
Hinatid ako ni Mike sa pinag tatrabahuan ko at doon nalang kami Kumain ng almusal.
"sarap dito Kumain, Kesa doon sa Bahay neyo."
Sabi ni Mike.
"Mike "
Pag suway ko dito.
"Sorry na Hon. Diko na napigilan."
Pag hingi Niya ng paumanhin.
"Galing kayo sa Bahay neyo?"
Pag tatanong ni Hazel. Kasamahan ko sa trabaho.
"Oo, dun din kami natuog"
Sabi ko.
"ano? nasabi mo na ba sakanila?"
tanong ni Hazel.
Bukod sakin at si Mike alam din Pala ni Hazel, Kasi ka work mate ko siya, malapit din Bahay namin sa, tapos mag kaibigan pa kami ni Hazel, kung sino man nakaka alam sa mga sekreto ko, Si Hazel Yun, dahil Siya lang Ang napagsasabihan ko ng sekreto ko, o ng mga sama ng loob ko.
"Oo."
Mabilis Kong sagot.
"Naku! alam ko na Yan. Hindi Sila natuwa noh! Lagi Naman. Hay naku! Ang hirap maging Ikaw, Buti at kinakaya mo."
Sabi ni Hazel.
"Talagang makakaya Yan ni Maureen, syempre kasama Niya ako."
Singit na sabi ni Mike.
"Tsee! Isa ka pa! pag Ikaw talaga! sinasabi ko na sayo. Mag Tino Tino ka!"
Parangal ni Hazel Kay Mike.
Naging malapit din si Hazel at Mike, at si Hazel lang din Ang nag sasabi ng ganyan Kay Mike.
"matino Naman ako ah!"
Sagot ni Mike.
"tseee!"
agad na sagot ni Hazel.
Isang Tindahan ng mga damit school supplies at iba pa Ang trabaho ko, at kaming dalawa ni Hazel Ang pinag katiwalaan dito, dito narin kami natutulog ni Hazel sa Tindahan. May maliit na kwarto ang boutique At may kusina din at banyo. Kalahati ay Tindahan at kalahati ay Bahay. Ganon Ang style, may mga kasamahan pa kami na Kasama pero 9 am Ang pasok nila at 5 pm Naman uwian nila.
Sa Bahay, Lima kaming magkakapatid at Pang apat ako. Babae kaming lahat na mag Kapatid. Si ate Loraine Ang panganay, Si Rochelle Naman Ang pangalawa. Si ate Leslie Ang pangatlo, At si Carina Ang pang Lima.
May Asawa at anak na Sila ate Loraine, ate Rochelle, at ate Leslie.
Si ate Rochelle ay nasa Malayo Ang napangasawa, kaya wala sa Bahay. Dahil may sarili na etong Bahay sa malayo.
Si ate Loraine Naman ay naroon pa sa Bahay Kasama Ang Asawa at anak Neto. Pero mukhang mag papagawa na din Sila ng Bahay sa mismong katabi ng Bahay dahil may bakanteng lote doon na pwedeng pagtayuan ng Bahay.
Si ate Leslie ay nasa Malayo din may sariling Bahay nadin eto, at sakanilang tatlo si ate Leslie Ang umangat Ang Buhay. Dahil maswerte eto sa napangasawa Niya.