Until The World To An End (chapter 2 - the consequences)

2380 Words
UNTIL THE WORLD TO AN END Chapter 2 Naging maayos naman ang pag sasama namin ni Mike, minsan nagpupunta siya sa pinag tatrabahuan ko, minsan ako naman ang nagpupunta sa apartment niya. Talong buwan na ang pinag bubuntis ko, pero medyo hindi pa eto umuumbok, Hindi pa halata ang pag bubuntis ko dahil sa liit ng tiyan ko. Andito ako sa apartment ni Mike at dito ako matutulog. "Hon." Sambit ni Mike. "Bakit hon?" Sagot ko. "Sinasama ako ni Jerson sa maynila. Nag hahanap daw sila ng kasama doon sa pinag tatrabahuan niya." Sabi ni Mike. "Bakit Hon? gusto mo ba mag punta? gusto mo ba sumama sakanya?" Sabi ko. "Oo sana kung gusto mo lang." Sagot niya. "Bakit ako? Ano kaba, Ikaw Ang sasama doon, Ikaw ang mag tatarabaho Hindi ako. Bakit napunta sakin?" Sabi ko pa. "Ikaw iniisip ko Hon. Malayo Yun, maiiwan kita dito." Sagot Naman ni Mike. "Hon, ano ka ba! okey lang ako. Maynila yun, medyo mataas Ang sahod dun diba, ibig Sabihin nun makakaipon kana." Sabi ko. "Ayos lang ba sayo na magkalayo Tayong dalawa?" Sabi ni Mike. "Okey lang Hon. Maytiwala ako sayo." Sabi ko at sabay ngiti dito. Pero Ang totoo, okey lang ba talaga sakin na lumayo si Mike, Na maiiwan ako mag Isa dito. Hindi bat si Mike ang kalakasan ko. Okey lang ba talaga?! Niyakap ako ni Mike ng mahigpit, at sabay sabing, "Wag ka mag alala Hon. Para Sayo tong ginagawa ko, para sainyo ni baby, para sa future natin. Mag tatarabaho ako dun nang saganun makapag ipon Tayo para sa panganganak mo." Niyakap ko din eto ng mahigpit at Napa ngiti sa mga sinasabi Niya. Tama! Yun nalang Ang gagawin ko. Ang mag tiwala sakanya. Dahil iniisip Niya kami at iniisip Niya Ang hinaharap namin. "Teka lang, kelan ba alis mo? kelan kaba pupunta sa maynila." Pag iiba ko ng usapan. "Eh! Hon bukas na. Sasabay na ako Kay Jerson. Bukas na ng umaga ang alis niya. Sasabay na sana ako." Sagot niya. "Teka lang, Hon. Biglaan Naman ata." Usal ko. "Oo nga Hon. Biglaan nga. Sayang naman ang pag kakataon kung ipag liliban ko muna diba. Saka ergent na nangangailangan Sila Jerson dun sa pinag tatrabahuan Niya." Paliwanag ni Mike. "Sege! Kung Yan Ang gusto mo, di susuportahan nalang kita." Sagot ko dito, Saka ngumiti. Ano pa nga ba magagawa ko. Andiyan na Yan, Saka tama si Mike na sayang Ang pagkakataon. Buti nga Pala at nag punta ako dito sa apartment niya at naisipang dito matulog. Bigla ko naisip na, sinadya Niya ba eto, planado ba or nagkataon lang. Kasi Nung last week pa Niya sinabi sakin na mag punta dito sa araw na eto. Hindi Naman seguro na alam na Niya na alis Siya bukas. Sa pag isip isip ko, bigla ako na alimpungatan dahil sa pag yakap sakin ni Mike. "Bakit?" Bigla Kong tanong. Yong pag tatanong ko ay parang may kaba ako na naramdaman. "pwede bang humirit?" sabi Niya. "humirit Saan?" Takang Sabi ko. "Kung pwede, Mang Hiram Sayo ng pamasahe ko." Sabi Niya. Hm! Yon lang Pala, pero yong kaba ko ewan, abnormal na ata. Huminga ako ng malalim, Saka Siya hinarap. Nakatalikod Kasi ako mula sakanyan ng yakapin ako Neto. "ano ka ba?! wag ka mag alala sa pamasahe mo, bibigyan kita. Saka Hindi yon utang. Mag kaka anak na Tayo, pamilya na Tayo." Paliwanag ko. "sorry hon. Nahihiya Kasi ako Sayo. pero salamat ha! Salamat dahil andiyan ka, Ang swerte ko talaga dahil meron akong Ikaw." Sabi ni Mike. Mapangiti ako sa sinabi Niya. At Mayat Maya ay ay hinagkan Niya Ang mga labi ko. . . . . . _ _ _ _ _ Araw na ng pag alis ni Mike, dun nalang Siya sumakay malapit sa pinag tatrabahuan ko. Dahil malapit Ang pwesto ng pina tatrabahuan ko sa daanan ng bus papuntang Maynila. Kasama din Niya si Jerson na nag biyahe tulad ng Sabi Niya sakin, at dun sa apartment ni Mike Sila nag kita ni Jerson at sabay sabay na kami nag tungo dito. "Mag ingat dito ha, alagaan mo sarili mo, tandaan mo dala dala mo Ang anak natin. Kaya mag ingat ka lagi." Bilin sakin ni Mike. "Opo, mag iingat Po ako at aalagaan ko Po mabuti Ang sarili ko." Sagot ko. "love you" sabi ni Mike "I love you too" sagot ko Sumakay na Ang mga eto Sa bus, pero Bago lumisan Ang bus, dumungaw sa bintana si Mike at kumaway eto, hudyat na nag papaalam. Pag alis ng bus, at diko na masilayan eto, may Kong anong kirot akong nadarama, kinakabahan ako, iniisip ko Kasi Ang kung Anong pwedeng mangyari sa pag lipas ng araw na naroon na si Mike. "ayus din Ang mokong na Yun ah!" Saad ni Hazel. Napa tingen ako Kay Hazel dahil sa sinabi Niya, at nabura din Ang pag iisip ko. "Anong ibig mong sabihin?" Pag tatanong ko dito. "walang pamasahe, Sayo pa talaga hiningi. Kahit 500 lang okey na, pero Ang hinihingi 1k, tapos Ikaw na ewan, 2k inabot. Kala ko ba para sa gamit ng anak mo Yung Pera na Yun, bat mo binigay sa mokong na Yun." Mahabang sabi ni Hazel. Hindi ko alam bat ganito nalang magsalita tong si Hazel patungkol Kay Mike, eh! dati Naman okey Siya Kay Mike, okey din Naman Sila Ngayon, pero pag wala si Mike sinasabi Niya talaga sakin na ayaw Niya si Mike, pero hindi Naman Niya masabi sakin kung anog rasun. "Hazel, pag andon na si Mike makaka pag tarabaho na siya, at yong binigay ko doble pa ang balik." sabi ko. "Lakas ng fighting spirit ah! naku! Dina mag babago yon. Pero sabagay, okey na din seguro na wala Siya dito, na malayo Siya Sayo. Nang saganun Maka pag ipon kana talaga, na wawaldas Ang ipon mo dahil sakanya eh!" usal ni Hazel. "hayy!! Bahala ka nga diyan, Pera mo Naman yan, Saka Ikaw Naman ma momorblema pag walang gamit yang baby mo, Hindi Naman ako." Dugtong pa ni Hazel. Natahimik ako sa unang sinabi ni Hazel, Oo masinop ako sa Pera, Lalo na Ngayon na buntis ako, inaalala ko lang Kasi Ang hinaharap namin ng anak ko. At oo Tama si Hazel, may trabaho Naman si Mike dito, pero ewan ko kung San na pupunta Ang mga kinikita Niya. May pamilya pa namam si Mike pero may ibang pamilya na din Ang Ina Niya, at Ang iba niyang Kapatid ay nagsi pag Asawa na. Patay na Ang ama Neto. Pero diko alam Kong sumosuporta pa ba Siya sa pamilya Niya. Kung sumosuporta, ayos lang Naman sakin, pero diba dapat sabihin Niya sakin para alam ko at Hindi ako magtaka. Hayts! Si Hazel, kahit ganyan yan, ramdam ko na may malasakit siya sakin. Alam Kong mahal Niya ako bilang kaibigan Niya, at syempre bilang pinsan din Niya. Niyakap ko ng mahigpit si Hazel. At tumawa. "Ikaw babaeta ka talaga. Bitawan mo nga ko!" sabi ni Hazel pero mas hinigpitan ko pa Ang pag kakayakap sakanya. At don ay nag harutan kami ni Hazel, kinukurot kurot Niya tagiliran ko, pero Hindi masakit na kurot. Yun yong paraan Niya na pag lalambing Hahahaha. . . . . . _ _ _ _ _ Lumipas pa ang ilang araw at linggo, naging maayos din Naman Ang relasyon namin ni Mike Kahit malayo kami sa isat isa. Dalawang buwan na siya roon sa Maynila, at sa loob ng dalawang buwan yong sinabi Niya na mag papadala Siya sakin para sa pang bili ng gamit ni baby ay wala parin siyang binibigay o ipinapadala sakin. Hindi ko Alam Kong nakalimutan lang ba Niya or sadyang ayaw niya mag Padala, pero hinayan ko nalang at dina nag abala na sabihin Kay Mike or manghingi sakanya. Sa ngayon, Hindi ako nakaka pag ipon dahil hirap din Kasi ako, dahil nang hihingi pa sakin Ang magulang ko ng Pera para sa Bahay, para sakanila. Dina din ako nag rereklamo, kahit alam ko na alam nila na may hinaharap ako. Hindi nalang ako nag salita. Ibinubuntong hininga ko nalang Ang lahat. Pinasok ko eto, kaya paninindigan ko hanggang sa huli. "lakas nun ahh! parang level 3 typhoon" pag bibiro ni Hazel sakin ng Makita Niya akong bumuntong hininga ng napaka lalim. "kanina kapa diyan nag susulat, ano ba yang isinusulat mo?" pag tatanong pa Neto. "gamit ni baby" sagot ko. Kinuha ni Hazel ang papel at binasa Niya Ang laman Neto. "wala ka pang na checheckan? ibig sabihin wala ka pang nabibili kahit Isa?" sabi Neto. "wala pa nga eh! nauubos Ang sahod ko." sagot ko. "wala na nga dito si Mike pero kapos kapa rin." Sabi ni Hazel. "Hazel, alam mo Naman na sa pamilya ko ibinibigay iyon." sabi ko. "bat dika mang hingi Kay Mike, asan na yong Sabi niyang papalitan niya, aba! dalawang buwan na siya roon, limang buwan na yang tiyan mo, ano? walang balak?" pag rereklamo ni Hazel. Binawi ko Ang papel mula sa kanya, at tumayo na. Umalis sa kinaroroonan ko at nag tungo sa kwarto kung San dun kami natutulog. "Teka! Maureen! ayos ka lang ba?" pag pigil Niya sakin. Hindi ko alam kung ano nga ba nangyayari sakin, ng bangitin ni Hazel Ang salitang Ayos lang ba ako, bigla nalang ako huminto sa pag lalakad at biglang tumulo Ang mga luha ko sa kadahilanang Hindi ko alam. Hindi ko din alam Kong ayos lang ako. Humikbi ako, kaya dali dali akong niyakap ni Hazel. "sorry, sorry. I'm sorry" sambit Niya. "bat ka nag sosorry, wala ka Namang ginawang kasalanan." sabi ko. At humikbi muli ako. "okey, Hindi na ako mag sasalita, Ilabas mo lang. Umiyak ka lang, sege lang." sabi Neto. Kaya muli ako umiyak, Hindi ko alam bat ako umiiyak. Basta umiyak nalang din ako, at medyo guminhawa Ang loob ko. . . . . . _ _ _ _ _ Lumipas pa ang ilang araw, at linggo, Okey Naman Ang relasyon namin ni Mike, nangangamusta Siya, tinatawagan Niya ako, Yun nga lang kung tungkol sa pag papadala Niya Hindi namin napag uusapan, di Siya nag papadala para man lang sa pag papa check-up ko or para lang gamit o kakailanganin ng bata. Hindi ko na din binabangit Kay Mike na padalhan Naman Niya ako. Ayoko Kasi isipin Niya na ginagawa ko lang rasun Ang Bata. Ayoko din na isipin Niya na pabigat lang ako sakanya o umaasa lang ako Sakanya. Sabi Naman Niya na nag iipon Naman Siya para samin, Lalo na para sa panganganak ko. Kaya okey na ako doon. Pero may bahagi sa isipan ko na nag sasabi na dapat lang na hingian ko si Mike Kasi anak din niya Ang dinadala ko. Pero may bahagi din sa isipan ko na nag sasabi na huwag nalang, Kasi parang kasalanan ko. Na hayaan ko nalang Kasi ene enjoy na Niya pagiging binata Niya dahil, ilang buwan nalang ay magiging ama na siya, at Hindi na Siya binata, kaya seguro ganyan Siya Ngayon. Kaya hinayaan ko na lang. Hanggang sa Isang araw, dumating Ang kinakatakutan ko. Biglang may nag message sakin, Isang unknown number. At Hindi din Siya nag pakilala kung sino siya. -wag ka manilawa sa mga pinag sasabi ng bf mo Sayo. Niloloko ka niya. may ibang babae Siya dito- Yan Ang laman ng mensahe, kaya nereplyan ko eto. -sino ka? bat mo Siya sinisiraan, bat ka naninira ng relasyon ng iba.- Dali dali din etong nag reply. -dina importante kung sino ako. Ang mahalaga malaman mo Ang totoo.- Nereplyan ko pa eto, -pano kita paniniwalaan kung pangalan mi nga dimo sabhn. pano kita paniniwalaan sa mga sinasabi mo.- -saka pwede ba, tigilan mo kami, Hindi magagawa ni Mike na Lokohin ako at Mang babae. Dahil may anak na kami. At Sabi Niya na mag papaksal kami.- Sabi ko pa. Kahit wala namang nabangit si Mike na pakakasalan Niya ako ay sinabi ko nalang para tumigil Siya sa paninira Niya na ginagawa Niya. Pero Ang totoo, nasasaktan ako sa nalalaman ko, nag dadalawang isip ako Kong totoo ba o Hindi, nag iisip ako paano kung totoo nga na niloloko Niya ako, paano kung Iwan Niya ako, paano kung piliin Niya Ang babaeng Yun, paano kung Iwan Niya kami ng baby ko. Paano na?? Sarit-sari na Ang iniisip ko. Kinakabahan ako. Kaya Naman dali dali ko tinawagan si Mike, naka ilang tawag na ako sakanya pero Hindi parin Niya sinasagot Ang tawag ko. Nag txt muli Yung number na Hindi ko Kilala kung sino Yun. -ga** Pala Siya. Mag kaka anak na Pala kayo pero nang ba babae Siya, mag fefelling binata.- txt Niya. -pwede ba! tumigil kana, alam ko na nag fefeeling binata siya, sinusulit na Niya Ang pagiging binata Niya Kasi ilang buwan nalang magiging ama Niya ng anak ko. Pero Hindi Niya magagawa Ang Mang babae at Lokohin ako.- Reply ko sa txt Niya. -bahala ka kung ayaw mo maniwala, Basta ako sinabihan na kita. Concerned lang Naman ako Sayo, dahil Ang bait mo at Hindi Siya deserve para sayo.- Reply Niya. -saka, nga Pala. para malaman mo andun Siya ngayon sa babae Niya, binilhan pa Niya ng kung ano ano. kahit tawagan mo Siya ngayon di Niya yon sasagotin Kasi busy Siya nakikipag halikan sa babae niya.- Txt pa Niya. At sa huling txt Niya dun ako nang hina, Kasi totoo na Hindi sinasagot ni Mike Ang mga tawag ko. Hindi na muli nag txt Yung number, sinubukan ko tawagan Ang numerong iyon, pero out of coverage erea na eto. At sa puntong iyon, nanghina pa ako Lalo at tuluyan ng bumagsak Ang mga luha ko na kanina pa gusto kumawala. Tinawagan ko muli si Mike pero Hindi parin Niya sinasagot. Ng tawagan ko muli, out of coverage erea na eto. Kaya napa iyak ako Lalo. Sa sobra Kong inis sa nalaman ko tnxt ko nalang Ang Numero na gamit ni Mike, -ano to? Bakit? bakit dimo sinasagot Ang tawag ko. Bakit? totoo ba? totoo ba na may ibang babae ka diyan. Mike Naman pano ako, pano Ang baby natin. Mike!!- Yan Ang txt ko. Kinontact ko muli Ang Number ni Mike pero Hindi ko na eto makontact. Kaya Ang ginawa ko nalang ay Ang umiyak ng umiyak. . . . . . . . . . . .
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD