Until the world to an end
Chapter 3
"Maureen! Maureen! Maureen!"
Naalimpungatan ako dahil sa may yumuyogyog sakin, at tinatawag Ang aking pangalan. kaya dali dali ko minulat Ang aking mga mata, at Nakita ko si Hazel.
"Bakit?"
Tanong ko dito.
"kanina pa nag riring yang cellphone mo, may tumatawag ata."
Sagot ni Hazel.
"Ganon ba, sorry diko namalayan nakutolg Pala ako."
Sabi ko.
"okey lang, naiintindhan ko. Ganyan talaga Ang buntis. Masyadong antukin."
Sabi Naman ni Hazel.
Ngumiti ako dito at nag pasalamat.
'hindi Naman dahil sa buntis ako kaya ako naka idlip, dahil Yun sa kakaiyak.'
Sabi ko sa isipan ko.
Oo nga Pala, naka idlip ako kakina habang umiyak dahil sa nalaman ko.
Dali dali ko din kinuha Ang phone ko para malaman kung sino yong tumatawag dahil nag riring pa eto, nang Makita ko kung sino, Hindi ko alam kung ano Ang magiging reaksyon ko. Dahil si Mike ang tumatawag at naka ilang Missed call na pala eto.
Sinagot ko nalang Ang tawag Niya pero kabado ako. Hindi ko Kasi alam kung ano Ang magiging reaksyon ko.
"hello! ma-mike!"
utal utal Kong sabi.
"ayun! sa wakas at sinagot mo din. Kanina pa ako tumatawag sayo, Hindi mo man lang sinasagot, nag-alala tuloy ako Sayo, akala ko kung na pano kana, kayo ng baby natin."
Bungad agad na Sabi ni Mike.
Nag alala siya? Sabi ng puso ko
Kunwari lang niya yan para bilogin isip mo dahil may kasalanan. Sabi Naman ng isipan ko.
Oo nag dadalawang isip ako kung paniniwalaan ko ba Ang sinasabi Niya o Hindi na nag alala talaga Siya.
"sorry. Nakatulog Kasi ako. Diko namalayan na tumatawag ka Pala, kung hindi ako ginising ni Hazel diko alam na tumatawag ka pala."
Walang gana Kong sagot.
"Ayos kalang ba? bat ang tamlay mo mag salita? okey kalang ba talaga Hon ha?"
pag tatanong Niya ulit.
"Okey lang ako. Ano kaba. Kakagising ko lang diba."
Pang dedenay ko na okey lang ako.
"Sabi mo eh! Siya nga Pala, ano tong txt mo?"
Sabi ni Mike.
Dun ko naalala na may tinxt Pala ako sakanya, at tungkol Yun sa nalaman ko na may iba siya.
"Yun ba? may nag txt lang sakin niyan, kaya tnxt kita at tinawagan Kasi gusto ko malaman mula Sayo kung totoo ba Yan o hindi. Kaso di kita matawagan kanina."
Sagot ko.
"Maureen. Sorry kung pinag alala kita dahil naka ilang beses Kang tawag sakin, pero Maureen, sa maniwala ka o Hindi Wala akong iba. Hindi ko alam kung sino yang nag txt Sayo ng ganyan. Pero Isa lang Ang segurado ako, Hindi totoo Yan."
Paliwanag ni Mike.
Sa sinabi Niya, diko alam kung maniniwala ba ako o Hindi. Nag dadalawang isip parin ako.
"Naniniwala kaba sakin?"
Tanong ulit ni Mike ng Hindi ako sumagot sa sinabi Niya kanina.
"Paniniwalaan kita Kasi mahal kita. Ikaw Ang paniniwalaan ko dahil Kilala kita kesa dun sa nag txt kung sino siya."
Yun nalang Ang nasabi ko.
Bahala na. Wala pa Naman ako nakikita. Saka nalang ako mag rereact kung mismong mga mata ko Ang nakakita sa pang loloko Niya, Saka nalang ako maniniwala pag ako mismo Ang nakahuli, Hindi Yung Sabi Sabi lang ng iba.
"ganito nalang, para maniwala ka. Para mawala yang pag iisip mo na may iba ako. Mas mabuti seguro na bumalik nalang ako diyan."
Sabi ni Mike dahil seguro Hindi Siya kumbinsido sa mga sinabi ko na paniniwalaan ko Siya.
Sa sinabi niyang Yun, na bigla ako. Kung my iba Siya, bakit Niya gugustuhin na umuwi at Iwan Yun diba. Kaya may konteng saya ako naramdaman. At aminado ako na na nawala Ang pag sususpetsya ko na may iba Siya.
"talaga?! gagawin mo Yun? uuwi ka dito para sakin?."
Sabi ko.
"Oo Naman, Sa totoo nga diyan, sobrang missed na missed na kita."
Sabi ni Mike.
Napangiti ako at medyo sumigla.
Pero biglang umepal Ang Isa kung isip at sinabing 'pano kung nag kukunwari lang siya.'
Kung nag kukunwari lamang Siya, nasakanya na iyon. Basta ang importante mahal ko siya, paniniwalaan ko Siya. may tiwala ako sakanya dahil mahal ko siya.
Agad agad ding lumuwas si Mike kinabukasan ng pag uusap namin. Pero para maramdaman Niya na naka suporta ako sa ano Mang gusto Niya, ako pa Ang nag bigay ng pamasahe niyang umuwi.
"alam ko Naman na wala akong karapatan na pangaralan ka o pagsabihan ka. Isa pa, Pera mo Naman yang giangastos mo. Pero Maureen. Parang sobra na ata ginagawa mong pang susuporta sa Mike Nayan."
Sabi sakin ni Hazel.
"500 pesos ay sapat na para sa pamasahe Niya, makaka uwi na Siya nun. Sobra sobra na yang Dalawang libo. San na yong ipon Niya? San na yong halos tatlong buwan niyan sahod? walang natira? at Sayo pa talaga nanghingi ng pamasahe pauwi?? Ayos Niya ah!"
Dagdag pa na Sabi ni Hazel.
Tama lahat sinabi ni Hazel, bakit wala bang sahod si Mike. Lahat ng sinabi ni Hazel ay sinabi ko na din Yan sa sarili ko. Pero ewan ko pag kausap ko na si Mike na papa oo nalang ako sa gusto Niya. Hindi ko kaya mag Hindi Kay Mike. Ganon ko Siya kamahal.
"Sabi Naman Niya na babawi Siya pag uwi niya, babawi Siya dito. Mag tatarabaho Siya para samin."
Sabi ko nalang para manahimik si Hazel. Hindi Kasi Niya ako tatantanan hanggat Hindi ko Siya sinasagot sa mga sinasabi Niya.
Pero Ang totoo, wala namang sinabi si Mike sakin na ganyan. Gusto ko lang Siya umuwi kaya sinuportahan ko nalang Ang gusto Niya na makauwi.
"Hayyy!!! Bahala ka na nga diyan. Buhay mo Naman Yan."
Sabi nalang mo Hazel.
Alam ko Naman nais niya iparating, Yun ay Ang wag akong maging bulag, nakikita Naman na parang peneperahan lang ako ni Mike pero ano magagawa ko, sobra ko siyang mahal. At ama Siya ng anak ko. Ayokong lumaki Ang anak ko na walang ama.
Hindi ko Kasi alam ano sasabihin ko sa anak ko balang araw kung Bakit wala siyang kasamang ama.
"oh! Siya! San na ba daw yang Mike na Yan."
pag iiba nalang ni Hazel sa usapin.
"Dito ba tutuloy o Hindi?"
Dagdag pa Neto.
"bukas nalang daw Siya dito pupunta."
tipid kung Sabi.
Kinabukasan, hapon na ng dumating si Mike sa pwesto. Naka ngiti ako na sinasalubong siya. Habang papalapit eto, pansin ko na hindi eto maka tingen ng deretso,
samantalang tanaw na tanaw din Naman niya ako.
At habang papalapit ng papalapit si Mike sa kinaroroonan ko, Hindi ko alam pero Ang lakas ng kabog ng puso ko, parang may Mali.
May Mali talaga. Pero Hindi ko alam kung ano Ang Mali. Masyado akong kinakabahan na para bang may masamang mangyayari. Ewan dala lang seguro eto sa kapaguran. Diko nalang pinansin at iniba ko nalang ang pag iisip ko, total nasa harapan ko na si Mike.
Niyakap ko eto ng mahigpit, pero Hindi Niya ako niyakap. Nag Yaya agad eto sa loob ng pwesto kaya nadismaya ako dahil Hindi man lang Niya ako niyakap pabalik.
Maka ilang oras Ang lumipas, pansin ko na Hindi eto mapakali habang nag ttxt. Ramdam ko na kabado eto.
Panay tunog ng tunog Ang phone nya hudyat na may mag ttxt din sakanya.
Sakto din nun na nag kukwentohan kaming tatlo nila Hazel, ako at Mike, pero nasa iba Ang fucos neto.
Kaya Naman, tumingin sakin si Hazel at suminyas. Dama din Niya seguro Ang nararamdaman ko. Pareho ata din kami ni Hazel Ang iniisip.
Kaya naman, tinanong ko na si Mike kung sino Ang ka txt Niya at mukhang busy na busy Siya.
Pero "wala" lang Ang sabi Niya.
Suminyas ulit si Hazel sakin, alam ko ramdam ni Hazel Ang nararamdaman ko Ngayon. At Hindi ko din alam San ako nakakakuha ng lakas ng loob at tamang pag iisip dahil, naiisipan kung patayin Ang phone ko at nag pangap na lowbat eto.
"ay! lowbat Yung phone ko. Diko pa narereplyan txt ni ate."
Sabi ko.
Tumingin si Hazel sakin. At alam na Niya Ani gagawin.
"ay! sorry Wala akong load."
agad na Sabi ni Hazel.
"Hon pwede pa txt?"
sambit ko Kay Mike.
Para etong balisa agad ng sabihin ko na makiki txt ako.
Pero bigla nalang niyang sinabi na, "ay! sorry hon kaka ubos lang load ko."
Nagkatinginan kami ni Hazel, at sinabi ko na "ay Ganon ba?"
"Oo eh!" agad na Sabi ni Mike.
"Dual sim yang phone mo diba? alam ko Kasi ako nagbigay Yan sayo." Sabi ko nalang at pilit na ngumiti.
Oo, regalo ko nga Kay Mike Yung phone. Ako bumili kaya alam ko na dual sim Yun.
Nag hihintay ako kung Ano ipapalusot Niya, pag binigay agad Ang phone wala ako dapat ika bahala, pero pag nag palusot ulit Siya, totoo nga Ang kutob ko na may tinatago eto.
"a-ano- ano Ang gagawin mo?"
uutal utal na sabi ni Mike.
"Diyan ko nalang ilalagay yong sim ko, lowbat Kasi phone ko tapos wala ka Namang load kaya ilalagay ko Muna sim ko. Saka Hindi ko din Pala kabisado number ni ate."
palusot ko din. Ewan ko kung San ko nakukuha Ang tapang na Yan, at Malay ko din ba San ko naiisip Ang mga bagay na dinadahilan ko at ginagawa ko ngayon para malaman lang Ang totoo.
"ah! Kasi ano- Kay Hazel nalang kaya."
Palusot Neto.
"Hala bakit sakin? ako ba Ang jowa. Andiyan ka Naman di saiyo nalang. Mag lalagay lang ng sim eh!"
sagot Naman ni Hazel.
"sege na. Bakit may tinatago ka ba?"
Sabi ko kagad.
"wa-wala-wala ah!"
uutal utal na sagot ni Mike.
Pero pansin ko na pinapawisan eto. pero naka totok Naman Ang electricfan sakanya Saka malamig Ang panahon, bat Siya papawisan ng ganyan.
Nang lahat ng mga senyalis ko na may tinatago Siya ay nangyari, nang hihina ako, pero Hindi ko alam bat Ang lakas lakas ko magsasabi ng ganito.
Nahihirapan Ang puso ko. Pero bat matapang ako sa harap ni Mike Ngayon.
Wala ng nagawa si Mike, binigay Niya Ang phone Niya, at sinenyasan ko si Hazel, at alam na alam na Niya ano gagawin Niya dahil kinausap ng kinausap ni Hazel si Mike, Hanggang sa Hindi nila namalayan na wala na ako sa pwesto.
Nag tungo ako sa likod ng pwesto. At dun ko na din chineak Ang phone ni Mike.
Isang lang naman ang ka txt Niya at nag ngangalang Rose eto.
Binasa ko lahat ng Conversation nila, at habang nag babasa ako, Hindi ko namalayan na napa luhod na ako, at umiiyak sa sobrang Sakit.
Tinawagan ko Ang number Niya para ma tiyak ko kung babae ba talaga yong Rose, o baka Mamaya niyan pinag titripan lang ako ni Mike para malaman Niya kung mag seselos ako.
Nag ring...
-hello? babe? bat napa tawag ka?-
Sabi sa kabilang linya at boses babae eto.
Inend call ko eto, dahil Hindi ko na kaya. Hindi ko kaya marinig Ang boses Niya.
babe???
letseng babe!!!
Sa sobrang Sakit ng nararamdaman ko dito sa puso ko, umiyak nalang ako ng umiyak. Gusto ko mag sisigaw pero Hindi ko magawa dahil andito lang ako sa likod ng pwesto kung San ako nag tatarabaho.
Nag isip Muna ako ano sasabihin ko. Dahil Panay txt parin Yung Rose, at tumatawag pa eto.
-babe bat dika nag rereply-
-babe, bat dika nag sasalita kanina-
Yan Ang txt ng babae.
Pinunasan ko Ang mga luha ko sa pisnge ko, at dahil dala ko naman Ang phone ko, dun ko dinail Ang phone number Nung babae, dun ko tinawagan.
-hello? sino to?-
Sabi Niya sa kabilang linya.
-Si Rose ba to?-
Sabi ko.
-oh! yes! I'm Rose. And who is this?-
sagot Niya.
-kilala mo ba si Mike?-
tanong ko.
-of course he is my bf. Teka nga who you ba?, and where's Mike? mag kasama ba kayo? tropa ka ba Niya?-
Sunod sunod niyang Sabi.
-Hindi Niya ako tropa, at si Mike nasa tabi ko. Wag mo ako ingelshing letsye ka! Asawa niya to!-
matapang Kong sabi at Galit narin ako kaya pasigaw ko na etong sinabi.
-oh! so, Ikaw Pala Yung ex gf Niya na walang kwenta. Na habol ng habol kahit wala na kayo.-
Mapang asar niyang Sabi. At Ang babaeta tumawa pa.
- sino may sabi Sayo na wala na kami. Andito nga Siya sa tabi ko. Magkasama nga kami, pano magiging wala kami haa! kung ayaw mo maniwala, tawagan mo number ni Mike!-
Sabi ko at inend Ang call.
Mayat Maya nag txt yong babae
-hey! babe! yong ex mo tumawag sakin, kala ko ba aayusin mo na Yan ngayon, kaya ka andiyan haa! ano ba!-
Yan Ang txt Niya.
Aayosin? ano ibig Niyang sabihin?
sa txt ng babae ay napa isip ako. Anong aayusin, bakit? para Saan?
Ibat iba Ang pumapasok sa aking isipan.
Mayat Maya tumawag Ang babae sa number ni Mike.
Sinagot ko eto,
-hello! babe!-
maarte niyang Sabi.
-bakit??-
sagot ko na kunwari matapang ako. Pero Ang totoo nang hihina ako.
-so Ikaw Yung kanina?-
Sabi niya.
-ngayon naniniwala kana na mag Kasama kami ng Asawa ko, pwede ba tantanan mo na Siya. Oo, Tama ka nag aayos na kami, dahil inaayos na namin tong ginulo mo.!-
Sabi ko at inend ulit Ang call.
Tumatawag pa eto, pero pinapatayan ko ng tawag.
Pinunasan ko muli Ang mga luha ko. Tumayo at nag tungo sa loob ng pwesto, oras na para kausapin si Mike.
Nang makarating ako, Nakita ako ni Mike sa bungad papasok sa loob ng pwesto, halata na balisa eto.
"Maureen!!"
Tawag sakin ni Hazel at lumapit eto sakin.
"Mauna kana mag Tungo sa kabila, dun nalang kayo mag usap. Ako na bahala dito."
Saad ni Hazel sakin.
Base Naman sa mata ko alam na ni Hazel kung Ano Ang natuklasan ko.
Nakatingen sakin si Mike, at tinitigan ko eto, Saka ako nagpunta sakabila, kung San kami nag luluto at natutulog.
Diko namalayan na mag e 8 na pala ng Gabi, Hindi ko namalayan na ganun na Pala ako katagal umiyak at nag mokmok.
Pag pasok ko sa kabilang pinto, umupo ako kagad sa pinaka dine in table, namin at dun umiyak akong muli.
Naka subsub Ang ulo ko Sa lamesa ng may humaplos sa likod ko at may kumukuha ng phone sa may kamay ko.
Alam ko na si Mike Yun kaya dali ko hinawakan ng maigi Ang phone Niya na kinukuha Niya sakin.
"pano mo to nagawa sakin?"
Sabi ko na may panginginig na boses.
Hindi Siya umimik, Niyuko Ang ulo Niya at kumuha ng upuan at tumabi sakin, niyakap Niya Ang baywang ko.
"Ano? sumagot ka!!"
Sabi ko ulit na may mataas na na boses, at patuloy parin sa pag patak ang luha ko.
Hindi parin eto sumasagot. Naka yakap lang eto sakin. Dahil sa ginagawa Niya, mas Lalo ako nasasaktan, dahil Wala man lang akong nakukuhang sagot mula Sakanya.
"Mike! bakit? bakit? bakit mo nagawa to sakin?! lahat binigay ko Sayo, sinuportahan kita sa mga gusto mo. Binigay ko lahat Sayo, pag mamahal ko, buong tiwala ko binigay ko sayo. Ni Wala man lang akong tinira para sarili ko! Alam mo ba yun! ha! Bakit Mike?!! Bakit?"
Mahabang sabi ko habang umiiyak.
Pero si Mike, eto yakap lang ako. Diko alam kung umiiyak ba o ewan.
Mas lalo niya ako sinasaktan sa ginagawa niya. Lalo lang niya pinapabigat Ang kalooban ko.
Para sumagot eto sa mga tanong ko, para makakuha ako ng sagot mula Sakanya, pwenersa ko eto na lumayo sakin.
At nagtagumpay ako, dahil iniangat niya Ang ulo neto at kumalas sa pag kakayakap sakin, at napansin ko na pinahid Niya ang mata niya.
Umiyak ba Siya?
Tanong ko sa aking kaisipan.
"sumagot ka Mike, sagotin mo ko!"
Sabi ko, diko nalang pinansin Ang pag pahid Neto ng luha Niya.
"Bakit Mike? Bakit? sagotin mo Naman ako, gusto ko makakuha ng sagot. Mike! wag mo akong pahirapan."
Pag mamaka awa kung Sabi.
"Sorry."
tanging sagot niya.
"Sorry? Yan lang Ang sasabihin mo?"
Sabi ko.
"Nakilala ko si Rose sa Maynila. Yong nag txt Sayo na number, Hindi ko alam kung sino Yun, pero Isa lang segurado ako Isa sa mga kasamahan ko iyon dun sa Maynila. At yong sinabi Niya Sayo, si Rose Ang tinutukoy niya."
Pag kukwento niya.
Mas lalong pumatak Ang mga luha ko sa nalaman ko. At mas Lalo ako nasaktan na mapag tanto ko na Hindi ako niloloko Nung nag txt sakin.
"tapos ano? iisa Ang tinitirahan neyo ni Rose kaya don kayo nagkamabutihan ganun?"
Sabi ko.
"Hindi, mag katabi Ang pinag tatrabahuan namin ni Rose, dun ko Siya nakilala. Sa Isang fast food chains Siya nag tarabaho na malapit sa pinag tatrabahuan ko."
pag kukwento pa niya.
"Bakit?"
Yan na lang Ang tangi ko nasabi.
"Hindi ko din alam. Nami missed lang kita, Nakita ko sakanya Ang katangian mo, seguro dun kaya ako nagkagusto sakanya."
Sabi Niya.
Hindi ko alam ano sasabihin ko.
Na missed? na missed Niya ako kaya ako niloko? ano Yun??
Hindi ko maintindhan.
"Kahit Naman ako. Sobrang missed na missed kita. Pero dikita hinanap sa iba. Ang babaw ng rasun mo. Missed Naman din kita ahh! sobra sobra! pero diko ginawa yang Ginawa mo."
Sabi ko habang pumapatak Ang mga luha ko.
"Binigay ko lahat Sayo. Sinuportahan kita sa ano Mang gusto mo. Minahal kita ng labis. Binigay ko Sayo Ang lahat at dumating pa sa Punto na wala na akong tinira sa sarili ko! Pinag katiwalaan kita, binigay ko Sayo Ang buong tiwala ko. Dahil sa mahal kita kaya kita pinag kakatiwalaa!"
Sabi ko pa dito.
"alam ko Yun. Ramdam ko na mahal mo ko. Alam ko na mahal mo ko. Alam ko iyon, kaya nga nag sosorry ako Sayo sa nagawa ko. Please, pagkatiwalan mo ko ulit. I'm sorry Maureen."
Pag samo ni Mike, Saka Niya ako bigla niyakap.
Di ako pumalag sa pag yakap Niya sakin. Hinayan ko Siya. Hinayaan ko Siya sa gusto niyang Gawin, dahil Ang totoo, hirap na hirap na ako, Hindi ko alam kung Ano Ang gagawin ko, hindi ko alam ano Ang sasabihin ko. Kaya hinyana ko nalang si Mike sa pag yakap Niya sakin.
- - - - - - - - - - -