Sa laki ng San Felipe University, nahirapan parin si Cave na umiwas kay Sione. Kahit pa sungitan o itaboy nya ito, palaging nagpapansin.
Akala na nga ng ilang classmates ni Cave ay si Sione ang girlfriend na ipinagmamalaki niya.
Minsan pang may nagsumbong kay Cave na ang girlfriend nya raw ay may kaakbay na ibang lalaki.
"She is not my gf. We are close friends back in highschool pero never naging kami." paliwanag nya.
"This is Laureta. Lara for short. Ang ganda nya right?" pagmamalaki ni Cave ng ipakita ang picture ni Lara.
"Yan ang gf mo pre? She looks formal. Bakit yung Nursing Student grabe makahabol sayo?" usyoso ni Ethan.
Ang sanggang-dikit ni Cave sa room na iyon at naiinis madalas kay Sione dahil sa kakatanong nito kapag wala ang kaibigan.
Isip-isip ni Cave, masyadong flirty at uhaw sa atensyon si Sione. Bukod sa alam nyang crush din sya ni Sione nuong highschool sila. Siguro kung hindi ito iniwan ni Jericho, wala sigurong nanggugulo sa kanya ngayon.
.........
Maagang nag-schedule ng Christmas Party ang San Felipe University para sa mga studyante. Ibinalita agad ito ni Cave kay Lara at gusto nya sanang isama ito.
Lara:
"Walang ganun babe. Para lang yan sa mga studyante sa school nyo. Kelan ba yan gaganapin?"
"Sa 17, malapit lang din sa school ang Venue." ang tinutukoy ni Cave ay ang hotel mga 15 minutes away ang layo sa paaralan nila.
Lara:
"Ang galing naman, sa hotel. May isusuot kana?"
Cave:
"Wala pa pero madali lang yun gawan ng paraan. Sa inyo, kelan ba?"
Lara:
"Nasa mga 20 atah. Pina-finalize pa kasi."
Cave:
"Kung wala ka pang isusuot, ibibili kita. Sama ka sakin lumuwas sa siyudad sa Sunday, punta tayo sa mall. Ituturo ko rin sayo ang school ko."
Nanahimik si Lara at alam na ni Cave ang dahilan.
"Hindi ka sasali sa Christmas Part nyo." wika agad nito.
Lara:
"Marami pa kasi akong pinagkakaabalahan. Isa pa gagastos na naman."
Cave:
"Ako na bibili ng damit mo. Kung may bayarin ka, ako na rin bahala. Babe minsan lang to sa isang taon."
Umiling si Lara at humalukipkip. Kilala sya ni Cave. Hindi sya mapipilit kapag ayaw nya kaya iginalang na lamang nito ang kanyang desisyon.
Pero ng araw na iyon, hindi pinalampas ni Cave ang pagkakataon na makasama ng matagal si Lara. Dinala nya ito sa isang private resort lampas sa kanila matatagpuan sa ikalawang bayan. Halos isang oras din silang bumyahe.
"Hindi mo manlang sinabi na pupunta tayo sa ganitong lugar. Ang ganda naman dito Cave."
Mula kasi sa parking ay tanaw na ang magandang accomodation ng resort.
Malalim ang tingin at kunwari ay nakairap si Cave na humarap sa kanya.
"Babe. Sabi ko Babe." pagtatama agad ni Lara.
"Ang sarap pakinggan."nakangiti namang pahayag ni Cave.
Cave:
"Tara sa na sa loob, mas maganda duon. May tatlong malalaking swimming pool siguradong magugustuhan mo."
Naglakad sila papasok at dumaan sa Entrance kung saan binati sila ng bantay. May ipinakita si Cave at itinuro ng lalaki ang isang aircon room na may veranda.
"Enjoy your stay maam and sir." dugtong ng lalaki.
Pinasalamatan nila ito at dumiretso na sa Room 03. Pagbukas ng pinto, namangha si Lara sa gara ng loob nito. Sakto lamang para sa dalawang tao, pero ang ganda at pang mayaman. Ibinaba nya ang mga dala sa makinis na mesang gawa sa kahoy.
Lara:
"Bakit kumuha ka pa ng room kung maliligo lang tayo. Mahal siguro to dapat sa labas nalang. Yung mga mesa duon malapit sa pool."
Cave:
"Relax babe kasama sa payment ang accomodation. Tsaka wag kang mag-alala, kumikita na ako. Hindi galing Kay Daddy ang gagastusin natin. Kayang-kaya natin to bayaran."
"Nagtatrabaho ka na din?" takang tanong nya sa nobyo.
"Not totally nagtatrabaho. Sideline yes. Tinutulungan ko na si Dad sa pagma-manage ng Farm Resort. Then bukod sa allowance, sinasahuran nya rin ako para matuwa daw ako." natatawa nitong paliwanag.
"Nakakabilib ka naman. Hhmm eh di sulitin natin tong room ikaw naman magbabayad eh." sabi ni Lara sabay hagikhik.
"Sinabi mo yan ha! Why not?"
Inihagis ni Cave ang dalang bag sa sulok at hinila si Lara pabagsak sa malambot na kama.
"Cave anong ginagawa mo!" gulat na pilit bumalikwas si Lara mula sa yakap ng nobyo.
"Akala ko susulitin natin itong room. Wag na tayong mag-swimming, magkulong nalang tayo." bulong ni Cave.
Hindi pa nakasagot si Lara ay inangkin na ng mapusok na mga labi ng nobyo ang mga labi nya. Mariin, maalab at sabik na sabik sa kanya si Cave. Kagaya ng una nilang halik, nakakabaliw ang sensasyong dulot nito kay Lara.
Puro smack at nakaw lamang ang halik na nakukuha ni Cave palagi kaya nasabik ito ng husto sa nobya.
Hindi na nagawa pang tumutol ni Lara dahil tinakasan na sya ng lakas. Hinayaan nya na lamang ang sarili na namnamin ang tamis at init ng mga labi ng kasintahan.
Nakapikit sya habang tila dinuduyan sa alapaap at napahigpit ang yakap ni Cave sa kanya. Hindi na nila namalayan na bahagya na silang lumampas sa limitasyon ng kanilang sweetness. Gumapang ang mainit na palad ni Cave sa kanyang balikat pababa sa bewang.
"Naku pasensya na po! Sorry Maam, Sir. Hindi ko sinasadya!"
Mabilis na naghiwalay ang magkasintahan at napatayo mula sa kama. Hindi alam kung saan titingin sa sobrang hiya si Lara. Agad syang tumalikod at inayos ang blouse na nabuksan ang ilang butones.
"Ihahatid ko lang po sana ito. Kakatok naman po sana ako kaso.....bukas po kasi ang pinto eh. Sorry po talaga." nahihiyang iniabot ng staff ang isang menu.
"Ahh...Salamat boss. O-order nalang kami mamaya." si Cave ang umabot sa menu at sumagot.
Namumula sa hiyang pumasok ng banyo si Lara kahit wala pang dalang pamalit.
"Nakakahiya ka naman! Grabe ka Lara!" inis nyang sabunot sa sarili.
Kapwa pa sila nag-aaral. Wala sa plano nila ang gumawa ng kapusukan ng hindi stable ang buhay. Nagkasundo silang dalawa dati na hanggang kiss at yakap lang ang pwede, bawal na ang anumang higit pa roon.
"Babe...magpapalit kana ba? Andito yung bag mo." tawag ni Cave para iabot sana ang bag nya.
Lumabas sya sabay hablot sa bag. Ni hindi nya ito tinignan dala ng hiyang nararamdaman. Natatawang sinundan sya ng tingin ni Cave na tila walang nangyari o nakakita sa kanila.
Sa pool:
"Nagtatampo ka parin ba? Sorry na oh. Lumusong kana dito. Babe!"
Hindi pinansin ni Lara ang nobyo dahil naiinis sya rito. Hindi naman nito kasalanan na may nakakita sa kanila ng ganuon pero ito kasi ang nagsimula.
Paano na kung hindi naiwang bukas ang pinto, baka nakalimot na sila kanina.
Umahon si Cave sa tubig. Lumapit sa kanya sa table at dumukwang.
"Babe, sorry na please. Gusto lang naman sana kitang asarin kanina. Kaya lang nadala ako eh. Pag nag-promise ba ako na hindi ko na yun uulitin, bati na ba tayo?" maamo ang mukhang pakiusap nito.
Hinarap nya ito at seryosong nagsalita.
Lara:
"Basta totoo yan sa loob mo. Alam mo naman na malaki tiwala sa atin ni Tiyang kaya nya ako pinayagan ngayon. At ng mga magulang mo. Dapat nirerespeto natin iyon Cave. Marami pa tayong pangarap. Hindi pwedeng gagawa tayo ng kalokohan tapos sasabihin lang natin sa kanila nakalimot tayo."
"I know. Promise ko sayo, hindi na yun mauulit. Sobrang na-miss kita. Kaya nadala talaga ako kanina and I'm very sorry. Sana magtiwala ka sakin, hindi na yun mauulit. Ayokong magalit ka sakin ng matagal. Please?" hinawakan nito ang palad nya at mahigpit na pinisil.
Napawi naman agad ang tampo ni Lara at tinanggap ang sorry ng binata. Malaki rin kasi ang tiwala nya kay Cave. Isa pa may kasalanan din sya sa nangyari.
Sya na ang unang tumayo at nagpatiuna pababa ng pool.
"Halika na nga. Itong pool na lang sulitin natin." sabi nya sabay saboy ng tubig kay Cave.
Cave:
"Oyyy yung foods mabasa!"
Lara:
"Oops sorry!"
Cave:
"Bawal sorry! Andyan na ako!"
Pumailanlang ang halakhakan nila sa malawak na swimming pool. Kahit mainit ang panahon, may net na humaharang sa init ng araw sa bahaging iyon.
In-enjoy nila ng todo ang buong araw at kinalimutan ang nakakahiyang nangyari. Iyon ang gusto ni Cave kaya hindi nya dinala si Lara sa Farm Resort na pag-aari ng kanyang pamilya.
Kapag naghahatid ng order na pagkain o drinks ang staff na nakakita sa kanila, hindi nalang tumitingin si Lara.
Panay din ang kuha ni Cave sa kanya ng picture. Hindi naman sya nailang dahil halos wala talagang tao sa paligid. Ang suot nya din ay pares ng berdeng rushguard na hapit lamang ng bahagya at hindi revealing.
Nagtatawag pa si Cave ng staff para lang picturan silang dalawa. Nasanay na si Lara sa mga minsang pagyapos ni Cave at madalas na pag-akbay. Mahigpit sya nitong niyayapos sa ilalim ng tubig sabay halik sa ulo o sa balikat. Manaka-naka ay bigla sya nitong sinisiil ng halik sa labi, pero saglit lang.
Alam nyang masyadong sweet ito pero maginuo at hindi lalampas sa napag-usapan nilang limitasyon kanina. Sinusubuan din sya nito at binabalot ng towel kapag umaahon sila sa tubig.
Nang uuwi na sila, para patunayan ang sarili, hindi sumama sa room si Cave ng maligo at magbihis si Lara. Nagpaiwan ito sa pool at hinintay na matapos sya.
"Maligo kana, baka magkasipon kana nyan." tawag ni Lara ng maabutan itong lumalangoy parin.
Humalik pa ito sa pisngi nya bago tumakbo papasok sa room para maligo at magbihis din.
Umuwi silang may baon na masayang ala-ala sa kabila ng nakakapagod na College life at bihirang magkita. Sinulit din nila ang maghapon sa pag-bonding dahil hindi sila magkikita sa darating na Pasko. Babyahe kasi pa Manila ang pamilya ni Cave kaya nagsabi na agad kay Lara.