Kabanata 9

1759 Words
Kagaya ng nakasanayan, trabaho-school-bahay ang destinasyon ni Lara. Napapaisip sya minsan na tumigil na dahil ramdam na ang pagod at nasa ikalawang taon pa lamang sya sa college. Walang financial at moral support galing sa ina, buti meron syang Tiyahin na laging nakaagapay. Habang nasa trabaho, nakatanggap na sya ng update mula kay Cave. Mabi-busy daw ito sa Christmas Party mamayang gabi at tatawag na lamang pag-uwi. Lumakad ang oras, naging abala din si Lara sa paaralan. Manaka-naka ay tinitignan ang cellphone kung may mensahe ang boyfriend. Nakauwi na lamang sya ay hindi nakapag text si Cave. "Tulog kana ba? Napagod ka siguro. Bukas ka nalang mag text. Love you babe." sinend nya ito bago maghanda para matulog na rin. ...... Clinton Hotel - isang magara at malaking hotel kung saan ginanap ang Christmas Party ng San Felipe University. Sa lawak ng venue, pinagsama na ang lahat ng courses. Napakaganda ng set-up. Magara at elegante ang mga dekorasyon. Maging ang mga pagkain ay pang high class. May mga wine na naka display pero kahit mga College na ay pinagbawalan silang uminom. Enjoy na enjoy ang mga estudyante sa sayawan at masayang tugtugan. Nag gagandahan ang mga dalaga sa suot na cocktail dresses habang formal at gwapong-gwapo naman ang mga kalalakihan. Marami ngang leeg ang napapalingon sa mapang-akit na ganda at alindog ni Sione. Mula sa iba't-ibang courses ang humahanga at nanliligaw sa kanya. Pero hindi nya mabighani si Cave anuman ang kanyang gawin. Hindi namalayan ni Cave ang oras dahil sa party. Tawanan, kwentuhan at yayaan sa dance floor. Panay naman ang retouch ni Sione ng make-up para manatiling fresh anytime na magkasalubong sila ng binata. Dahil masayahin at hindi mahiyain, marami ring naging close friends si Sione. Mga nanggaling din sa kilalang angkan at kasing sosyal nya kumilos. Gaya ni Cave, nag-enjoy din sya. Sa party palang ay nagkayayaan na ang grupo ni Cave na ituloy sa labas ang kasiyahan. Dahil bawal ang alak sa loob, ang mga barkada nya ay nakulangan sa enjoyment. Nang matapos nga ang naturang selebrasyon ay gusto na nila dumiretso sa pakay na bar. "I need to go home guys. I left my phone siguradong nag-aalala na ang girlfriend ko." pagtanggi ni Cave habang naglalakad papuntang parking lot ang grupo. "Pre ngayon lang chance natin magkasama-sama sa bar. Sumama kana. Maiintindihan yan ng gf mo." wika ni Brando na syang pumili ng lugar. "Oo nga naman. This our night. Dapat magkakasama tayo." segunda naman ni Harold. "Hindi pa ako nakapag-message kay Lara. Baka nakatulog na yon kakahantay." paliwanag ni Cave. Inakbayan sya ni Ethan at sinabing hiramin muna ang phone nya para makatext o tawag kay Lara. "Mas mabuting tawagan mo nalang, para hindi na sya mag-alala. Tayo-tayo lang naman eh. No girls." dagdag pa nito. Nagkatinginan sina Harold at Brando. Pati na ang dalawa pa nilang kasama. Hindi kasi nila nasabi kay Ethan na may kasama silang mga babae galing sa ibang course. "Okay, i will text her. Thanks Ethan." Dahil minsan nga lang naman ay pumayag na rin si Cave. Nag-iwan nalang sya nang mensahe kay Lara upang hindi na ito magising sakaling natutulog na. Pagdating sa bar, hindi pinapasok kahit hindi na sila mga menor de edad. Halata kasing mga estudyante at walang adult supervision. Mahigpit ang mga bantay at chineck ang kanilang mga id. "Umuwi nalang tayo." yaya ni Cave sa lahat. "Huh? It's too early para umuwi. Bitin naman!" reklamo ni Harold. "I think we can go to my uncle's family lounge. Pero wait tatawag muna ako." suggestion ni Brando. Matapos kontakin ni Brando ang kanyang uncle, maluwag ang ngisi nito na humarap sa barkada. "Let's go guy's! Hop on!" Masaya silang sumakay ng sasakyan upang magtungo sa tinutukoy ni Brando na family lounge. Iisa lang ang sasakyang ginamit dahil sinundo lamang ng mga ito si Cave papuntang hotel. Pati tuloy ang cellphone nya ay naiwan sa garahe. "How about the girl's?" usisa maya-maya ng isa nilang kasama. "Anong girl's?" napalingon naman na tanong ni Ethan. "Mga sexy babes galing sa ibang courses. Lima sila. Gusto nilang mag join sa bar kanina eh. Tatanggi pa ba tayo. Hahahhah" wika ni Brando. Nagtawanan ang magbabarkada. Napatingin naman sa gawi ni Ethan si Cave. Umiling-iling si Ethan para linawin na wala syang alam tungkol duon. Pagdating sa family lounge ng uncle ni Brando, wala ngang tao sa lugar. Tanging ang caretaker na mag-asawa lamang ang naabutan nila at nagbilin na rin daw ang uncle nito na patuluyin ang mga bisita. Matapos magpasalamat at makuha ang susi, pumasok na sila sa malawak na gate. May malaking pool sa garden, may dalawang Villa at ang ganda ng area. Bawat Villa ay kompleto ng gamit, malalaking tv at speakers. Masarap sa mga ang mga eleganteng ilaw na tumatangglaw sa garden. "Sinong gusto na maligo. May mga swimming trunks sa cabinet malapit sa bathroom. Malinis lahat iyon at pwede natin gamitin." ani Brando. "Dapat yata dumaan tayo sa grocery para bumili ng alak Pre." wika ni Zeus. Hindi nila ito kaklase pero close friend nina Harold. "May mga wine naman." sabay turo ni Cave sa mini bar. "It's fine we can drink the wines. Mga imported to ah. Hindi ba tayo pagagalitan ng uncle mo?" tanong naman ni Ethan. "Hindi yan problema pre! Supportive si Uncle sakin. Collection nya yan pero hindi naman bawal inumin." natatawang sagot ni Brando Wala silang dalang pamalit kaya isa-isang kumuha ang mga binata ng swimming trunks sa cabinet. Nawala sa isip ni Cave ang binanggit ng mga kaibigan na mga babae. Naibigay na pala ni Brando ang location at nasa daan na rin ang mga ito. Nagkalat ang kanilang mga kasuotan sa sala. Walang pakialam dahil sila lamang ang naroon at walang magagalit. Bukod sa parehong gwapo ang mga binata, maayos din ang kanilang mga pangangatawan. Kahit sinong babae ay maglalaway kapag nakita sila sa ganuong suot at basa ng tubig. Nagkatuwaan at nagtulakan sa pool ang mga ito ng may ihatid ang caretaker na si Mang Alfonso. Inutusan pala ito ni Brando bumili ng alak sa di kalayuang tindahan. Nagluto rin ang asawa nito ng ilang pulutan gaya ng adobong manok at dalawa pang putahe. "Yes! Wooh! This is life!" Nagtawanan sila sa reaksyon ni Zeus. Ito na rin ang nagbukas ng bote ng beer at inabutan ang bawat isa. Nagpatugtog ng malakas si Brando at nagsimula silang uminom. Nawala na rin sa isip ni Cave si Lara. Hindi pa nauubos ang bawat bote ng beer nila ng dumating ang mga babae. Ang girlfriend ni Harold, girlfriend ni Zeus, dalawa pang galing sa ibang course, at panglima....si Sione. "Sione! What are you doing here!" gulat na tanong ni Cave ng makita itong palapit sa pool kasama ng iba. Si Brando ang agad sumagot at sinabing kaibigan ni Sione ang girlfriend nyang si Maya. Sadyang mautak ang babae. Naghanap sya ng magagamit na tulay upang makadikit sa grupo ng barkada ni Cave. Kinaibigan nito si Maya kahit hindi sila magkaklase. Matamis na ngiti ang agad na ibinungad sa kanya nito at ni hindi nag-response si Cave. Naguluhan sya bigla dahil may kabang naramdaman. Tila nagtalo ang kalooban ng binata kung mananatili ba sya o uuwi nalang. Naisip nya na hindi tama na nasa iisang lugar sila ngayon ni Sione. Naisip nya din si Lara na maaring magalit kapag nalaman ito. Pero hindi na sya nagsalita. Tutal ay marami naman sila, wala naman sigurong mangyayari. Nagpatuloy ang inuman ng mga lakaki habang nagpalit naman ng mga damit ang mga babae. Mula sa cabinet ay napili ni Sione ang pink bikini na revealing ang dating lalo na sa cleavage. Kahit random ang size dahil para lang naman iyon sa mga bisita, hakab na hakab ito sa kanya. Hindi man kalakihan ang dibdib, nang-aakit ang dating at kurba ng kanyang katawan. Tumayo sya sa salamin at napangiti. "Hindi mo to kaya Lara." wika nya sa sarili na tila may naiisip na plano. ...... Sa pool habang wala pa ang mga babae, kinausap ni Ethan si Cave na dumistansya kay Sione. Aniya mag-enjoy lang sila at wag ito masyadong didikit sa babae. Tila ba may nais ipahiwatig ang kaibigan pero inisip lang ni Cave na boto kasi si Ethan kay Lara habang inis naman ito kay Sione. "Pare, baka malasing ka masyado. Mahirap na." bulong pa ni Ethan. "Okay lang ako pre. Loyal atah to." patawa-tawang sagot ng binata. Alam nya ang ibig sabihin ni Ethan. Na baka malasing sya masyado at makagawa ng kalokohan kasama si Sione. Nang bumalik ang mga ito sa pool, naghiyawan ang mga lalaki. Lumapit agad sa mga boyfriends ang dalawa habang naupo sa tabi ni Zeus at Ethan ang dalawa pa. Parehong lutang ang mga kagandahan at kaseksihan palibhasa puro anak mayaman. Hindi namalayan ni Cave na napatulala sya sa babaeng nakatayo sa harap nya. Ang kinis, ang puti at almost perfect. Agad syang siniko ni Ethan sabay tikhim para matauhan. Iniba nya agad ang tingin. "Can i join you?" malambing na sabi ni Sione. Napalunok si Cave at hindi sumagot. Napatungga sya ng alak ng wala sa oras. Natatawa namang tinabihan sya ni Sione. Inagaw nito mula sa kamay nya ang bote at tumungga rin. Halatang sanay uminom ng beer. Sa pagdating ng kanilang mga babae, mas napuno ng tawanan at tuksuhan ang swimming pool. Nakailang bote na sila at nakakaramdam na ng init sa katawan dala ng alak kaya lumulusong sila sa tubig. Kapag umaahon naman ay nagsasayawan at nagkukulitan. Hindi na maikakailang nag-eenjoy ng husto pati si Cave. Tuwing aahon sa tubig si Sione ay napapatitig sya sa katawan nito. Mula ulo, hanggang paa ay naaakit sya. Naparami na din kasi sya ng inom kaya hindi nya na makontrol ang sarili na masdan ito. Lalo na at hindi ganuon si Lara. Para bang na challenge si Cave ngayon. Gayundin si Sione na ngayon lang nakita ang mabalahibo at firm na katawan ni Cave. Nakaramdam sya ng inis sa isiping si Lara lang ang may karapatang humawak sa katawan nito. "Cave, want more. Here." Inabot sa kanya ni Sione ang bagong bukas na bote na ininuman nito ng kaunti. Umupo din ito muli sa tabi nya pagkaahon sa malamig na pool at sinadyang dumikit. Naramdaman ni Cave ang mainit at makinis na balat ng dalaga sa braso nya. "Ang tagal na nating magkaibigan. Ngayon lang tayo nagka-bonding ng ganito." simula ng dalaga. Cave: "Hindi naman natin ito pwedeng gawin nuong high school." Sione: "Yeah. Bahay at school lang palagi. So bored kaya. Now mas na feel ko na masaya, maging malaya. With you." Itutuloy......
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD