Kabanata 3

1381 Words
February 18,1995 Ilang araw matapos ang Senior Prom Night, hindi nagparamdam si Cave kahit sa text. Ilang beses nang nangumusta si Lara pero wala syang narinig na anuman rito. Sa pag-aayos at paglilinis na lamang nya ginugol ang araw na walang pasok. Nalaglag sa librong inaayos ang isang pampletang nagpunta sa kanilang paaaralan nuong isang linggo. Galing sa isang sikat na unibersidad, imbetasyon sa mga bagong papasok na kolehiyo. Napaisip si Lara kung papayagan kaya sya ng ina na mag-college. Ang pagha-highschool nga lang nya ay hindi na nito suportado. Kung hindi pa sya nagkaroon ng sholarship, hindi sya makakapag-aral ng maayos. Napadako ang tingin ng dalaga sa kanyang Diary. Agad syang napangiti at kinuha iyon. Nakaipit pa ang ballpen na ginamit nya magsulat pag-uwi galing sa Senior Prom. Isinulat nya sa Diary ang lahat ng naganap sa Senior Prom, mula sa pag-aayos sa kanya ni Tiya Vina hanggang sa makauwi sya mag-isa. Nakatala rin duon kung paano sya nabighani sa kaibigan na crush nya simula palang nuong second year sila. Napurnada lamang ang lahat ng expectation nya dahil kay Sione. Ngunit hindi nya maikakailang tumatak sa kanya ang gabing iyon dahil sa gwapo at mabangong outsider. "Parang naaamoy parin kita..." mahina nyang usal habang sumasayaw ang isip pabalik sa nakakakilig na first dance at first kiss nya. Tila nag play muli sa kanya ang lahat. Gusto nyang magsabi sa Tiyahin pero nahihiya sya. Nakangiti syang nagpatuloy sa gawain. Matapos maglinis ng buong bahay, nakatulog si Lara. Naalimpungatan lamang bigla ng marinig ang mga boses na nagtatalo sa kusina. "Kapag nahuli sa enrollment si Lara, ikaw ang sisisihin ko!" boses iyon ni Tiya Vina. "Ako talaga? Sa tanda nyang iyan gusto mo samahan ko pa sya mag- enroll? Bakit hindi nalang sya magtrabaho, makatulong pa sya sa mga gastusin dito!" inis na litanya ng kanyang ina. Tiya Vina: "Amanda naman! Hindi mo ba nakikita gaano kasipag mag-aral ang anak mo? Hindi ka ba nanghihinayang sa pag-aaral nya?" "Hindi ko kayang tustusan mag-isa ang pagka-college nya sa pagiging office staff lang! Magastos yan at kung talagang desidido sya, gumawa sya ng paraan! Ganun lang ka-simple." Tiya Vina: "Simple para sa iyo dahil wala ka sa kalagayan nya!" Amanda: "Masakit na ang ulo ko, pwede ba wag na nating pagtalunan to Ate. Aakyat na ako." Napasunod na lamang ng tingin si Vina sa kapatid. Masyado na nitong isinusubsob sa trababo ang sarili. Uuwi nalang para matulog, sa labas na din lagi kumakain at madalas ay out of town ito. Hindi na nabibigyan ng atensyon ang nag-iisang anak. Oh sadyang ayaw lamang talaga. Naaawa man sa pamangkin, hindi maaring husgahan ni Vina ang kapatid dahil alam nya ang hirap ng pinagdaanan nito simula ng mamatay ang Ama ni Lara. .......... Nang magbalik ang klase, naging nakakailang ang bawat araw kina Lara at Cave. Hindi kasi sila nag-uusap at halatang iwas ang binata sa kanya. Wala syang kaibigan bukod sa kanila ni Sione kaya inilalaan na lamang nya ang free time sa library. "Hoy! Andito ka na naman. Hindi ka ba naboboring magbasa ng mga libro." taas-kilay na litanya ni Sione ng matagpuan sya nito nakaupo at nagbabasa ng libro. Lara: "Shhh...huwag kang maingay. Mapagalitan tayo nyan eh. Wala lang kasi akong magawa. Mamaya pa naman ang klase." Sione: "Bakit kasi ayaw mong magkwento. Bakit hindi parin kayo okay ni Cave? Nag-away ba kayo, tungkol padin ito sa Prom Night?" Lara: "Hindi kami nag-away. Busy lang kami pareho." Sione: "Kakasabi mo lang wala ka ginagawa eh, ngayon busy kana. Magkwento ka kaya para alam ko noh?" "Wala naman akong maikukwento sayo." tipid nyang sagot. Hinarap sya ni Sione na may malaking ngiti. Na para bang walang anumang ginawang kalokohan kay Cave sa parking lot. "Eh yung gwapong kasayaw mo? Ano! Hayyy kitang-kita ko gusto monyung guy!" pilya nitong sabi. "Sshhh... Wag ka maingay baka mapagalitan tayo!" saway nya sa makulit na kaibigan. "Wala iyon. Natuwa lamang ako sa kanya." dagdag ni Lara na hindi nagpahalatang namula. "Nakita kaya nina Sione at Cave na hinalikan ako nung outsider kaya ayaw nya na ako kausapin? Hindi ko naman akalaing gagawin jya yun eh." isip-isip ni Lara. Sione: "Hmmh.... Okay. Talaga yun lang? Sige kita tayo mamaya, may puntahan lang kami nina Marga." Ngiti at tango na lamang ang isinagot ni Lara dito. Nakukulitan sya kay Sione. Pakiramdam nya din ay intersado si Sione malaman na hindi sila okay ni Cave. Pero may boyfriend naman na ito para isipin nyang gusto talaga ni Sione ang kaibigan. Nawala tuloy "Hayy....ang gulo." kamot nya sa ulo. Magfo-focus nalang sya sa pag-aaral mas mabuti pa, may maganda pang kahihinantan. Matapos ang lunch break, bumalik na si Lara sa room ng Section A. Sa pinto pa lamang, nahagip nya ang mga mata ni Cave na nakatitig sa kanya. Hindi nya agad nabawi ang tingin kaya ilang segundo silang nagkatinginan. Hindi rin sya agad nakahakbang bagkus ay napatayo na lamang. Naputol ang tinginang iyon ng hilahin si Lara ni Sione. "May ipapakita ako sayo!" wika nito sabay pakita ng isang pampletang galing sa St. Caroline University. Isang sikat na paaralang maganda ang reputasyon. Mahal nga lamang at nasa siyudad na ang lokasyon. Nabaling duon ang atensyon ni Lara at hindi nya na nakita ang paglingon ni Sione sa likuran kung saan nakaupo si Cave. Pero umiwas ng tingin ang binata. Sione: "Dito ako mag-aaral. Gusto mo ba dito tayo? Para magkasama tayo!" Lara: "Hhmm...mahal ang school na to. Tsaka, malayo dito satin." Sione: "Syempre maghahanap tayo ng dorm. Ano ka ba makakauwi ka naman weekly. Sige na!" Lara: "Gusto mo parin ba mag-Nursing?" Sione: "Oo. Yun plano ko matagal na. Di ba ikaw rin naman?" Nag-isip ng isasagot si Lara. Sa sitwasyon nya kasi, wala syang karapatang mamili ng kurso. Isa pa, wala ang Nursing sa mga kursong pwedeng ma-avail ng mga magtatapos na Scholarships. Hindi na nakasagot si Lara ng pumasok na din ang kanilang guro. "Mag-usap nalang ulit tayo." senyas nya sa kaibigan. "Aalis si Jeco." sagot nito. "Ha?" reaksyon ni Lara sa narinig. "Class keep quite! Maupo ng maayos!" saway ng guro ng marinig ang ilang estudyanteng nag-uusap. Tumahimik na rin ang dalawa. Natapos ang linggo na iyon na hindi rin sila nakapag-usap dahil nga hindi sumasama sa kanya si Sione kapag sya lamang mag-isa. Nakadikit lamang ito kapag kasama nya si Cave. Binale-wala na lamang ito ni Lara. Malamang naman na si Jericho ang dahilan kaya wala itong time sa kanya. Nasa ibang Section kasi si Jericho kung nasaan ang close friend ni Sione na si Marga. ........ Matapos ang araw na iyon, agad tinawagan ni Lara si Sione. Sanay na sya na hindi ito nasasagot ng kaibigan kahit pa ang mga text nya dahil madalas itong lumabas. Gumi-gimmick sa mga bar, nagsa - shopping sa karatig bayan at kumakain sa resto kasama ang grupo nina Marga at Jericho tuwing walang pasok. "Okay ka lang ba? Sabi mo aalis si Jericho?" text nya rito. Ilang minutong walang response kaya hinayaan nya na lamang. Nang tumunog ang cellphone nya, napakurap sya ng makita ang nag-message. Si Cave. Kabado nyang binasa ang mensahe. "Nami-miss na kita. Akala ko pwede kitang deadmahin lang, hindi pala. Sorry Lara." Napahiga sa malambot na kama si Lara at nakaramdam ng saya ang puso. Sapat na ang simpleng sorry para mabura ang tampuhan nila. Ngunit hindi nya gustong magpa-easy to get kaya hindi sya nag-reply. Plano nya ring ipagpatuloy ang pang-i snob na sinimulan ni Cave para mag-effort pa ito. At hindi nga sya nabigo. ....... "For you..." nakangiting abot ni Cave ng Stuffed Toy kay Lara. Breaktime iyon at nagpasya na syang lapitan ang dalaga. Hindi kasi sya nag re-reply at hindi rin sya pinapansin ilang araw matapos syang mag-sorry. Tipid ang ngiting tinaggap iyon ni Lara at kunwari ay pinagpatuloy ang pag-re-review para sa nalalapit na last examination. Naupo si Cave sa tapat nya at sumilip sa binabasa nyang notebook. Itinaas ni Lara iyon upang iwasan ang tingin nito. Cave: "Mag-so-sorry ako ulit kung kailangan. Kausapin mo na ako please." "Bakit, may ginawa ka bang kasalanan?" malamig na sagot ni Lara. Cave: "Yes. Meron at na-realize ko na iyon. Kaya heto ako, nagpapakumbaba para maging okay na tayo. Nagselos ako, na-badtrip ako kasi..." Ibinaba agad ni Lara ang notebook at hinarap si Cave. Itutuloy....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD