Kabanata 4

1384 Words
"Paano ako hindi maiinis. Hindi mo gusto makipagsayaw sakin ng sweet, tapos pumayag ka sa iba. Do you even know him? Outsider lang. Pero kung makayapos ka...akala mo wala ako sa paligid." inis na litanya ng binata. Lara: "At bakit ka naman galit?" Cave: "Lara alam mo kung bakit. Gusto kita eh. Hindi lang crush, mahal kita." "Mahal? May alam kana ba sa ganyang bagay? Ang babata pa natin." sagot ni Lara na kunwari ay inis parin. Cave: "Hindi naman ibig sabihin na mahal kita eh masisira na ang buhay natin. May pangarap tayo pareho, magtatapos ng kolehiyo. Magtatagumpay, bago kita pakakasalan." Lara: "Nakarating kana agad sa kasalan! Hindi ka pa nga nanliligaw at hindi pa kita sinasagot. Ang bilis mo naman!" "Lara naman i'm serious. Puro ka biro eh." kamot-ulong reklamo ni Cave. "Eto naman. Hindi mo kailangang mag-sorry ulit. Hindi ako galit sayo. May mali rin naman ako. Thank You dito sa gift. Ang cute nya." nakangiting wika ni Lara. Cave: "So, bati na tayo? Balik na tayo sa dati...yung pwede kitang sunduin at ihatid sa inyo?" Lara: "Hmm...Oo. Bestfriends tayo eh. Matutuwa din naman si Tiyang pag nakikita ka. Tska Cave, sorry din." Cave: "Basta hindi kana ulit didikit sa iba, okay na ako." Sigurado na si Lara na hindi nga nakita ni Cave ang pagnakaw ng halik sa kanya ng lalaki. Hindi nya na din binanggit at baka magalit lang ito muli. Habang ang binata naman ay kinakain ng guilt sa ginawa nila ni Sione. Gayunpaman, bakas sa mukha ng dalawa ang gaan ng kalooban matapos ang ilang linggong iwasan. Hindi rin naman kasi kayang tiisin ni Cave ang hindi sila magpansinan lalo na at malapit na ang Graduation. Maghihiwa-hiwalay na sila ng landas na tatahakin. "Ayokong magkalayo tayo ng hindi ko nasasabing I love You Lara ." maya-maya ay saad nya. Nag-blush si Lara ng marinig iyon at ipinaling sa kabila ang tingin. Hindi sya makatingin ng diretso sa kaibigan. Hindi rin alam ano ang isasagot. Cave: "Huyy, tumingin ka naman sa akin." "Ayoko nga! Ilang araw mo akong iniwasan tapos yan ang sasabihin mo." pakli nya rito. Pinilit sya iharap ni Cave. "Fine. Nagselos ako nung Prom Night kaya ako nagtampo. Nung gabing yon, gusto ko mapalapit sayo eh. Akala ko gusto mo din pero yun ang ending...iba kadikit mong-----." "Sino ba ang unang dumikit sa iba?" putol ni Lara sa sinasabi nito. "Nagsasayaw lang kami. Kayo ni Sione ang halos magpalit na ng mukha eh! Kahit alam mong naroon ako ---" dagdag nya. "Nagselos ka din ba?" tanong ni Cave. Humalukipkip si Lara. Silence means Yes. Kaya napangiti ng maluwag si Cave. Hinawakan nya ang kamay ni Lara at inaya na itong pumasok sa room. "Ang ganda mo parin kahit naiinis ka." pang-aasar nya rito. Hinampas nya ito ng notebook at nagtatawanan silang naglalakad sabay bitaw ng mga kamay. Wala pa pala roon si Sione kaya walang nangulit sa kanila. ....... Kaya naman hindi pinagbabawalan ni Tiya Vina si Lara at Cave, dahil pinapakita din nila ang pagpapahalaga sa pag-aaral. Nalalapit na nga ang araw ng pagtatapos, ngunit hindi matapos-tapos ang bangayan ng magkapatid na Vina at Amanda. Ayaw na kasi ng Mama ni Lara na tumuloy sya sa kolehiyo. Kahit pa may makuha syang scholarship, gagastos parin sila sa allowance at dormitoryo. Kaya si Lara na mismo ang gumawa ng desisyon para sa sarili. Mahirapan man sya, ang mahalaga ay maabot sya sa buhay upang mag-iba naman ang tingin sa kanya ng ina. "Kakayanin mo kaya yun?" nag-aalalang tanong ni Cave. Habang nagla-lunch sila sa isang shed sa campus, binanggit nya rito ang planong pagsabayin ang trabaho at pag-aaral. "Wala naman akong choice. Magagalit lang si Mama kapag ipinilit ko." malungkong na saad ni Lara. Cave: "Pwede naman kitang tulungan eh. Pumayag ka lang." Lara: "Cave ang pangit nun. Hindi nakaka-proud. Nakakahiya naman kina Tita at Tito kapag nalaman nila. Syempre gusto maging proud ka din sakin. Na kaya ko pala." Cave: "Alam kong kaya mo. Kilala kaya kita. Masipag, matiyaga. Kaya lang, mahihirapan ka eh." Lara: "Ayos lang ako. Hhmm ganito. Kapag dumating na ako sa ganyang sitwasyon, at nahirapan ako...hihingi ako sayo ng tulong. Ayos ba?" Natawa si Cave sabay tango. Cave: "Ikaw ang masusunod. Lagi mo lang iisipin, kahit anong pagdaanan mo. Andito ako. Nakasuporta palagi bilang boyfriend mo." Napahagalpak ng tawa si Lara at bahagyang tinulak ang katabi. Lara: "Hindi pa kita sinasagot!" Cave: "Ayy hindi pala? Hahahah. Hayaan mo na duon din tayo papunta." Nagtatawanan sila ng maya-maya ay makitang parating si Sione. "Hey Guys! Anong meron. Ang happy nyo ha?" bati nito. "Hi. Kumain kana ba? Lumabas ka kasi agad hindi kana namin naantay." paliwanag ni Lara. "It's okay tapos na akong mag lunch. Sa labas kami kumain ni Jeco pero saglit lang, mag-review daw sya eh. Andun bumalik agad sa room nila." ismid ni Sione at umupo sa tapat nila. "Hmmm....kayo na?" walang gatol na tanong nito. "Kami?" balik tanong ni Cave. Sione: "I mean may relasyon na ba kayong dalawa?" Lara: "Sione. Hindi namin priority yan ni Cave. Malapit na exam. Mas mahalaga yun." Sione: "Oh, okay. Nagtanong lang seryoso ka naman masyado. By the way Lara, nakapag-decide kana saan ka mag-College?" Napatingin si Lara kay Cave. Ayaw nya muna kasi malaman nito ang plano nyang mag working student. Sigurado kasing tatawanan sya nito. Hindi naman sa pinag-iisipan nya ng masama si Sione. Kilala nya lang ito na may pagka-insensitive at hindi maka-relate sa mga hikahos sa buhay. "Ako ba, hindi mo tatanungin saan mag-aaral? kunwa'y singit ni Cave para maiba ang usapan. Hindi man nya gustong kibuin ang dalaga, napilitan sya. Sione:. "Jeco told me already. Sa San Felipe University ka daw papasok. Dun din dapat sya eh, pero....gusto ng parents nya sumama sya sa Canada." Nagkatinginan sina Cave at Lara. Ito pala ang sinabi ni Sione dati na aalis ang nobyong si Jerico. Lara: "Magaling na ba yung Daddy ni Jerico?" Sione: "I don't know. Hindi naman ako interested sa family matter nila. In fact, maghihiwalay na kami." Hindi makaimik ang dalawa sa narinig. Hindi malaman ni Lara kung malungkot ba ang kaibigan o masaya. Kasi maaliwalas naman ang mukha nito. Agad iniba ni Lara ang usapan bago pa makapagsalita ulit si Sione. Binigyan nya ang dalawa ng copies ng ilang reviewer na ginawa nya. Tinanong nya rin ang mga ito kung may mga kulang ba sa aralin at pwede nyang ipahiram ang mga notebooks. Hiniram nga ni Cave ang English notebook nya hindi dahil may kulang ito. Masipag mag-aral si Cave kaya alam ni Lara na iba ang pakay ng binata. Dahil ayaw umiiwas pa si Cave kay Sione, nagpaalam na sya na mauna pumasok sa room. .............. Nang dumating ang araw ng pagsusulit, iniabot nga sa kanya ang notebook. Nakangiti ito kay Lara at tila nagpapa-cute pa. Tinanggap nya ang notebook ng naka-ismid na kunwari ay hindi kinilig. Maghapon ang examination nila. Sa magkahiwalay na room sila na assign kaya hindi sila nagkita maghapon. Si Sione ang nakasama ni Lara sa lunch kaya nalaman nya na hiwalay na ito sa boyfriend na si Jericho. "Alam mo, may choice sya eh, at mas pinili nyang sumama sa Canada kesa manatili dito satin!" ito ang mariing salita ni Sione na halatang dismayado sa desisyon ng boyfriend. Nalungkot si Lara para sa kaibigan. Alam nyang inlove ito kay Jericho kaya ito nasasaktan. Pero naiintindihan nya rin ang nobyo nito. Dahil mas makabubuti sa Daddy nito ang madala sa Canada kung saan mas moderno ang mga ospital. Hindi akalain ni Lara na ganito pala kabigat ang makipag relasyon. Hindi pala biro dahil darating ang araw na kakailangan nyong magdesisyon para sa ikakabuti ng nakararami. Nanahimik na lamang sya kesa makadagdag sa bigat nadarama ng kaibigan. Saka nya biglang naalala ang English notebook. Nang sipatin ang mga pahina nito, nakasulat duon ang words na "I LOVE YOU!" Hindi napigilan ni Lara ang mapangiti. Mabuti na lamang at abala si Sione sa cellphone nito kung hindi ay kukulitin na naman sya nito. Natapos ang pagsusulit sa loob ng dalawang araw. Hindi naman nasayang ang kanilang mga pagod dahil kabilang silang tatlong magkakaibigan sa mga nakapasa. Ganuon din si Jericho na nasa kabilang section. Kung saan madalas magpunta si Sione. Makaka-graduate na sila at tatahak naman sa mas mahirap na pagsubok.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD