Kabanata 5

1307 Words
April 20, 1995 "Hindi ka talaga sasama?" mahina ang boses na tanong ni Vina sa kapatid. "Hindi ba matutuloy ang graduation na yan kung wala ako?" simangot nitong sagot. Tiyang Vina: "Amanda naman, anong klaseng sagot yan? Mahalaga ang araw na ito para sa anak mo!" Amanda: "Mas mahalaga ang trabaho ko Ate. Dito tayo kumukuha ng pangkain. Aakyat lang naman ng stage tapos uuwi na rin kayo." Sasagot sana si Vina ng makitang pababa ng hagdan ang pamangkin. "Naku! Bihis kana rin pala. Hala tayo na. Baka mahuli pa tayo excited pa naman ako." masaya nitong bungad. Hindi naitago ang panglaw sa mukha ni Lara ng makita si Amanda na hindi nakabihis panlakad. "Ma, hindi po kayo sasama sa amin?" tanong nya rito. "Hindi ako makakaalis kung sasama ako sa inyo. Babyahe kami pa-Bicol mamaya." blanko ang ekspresyon nitong sagot. Lara: "Ahh...ganun po ba. Ilang araw po kayo roon. Tsaka, marami po kayong kasama?" "Lara, pati mga ganyang detalye aalamin mo pa ba?" Tinalikuran sila nito at kumuha ng tubig sa ref. "Anong oras na! Lara halika na! Susme maghahanap pa tayo ng masasakyan!" tarantang sabi ni Vina. Hinila na nito ang pamangkin palabas ng bahay. "Wag mo kalimutang i-lock ang pinto!" sigaw pa nito kay Amanda bago sila tuluyang lumabas ng tarangkahang gawa sa kahoy. Hindi na muna sinuot ni Lara ang toga na bitbit baka marumihan pa habang nasa byahe. Tumanggi kasi syang sumabay kay Cave dahil kasama nito ang mga magulang papunta sa Venue. Dahil tricycle ang sinakyan, nagusot ang mahabang buhok na kanina pa inaayos ni Lara. Pagdating sa Venue ng Graduation, hindi pa naman sila nahuli ngunit marami nang tao sa loob. Tiya Vina: "Itali mo na lamang iyang buhok mo anak. Huwag ka nang magsuklay. Hala sige. Nasaan na ang iyong toga. Isuot mo na bilis!" "Tiyang naman eh pati ako natataranta sayo." natatawang reklamo ni Lara. Tiya Vina: "Nakaupo na sila lahat roon! Ikaw nalang yata ang wala!" Lara: "Maaga pa naman po eh." Tinulungan si Lara ng tiyahin isuot ang toga at sombrero. Inayos din nito ng mabuti ang pagkakatali ng buhok nya. Naiiyak na bigla itong niyakap ni Lara. "Salamat Tiyang. Andito ka." sumisinghot nitong wika. "Ayy bata ka! Ang iyong make-up mabubura! Huwag kang umiyak. Upo na roon!" tulak nito. Nakanguso pa sa upuan ng mga ga-graduate. Nasa bandang harapan sina Cave at Sione habang nasa pangatlong linya naman nakaupo si Lara dahil sa apelyedo nyang Delgado. Nakita nya ang panay lingon ni Cave na parang may hinahanap. Hindi kasi nito alam kung saan sya banda uupo. Ilang saglit pa na paghahanap, dumako ang mga tingin nito sa pwesto nya. Agad umaliwalas ang mukha ni Cave at nagmukha lalo itong gwapo sa paningin ni Lara ng ngumiti at kumindat. Ginantihan naman ito ni Lara ng sweet na smile sabay kaway. Mabilis natapos ang programa. Sa huli, nakatanggap ng dalawang award si Cave habang isang medalya naman kay Lara. Patunay ito na nagsikap sila sa pag-aaral at nagpakatino. Iyakan, yakapan, batian at paalaman ang nagaganap at makikita sa bawat sulok ng Venue. Kasama na ang mga magulang ni Cave, magulang ni Sione at Mommy ni Jericho ang bumati kay Tiyang Vina at Lara. "Picture muna tayo Guys!" aya ni Sione sa kanila. Hindi kasi sumali si Jericho, bagkus ay dumistansya ito at nakipag kamay sa ibang kaklase. Malamang ay umiiwas kay Sione. Matapos magpicture taking silang tatlo kasama si Cave, mahigpit na nayakap ni Lara si Sione. Hindi pa kasi nya nasasabing hindi sya makakapag-enroll sa paaralang papasukan nito. Gumanti ito ng yakap at hinalikan sya sa pisngi. Bumaling din ito kay Cave, akmang yayakap ngunit pabirong iniwasan ng binata. "Oooppss. Pwede na siguro ang shakehand?" pabirong sabi nito. "Ang arte mo naman! Hahahha!" sagot ni Sione sabay lahad ng palad. Maya-maya pa ay lumipat na rin ito sa ibang kaibigan. Tyempo iyon para kay Cave. Hinawakan si Lara sa kamay at inakay palayo sa karamihan. Sa backstage sya nito dinala, kung saan walang gaanong tao at hindi maingay. Lara: "Kailangan pa talaga nating magtago?" Cave: "Syempre. Maingay duon hindi mo maririnig mga sasabihin ko." May inilabas mula sa bulsa si Cave at iniabot kay Lara. "Pasensya na hindi ako nakabili ng bulaklak. Pero meron naman akong gift sayo." wika nito sabay abot ng singsing. "Ikaw na magsuot, baka magalit ka na naman eh." dagdag nito. Lara: "Ang ganda naman nito. Eh bat ako magagalit ikaw na nga itong may gift." Cave: "Kasi pag ako nagsuot nyan sayo, luluhod muna ako at tatanungin ka ng "Will you Marry me?" "Sira-ulo ka talaga noh! San mo ba nakukuha mga yan ang bata-bata mo pa!" sermon ni Lara na napasimangot. "Oh sabi ko sayo di ba magagalit ka! Biro lang yun!" tawang-tawa naman si Cave sa reaksyon nya. Mangiyak-ngiyak na napayakap si Lara sabay bulong. "I love you Cave." Walang pagsidlan ng saya ng mga oras na iyon si Cave. Hindi nya pinakawalan si Lara at mas mahigpit na yakap ang ipinaramdam nya rito. "Huwag kang bibitaw sating dalawa at sa mga pangarap mo. Sasamahan kita." mahina nyang wika. Sapat na para marinig ni Lara at mapaiyak ito lalo. ....... Hindi napilit ni Cave na sumama sa isang restaurant sina Lara at Tiyang Vina kung saan naroon ang handaan para sa kanyang graduation. Bukod sa siguradong marami silang ibang bisita ay hindi sila sanay kumain sa labas. Wala na si Amanda pagdating nila ng bahay. Nagbitbit ito ng may kalakihang maleta para sa ilang araw na out of town. Dumiretso na muna si Lara sa taas upang magbihis. Ilang minuto bago sya bumaba, naabutan nya ang tiyahin na naidlip sa pagod. Puyat nga rin pala ito dahil nagluto ng suman. Agad ng nagluto ng adobong manok at nagsaing ang dalaga. Nang bumangon si Tiyang Vina, pinagsaluhan nila ang inihanda nya at ang niluto nitong suman. Napansin naman ng tiyahin ang kakaiba nyang kilos. Panay ang hawak ng cellphone at hindi pansin na nakangiti na habang nagbabasa ng mensahe. Pero sa halip na mapagalitan, mas natuwa pa si Vina. Kasi alam nyang deserved ni Lara magkaroon ng masayang love life, dahil mayroon itong miserableng family life. Ang hindi alam ni Lara, at hindi na din binanggit ni Cave sa kanya..ay ang pangungulit ni Sione sa text message. Nakadalawang missed call pa ito kay Cave para imbitahin ang binata sa kanyang celebration party sa isang bar. Agad nagdelete ng messages si Cave at pansamantalang nilagay sa block list ang numero ni Sione para hindi na makatawag. .......... Makalipas ang tatlong buwan: "Good afternoon po Tita Vina." magalang na bati ni Cave ng dumating upang sunduin si Lara. "Good afternoon din hijo. Upo ka. Abah. Saan mo naman balak i-date si Lara?" panunukso nito sa bisita. Cave: "Sya nalang po papipiliin ko Tita. Kasi ayaw nya sa mga resto eh." "Ayaw nya talaga. Hindi naman kasi sanay sa sosyalan ang batang yan. Dalhin mo nalang sa ano....sa park sa bayan. Matutuwa yon." Natatawang napakamot ng ulo si Cave sa suggestion ni Tiyang Vina. Akala nya nagbibiro lang ito. Hindi pala dahil..... "Ang ganda dito di ba? Ang sarap ng hangin. Tahimik....hmmm." pumikit si Lara upang samyuin ang bango ng mga halaman sa paligid. Nakaupo sila sa ilalim ng punong acacia at naglatag lamang ng tela sa damuhan. Nakaharap sa dako kung saan lulubog ang araw. Ngayon lamang nakaranas ng ganito si Cave. Payapa ang paligid, puro huni ng ibon ang maririnig. Ngayon lamang din sya nakapunta sa bahaging iyon ng bayan na may maliit na parke. Nasanay sya sa mararangyang kasiyahan, pool party, bar at mamahaling mga restaurant. Prominente ang kanilang angkan at laki sya sa layaw. Hindi nya akalaing mai-enjoy nya ang date na ganito. Hinawakan nya ang ulo ni Lara at inihilig iyon sa kanyang balikat at inakbayan ang kasintahan. Hindi naman ito tumanggi at nanatiling nakapikit lamang. Itutuloy .....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD