Kabanata 6

1301 Words
"Kamusta ang bagong school, hindi ka ba nanibago?" maya-maya ay tanong ni Lara. Umiling si Cave. Sanay kasi syang makisalamuha sa mga tao at madaling umangkop sa new environment. Kaya naman nag-enjoy agad sya sa bagong paaralan. "Ikaw, naninibago ka ano? May mga kaibigan kana ba sa school mo ngayon?" nag-aalalang balik tanong ni Cave. Kilala nya kasi si Lara. Bukod sa mahiyain ay hindi rin ito masyadong palakaibigan sa mga nakakasama kahit saan. Lara: "Hmmm...Medyo nanibago lang, pero okay naman. Huwag kang mag-alala. Magkakaroon din ako ng kaibigan dun." Cave: "At sana, makapasok ka na ng trabaho. Para matupad na yung gusto mo. Working student. Nag-aaral na, masipag, mabait, maganda pa. Ang swerte ko agad sayo ah." "Ikaw talaga! Hayy naku. Lagi mo nalang sinasamahan ng biro mga sinasabi mo." kunwari ay naiinis nyang saway dito sabay ismid. "Totoo naman lahat yun ah. Saan ba banda ang biro dun. Pero ito hindi joke ha.....huwag mong abusuhin ang katawan mo kundi magtatampo ako. Mahirap na magkasakit ka." seryoso nitong sabi. Tumango naman agad si Lara. Syempre hindi rin sya papayag magkasakit dahil bukod sa sayang ang isang araw na trabaho, ayaw nya rin lumiban sa mga klase. Lara: "Promise iingatan ko ang health ko. At ikaw ganun din gawin mo. Yung pagpupuyat, bawasan mo ng konti. Si Sione kaya. Kamusta na. Hindi na sya nagte-text sakin ilang linggo na eh." Cave: "Siguro busy sa school. Sa mga bagong kaibigan. Wag mong isipin si Sione hindi naman yun tinatablan ng lungkot." Agad napatingin si Lara kay Cave. "Bakit. Umalis na ba talaga si Jericho?" Cave: "Last month pa sila lumipad pa Canada. Wala na akong balita about sa kanilang dalawa ni Sione. Basta ang alam ko, hindi na babalik pa si Jeco." Mas lalong naawa si Lara kay Sione dahil sa mga nalaman. Napaisip tuloy sya. Paano kaya kung sa kanila mangyari iyon. Ano kaya ang gagawin nila ni Cave. Maglalayo rin kaya sila para sa ikabubuti ng lahat? "Hindi ko atah kaya." malungkot na sigaw ng isip nya. Napayakap sya kay Cave dala ng alalahaning iyon. "Ayos ka lang?" tanong nito pero hindi kumalas sa kanyang yakap sabay haplos sa buhok nya. "May naisip lang ako." tipid na sagot ng dalaga. Nanatili silang ganuon kahit pa may ilang nagjo-jogging ang dumaraan. Masaya nilang pinanuod ang paglubog ng araw habang nag-uusap ng mga plano sa buhay ng magkasama. Kung gaano kalaki ang bahay na gusto nila. Kung saang bayan sila titira. Kung anong kulay ng sasakyan ang bibilhin nila. Kung ilang anak ang gusto nila balang araw. Masayang-masaya si Lara kapag kasama si Cave. Sumindi na ang mga ilaw sa parke at mdilim na ng magpasyang magligpit ang dalawa. Ngayon lang nila napansin na may mangilan-ngilan ding pares ang nagdi-date roon. "Marami palang dumarayo dito pag gabi." pansin ni Cave. Lara: "Oo nga. Malamig kasi dito, hindi pa maingay. Pati mga nagja-jogging mas dumami rin." Cave: "Ang galing mo mamili ng place. Tara na, baka hinahanap kana sa inyo mapagalitan pa tayo ni Tita." Hindi umimik si Lara. Kahit naman wala syang gawing masama, nagagalit lagi ang Ina. "Ako na magdadala nyan." inabot ni Cave mula sa kamay nya ang picnic basket at inalalayan syang tumayo. Malayo-layo rin ang lalakarin patungo sa parking area kung saan naroon ang sasakyan ni Cave. Magkahawak-kamay silang naglakad, sweet at nagbibiruan. Sino ba ang mag-aakalang magbestfriend sila na nauwi lamang sa pag-iibigan. Inilagay nila ang mga dala sa likod ng sasakyan ng makakita si Cave ng mga bulaklak na kakabukadkad pa lamang. "Cave! Huwag kang mamitas baka may makakita mapagalitan tayo! Psst...halika na!" agad nyang saway dito. "Hindi ko naman itatapon eh. Ito oh. Para sayo. Nakalimutan ko kasi bumili kanina." sabay abot ng bulaklak kay Lara. Lara: "Kapag nakita ka ng bantay, lagot ka talaga." "Wala ng bantay, natutulog na." biro ni Cave. "Nakakainis ka. Ang kulit mo masyado!" irap naman ni Lara. Natatawang hinapit sya ni Cave palapit at niyakap. "Im very happy because of you my love." malambing nitong saad. "Talaga lang ha. Walang ibang nagpapasaya?" taas-kilay nyang sabi at kumalas bahagya. "Wala po. Ikaw lang talaga." Napahagikhik si Lara habang inaamoy ang mababangong talutot ng mga bulaklak. Masaya ang puso ni Lara hindi man nya ipakita, bakas naman iyon sa kanyang mukha. Gaya ng paniniwala ni Tiya Vina, may magandang naidulot sa pamangkin ang relasyon kay Cave. Lampas 7pm na ng makarating sila sa bahay. Nagtake-out na din si Cave ng pasalubong ni Lara para sa kanilang bahay ngunit tila natutulog na ang mga tao roon pagdating nila. Akmang bubuksan ni Lara ang pinto ng sasakyan ng inagapan sya ni Cave. Takang napatingin sya rito. "Ilang linggo na naman tayong hindi magkikita." malungkot nitong turan. Lara: "Mabilis lang yon. Magka text din naman tayo palagi. Tatawag din ako ng madalas kapag hindi busy." Nanahimik at tila nag-iisip ng malalim si Cave. Kaya hinintay ni Lara ang susunod na sasabihin nito. Ngunit tahimik itong nagbukas ng pinto at lumabas ng sasakyan para pagbuksan sya. Lara: "May gusto ka bang sabihin? May problema ba Cave? Magsabi ka lang sakin. Makikinig ako kahit ano pa yan." Agad na umiling si Cave. Inakbayan sya nito at sabay silang naglakad papasok sa bukas na tarangkahan. Nagtataka man ay hindi na sya nagtanong pa kung ano ang gumugulo sa isip ng nobyo. Agad kinapa ni Lara ang dalang susi upang hindi na madisturbo kung sakaling tulog na ang kanyang Mama at Tiyahin. Bago pa man maapuhap ang susi, hinawakan sya ni Cave sa mukha at inangat iyon. Nagtapat ang kanilang mga mata. Bahagya lamang ang liwanag sa tapat ng pintuan pero kita nya ang panglaw sa mga mata ni Cave. Hindi na nakapagsalita si Lara ng lumapit ang mukha ni Cave sa kanya at tumibok ng napakabilis ang kanyang dibdib. Alam nya ang gagawin ni Cave, ngunit wala syang lakas para tumutol. Dumampi nga ang mainit na labi ng nobyo sa nakaawang nyang mga labi. Mariin at nagdulot ng boltaheng kuryente sa katawan ni Lara kahit saglit lang iyon. Natulala sya at tila itinulos sa lupa sa biglang pagbabalik ng isang matamis na ala-ala. Kinuha sa kanya ni Cave sa kamay nya ang susi at ito na mismo ang nagbukas ng pinto. "Goodnight." magiliw na wika nito sabay pisil sa mga palad nya. Namalayan na lamang ni Lara ang sasakyang umandar papalayo. Umakyat sya agad sa kwarto at nagsara ng pinto. Dumapa sya sa kama at niyakap iyon ng mahigpit ngunit hindi sya makatulog. Bumangon sya at kinuha sa cabinet ang nakatagong Diary. Hindi para magsulat, kundi para balikan ang isinulat nya nuon. Dahan-dahan nyang binuklat ang pahina kung saan nya inilathala ang memories nya sa Prom Night nuong highschool. "Napakainit ng kanyang labi. Napakalambot. Segundo lamang iyon, pero para akong inilutang sa alapaap. Napakasarap pala ng unang halik." Hindi nya na kelangang basahin, dahil tanda nya ang kanyang mga isinulat sa nakaw na halik na ginawa ng estranghero. Tumilaok nalang ang mga manok ay hindi parin dinalaw ng antok si Lara. Kinikilig sya ngayon kay Cave, may shock factor ang halik nito, may kurente. Pero kapag ipinipikit nya ang kanyang mata, bakit ang estrangherong lalaki ang naiisip nya? "Hayyy! Ano ka ba bakit mo iniisip yan. May boyfriend kana!" inis nyang saway sa sarili. Ang hindi batid ni Lara, ang puso ni Cave habang nasa daan pauwi ay kinukutkot din ng guilt na nadarama. Hindi sa ginawa nito kundi dahil sa maalab na halik na ipinaranas na sa kanya ni Sione sa parking lot nuon ding Prom Night. At labis syang nagi-guilty dahil nagustuhan nya rin iyon. Kahit pa mukha ni Lara ang sumagi sa isip nya ng halikan sya ng babae nuon, hindi parin mawaglit sa utak nya ang init at pusok ng mga labi ni Sione na sa totoo lang ay hinahanap-hanap nya hanggang ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD