"Talaga! Ang dami namang mas magaganda sa akin na nakaupo ah." isip-isip nya.
Tatanggi na sana sya ng muling makita ang nakakainis na eksena. Sa halip tuloy na humindi sa estranghero, tumango sya at tumayo.
Naglakad si Lara papunta mismo sa malapit kina Cave upang ipakita rito na kaya nya ring mag-enjoy. Naghahagikhikan ang mga ito na parang kinikiliti kaya hindi sya napansin. Inis at agad naman syang napasimangot sa nakikita.
Dahil first time nya yun, nahihiya syang humawak sa balikat ng lalaki. Kaya inabot nito ang mga kamay nya at marahang ipinatong sa matipuno nitong balikat.
Nakaramdam ng pagkabog ng dibdib si Lara ng maramdaman ang mainit nitong mga palad sa kanyang bewang. Di man makuha nung una, saglit lang ay marahan na silang sumasabay sa ritmo ng tugtugin.
Napalis din ang kaba ni Lara nang mapadako uli ang mga mata kina Cave. Hindi naman lingid sa kanyang kasayaw ang inis nya ng mga oras na iyon. Napatingin din ang binata sa mag pares na tinitignan nya at halatang pinagseselosan.
"Ooops!"
Nagulat si Lara ng muntik matumba. Agad syang nahiya ng ma-realized na natapakan ng takong ang sapatos ng kasayaw. Nayapos sya nito sa bewang kaya hindi sya tuluyang nawalan ng balanse.
Lara:
"Sorry! Sorry talaga hindi ko sinasadya."
"Okay lang hindi naman ako nasaktan. Ikaw lang, muntik ka nang matumba. Ayos ka lamang ba?" sagot nito at inalalayan syang makatayo ng maayos.
Lara:
O-oo. Pasensya na ulit."
Naagaw ng eksenang iyon ang atensyon ng mga kalapit na pares kabilang na sina Cave at Sione.
Muli silang nagsayaw at sa pagkakataong iyon, nag focus si Lara upang makabawi sa pinakitang pagka maginoo nito.
Natawa si Sione na makitang kaya pala makipagsayaw ni Lara. Alam nya kasing masyado itong mahiyain. Pero iba ang reaksyon ni Cave. Nagulat ito at hindi natuwa.
Akmang kakalasin ni Cave ang pagkakahawak kay Sione upang kunin si Lara sa kung sino man na kasayaw nito.
"Hey, hayaan mo nga sya. Kesa naman nakaupo lang si Lara mag-isa dun." pigil agad ni Sione sabay higpit ng kamay.
Cave:
"Hayaan ko lang? Eh hindi nga nya kilala kung sino yang kasayaw nya!"
Sione:
"Wala namang mangyayari sa kanya dyan wag ka ngang OA."
Cave:
"Ayokong may humawak sa kanyang iba okay!"
Sione:
"Bakit ba, hindi mo naman sya girlfriend! Bakit hindi sya pwedeng hawakan ng iba?"
Hindi sumagot si Cave sa sinabi ni Sione. Hindi pa nya kasi natanggap ang Oo ni Lara kahit gusto rin sya nito.
Naghimala naman ang gabi at nagkapalit bigla ng sitwasyon. Kung kanina si Lara ang naiinis at nagseselos, ngayon naman si Cave ang hindi mapakali sa nakikita.
Hindi na sya maka focus kay Sione at binabantayan si Lara.
"Ayan, ganyan. Wow. Marunong ka pala sumayaw eh." nakangiting biro ng kasayaw ni Lara.
"Magaling ka kasi magturo." natatawa naman nyang sagot.
Napakagaan kasayaw ng binata. Marahan ito at masuyo ang mga kamay na nakahawak sa bewang nya.
Tinitigan nya ang mukha nito dahil madilim.
Ngayon nya lang napansin, ang gwapo pala ng kasayaw. Medyo long hair, may kakapalan ang kilay na bumagay sa mapungay na mga mata. Ngunit hindi pamilyar ang mukha at ngayon lamang nya ito nakita.
"Hmmm... Siguro madumi ang mukha ko." natatawa nitong wika.
"Ha? Hindi." nahihiyang iniwas agad ni Lara ang tingin.
"Napansin ko lang kasi, hindi ka pamilyar sa akin." dugtong nya.
"Hindi ako nag-aaral rito. Isinama lang ako ng pinsan ko para magrelax." sagot nito sa tanong nya.
Kaya naman pala kahit anong titig nya, hindi talaga ito mamukhaan.
"Pagod kana ba?" untag ng estranghero ng manahimik sya.
Umiling si Lara. Paano eh hindi pa nga nila natatapos ang isang kanta. Halata naman din nang binata na ito ang first dance nya. Bukod sa may pinagseselosan pa si Lara, naisip nitong gawing memorable ang moment na iyon para sa kanya.
Nagulat si Lara ng bahagya syang hapitin ng estranghero palapit sa katawan nito. Napalunok sya at nailapat ang isang palad sa dibdib nito.
Lara:
"M-masyado ka na yatang malapit."
"Naiilang ka?"
Lara:
"Hindi naman. Ahhhmm hindi lang ako sanay."
Hinayaan lang ng misteryosong binata na nakalapat ang palad ni Lara sa dibdib nito bilang pagitan. Mainit ang dating ng mga palad ng dalaga, khit naka jacket ang estranghero ay parang napapaso nya ito. Maya-maya pa ay naging palagay na rin si Lara at kusang inilipat ang isang kamay sa balikat nito.
Madilim man ay alam nyang nakatitig sa kanya ang estranghero kahit pa pilit nyang iniiwas ang mukha. Nagulat pa sya ng inilapit nito ang bibig sa kanyang tenga at bumulong.
"Akala ko puro mga sosyal at maarteng babae lang makikita ko rito. Tapos nakita kita."
Tumingin si Lara at napatawa.
Lara:
"Hindi naman lahat ng estudyante rito ay mayaman. Kagaya ko, scholar lang ako. Kaya hindi ako pwedeng mag-inarte."
"Kahit naman simple ka lang, nagagandahan ako sayo. Kaya nga ikaw ang pinili kong makasayaw."
Medyo kinilig si Lara sa mga narinig, ngunit sinaway nya ang sarili. Hindi naman nya kasi ito kilala at hindi dapat sya kiligin. Pero di nya akalaing matatamaan sya sa pagpapa-cute ng binatang kaharap.
Bagaman gusto nya sanang itanong kung sya rin ba ang first dance nito ay nahihiya naman sya.
Ang tila magical moment na pangarap ni Lara ay naranasan nga nya ng gabing iyon. Nakakadala ang malamyos na tugtugin, mahinang mga ilaw, malamig na gabi at ang mainit na hininga ng estranghero na tumatama sa kanyang mukha.
Napapikit si Lara at hindi nya namalayang nakasalikop na ang mga braso sa leeg ng kasayaw. Napangiti naman ang binata at hinayaan syang ma-feel ang music.
Ngunit ito ay lubhang naakit sa maamong mukha ni Lara. Habang sya ay nakapikit, hindi nito napigil ang sarili na mapatitig ng husto. Naramdaman ni Lara ang banayad na pagdampi ng daliri nito sa mga labi nya.
Napamulat si Lara at napasikdo ng mabilis ang puso. Pakiramdam nya ay uminit ng husto ang mukha nya sa kaba. Ngunit hindi nya alam kung bakit hindi sya nag react at hinayaan lang itong banayad na damhin ang lambot ng kanyang mga labi.
"Thank you for making my first experience memorable and romantic. Hindi ko ito malilimutan." bulong ng kasayaw.
Hindi na kailangan itanong, agad nyang nakuha na sya din ang first dance nito. Pareho pala sila. Di lang sya makapaniwala na nagustuhan sya nito isayaw sa dami ng magagandang babae sa Venue na pwedeng piliin.
"Salamat din. Akala ko hindi ako mag-eenjoy sa Prom na to." pabulong nya ring sabi.
"Sana...pwede ring ikaw nalang ang maging first kiss ko." kasing lamyos ng musika ang dating ng boses na bigkas nito.
Nakalapit ang mukha ng estranghero kaya amoy ni Lara ang presko at nakakapanindig balahibo nitong hininga. Mainit, at nakakadarang.
"H-ha?! Naku wala pa sa isip ko ang mga ganyang bagay." agap na tugon ni Lara.
Pero sa totoo lang ay na tense sya sa kakaibang karisma at kilig na inihahatid ng gwapong estranghero. Tumigil sila sa pag-uusap at nimamnam na lamang nila pareho ang masayang sandali.
Cute na cute sila tignan na para bang magkasintahan. Sa puntong iyon, nag walk out ang nakatingin na si Cave ngunit hindi na napansin ni Lara.
Nang magpalit ng music, nag- dim pa lalo ang mga ilaw dahil mga color blue lamang ang nakasindi. May mga ilang pares na umalis na sa dance floor at kabilang sa naiwan sina Lara.
"Would you mind if ... tanungin ko kung may boyfriend kana?" maya-maya ay tanong nito.
Sinabi ni Lara na wala pa. Dahil hindi nya pa naman sinasagot si Cave. Nakita nya ang pagrehistro ng ngiti sa mga labi ng estranghero.
Ngayong alam na ng binata na hindi taken ang kasayaw nya, gusto nyang mapalapit pa sa dalaga. Naramdaman ni Lara ang paghapit pa nito sa kanya na nagbigay boltahe sa kanyang katawan. Tinatambol ang kanyang dibdib at langhap na langhap nya na ang bango ng kasayaw.
Mabuti na lamang ay matangkad ito. Dahil kung hindi ay baka magdikit na ang kanilang mga mukha. Gusto ng isip nya magreklamo, pero bakit hindi nya magawa.
Lingid sa kaalaman ni Lara ay hindi lamang sya ang isinasayaw sa alapaap ng mga oras na iyon. Ang estranghero ay umuusal sa langit, na sana hindi na matapos ang gabing iyon sa piling ng babaeng hinahangaan nya.
"Akala ko hanggang tingin nalang ako sayo. Maisasayaw pa pala kita" masayang wika ng isip nito.
Yumuko ang estranghero at hindi nakailag si Lara ng dumampi ang mainit na labi nito sa kanyang mga labi. Saglit lang, nakaw lang. Pero halos mangatog ang tuhod ni Lara.
First time nya iyon at hindi nya alam ang mararamdaman. Na shock sya at hindi nakakilos. Hawak parin sya ng estranghero habang nakatitig sila sa isa't-isa. Kung hindi ay baka natumba na sya sa pagkabigla.
Dahil masyadong dim ang mga ilaw, parang wala namang nakapansin sa ginawa ng binata. Lalo na ang mga teachers at guards. Malalagot sila pareho dahil ipinagbabawal iyon.
........
"Cave sandali lang! Saan ka pupunta?" habol ni Sione kay Cave.
Nagmamadali itong pumunta sa parking lot at wala na sa mood. Agad nitong inapuhap ang susi ng sasakyan upang umuwi na sa matinding selos na nararamdaman.
Pasara na ang pinto ng sasakyan ng iharang ni Sione ang sarili at kinausap ito upang huminahon.
Saglit itong tumahimik pero wala nang balak na bumalik pa sa loob ng Venue.
"Gusto mo uminom nalang tayo?" aya ni Sione.
Hindi pumayag si Cave. Dahil mas gusto nyang uminom ng beer mag-isa sa Pad nya kaya tinanggihan ang alok nito.
"Ayaw mo ba ako makainuman." untag ni Sione na naka-ismid.
Cave:
"Gusto ko lang mapag-isa."
"Cave. Alam mo... nagulat din ako na marunong pala makipag flirt si Lara." bigla ay wika ng dalaga.
Hindi natutuwang tiningnan ni Cave ito na tila ginagatungan ngayon ang inis nya.
Cave:
"Pwdes ba. Bumalik kana sa loob, aalis na ako. Hindi mo ako kailangang damayan."
Akmang hihilahin ni Cave ang pinto ng kotse ngunit sa halip na tumabi, ipinasok pa ni Sione ang ulo sa loob.
"Sione, wala ako sa mood makipag lokohan. Tumabi kana okay!"
Hindi pinansin ni Sione ang inis na boses ng binata. Mas lalo nya pa itong inasar nang hilahin nya ang tuxedo nito at mariin hinalikan.
Ilang segundo rin iyon. Nakaramdam ng init si Cave at nadala sa mapusok na galaw ni Sione. Gumanti si Cabe ng halik. Kasing pusok ni Sione na tila nanggigigil. Ngunit bigla nyang naalala si Lara. Mukha ni Lara ang nasa isip nya habang nagaganap iyon kaya lumayo sya bigla kay Sione. Kahit nakaramdam sya ng kakaibang sensasyon ay galit na hinarap nya ito.
Sione:
"What's the matter Cave. Hindi ka pa ba nakakahalik ng babae?"
Cave:
"Huwag mo nang uulitin iyan sakin. Naiintindihan mo!"
Sione:
"Don't tell me hindi mo gusto?"
"May boyfriend ka, kaibigan ko! Ilagay mo nga sa tama ang sarili mo! Huwag mo akong idamay sa mga kalokohan mo!" madiin nitong wika bago pinilit isara ang pinto ng kotse.
Nakasimangot na naiwan si Sione sa parking mag-isa. Nagpasyang bumalik sa loob ng Venue na parang walang nangyari matapos ang ilang minutong pagpapahangin.
Naabutan nya rin si Lara na nakaupo na sa mesa at palingun-lingon. Napatayo agad ito ng makita ang kaibigan at hinanap kung nasaan si Cave.
Nagulat pa si Lara ng sabihin ni Sione na umuwi na ito, dahil sabay dapat silang uuwi at ihahatid sya nito sa kanila.
Lara:
"Wala pa namang eleven ah. Bakit nya ako iniwanan."
"Ewan ko. So uuwi ka na din? Lilipat nalang ako sa table nina Marga." ani Sione sabay kuha ng ilang gamit sa mesa.
"See you nalang sa Monday. Bye! Text text nalang!" dagdag nito at tumalikod na kahit di pa nakakasagot si Lara.
Buntung-hiningang napaupo ang dalaga na mag-isa na sa mesa ngayon. Kaka-alas dyes palang, halos wala pang nag-uuwian pero wala naman syang ibang ka-close. Hindi naman kasi sya sikat at mahiyain pa masyado.
Nagpasyang umuwi na lamang si Lara at naghanap ng masasakyan. Iniwan man ng mga kasama at wala syang kasabay pauwi, hindi niyon nabawasan ang ngiti at kilig na nadarama nya.