bc

Ang CHATMATE Kong SEAMAN-loloko

book_age16+
59
FOLLOW
1K
READ
second chance
office/work place
like
intro-logo
Blurb

Patas lang sila noong kapwa lokohin ang isa’t Isa. Siya na ginamit ang filter upang pagandahin ang sarili at ang lalaki ay marami pa lang reserba. Itinigil nila ang mga kalokohan noong parehas na karmahin, only to find out, sila rin pala ang magkakatuluyan sa huli.

(This is a short story.)

chap-preview
Free preview
Chaptre 1
“Hoy Cathy! Kanina ka pa posing ng posing dyan! Hindi mo ba nakikita na may gustong bumili ng ulam? ” saway ng kanyang tiyahin sa kanya nang hindi siya magkandaugaga sa pag-picture sa sarili sa tapat ng pintuan. “At tsaka bakit ba diyan ka nagpi-picture, wala na tuloy akong madaanan!” dugtong pa ng nagmamay-ari ng karinderyang pinagtatrabahuan. “Sandali lang po Tiya! Maganda kasi yung spot na ito at maliwanag, mas makikita ang beauty ko,” sagot naman niya na panay nguso pa habang nakatingin sa camera ng cellphone. “Pwede po bang ikaw muna ang mag-asikaso sa bumibili? Ise-send ko lang po itong picture ko sa boyfriend ko,” dugtong niya pa. Sa lahat ng mga tiyahin niya ay dito siya close. Madalas ay nakakakwentuhan at nakakabiruan niya ito, kung kaya naman hindi na siya nahihiya pang pakautusan ang nakakatandang babae. Ang kakaibang closeness nila ng tiyahin ay isa ring dahilan kung bakit tinanggap siya nito bilang katu-katulong sa maliit na negosyo nitong karinderya. “Hay nako, sino ba kasi ‘yan? Si seaman number 1? O number 2?” saad naman nito na sa kabila ng inis na naramdaman ay sinunod pa rin ang utos ng pamankin. “Silang dalawa Tiya!” natatawa niyang turan. “Aba, mag-ingat-ingat ka diyan sa ginagawa mo, Cathy! Baka karmahin ka na niyan sa dami ng bino-boyfriend mo,” sermon nito sa dalaga na anak ng kapatid nitong lalaki. “Makapagsabi naman po kayo eh parang isang dosena ang boyfriend ko,” bahagyang pagmamaktol niya. “Huwag po kayong mag-alala Tiya Betchay, I’m sure naman marami ring babae ang mga ito noh. As the saying goes seaman is seamanloloko, so patas lang!” pakli niya. Takot siya sa karma pero pagdating sa mga bagay na iyon alam niyang exempted siya. Natuto na kasi siya. After all the heartache from his past relationships na ang dahilan ay third party, ayaw na niyang maisahan pa ngayon. “Hoy, bata ka! Baka nakakalimutan mong seaman rin ang tiyuhan mo ha! At kahit ganoon iyon, never pa naman niya akong niloko noh! Huwag kang ganyan! Kung may seaman na manloloko, I’m sure marami pa rin ang loyal na takot sa karma, hindi kagaya mo,” madiin ang pagkakasabi nito sa mga huling binitawang salita sa dalaga. “Aray naman Tiya. Magdahan dahan ka naman sa mga sinasabi mo,” natatawa niyang wika. “Alam ko naman kung anong pwedeng gawin sa akin ng karma noh, pero dahil pakiramdam ko talaga na hindi lang ako ang nag-iisang babae ng mga ito, kaya naghanap rin ako ng reserba, para hindi unfair di’ba?” sambit niya pa. Ganito ang galawan niya pero ang totoo ay malakas lang naman ang loob niya sa phone, sa personal kasi ay hindi niya ito magawa. Paano’y wala namang nagtatangkang manligaw sa kanya in person. “Ewan ko sa iyo! Ang magnanakaw talaga takot sa kapwa magnanakaw!” saad pa nito pagkatapos pagsilbihan ang bumibili ng ulam. “Alam mo, dapat mamili ka na sa kanilang dalawa. Kung sino talaga ang pinakamatimbang sa iyo sa kanya ka na lang mag-focus. Hindi ‘yung kung kanino kanino mo pa ibinibigay ang picture mo. Sandali, patingin nga ako?” tumabi ang tiyahin kay Cathy at hinablot ang cellphone nito. “Aba? Ikaw ba ito? Bakit ang sexy mo dito? At bakit iba ang mukha mo?” pagtataka nitong tanong habang nakakunot pa ang noo habang pinakatitigan ang picture ng pamankin. “Tiya Betchay naman eh. Walang basagan ng trip!” banas na sambit niya nang bawiin ulit ang telepono. “Ako ‘yan! Tingnan mo naman yung suot ko oh, pati yung background parehas na parehas!” tinuro pa niya ang damit pati na ang spot na pinagtayuan kanina. “Eh hindi mo naman kamukha ‘yan eh! Kaya pala ang dami mong naloloko, eh puro filter lang ang picture na ipinamimigay mo!” natatawang wika nito. “Tiya ha, iniinsulto mo na ako! Anong palagay mo sa akin, panget?” ismid niya rito. “At tsaka konting filter lang naman ang nilagay ko sa mukha ko. Gusto ko lang naman maglaway sila sa akin, at manghinayang sila na iwan ako,” idiniin niya ang huling katagang binitawan. “Bahala ka nga!” naiinis na nitong turan. Supportive naman ito sa pamangkin pagdating sa maraming bagay pero pagdating sa bagay na iyon ay hindi. “Eh paanong hindi ka iiwan eh bukod sa nagsisinungaling ka, paasa ka pa!” ini-roll nito ang mga mata. Ganito talaga ang pamankin, matigas ang kukote. “Eh, hayaan mo na ako sa diskarte ko tiya!” nababanas naman niyang saad at tuluyan nang ipinadala ang picture sa dalawang lalaking unang nakalista sa messenger nito sa isang sikat na social media. Samantala… Sa malayong parte ng karagatan sa lungsod ng Alaska, sa loob ng bansang Amerika. “Billyboy! Ano na naman ang nginingiti-ngiti mo dyan? Kumain ka na at kailangan mo nang mag-duty,” saway ni Jason kay Billy nang buksan nito ang pintuan ng kuwarto ng lalaki at makita itong kasalukuyan pa ring nakahiga sa kama nito. “Sandali lang p’re, ang sarap kasi pakatitigan ng girlfriend ko, ang ganda eh. Jackpot talaga ako dito!” nangingiti nitong sambit na tila ba kinikilig habang nakatitig sa screen ng telepono. “Sino ba ‘yan? Si Julia o si Marivic?” tanong ng kasamahan nito sa trabaho. “Ano ka ba, si Cathy!” “Cathy? Bago na naman ‘yan?” ikinunot nito ang noo sa narinig. Napatawa si Billy sa tinuran ng kasama. “Ganyan siguro talaga kapag guwapo p’re, sadyang habulin ng mga babae,” saad pa nito na tila nagyayabang. “Oh, eh, guwapo nga pero ano naman ang mapapala nila sa iyo kapag napatalsik ka na sa trabaho?” sinundan din nito ng pagtawa ang sinabi. Tsaka lang tiningnan ni Billy ang orasan na nakasabit sa dingding pati na ang orasan na nasa cellphone. Sampung minuto lagpas ng alas- syete ng gabi. Napabalikwas ito sa pagbangon at dagling nagpalit ng uniporme. Paano ba ito? Late na naman ang lalaki. At knowing na hindi pa rin kumakain ng hapunan paniguradong sermon na naman ang aabutin nito sa pinaka superior ng mga ito sa loob ng barko. Dumiretso na ang binata sa kung saang parte ng barko ito nakadistinong magtrabaho. Ano pa nga ba at hindi na lang ulit ito maghahapunan ngayong gabi dahil ilang beses na itong napapagalitan ng Captain ng cargo ship na siyang pinagtatrabahuan ng lalaki. Isa itong seaman. Fourth engineer to be exact ang ranggo nito, isa sa medyo may kataasang ranggo roon. Malaking hirap na ang pinagdaanan ni Billy para lang makarating kung nasaan na ito ngayon. At magiging malaking dagok sa buhay ni Billy kung isang araw ay mawala na lang ang lahat ng pinaghirapan dahil lang sa kapabayaan nito. He used to be dedicated at work. At ginagawang libangan lang ang pagkolekta ng mga babae. Sadyang may pagkakataon lang na nawiwili ito sa kaka-chat sa mga girlfriend nito ngayon.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
175.9K
bc

His Obsession

read
104.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.1K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.0K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook