WALANG kahirap-hirap na inakyat ni Yzaak ang mataas na pader ng mansyon ng taong pakay niya ngayong gabi. Sapat na ang suot niyang over-all black suit with hood upang hindi siya makita ng mga nagkalat na guwardiya sa dilim.
Mula sa ibabaw ng pader, tumalon siya papunta sa isang sanga ng puno. Agad siyang bumunot ng tatlong palaso at isa-isa iyong tinira sa mga bantay. Hindi naman niya ito papatayin, papatulogin niya lang, hindi naman ang mga ito ang pakay niya kundi ang amo ng mga ito.
After a few seconds, he smirked when he saw those guards laying on the ground, as he expected, sleeping.
He doesn't mind the CCTV cameras around the area. Alam na niyang disabled na iyon. He swiftly climb into another tree patungo sa balkonahe ng mansyon. Nakita niya niya ang taong pakay niya, payapang natutulog sa kama nito habang katabi ang dalawang hubad na katawan ng mga kalantari nitong babae.
Agad siyang kumuha ng isang palaso, tahimik niyang pinakawalan iyon patungo sa noo ng lalaki. Ni hindi na nito nakuhang makaigik. Nagkikisay ito hanggang sa tuluyang tumigil ang paghinga.
"Mission Accomplished." bulong niya sa earpiece na gamit. Matapos niya bunutin mula sa pagkakabaon sa bungo ng target niya ang palaso niya, agad siyang umalis sa lugar na iyon. Sinigurado niyang wala siyang maiiwan ni isang bakas.
He immediately drive his Bugatti Veyron to his house. He needed some rest. And a cold shower to calm his senses.
Sumalubong sa kanya ang madilim at tahimik na paligid nang makarating sa kanyang bahay. He smiled bitterly. Well, ano pa nga bang bago? In almost twenty-two years of his life, puro kadiliman na ang kasama niya.
Ibinato niya ang bow at arrows sa sofa saka siya dumiretso sa mini bar. Nanginginig na naman siya sa galit ng maalala ang nangyari sa kanyang pamilya years ago.
He had a perfect family before. His father is one of the most successful businessman and philathropist in his era, a loving husband and father to their family.
He has a caring, understanding mother and adorable elder sister. Everything was perfect before, not until the worst nightmare on his life happened. He was only eight years old at that time nang looban ng mga hindi kilala at armadong lalaki ang kanilang bahay.
Those maggots raped his mother and sister in front of him. They also tortured and killed his father. Halos masiraan siya ng bait ng kitilin sa mismong harap niya ang kanyang pamilya. Somebody else says, swerte daw siya dahil siya lamang ang nakaligtas kanila but he never treated the spareness of his life being lucky.
Walang maiturong salarin dahil napag-alaman niyang may kapit sa batas ang gumawa noon sa pamilya niya. Agad tinapos ang kaso. No questions asked.
It was a totally nightmare for him. Sa murang edad, walang araw na hindi niya hiniling na sana ay namatay na lang din siya. Walang gabi na hindi siya dinalaw ng bangungot na iyon sa gitna ng pagtulog niya.
He attempted to suicide many times pero palagi na lang may nakakakita sa kanya at inililigtas siya. Na-detain siya sa isang mental institution for almost two years.
When he came back to his senses. He came up with a plan. Dahil wala siyang naiwang kamag-anak, at the very young age, pinagsabay niya ang pag-aaral at pagpapatakbo sa mga naiwang negosyo ng kanyang ama. Sinimulan din niyang mag-hire ng mga private investigator para alamin kung sino ang mga demonyo na pumatay sa pamilya niya but they are all struggling to find the truth. Nahirapan ang mga itong humanap ng impormasyon.
Until he met Demon. An alias name. Demon recruited him to become a member of The Sentinels, a vigilante group that eliminates criminals and bad people that caused damage to society. They're not allies of the government nor enemy. Pero inaalis lang nila ang mga bulok na tao na namamalakad sa bansa.
Bilang kapalit, tutulungan daw siya nitong hanapin ang mga salarin sa pagpatay sa kanyang pamilya. He grab the opportunity. He doesn't care even if he needs to kill people that he doesn't even know personally. Natuto siya ng iba't-ibang self defense techniques like karate, judo, aikido, combat fighting especially his trademark killing style now.
Archery.
And that time, Arrow was born.
-
"NATAGPUANG wala nang buhay si Mayor Ricardo Quirez sa kanyang silid dito sa kanyang bahay. Ayon sa mga nakakita sa bangkay ni mayor, nakita na lamang daw nila ang alkalde na naliligo sa sariling dugo habang nakahiga sa kama nito.
Hindi lingid sa kaalaman ng nakararami na ilang beses noong nasangkot ang pangalan ni Mayor Quirez na may pinamamahalaang drug factory at mga illegal na bahay-aliwan kung saan nagbebenta ito ng mga babae ng sapilitan. Ayon naman sa ilang nakakikilala sa Mayor, baka daw gusto itong ipatumba ng mga kasama nito sa nasabing negosyo ngunit ayon kay SPO2 Cruz, pinaniniwalaan nilang mayroong isang grupo ng mga vigilante o mga professional hitman ang nasa likod ng pagpatay na ito, dahil na rin daw umano sa mga sunod-sunod na pagkamatay ng ilang pulitiko sa ating bansa, ayon sa mga pulis, maaaring sila ang may kagagawan ng pagpaslang sa alkalde ayon na din sa uri ng pagpatay na ginawa sa mga biktima..."
"Grabe, nakakatakot na talaga sa panahon ngayon. What if magdagdag tayo ng guards hon?" muli sa panonood ng balita sa TV, napadako ang tingin ni Francesca sa ina habang nilalapag nito sa center table sa kanilang sala ang isang tasang kape para sa ama.
"Don't be so paranoid Felicia." halata sa boses ng kanyang ama ang kawalan ng interes sa sinabi ng ina.
"I'm not paranoid hon! Inaalala ko lang ang safety natin especially Cheska ngayong uuwi na siya dito sa Pilipinas." Francesca smiled bitterly nang marinig ang pangalan ng nakatatandang kapatid.
"By the way Francesca, wala ka namang pasok ngayon diba? Mabuti nang dumito ka muna sa bahay habang sinusundo namin si Cheska sa airport, tulungan mo sina Manang Sally na maghanda ng mga pagkain." sabi ng kanyang ina.
"S-sige po Mom." Wala namang siyang choice. Hindi niya maiwasang makaramdam na naman ng kaunting inggit sa kapatid. Ito kasi ang paborito ng kanyang mga magulang. Sunod sa lahat ng luho. Lahat ng gustuhin nito ay palaging nasusunod.
Simula pa noong mga bata sila ay palaging ito ang pinapaboran ng kanyang mga magulang. Maging ang mga taong nakapaligid sa kanila. She doesn't blame them naman. Mas maganda, matalino, at madaling pakisamahan ang ate niya kompara sa kanya. She's a shy type person unlike her sister. Halos lahat ng tao sa paligid nito ay madali nitong nakakasundo.
Ni hindi tumutol ang mga magulang niya nang magdesisyon ang kanyang kapatid na pumasok sa modeling world at pumunta sa ibang bansa para pansamantalang manirahan.
Tatayo na dapat siya upang pumunta sa komedor ng mapadako ang tingin nila sa pinto nang pumasok doon ang isang maganda at sopistikadang babae.
"I'm home!" nakangiting bulalas ng kanyang kapatid Cheska.
"Oh my gosh! My princess! Akala ko ba susunduin ka namin sa airport?" sinugod ito ng yakap ng kanyang ina. Hindi maitago sa mga boses nito ang kagalakan na makita ang kapatid. Ibinaba naman ng kanyang ama ang diyaryong hawak at lumapit din sa kapatid.
"I want to surprise y'all Mom and I guess I succeed on that part. Oh, Cesca! How are you? long time no see huh?" kimi siyang ngumiti sa kapatid.
"Ayos lang ate." kiming tugon niya.
"Ang mabuti pa, umakyat ka muna sa kuwarto mo anak para magpahinga habang inihahanda pa yung mga pagkain. I'm sure may jet lag ka pa." anak. Never siyang tinawag nang ganoon ng kanyang ina. Even her father. Pinigilan niya ang emosyon na gustong kumawala sa loob niya. Mapait siyang napangiti habang nakatingin sa mga magulang na tuwang-tuwang inaakay ang ate paakyat sa kuwarto nito. She will always be her sister shadow. An outcast.
-
"ANONG sinabi mo? Nandito na yung bruhilda mong kapatid?" natatawang pabirong binato ni Francesca ng throw pillow ang kaibigang si Amy. Nandito siya sa bahay nito dahil bored daw ang babae at gusto nang kausap, wala naman siyang ginagawa sa bahay nila dahil umalis ang kanyang mga magulang at kapatid para magpunta sa mall sa bayan.
"Grabe ka naman sa ate ko." kinuha niya ang mug na may lamang ice cream at itinutok ang mata sa TV.
"Bakit? Totoo naman ah? Bruhilda naman talagang yang kapatid mo. Akala mo kung sinong santa sa sobrang bait, may itinatago namang sungay. Ipapakilala mo ba si Raffy sa ate mo?" Raffy is her boyfriend. Isa itong Engineer at okay naman ito sa parents niya. Magda-dalawang taon na lang simula ng maging nobyo niya ito ng makilala niya ang binata sa isang dinaluhan nilang conference noon ni Amy sa Baguio at magsimula itong manligaw sa kanya. Public school teachers kasi sila ni Amy at saktong isa ang binata sa mga guest speakers.
"M-mukha namang nagbago na siya." sabi niya.
"Naku bes, ang hirap kasi sayo masyado kang mabait. What if gawin na naman niya sayo yung mga ginawa niya dati? Dakilang con artist pa naman yang kapatid mo." Natigilan siya sa sinabi ng kaibigan. Amy is her best friend since high school sila kaya alam na nito ang buong kuwento ng buhay niya.
She admitted na nakaramdam siya ng kaba sa pagdating ng kapatid. Hindi naman niya ito gustong ma threatened o maging paranoid but she can't help it. May mga times kasi noon na may mga naging manliligaw siya but after ng mga ito ito makilala ang kapatid niya ay nawawalan na ang mga ito ng interes sa kanya.
"Sinasabi mo ba na baka magkagusto si Raffy sa ate ko?"
"Ay nako bes, ayaw ko mang isipin ay may possibility ang sinabi ko. Lalo na at hindi ko gusto ang likaw ng bituka niyang jowa mo plus kakatihan ng ate mo."
"Amy!"
"Tama na nga bes, naba-badtrip ako sa mga balita mo. Payong kaibigan lang ha, bantayan mong maigi iyang jowa mo. Mabuti na yung nag-iingat." she sighed. Mas lalo lang tuloy siyang nakaramdam ng takot.
Hindi naman siguro mauulit yung mga nangyari dati...right?