2

1529 Words
MABILIS na pinaandar pa ni Yzaak ang kotse niya nang tuluyan siyang makapasok sa gate ng malawak na vicinity ng isang lupain ni Demon. Automatic na nagsara ang gate nang makalagpas siya. Mas pinabilis niya ang pagpaandar ng sasakyan hanggang sa matanaw na niya ang mansyon. Nang makarating siya sa tapat ng Headquarters ng Sentinels, lumabas siya ng kotse niya saka ibinigay kay Rum na nakaabang na sa kanya ang susi. Maybe he knows that he's already late, ito na ang bahalang mag-park ng maayos ng sasakyan niya. Sinalubong rin siya nang isa pa sa mga tauhan ni Demon na si Bourbon bago pa siya makapasok sa pinto ng mansyon. Sentinels Headquarters designed like a house, a no, mas tamang sabihing mansyon para walang masyadong taong maghinala. Sa labas, mukha iyong mga malaking kastilyo na kadalasan ay sa mga pelikula lang niya nakikita. A castle that made during Medieval time. Demon designed that mansion by himself. Mayroon pa iyong maze sa likod na bahagi hindi kalayuan sa mansyon at malawak na hardin na mayroong butterfly house. May malawak na parking space area kung saan nandoon rin ang iba't-ibang koleksyon na mga mamahalin na mga motor at kotse ni Demon. That place could pass as a tourist attraction sa ganda ng paligid. Pero siyempre, hindi iyon papayagan ni Demon. That HQ is his private property. Hindi rin basta-basta makakapasok doon maliban na lang kung isa kang miyembro ng Sentinels. Nakatayo iyon sa isang chateau na pagmamay-ari rin mismo ni Demon. Kompleto iyon sa lahat ng facilities na kailangan nila sa loob. Ilan lang sa mga iyon ang quarters ng mga miyembro ng Sentinels, monitoring area, a wide pantry, dining room, entertainment area, infirmary, shooting range at napakalawak na gym na punong-puno ng iba't-ibang equipments. Mayroon din na conference room kung saan sila nagmi-meeting kapag pinapatawag sila ni Demon. Bukod pa doon ang kwarto ng bawat tauhan ng lalaki. Kung titignan sa labas, mukha lang simpleng mansion ang HQ pero sobrang iba ang itsura sa loob kapag pumasok ka, kahit sino ay mamamangha sa napaka-advance na teknolohiya na makikita sa buong lugar. "Kompleto na ba sila sa loob?" tanong niya kay Bourbon na nakasunod lamang sa kanya. The guy remain his face stoic. Wala siyang emosyon na mababakas sa mukha ng lalaki. There was also something weird about Demon's people that he noticed. Parang walang mga emosyon ang mga ito. But he just let them, hindi na rin siya nag-abalang magtanong because he knows that it's none of his business. Like Demon, alias lang din ang gamit ng mga tauhan nito but unlike their big boss, nakikita naman nila ang mga itsura ng mga ito. Not gonna lie, they're all look like a models or Hollywood actors. Hindi niya alam kung bakit mas pinili ng mga ito na pumasok sa Sentinels. Pero siguro katulad niya, may kani-kaniyang mga rason din ang mga ito kung bakit ito naging mga tauhan ni Demon. "Nasa conference room na silang lahat ngayon Mr. Arcarius." he said using his cold and baritone voice. Tumango lamang siya sa lalaki bilang tugon. Nang makarating sa conference room ay nadatnan niya doon ang tatlo pa niyang kasamahan sa Sentinels, nandoon din ang iba pang tauhan ni Demon. "You're late." nakangising bungad sa kanya ni Joker. Patamad namang humugot siya ng isang upuan at pabagsak na umupo doon. "Marami lang inasikaso sa office." marahan niyang hinilot ang sentido nang makaramdam siya ng munting kirot. Hinila rin niya ang necktie para luwagan iyon sa pagkakakabit sa leeg niya. Kung tutuusin naman ay kahit hindi na siya magtrabaho, sobra-sobra pa ang pera niya kahit hanggang sa tumanda siya. Bukod kasi sa mga kinikita ng chain of companies niya ay binabayaran din sila ni Demon ng milyon-milyon tuwing may misyon sila. Ayaw lang niyang pabayaan ang mga kompanya na iniwan sa kanya ng kanyang ama. Isa na lamang iyon sa mga alaala na iniwan nito sa kanya. Pinasunog na kasi niya ang dati nilang bahay kung saan naganap ang bangungot niya years ago. "Stop stressing yourself, Yzaak. You need to relax sometimes." sabi na man sa kanya ni Hunter. Pinilit niyang nginitian ang kaibigan. Yeah, kaibigan. These guys make him feel that he's not alone, mukhang applicable sa kanila yung kasabihang the birds with the same feathers, flocks together. Pare-parehas lang naman sila ng kapalaran. Each of them has their own story. Like him ay kilalang mga businessman din ang mga ito despite their different careers or profession. First, si Xerxes Ceazar. The Hunter. Ito ang una niyang nakilala sa Sentinels at nakapalagayan ng loob. He's a lawyer at kasosyo din niya ito sa isa sa mga negosyo niya. Xerxes using different kinds of guns to kill and accomplished his missions. He can say that he's a freakin' sniper. Then Dimitri Bartholomeo. The Blade. He's a doctor. He uses swords, blades or knives with deadly poison to kill. And si Ibrahim de Luca. The Joker. For him, ito ang may pinaka weird na trademark weapon to kill but amazes him at the same time. Ibrahim uses cards to kill his target easily. Sa kanilang apat, masasabi niyang ito ang pinakamaloko at playboy. Kung hindi lang niya ito kilala, masasabi niya na para lang itong tipikal na happy-go-lucky guy. Lastly, the founder of The Sentinels, Demon. They didn't even know his real name and face yet. Palagi itong nakasuot ng maskara kapag kinakausap sila. O kaya naman, mayroong speaker o television kung saan sila nito kinakausap. And again, it's not his business kung ayaw man nitong ipakita ang mukha sa kanila o magpakilala, maybe he has his own reasons too. "Congratulations to your recent missions gentlemen, nai-deposit ko na rin ang mga bayad sa inyo in your own bank accounts." sabay sabay silang napabaling sa malaking flat screen television sa unahan. As usual, naka video conference nga si Demon. Logo lang ng Sentinels ang naka-flash sa screen habang nagsasalita si Demon. "And I have a good news for each one of you. I will talk to all of you privately and I will start to you, Arrow." That's new. First time silang kakausapin isa-isa ni Demon maliban na lang pag binibigyan sila ng mga masyadong confidential na mission. "Vermouth will lead you the way Arrow papunta sa private office ko. Sundan mo lang siya." - MARIING napakapit sa manibela ng kanyang kotse si Yzaak habang paalis ng HQ. Parang paulit ulit na nag-reply sa utak niya ang pinag-usapan nila ni Demon... Pumasok siya sa private office ni Demon matapos siya pagbuksan ni Vermouth ng pinto. Isinara rin nito iyon matapos siya iwan sa loob. Nandoon si Demon, nakaupo sa isang upuan sa harap ng mesa, nakasuot ng itim na maskara ang lalaki. "Have a sit first, Arrow." Umupo naman siya sa couch. "So, bakit mo ako gustong makausap? New mission ba ito? Masyado bang confidential kaya--" "It's about the prime suspect to what happened to your family years ago." mariin niyang nakuyom ang sariling kamao ng marinig ang sinabi ng lalaki. Unti-unting kumalat ang galit sa buong katawan niya. "Tell me more." he said. "It's the Al Capone Organization. It's a well known organization in terms of doing illegal things and business in Italy. Kahit ang mga mafia organization doon, kinakalaban din nila. Kilalang pilantropo ang ama mo, mahal siya ng masa dahil sa pagtulong niya sa mga mahihirap at pagpapakulong sa mga kriminal. Too bad, nabangga niya ang organization na iyon ng hindi sinasadya. Gusto nilang patumbahin at patahimikin ang ama mo then the rest is history." "Sabihin mo sakin kung saan ko matatagpuan ang organization na 'yan! Tangna, dahil lang doon?! Mga hayop sila." "Calm down, Yzaak. Hindi basta basta ang organization na 'yon. We're working on tracking them right now, pero may mga list of suspects na ko kung sinu-sino yung mga nanloob sa bahay niyo dati. I will send you the details. It's up to you kung ano ang gusto mong gawin sa kanila." Matapos niyang makuha ang mga files ay umalis na siya sa HQ. This is it. Lintik lang ang walang ganti. Kailangan pagbayaran ng mga hayop na iyon ang ginawa nila sa pamilya niya. Napukaw ang pag-iisip niya ng tumunog ang kanyang cellphone. He turned on the bluetooth connection of his phone at ikinonekta iyon sa bluetooth earpiece saka niya sinagot ang tawag. "What is it?" bungad niya sa sekretarya. "Good afternoon Sir, I'm sorry to disturb you but I want to inform you that you have a meeting at San Vicente Elementary School now Sir, tungkol daw po sa pagdodonate niyo ng pera para maipa-renovate ang school nila." he sighed. Damn. Bigla siyang nairita. Muntik pa niyang makalimutan ang ibang schedule niya para sa araw na iyon, ang akala pa naman niya ay makakauwi na siya agad. Hindi naman niya pwedeng i-cancel iyon dahil naka-oo na siya na pupunta siya nang tawagan siya ng principal noong nakaraan. "Fine. Meet me there." matapos patayin ang tawag ay agad niyang pinasibad ang kotse patungo sa school na sinabi ng secretary. Tatapusin muna niya ang meeting na iyon bago siya umuwi sa bahay niya. He feels so exhausted after what Demon said to him. He fckin' need a rest.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD