ABALA sa pag-aayos ng records ng kanyang mga estudyante si Cesca sa faculty room nila nang humahangos na pumasok ng doon si Amy at agad lumapit sa desk niya.
"Oh my gosh bes! Grabe, hindi ka maniniwala sa balitang nasagap ko!" tarantang pinaypayan pa nito ang sarili na parang init na init.
"Ano na naman 'yon? Atsaka umayos ka nga. Baka may makakitang estudyante sayo." kumuha ito ng monoblock chair at umupo sa harap niya.
"Paano ba naman kasi, pupunta daw dito si Mr. Yzaak Arcarius!" kinikilig na sabi niyo. Napakunot-noo naman siya.
"Sino naman iyon?" tanong niya, parang hindi naman makapaniwalang tumingin sa kanya ang kaibigan.
"Yung totoo bes? Saang bundok ka ba galing? Yzaak Arcarius is one of the most successful and popular bachelor businessman hindi lang dito sa Pilipinas but also in other countries. Nasa business line ang family mo so impossible naman na hindi mo siya kilala. I'm sure kilala sila ng parents mo dahil madalas silang laman ng business parties or gatherings."
"Wala naman akong interes sa mga business na 'yan. Tsaka, alam mo namang never akong sinama ng mga parents ko sa party na dinadaluhan nila diba?" pilit siyang ngumiti sa kaibigan.
Totoo naman kasi. Sa tanang ng buhay niya, never pa niyang naranasan na dumalo sa isang party at ipakilala ng mga magulang sa ibang tao bilang anak ng mga ito. "Sige, diyan ka muna. Pupunta lang ako sa library."
Hindi na niya inantay na sumagot pa ang kaibigan at lumabas na siya ng faculty room.
MATAPOS kuhanin ang ilang libro na kailangan niya sa library ay nagmamadali si Cesca na bumalik na sa faculty room. Abala siya sa pagche-check ng mga libro ng makita niya ang isang matangkad na lalaki na palinga-linga. Nakatalikod ito sa direksyon niya pero sigurado siyang naliligaw ito.
"Excuse me sir?" tawag niya ng pansin dito. Muntik na siyang mapasinghap ng makita ang kabuuang itsura nito. This guy is so handsome! Para itong protagonist character na sa mga romance novels niya lang nababasa. Never pa siyang nakaramdam ng ganoong paghanga sa isang lalaki kahit sa boyfriend niyang si Raffy.
She assumed that he is a foreigner based on his ocean-blue eyes na matiim kung tumitig. Matangos ang ilong nito. Kahit nakasuot ito ng suit ay hindi naitago noon ang well-built na katawan nito. Napako ang tingin niya sa kulay pulang mga labi nito. Ano kayang feeling na mahalikan noon?
My goodness Cesca, may boyfriend ka na! palihim na saway niya sa sarili. Bakit ba naman kasi niya naisip iyon?
"Miss? Are you alright?" para namang napahiya si Cesca ng maramdaman ang marahang pagtapik ng lalaki sa kanyang balikat. Naramdaman niya ang pamumula ng kanyang mga pisngi. Nakakahiya! Nahuli niya akong nakatitig sa kanya!
"A-Ahm, what is it again sir?" she composed herself. Pilit niyang itinago ang nararamdamang pagkapahiya sa lalaki. Nailang siya ng lumapit pa ito sa kanya hanggang sa dalawang metro na lang ang layo nila sa isa't-isa. He gently touched her chin, iniyuko nito ang ulo dahilan para magsalubong ang mga mata nila ng lalaki. Para namang may kung anong kuryente ang kumalat sa buong katawan niya.
"Beautiful." naamoy niya ang nakaliliyong amoy ng lalaki. Parang gusto na lang niyang magpakulong sa mga bisig ng lalaki at maghapon samyuhin ang mabangong amoy nito. Cesca! Can you just stop your wild thoughts? Para namang nabuhusan ng malamig na tubig si Cesca at lumayo sa lalaki.
"W-what can I do for you sir? A-are you lost?" gosh. Why she's stammering? Dumiretso naman ng tayo ang lalaki at binigyan siya ng ngiti. Now she knows kung ano yung sinasabi palagi sa kanya ni Amy pag nakakakita ito ng guwapong lalaki. Nakakalaglag panty daw yung ngiti.
"Hinahanap ko kasi yung principal's office. Hindi ko naman alam kung saan iyon, sabi nung guard dumiretso lang daw ako but I still can't find it." she was stunned ng marinig ang pagtatagalog nito.
"Ganun ba? Diretsuhin mo lang yung corridor na ito then yung pinaka last room, yun na yung principal's office." pagbibigay instruction niya sa lalaki. Nang i-check niya ang suot na wristwatch ay nanlaki ang mga mata niya ng makitang time na pala ng susunod na klase niya.
"Sige sir, una na po ako." she smiled to the guy at marahang yumukod dito bago nagmamadaling umalis. Idadaan muna niya ang mga librong hawak sa faculty room. Nadatnan niya doon si Amy na abala sa pagme make-up sa sarili.
"Uy bes, san ka pupunta?" puna sa kanya ng kaibigan ng mapansing nagmamadali siya.
"May klase pa ko. Ikaw ba?"
"Wala daw klase ngayon, pinapatawag tayong lahat sa principal's office. May pa thanksgiving meeting doon. Dumating na daw si Mr. Arcarius. Ay by the way, eto siya oh. Ang yummy diba?" inilapag ng kaibigan isang magazine sa harap niya. Natutop naman niya ang bibig ng makilala ang lalaki sa larawan.
"Oh my God."
-
"UY BES, okay ka lang ba? Bakit sobrang pula ng mukha mo?" napabaling ang tingin ni Cesca sa kaibigan. Papunta kasi sila ngayon sa Principal's Office dahil pinatawag nga sila. She also doesn't know why she suddenly have a cold feet right now. Para ding biglang nagrigodon ang puso niya.
Maybe because you will see again that handsome and attractive guy named Yzaak Archarius?
Napailing siya at sinaway ang ideya na nabuo sa utak. Bakit ba kasi parang ang lakas ng epekto sa kanya ng lalaking iyon? Kakakilala pa lang niya sa lalaki for Pete's sake! Feeling niya tuloy, pinagtataksilan niya si Raffy.
"Uy bes, dito tayo. Lumagpas ka na. Ayos ka lang ba talaga?" Iginala niya ang tingin sa paligid. Lumagpas na nga siya. Pagpasok nila sa office ay sumalubong sa kanila ang iba pang teachers na nandoon. But the really caught her attention ay ang lalaking may asul na mga mata na matamang nakatitig sa kanya. Nasa gilid nito ang isang lalaki na naka-eye glasses.
"Oh, Ma'am Amy, Ma'am Cesca, buti at nandito na kayo. Kanina ko pa kayo inaantay eh. By the way Mr. Yzaak Arcarius, this is Ms. Amelia Ruiz and Ms. Francesca Nicolas. Teachers, this is Mr. Yzaak Archarius siya yung nag-donate nang pang pa renovate nitong school natin." nahihiyang inilahad niya ang kamay sa binata. Nahihiya din siya sa long introduction ni Mr. Basques, ang principal ng school. Hindi naman sila importanteng tao para ipakilala.
"I didn't know that you have a beautiful teachers here on your school, Mr. Basques." naramdaman niya ang marahang pagpisil ng binata sa palad niya. Agad naman niyang binawi ang kamay mula dito.
"Of course Mr. Arcarius, they are not just beautiful but also one of the best and hardworking teachers here." sagot naman ni Mr. Basques.
"I see." maikling tugon ng binata habang nakatitig pa din sa kanya. Nang matapos ang meeting ay nagkaroon ng munting salo-salo.
"Bes, mukhang bet ka ni Mr. Arcarius ah." bulong sa kanya ni Amy habang kumukuha sila ng pagkain.
"Tumahimik ka nga. Hindi yan totoo." saway niya sa kaibigan.
"Sus, obvious na obvious naman noh, grabe nga kung titigan ka. Parang gusto ka na niyang ikulong sa kuwarto habang nakatali sa kama niya."
"Amy! Ang halay ng utak mo. Atsaka may boyfriend ako. Huwag mo akong ini-issue sa iba." bumusangot naman ang kaibigan ng marinig ang sagot niya.
"Naku, kung ako sayo hiwalayan mo na yung jowa mo. Mas bagay kayo ni Mr. Arcarius." binuntutan pa nito ng hagikgik ang sinabi. She sighed. Alam naman niyang sa simula pa lang di na ito boto sa boyfriend niya para sa kanya. She just understand her friend. Alam naman niyang concern lang ito sa kanya.
Sandaling iniwan siya ni Amy ng tawagin ito ng isa sa mga co-teacher nila para kausapin so she decided na lumabas muna ng office at pumunta sa playground ng school para magpahangin. Umupo siya sa swing at nakapikit na isinandal ang ulo sa bakal. Buti na lang at maagang dinismiss ang klase kaya maaga siyang makakauwi. She want some rest. Medyo exhausted din kasi siya nitong mga nakaraang araw lalo na't dumating ang ate niya.
"Tired?" napadilat siya ng makita si Mr. Arcarius na sobrang lapit ang mukha sa kanya.
"W-what are doing here, Mr. Arcarius?" halos pabulong na tanong niya sa lalaki. Nagsimula na naman ang weird na pagpalpitate ng puso niya.
"Yzaak." usal nito.
"What do you mean--"
"Call me Yzaak, Cesca." he sound so sexy to her ears, lalo na ang pagkabigkas nito sa pangalan niya.
"Say it, Cesca. Say my name." she felt hypnotized by his voice and how he stare to her.
"Yzaak." naramdaman na lang niya ang mainit na pagdampi ng mga labi nito sa labi niya. She felt something unfamiliar heat spreading on her body. Namalayan na lang niyang nakapaikot ang mga kamay niya sa batok nito habang tinutugon ang paghalik nito.
His lips taste so good. Eksperto ang mga labi at dila nito na gumalugad sa loob ng bibig niya. She can feel his strong arms holding her thin waist. Pareho silang humihingal ng bumitaw ito ng halik sa kanya.
"So sweet." usal nito. Mabilis nitong pinatakan uli siya ng halik sa labi bago tumalikod at umalis. Wala naman siya sa sariling napahawak sa sariling labi. Parang hindi pa ina-absorb ng utak niya ang nangyari.
What just happened?