HALOS mailang na si Cesca dahil sa ginagawang pagtitig sa kanya ni Yzaak habang ginagamot niya ang sugat nito sa mukha. Matapos nilang makuha ang take-out order na ice cream mula sa kaibigan nitong si Xerxes ay isinama siya nito sa bahay nito. Siya na rin ang humingi ng despensa sa kaibigan ng lalaki sa inaasal ni Yzaak. "Are you alright, Yzaak?" tanong niya sa lalaki matapos tapalan ng band-aid ang pumutok nitong kilay. Naramdaman niyang humigpit ang kapit ng binata sa bewang niya bago ito kumuha ng wet wipes saka marahang ipinunas iyon sa labi niya, tila may binubura ito doon maliban sa lipstick niya. "Do you still love him?" anas nito habang patuloy paring pinupunasan ang labi niya. Gusto niyang matawa sa tanong nito. So, he's still thinking about Raffy, huh? Tudyo niya sa binata s

