CESCA can't help it but to feel amazed habang nakatingin sa mataas na building kung nasaan siya ngayon. ARCARIUS. Basa niya sa napakalaking silver signage nasa pinakataas ng matayog na building. Huminga siya nang malalim bago siya pumasok sa loob ng gusali. Kimi siyang ngumiti sa guard nang batiin siya. Dumiretso siya sa front desk para magtanong. "Ahm, good afternoon miss. Pwede ko ba malaman kung saan ko pwedeng makita si Mr. Yzaak Arcarius?" tanong niya sa receptionist na nasa front desk. Gusto niya kasing sorpresahin ang lalaki by giving him a lunch. Palagi na lang ito ang nag-e-effort para mapasaya siya kaya gusto niyang makaganti kahit sa maliit na bagay lang. Pagkatapos ng eksena nila sa bahay nito, nag decide siya na bigyan ng chance si Yzaak. Alam niyang masyadong mabilis pe

