CESCA woke up with a great headache. Sobrang sakit ng ulo niya. Hangover siguro iyon dahil na rin sa dami ng nainom niyang alak nang nakaraang gabi. Her eyes get widened when she realized that she was not in her room. Pinakiramdaman niya ang sarili. Wala namang masakit sa kanya maliban sa ulo niya. Iginala niya ang tingin sa paligid. Malaki ang kabuuan ng buong kwarto. Simple lang ang disenyo at hindi gaanong madami ang mga gamit na nasa silid. Minimalist style. Black and white ang wallpaper ng buong kwarto. May mga minimalist painting din na nakasabit sa ulunan ng king size bed kung nasaan siya. May side table sa gilid ng kama at lampshade. May nakasabit din na wallclock sa pader ng silid. Nang tumingin siya sa kaliwa niya, sumalubong sa kanya ang glass wall ng silid kaya kita ang ta

