"MISS Nicholas." napadako ang tingin ni Cesca sa principal ng school nilang si Mr. Basques na nasa pintuan ng classroom kung saan siya kasalukuyang nagka-klase. "Class, pakisulat muna sa mga notebooks niyo itong assignment natin ha? Iche-check natin iyan bukas." matapos sinupin ang mga gamit sa lamesa ay lumapit siya kay Mr. Basques. Sakto naman kasi at time na para sa subject niya sa classroom na iyon. "Good afternoon po sir. May kailangan po ba kayo?" tanong niya sa lalaki. "Pasensya na kung naabala kita. May ipapakiusap lang sana ako, nandito kasi ulit si Mr. Arcarius, gusto kasi niyang makita yung mga buildings na ipaparenovate." she gasped when she saw Yzaak. Prente itong nakasandal sa pader sa gilid ng classroom habang naka-cross ang matitipuno nitong mga braso sa dibdib nito.

