PINASADAHAN ni Cesca ng tingin ang kabuuan sa harap ng full length mirror. She's wearing a white serpentine gown. Medyo malambot ang tela non kaya nae-emphasize nito ang shape ng katawan niya.
May isang mahabang slit din iyon kaya lantad ang hita niya lalo na pag naglalakad siya. Ang strap ay nakasabit lang sa magkabilang balikat niya at pa-sweetheart style ang neckline 'non kaya mas lalong halatang-halata ang cleavage niya. Her long hair was tied up na may nakalaglag na ilang kulot sa paligid.
"Ang ganda mo bes!" tuwang-tuwang saad ni Amy habang tinitignan siya mula sa salamin. Ngayon kasi ang formal party na dadaluhan nila ni Raffy kaya nag presinta si Amy na ayusan siya. Ito din mismo ang pumili ng gown na susuotin niya. Sinamahan pa siya ng kaibigan niya sa isang boutique para bumili ng damit.
"Naiilang nga ko. Feeling ko konting galaw lang masisilipan ako dito sa suot ko." she unconsciously pulled up her gown na para bang matatakpan noon ang cleavage niya.
"Tumigil ka nga sa kakalikot mo diyan sa gown mo. Atsaka be confident nga girl. Kung ako lang ang may ganyang kagandang mukha at katawan, nako baka ipinarada ko na ang pagiging dyosa ko sa daan." she chuckled when she heard what she said.
Magsasalita dapat siya ng makarinig sila ng busina sa labas ng bahay ni Amy. Si Raffy na iyon. Doon na lang kasi niya sa bahay ni Amy piniling mag-ayos dahil wala naman siyang alam sa gagawin niyang pag-aayos sa sarili niya para sa party na pupuntahan nila ng nobyo kaya doon na lang siya nagpasundo. "Nandiyan na yung jowa mo. Enjoy the party ha. If ever na na bored ka, tawagan mo na lang ako." niyakap niya ang kaibigan at inalalayan siya nito pababa sa hagdan.
Nang buksan ni Amy ang pinto ng bahay nito, nakita nila si Raffy na pababa sa kotse nito.
She saw Raffy wearing a pair of a gray piece suit. Guwapo ang nobyo sa ayos nito. Pero mas gwapo pa din si Yzaak. Palihim na sinaway ni Cesca ang ideya na iyon sa isang parte ng utak niya. Napangiti naman ito ng makita siya saka siya sinalubong ng halik. "You're so beautiful, honey."
"Ikaw din naman. Ang guwapo mo." nakangiting sabi niya sa nobyo. "Let's go?" matapos niyang magpaalam at magpasalamat kay Amy ay sumakay na sila sa kotse ng nobyo. Nagpasalamat siya matapos siya nito pagbuksan ng pinto ng sasakyan at alalayan.
Pagdating sa venue ay hindi niya maiwasang kabahan. First time niya dumalo sa ganitong klaseng event. She had no idea what will happen. Wala din naman siyang kilala doon. Naka-absierte siya sa nobyo habang papasok sila sa loob.
Pumapailanglang ang music mula sa live orchestra band na tunutugtog malapit sa hindi kalakihang stage sa harap. Halata rin na puro bigatin at may mga sinabi sa lipunan ang mga tao na nandoon.
Iginiya siya ni Raffy papalapit sa ilang grupo ng mga kalalakihan. Mahigpit siyang nakakapit sa braso ng nobyo habang ipinapakilala siya nito sa mga kakilala nito.
"Engineer Raffy, I'm glad that you're here, still looking good as ever huh?" saad ng isang lalaki na mukhang kakillala ni Raffy. Tinignan siya nito. "And who's that pretty lady beside you?"
Masuyo siyang nginitian ni Raffy. "She's my girlfriend, Architect Rosales." nagpatuloy ang usapan ng mga ito tungkol sa ilang negosyo. Tahimik lang siya at nakikinig sa usapan ng mga ito.
"I'll just go to washroom." bulong niya kay Raffy.
"C'mon sasamahan kita." Akmang tatayo ito mula sa kinauupuan ng pigilan niya ito.
"Huwag na. Sandali lang naman ako. Excuse me." matapos tanguan ang mga kasama nila sa mesa ay agad siyang pumunta sa banyo.
She gasped when someone pulled her from the dark. Nakaramdam siya ng takot ng maramdaman ang taong nanghila sa kanya na nagpapatak ng maliliit na halik sa ulo niya pababa sa kanyang tenga.
"You're makin' me jealous, sweetheart." anas ng taong humila sa kanya.
Napasinghap siya nang makilala ang boses na iyon. Yzaak!
Pumaikot ang mga kamay nito palibot ng bewang niya at idiniin ang katawan niya sa sarili nito.
"What are you doing, Mr. Arcarius?" paanas niyang tanong sa binata. The tingling sensation spread all over her body nang bumaba pa ang halik nito sa leeg niya.
"It's Yzaak for you, sweetheart." he murmured between his kisses.
Bigla siya nitong kinabig paharap at walang babala nitong sinakop ang labi niya. "I can't get enough with you. What are you doing to me, sweetheart?" paungol nitong saad habang mapusok na hinalikan ang labi niya o halik bang matatawag iyon dahil halos kainin na nito ang bibig niya. Pinaghiwalay nito ang mga hita at pumwesto ito sa gitna non.
She can feel his rough callous hand trailing through her gown slit, caressing her legs upward.
Napaungol siya nang mas lalo nitong idiin ang sarili nito sa katawan niya kaya naramdaman din niya ang matigas na bagay na tumutusok sa puson niya and she was not born yesterday para hindi malaman kung ano iyon.
"You're so soft, honey.."
She heard him murmured then kiss her again. Hindi niya maiwasang mapapikit ng mariin, ninamnam niya ang sarap ng halik nito. Hinahalikan naman siya ni Raffy pero iba ang epekto ng mga halik ni Yzaak sw kanya.
Para namang binuhusan ng malamig na tubig si Cesca ng maalala ang nobyo. Inipon niya ang buong lakas at itinulak palayo sa katawan niya si Yzaak. Humihingal siyang tumingin dito. "It's inappropriate, Mr. Arcarius, please don't do that again." Sana hindi nito mahalata ang panlalambot ng boses niya.
Hindi ito sumagot at tumitig lang din sa kanya. Ilang sandali pa ay nakapamulsa itong ngumisi at lumapit sa kinatatayuan niya.
Her heart suddenly beats faster nang marahan nitong ayusin ang buhok niyang medyo nagulo at pinahid ang mga nagkalat na lipstick sa paligid ng labi niya. "I don't want you calling me Mr. Arcarius, honey. If you do that again, I won't hesitate to kiss you. Understood?" kinintalan pa siya nito ng mabilis at magaang halik sa labi bago ito tumalikod at umalis.
Para namang nakahinga siya nang maluwag nang makaalis na ito. Si Raffy! nataranta si Cesca nang maalala ang nobyo. Baka kanina pa ito naghihintay sa kanya!
Agad niyang inayos ang sarili sa banyo at nag-apply ulit nang lipstick. Nang makabalik siya sa mesa nila ng nobyo ay abala pa din ito sa pakikipag-usap sa iba pang bisita.
"Where have you been? Bakit ang tagal mo ata?" salubong na tanong ni Raffy sa kanya.
"Medyo marami kasing tao sa washroom kaya ngayon lang ako nakabalik." Gosh, she can't believe na nagsisinungaling siya sa nobyo. Buti na lang at hindi na ito nagtanong pa. Nang igala niya ang paningin ay nagsalubong ang tingin nila ni Yzaak.
May kasama itong ilang lalaki na mukhang kilalang businessman din habang mataman itong nakatitig sa kanya, uminom ito ng alak mula sa hawak nitong baso. Madilim ang bakas ng mukha nito.
Agad siyang nag-iwas ng tingin. Hindi niya matagalan ang titig nito. "Mr. Arcarius! It's my pleasure to meet the one of the most eligible, successful bachelor businessman here at my party!"
"It's a little bit weird depictions Mr. Cruz but I'm really enjoying here." parang nanigas naman sa kinauupuan niya si Cesca ng marinig ang boses ng lalaking nagpapagulo sa utak niya.
"Mr. Arcarius, I'm Engineer Raffy Dellas. It's my honor to meet you, I hope nabasa mo na din ang pinadala kong proposal para sayo." nakipagkamay ang nobyo niya sa binata.
"Yeah, Nice to meet you too." he paused at tinapunan siya nito ng tingin. No, no please. Huwag sana.. please. Taimtim niyang bulong sa sarili. "And who is this beautiful lady beside you Mr. Dellas?"
Oh gosh! Halos manlamig si Cesca sa sinabi ng binata.
Ngumiti naman si Raffy at inakbayan siya."She's Francesca Nicholas, Mr. Arcarius. My girlfriend." Pilit siyang ngumiti sa binata. Nakita niya na tila pagdilim muli ng mukha ng binata pero sandali lang iyon ni hindi niya alam kung napansin ba iyon ng mga kasama nila sa mesa dahil napalitan agad iyon ng ngiti. A very dangerous kind of smile.
"About your proposal, I already saw it. May isang bagay lang ako na hindi nagustuhan."
"What is it Mr. Arcarius?" nakakunot-noong tanong ng nobyo niya.
"I don't want someone touches 'something' that I believed I already owned." Seryosong saad nito. Napamaang silang lahat dito lalo na ang nobyo niya, halatang naguguluhan. Ano bang pinagsasabi nito?
"I'm sorry what? I don't understand you Mr. Arcarius." His serious face suddenly change again. He cheerfully smiled to Raffy.
"I mean, the renovation of one of my beach resort here at the Philippines. Ayokong pakialaman mo ang buong isla, ang hotel lang ang gusto kong ire-construct ng team mo kung sakali."
"So you mean, We got the deal?" halata sa boses ng boyfriend niya ang excitement.
"As I already said, 'kung sakali'. Pag-aaralan ko pa ang proposal mo." Nilapitan ito ng ilang kasama nito kanina. "I have to go Mr. Cruz, good bye beautiful." nagulat siya ng kumindat pa ito sa kanya.
Siraulo ata ang lalaking iyon. Bipolar pa ata!