The one who tames the brat-1 Ang simula
Kailan ka ba titinong bata ka?- Sermon ni Don Javier sa kanyang apo. Kakauwi lang nila galing Dean Office matapos makipag away sa isa niyang kaklase.
Hindi naman ako ang nauna- Pabalang nitong sagot.
Walang araw na hindi sumakit ang ulo ng matanda sa kanyang apo. Mukhang mamamatay siya ng maaga sa konsemisyon.
Alam mo ba pwede ka ma suspend dahil sa ginawa mo. Mabuti nalang at kilala ko yung Dean - Sermon niya pa dito.
I dont care - Baliwalang sagot nito na lalong nagpasakit sa kanyang ulo
Hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Samantha — Sumusukong sabi ng matanda nawawalan na siya ng pag-asa na tumino ang kanyang apo.
Ngumisi lang ito ng nakakaloko bago naglakad patungo sa itaas.
Napapailing na lang ang matanda ng tuluyan nang mawala sa paningin niya ang apo.
Nang mamatay ang kanyang anak nasi Victoria at ang asawa nitong si Albert sa isang car accident sa kanya na naiwan ang pangangalaga sa apong si Samantha.
Dahil nag-iisang apo lahat ng gusto nito ay kanyang binibigay. Ngunit mukhang hindi maganda ang naidulot non sa kanyang apo masyado niya yata na spoiled ang kanyang apo.
Naputol ang pag-iisip ni Don Javier ng lumapit ang isa nilang katulong.
Don Javier, may bisita po kayo nasa labas po si Sir Dark — pagbibigay alam nito.
Ngumiti sa ng marinig ang pangalan ng kanyang bisita.
Sige papasukin mo — utos niya na agad naman nitong sinunod.
Dark Montero ay anak ng matalik niyang kaibigan. Nang mamatay ang magulang nito ay hindi siya nagdalawang isip na kupkupin ito at ituring na isang pamilya.
Tinulungan niya itong maisalba ang papaluging negosyo na naiwan ng mga magulang nito. Hanggang sa makilala na ito bilang sikat na businessman. Ito na ngayon ang CEO ng Montero Group Corporation.
Kamusta ka hijo? — Tanong niya ng nasa harap niya na ang binata
Okay naman po, na busy lang sa Company — Tipid nitong sagot bago umupo sa katapat niyang upuan.
Kayo po kamusta na? — Balik tanong sa kanya ng binata
Bago niya sinagot ang tanong nito ay nagpahanda muna siya ng meryenda kay Manang Lusing ang kanilang mayordoma.
Okay lang naman hijo, sumasakit lang ang ulo ko
Bakit po Don Javier may ginawa naman ba na kalokohan ang magaling niyong apo — hindi maipagkaila ang inis sa tono ng boses ng binata.
Noon pa man ay hindi na talaga magkasundo ang binata at ang apo niyang si Samantha.
Hindi ko na alam ang gagawin ko kay Samantha — Sabi niya
maya-maya pa ay may pumasok na isang katulong bitbit ang pinahanda niyang meryenda kay Aling Lusing.
Saan po ba ang apo niyo makausap ko wala na siyang ginawa kundi pasakitin ang ulo niyo — galit na sabi ng binata na napatayo pa sa pagkaupo sa galit.
Kalma hijo — Mahinahong sabi ng matanda, kaya muling naupo ang binata.
Pasaway lang talaga ang apo ko pero malambing na bata si Samantha — Pagtatanggol pa ni Don Javier sa apo.
Napapailing na lang si Dark, nakakaramdam siya ng awa para sa matanda dahil kahit pasaway ang apo nito hindi maipagkakaila na mahal nito ang apo.
Pasensyahan na lang po tayo Don Javier, pero kapag may ginawa naman na kalokohan ang apo niyo makakatikim na talaga siya sa akin — Seryosong pahayag ng binata.
Napapangiti na lang ang matanda sa nakikitang concern sa kanya ng binata.
Mabait na bata si Dark kaya nagtataka siya bakit hindi nito makasundo ang apo niyang si Samantha.
Malaki ang utang na loob ni Dark kay Don Javier nang mamatay ang kanyang magulang ito lang ang bukod tanging nagpa kita ng malasakit sa kanya hindi niya alam kung saan siya pupulutin kung hindi dahil sa matanda.
Mukhang masaya kayo Don Javier — Tanong niya nang mapansin nakangiti ang matanda sa kanya sabay inom niya ng Orange Juice.
Wala naman hijo, masaya lang ako napaka buti mong bata — Sagot ng matanda
Hindi niya maiwasan ang mapangiti sa tinuran nito.
Samantha's POV
Sobrang sakit ng ulo niya ng magising siya paano ba naman kulang pa ang tulog niya pero heto't may bumababag sa pinto niya.
Ma'am Samantha kakain na raw po — rinig niya boses ng kanilang katulong
Hindi niya ito pinansin at inis na tinakpan ng unan ang kanyang mukha pero ayaw talagang tumigil ang kanilang katulong kaya inis na bumangon siya upang buksan ang pinto.
Hindi ka ba titigil — Singhal niya sa katulong na nabungaran niya.
Pasensya na po Ma'am Samantha, napag utusan lang ako ni Don Javier na gisingin kayo — Nakayuko nitong paliwanag na mahahalata sa boses nito ang takot.
Gusto mo ba mawalan ng trabaho — galit na sabi niya sabay tulak dito dahilan para mapaupo ito sa sahig.
At yon ang eksenang naabutan ng kanyang lolo na bigla na lang sumulpot sa harap nila.
Samantha ano nangyari bakit mo siya tinulak — galit na tanong ng kanyang lolo inalalayan pa nito makatayo ang kanilang katulong.
Iwan mo muna kami — utos nito sa katulong na agad naman nitong sinunod, umiiyak pa itong umalis.
Hindi ka na ba talaga titig Samantha — Baling nito sa kanya mababakas-an niya ng galit ang boses ng kanyang lolo.
Lolo, kasalanan naman niya katulog ako bigla na lang niya ako gigisingin — Explain ko, bakit ba mas kinakampihan nito ang kanilang katulong.
Ako ang nag-utos sa kanya na gisingin ka, para sabay na tayo mag-almusal at hindi dahilan yon para manakit ka — galit na sabi ng kanyang lolo.
Bakit ba mas kinakampihan niyo siya — inis na sagot niya.
Dahil mali ka — sagot ng kanyang lolo na bagaman kalmado mahahalata pa rin ang galit sa boses nito.
Bumaba ka, at mag sorry kay Elisabeth — Tukoy nito sa katulong na tinulak niya.
Ayaw ko — Pagmamatigas niya bakit siya hihingi ng tawad sa hamak na katulong lang.
Mag so-sorry ka o isang buwan kang grounded — Pananakot nito sa kanya na alam niyang gagawin nito kapag sinabi ng kanyang lolo.
Hinding-hindi ako mag so-sorry sa isang hamak na katulong lang — galit na sigaw niya hinding-hindi siya hihingi ng sorry.
Dahil sa sinabi ay hindi niya inaasahan ang malakas na pagsampal sa kanya ng kanyang lolo — ito ang unang beses nagawa siya nitong saktan.
Apo, I'm sorry hindi ko sinasadya -Malungkot nitong sabi na tangkang hahawakan siya pero umatras siya.
I hate you lolo — Sabi niya bago tumakbo papunta sa kanyang kwarto. Narinig niya pa ang pagtawag nito sa pangalan niya pero hindi niya na ito pinansin pa.
Kung nandito lang sana sila mommy at daddy ay meron sana siyang kakampi.
What? Sinampal ka ng lolo mo — hindi makapaniwalang tanong ni Melica matapos ikwento ang nangyari kahapon.
And you know what gusto niya humingi ako ng sorry sa katulong namin — hindi niya maiwasan makaramdam ng inis kapag naalala ang nangyari, dahil dito muntik pa siya ma-grounded ng isang buwan.
Kasalanan mo naman kasi girl bakit ka nasampal — Sagot naman nito.
Tiningnan niya naman ito ng masama. Kaibigan ba talaga ang kita — Inis na sabi niya kung hindi niya lang ito kaibigan binatukan niya na ito.
Tumawa naman ito. HAHAHA wag kang mainis dyan libre mo na lang ako ng kape may alam akong malapit na Coffee shop dito — Sabi nito sabay hila sa kanya patayo. Ang kapal talaga at nagawa pa magpalibre sa kanya pero Deep inside gusto niya rin ang idea nito.
Kaya napangiti na rin siya. Dating gawi tanong niya na agad naman itong tumango kaya kahit malapit na ang kanilang susunod na klase ay umalis na sila sa School Sobrang na miss niya mag Cutting.
Dark's POV
Nasa kalagitnaan ako ng meeting kasama ang Secretary ko na si Arnold sa isang sikat na Coffee shop nang mapatingin ako sa dalawang babae na papasok sa loob ng Coffee shop. Parehas pa itong naka School Uniform.
Napakunot ang aking noo, oras pa ng klase nito anong ginagawa niya dito. Wag niyang sabihin na nag Cutting ito.
Are you listening Mr. Montero — Tanong ng ka meeting niya na isa ding businessman na si Mr. Takamura kaya naputol ang kanyang pag-iisip.
Sorry Mr. Takamura but I need to go — sagot niya sabay tayo. Narinig niya pa tinawag siya ni Arnold pero hindi niya na ito pinansin pa.
Sorry Mr. Takamura for what happened but we will call you to reschedule this meeting rinig niyang sabi ni Arnold bago ito nagmamadaling sumunod sa kanya.
Alam niyang maaasahan niya ito kaya ito ang kinuha niyang Secretary kesa naman kumuha siya ng babae na Secretary baka wala itong ibang gawin kundi ang landiin siya.
Boss ano pong nangyari tanong nito nang makalapit sa kanya.
Hindi niya ito pinansin bagkus ay lumapit siya sa dalawang babaeng nakita niya.
Nawala ang ngiti ni Samantha nang makita siya habang ang kasama nito ay nakangiti na parang kinikilig sa kanya habang ang kanyang Secretary ay tahimik lang.
Anong ginagawa niyo dito, oras pa ng klase mo di ba tanong niya na kay Samantha lang nakatingin, hindi niya gusto ang ideyang sinasayang nito ang perang pinang-aral ni Don Javier sa kanya.
Umiwas naman ito ng tingin sa kanya. Pakialam mo ba mataray nitong sagot. Palagi ka nalang nangingialam dagdag pa nito na masama ang tingin sa kanya.
Kahit kailan talaga hindi niya gusto ang ugali nito.