NATIGILAN si Laureen nang makita si Raphael na nakasandal sa isang bookshelf sa library. Himala dahil wala itong kahalikang babae.
Nginitian siya nito.
Bahagya lang niya itong tiningnan. “Tigilan mo na `yan,” saway niya rito habang ibinabalik niya sa shelf ang mga dala niyang libro.
“Tigilan ang alin?” nagtatakang tanong nito.
Kahit hindi siya nakatingin dito, ramdam niya na pinapasadahan nito ng tingin ang kabuuan niya. Naiilang siya ngunit hindi niya iyon ipinahalata rito.
“Tigilan mo ang pagngiti-ngiti sa akin na para bang magkakilala tayo.”
“Bakit? Hindi ba tayo magkakilala?”
“Hindi. Kilala man natin ang pangalan ng isa’t isa, hindi ibig sabihin n’on ay magkakilala na tayo,” malamig na tugon niya bago niya ito tinalikuran.
Natawa ito. Bago pa man siya makalayo ay nahawakan na nito ang braso niya at pinaharap siya rito. “Paano kung gusto kitang kilalanin?” tanong nito habang nakatitig sa kanyang mga mata.
Kahit naiilang siya sa uri ng tingin nito sa kanya ay hindi niya iniiwas ang kanyang mga mata. “Handa ka bang pakasalan ako?” deretsahang tanong niya.
Saglit na natigilan ito.
Muntik na siyang mapahagalpak ng tawa. Sinasabi na nga ba niya at takot si Raphael Dunford sa commitment, sa seryosong relasyon. Hindi na iyon nakapagtataka. Ito ang tipo ng lalaking hindi kailanman magseseryoso sa isang relasyon.
“Why are you asking me that?” nababaghang tanong nito.
Inalis niya ang kamay nitong nakahawak sa kanyang braso at nanunuyang ngumiti rito. “Tigilan mo ang pagngiti-ngiti sa `kin kung ayaw mong mapikot. Alam mo bang nag-research ako tungkol sa pamilya mo? Ang yaman n’yo pala, ano? Hotel at resort chains ang ilang negosyo ng pamilya mo. May mga pag-aari din ang lolo mo sa Amerika. Hindi ka lang saksakan ng yaman, ang guwapo mo pa.
“Kung patuloy mo akong ngingitian nang ganyan, baka mahulog ang loob ko sa `yo. Hindi mo magugustuhan kapag na-in love ang isang katulad ko sa isang katulad mo. Kung iniisip mong mahinhin at mabait ako, nagkakamali ka. Salbahe ako. Inggitera at praktikal din. Huwag kang mabibighani sa maamo kong mukha. Aayawan mo rin ako kapag nalaman mo ang totoong ugali ko. Magiging miserable ang buhay mo habang kapiling mo ako. Kung kaya mo akong mahalin sa kabila ng lahat, sige, magpatuloy ka sa pagiging ganyan mo.”
Muntik na siyang matawa nang makita na tila gulat na gulat ito sa mga narinig sa kanya. “Lahat ng tao ay mabait at hindi makabasag-pinggan ang unang impresyon sa akin. Pero hindi ako gano’n, Raphael. Kaya kung ayaw mong magdusa, layuan mo ako. Dahil kapag nagdesisyon akong gusto kita, wala ka nang kawala sa akin.”
Natawa ito nang marahan habang umiiling-iling. Mayamaya ay napasinghap siya nang bigla siya nitong saklitin sa baywang at isandal sa shelf. Nanlaki ang kanyang mga mata nang bumaba ang mukha nito sa mukha niya.
Nang malapit na malapit na ang mga labi nila sa isa’t isa ay tumigil sa paglapit ang mukha nito. Then he grinned boyishly. Napalunok siya habang napatingin siya sa mapupulang labi nito. Isang maling galaw lang ay maglalapat na ang kanilang mga labi.
Tila may naghahabulang kabayo sa loob ng dibdib niya. Natakot siya, ngunit nakadama rin siya ng excitement at antisipasyon. Hindi niya alam kung saan nanggaling iyon. Noon lamang siya nakadama nang ganoon kasidhing damdamin.
Iiiwas na sana niya ang kanyang mukha nang hawakan nito ang baba niya at itaas iyon. He lightly brushed his lips over hers. It was so light it almost felt like a feather had brushed her lips. Hindi niya naiwasang ipikit ang kanyang mga mata nang ulitin nito iyon. Masarap sa pakiramdam ang kilabot na unti-unting kumakalat sa buong katawan niya. She felt like she wanted the real kiss.
Ngunit lubos siyang nadismaya nang bigla itong lumayo sa kanya. Lalong lumapad ang pagkakangisi nito. Tumikhim siya at sinikap niyang ipakita rito na hindi siya apektado.
“Sinabi ko na sa `yo dati pa na madali akong kausap,” anito habang nakangisi pa rin. “Iyon na ang huling tikim. I may find you attractive but you give me the creeps. Hindi ko gustong magpatali sa kahit sino.” Iniwan na siya nito.
Saglit na natulala siya. Hindi siya makapaniwala sa nangyari. Nawala sa kanya ang kontrol ng sitwasyon.
Huminga siya nang malalim at pilit na kinalma ang damdamin. Hindi siya gaanong magpapaapekto sa nangyari. Hindi niya hahayaang magulo ni Raphael Dunford ang damdamin at buhay niya. Sana ay iyon na ang huling pagtatagpo nila. Hindi niya ito kailangan sa buhay niya ngayon.
TILA dininig ang hiling ni Laureen dahil nang mga sumunod na araw ay hindi na niya nakita si Raphael sa library. At kapag nakakasalubong naman niya ito sa daan ay hindi na ito ngumingiti sa kanya tulad ng nakagawian nito. Ni hindi na siya nito tinatapunan ng tingin.
Medyo nadismaya siya. Gayunman, mas maigi na iyon. Hindi talaga sila maaaring magkaroon ng kaugnayan sa isa’t isa. Sadyang magkaiba sila ng mundong ginagalawan.
Nagpatuloy ang normal na buhay niya. Hirap pa rin silang mag-ina ngunit nakakaraos naman sila sa pang-araw-araw na pangangailangan nila. Nagagawan nila ng paraan ang mga problema.
Kaunting tiis na lang, ang palagi niyang sinasabi sa kanyang sarili.
Ngunit isang matinding pagsubok ang dumating sa kanya na halos hindi niya kinaya.
Isang araw, pag-uwi niya sa kanilang bahay ay nadatnan niyang nakahandusay sa sahig ang kanyang ina at walang malay. Kaagad na dinala niya ito sa pinakamalapit na ospital. Isinailalim ito sa ilang diagnostic test. Halos panawan siya ng ulirat nang sabihin ng doktor na may nakitang bara sa puso ng kanyang ina at kailangan nitong maoperahan sa lalong madaling panahon. Malaking halaga ang kailangan sa operasyon.
Hindi niya alam kung saan maghahagilap ng pera. Baon silang mag-ina sa utang. Nilapitan niya ang ilang kamag-anak at kaibigan ngunit maliit na halaga lamang ang naipahiram ng mga ito sa kanya.
Tulalang naglakad siya pabalik sa ospital. Hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hindi niya kakayanin kung mawawala sa kanya ang kanyang ina.
Dahil wala sa sarili, may nabangga siya nang hindi sinasadya.
“Ano ka ba?” angil ng babaeng nakabangga niya.
“Sorry,” malamyang sabi niya.
“Laureen? Ikaw ba `yan?”
Walang-ganang tumingin siya sa mukha ng nakabangga niya. Pamilyar ito sa kanya. Saglit na nag-isip siya bago niya naalala ang pangalan nito. “Ikaw pala, Suzette,” aniya sa malamya pa ring tinig. Kaklase niya ito sa dalawang subject sa semestreng iyon. Pareho silang block section noong first year sila.
“Kumusta ka na? Bakit parang maputla at matamlay ka? Tila wala ka sa sarili mo habang naglalakad,” anito sa palakaibigang tinig.
Biglang namasa ang kanyang mga mata. Wala siyang balak magkuwento rito pero iyon ang nangyari. Marahil, nangangailangan siya ng isang kaibigang mapagsasabihan niya ng bigat ng kalooban niya at dadamay sa kanya. Bigla siyang nangulila kay Katrina, ang dating matalik na kaibigan niya. Nawala ito sa kanya dahil mas pinairal niya ang inggit at sama ng ugali niya.
“Baka matulungan kita, Laureen.”
Kaagad na pinahid niya ang kanyang mga luha. Bumangon ang pag-asa sa dibdib niya. Handa siyang tanggapin ang lahat ng klase ng tulong na magmumula rito.
Niyaya siya ni Suzette sa malapit na fast-food restaurant upang mas mapag-usapan nila ang iniaalok na tulong nito. Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin nito sa kanya kung ano iyon.
Katulad niya ay anak-mahirap lamang din si Suzette. Noong una, ang akala niya ay may-kaya ito sa buhay dahil magaganda ang isinusuot nitong damit. Nakapustura ito palagi sa pagpasok at mamahalin ang mga gamit nito. Walang bakas ng kahirapan sa anyo nito. Iyon pala ay isa itong prostitute—high-class prostitute.
Ayon dito, hindi basta-basta ang mga customer nito. Nasusustentuhan nito ang luho nito dahil sa trabaho nito.
“Virgin ka ba, Laureen?” tanong nito sa kanya kapagkuwan.
“H-ha?” halos wala sa loob na usal niya. Tila alam na niya kung saan hahantong ang usapan. Kakayanin ba niyang ipagbili ang sarili niya para sa kanyang ina?
“May customer ako na nagpapahanap ng virgin. Ireregalo raw niya sa kaibigan niya. Ayoko sanang ialok ito sa `yo dahil bukod sa alam kong hindi ikaw ang tipo ng babaeng magpapakababa nang ganito, taga-campus din ang customer. Baka makilala ka niya at masira ang reputasyon mo. Pero ang sabi mo nga, kailangan mo ng pera para sa operasyon ng nanay mo. Baka makatulong. Kung hindi mo kaya, ayos lang.”
“M-magkano?” Hindi na niya iniisip ang kanyang sarili o ang reputasyon niya. Ang tanging nasa isip niya ay maaari siyang kumita nang malaki sa mabilis na paraan. Madurugtungan niya ang buhay ng kanyang ina.
Nanlaki ang mga mata niya nang sabihin nito kung magkano ang makukuha niya. Hindi niya akalaing may nagbabayad ng ganoon kalaking halaga para sa isang gabing kaligayahan at kamunduhan. Malaking tulong na ang perang makukuha niya. Kaunti na lamang ang kakailanganin niya kung tatanggapin niya ang alok ni Suzette.
Ngunit may katapat na halaga nga ba ang dangal niya?
PILIT na pinipigilan ni Laureen ang kanyang mga luha. Walang mangyayari sa kanya kung iiyak siya. Mamamatay ang kanyang ina.
Hindi na siya maaaring umurong. Naroon na siya. Ginusto niya iyon. Sa ngayon, iyon lamang ang makakatulong sa kanyang ina. Kaya niyang sikmurain ang lahat, kakayanin niya ang lahat para sa kanyang ina.
Kahit tila hindi siya makahinga sa kinaroroonan niya ay sinikap niyang kalmahin ang kanyang dibdib na sobra ang kabog dahil sa takot at kaba.
Nasa loob siya ng isang malaking kahon. Ayon kay Suzette, lalabas lamang siya roon kapag nasa loob na ng silid ang birthday celebrator. Nasa isang condominium unit siya. Alam niyang mayamaya lamang ay naroon na ang birthday celebrator na hindi pa niya kilala.
Nagdasal siya nang taimtim. Sana ay magawa pa niyang tingnan ang kanyang sarili pagkatapos ng gabing iyon. Sana ay magawa niya nang tama ang lahat. Sana ay mabuting lalaki ang customer niya. Sana rin ay hindi gaanong madungisan ang kanyang p********e.
Nanigas siya nang marinig niyang bumukas ang pinto. Senyales iyon na dapat na siyang lumabas ng kahon ngunit hindi niya magawa. Nilukob ng kaba at takot ang buong pagkatao niya kaya hindi siya makagalaw.
Kaya ba talaga niyang gawin iyon?
DAHAN-DAHANG pumasok si Raphael sa silid ng condominium unit niya. Nais niyang matawa nang malakas nang makita ang malaking kahon sa gitna ng silid. May malaking ribbon sa ibabaw niyon. Parang may ideya na siya kung ano ang “regalo” sa kanya ng mga kaibigan niya para sa kanyang kaarawan.
Umupo siya sa kama at amused na pinagmasdan ang kanyang regalo. Sa ibang pagkakataon ay maiinsulto siya sa ginawang iyon ng mga kaibigan niya. Hindi siya kailangang ibili ng mga ito ng babae. He could get himself laid without paying a cent. Women wanted and worshipped him. He had never paid a woman to go to bed with him. He didn’t need to.
Pero nitong mga nakaraang araw ay napapansin niya ang malaking pagbabago sa sarili niya. Nawawalan siya ng gana sa pakikipagtalik. Tila nagsasawa na siya. Napipilitan lamang siya sa ilang pagkakataon dahil hindi niya matanggihan ang mga babae. He did not enjoy the act anymore. Minsan nga ay naipahiya niya ang kanyang sarili. He was not able to come and so was the woman he was having s*x with.
Sinabi niya ang pinagdadaanan niya sa matalik na kaibigan niyang si William. Sinabi niya rito na baka panahon na para maghanap siya ng seryosong relasyon. Baka hindi sa s*x per se siya nagsasawa o nawawalan ng gana kundi sa casual s*x. Maybe he was looking for something deeper than the physical joining of two bodies. Maybe he wanted to try making love to a woman. A woman he would love and have a serious relationship with. Isang babaeng may maamong mukha at magandang ngiti.
Tinawanan lamang siya ni William. Hindi raw siya iyon. “Once a playboy, always a playboy,” wika pa nito. Naghahanap lamang daw marahil siya ng ibang putahe, ng ibang klaseng babae.
Ngayong kaarawan niya ay binigyan siya nito ng regalo. Ayon dito, birhen ang nakuha nito. Maganda raw iyon at siguradong magugustuhan niya. Hindi pa niya alam kung ano ang gagawin niya sa babaeng nasa loob ng kahon. Hindi siya komportableng makasama ang isang babaeng bayaran. Marahil ay totoong birhen ito, ngunit marami namang birhen na hindi na inosente. Bayaran pa rin ito, isang mababang uri ng babae.
Hindi siya mapanghusga, isang tipikal na lalaki lang siya.
Tumayo siya at tinungo ang banyo habang hinuhubad ang plaid shirt niya. “I’ll just take a shower,” pagkausap niya sa babae sa loob ng kahon. “When I’m done, I want you on the bed, honey, naked.” Tuluyan na siyang pumasok sa loob ng banyo.
He might as well enjoy that whole thing. It was a birthday gift after all. Baka tama si William nang sabihin nitong naghahanap lamang siya ng ibang putahe. Baka kapag nakasiping na niya ang “regalo” nito sa kanya ay mabura na sa isip niya ang imahe ng isang partikular na babae.
NAPAPALUNOK si Laureen nang marinig ang tinig ng isang lalaki mula sa labas ng kahon. Paulit-ulit na ipinaalala niya sa sarili ang dahilan kung bakit siya naroon sa sitwasyong iyon: ang kanyang inang nasa ospital.
Huminga siya nang malalim at pilit na pinatatag ang kanyang dibdib. Kaya niyang lagpasan iyon. Pagkatapos ng gabing iyon ay magiging maayos na ang lahat.
Lumabas siya ng kahon. Napalunok siya nang makita ang malaking kama sa gitna ng silid. Binistahan niya ang kanyang suot. She was wearing a tight corset-type top. Halos lumuwa na ang dibdib niya roon. Isang sexy lace underwear naman ang pang-ibaba niya. Huhubarin na ba niya ang mga iyon?
Nakalugay at sadyang ginulo nang bahagya ang kanyang buhok. Nilagyan ni Suzette ng manipis na makeup ang mukha niya upang maitago ang pamumutla niya. Si Suzette din ang nagbigay ng mga kasuotang iyon sa kanya. Lumabas daw ang natural na alindog ng katawan niya.
Napapitlag siya nang bumukas ang pinto ng banyo. Nanigas ang buong katawan niya nang lumabas mula roon ang isang matipunong lalaki na nakatapi lamang ng tuwalya. May hawak itong isa pang tuwalya na ipinapatuyo nito sa buhok nito.
“Didn’t I ask you to be in bed without any clothes on?” anito habang patuloy na pinapatuyo ang buhok nito. Hindi masyadong naka-focus ang mga mata nito sa kanya.
Nanlaki ang kanyang mga mata nang makilala niya ito. “R-Raphael D-Dunford?”
Natigil ito sa ginagawa. “You know—Laureen?” bulalas nito nang matitigan siya.
Nais niyang panawan ng ulirat. Nahiling niyang sana ay bumuka ang lupa at lamunin siya niyon nang buo. Hindi siya makapaniwala na ito ang birthday celebrant. Hindi sinabi sa kanya ni Suzette kung sino ang customer niya dahil hindi rin daw nito kilala iyon. Tanging ang “nagregalo” ang kilala nito. Kahit sinabi ni Suzette na taga-campus ang lalaki at baka kilala niya ito, hindi pa rin niya naihanda ang kanyang sarili.
Sa dinami-rami ng lalaki, bakit si Raphael Dunford pa? Ngunit may maliit na parte sa puso niya na tila nagpapasalamat dahil si Raphael ang makakasama niya ngayong gabi. Hindi niya gaanong maipaliwanag ngunit tila may tinig na bumubulong sa kanya na hindi siya mapapahamak. Kalokohan, ngunit iyon ang nadarama niya.
Nang makabawi ito sa pagkagulat ay nilapitan siya nito. Hindi niya magawang umatras dahil naninigas pa rin ang katawan niya. Napasinghap siya nang hapitin siya nito nang marahas sa baywang. Namilog ang kanyang mga mata nang may maramdaman siyang matigas na bagay sa puson niya.
Hindi niya magawang magsalita. Nakatingin lamang siya rito. Napakaguwapo nito sa paningin niya. Mamasa-masa ang buhok at katawan nito. Ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya. Tila sasabog anumang sandali ang dibdib niya.
Ngumisi ito. “You are for sale, huh? I can’t believe this. Ang dami mo pang arte. Ang dami mo pang sinabi dati. Kung alam ko lang noon pa man na pera lang ang katapat mo, hindi na sana ako nagpigil. You’re a virgin, huh? I’ll bet you are not innocent like I used to think.”
Masakit marinig ang mga iyon. Pakiramdam niya ay napakababa niyang babae. Ngunit wala na siyang magagawa. Bayarang babae siya ngayong gabi, isang mababang babae. At kailangan niyang gawin ang trabaho niya.
Hinawakan niya ito sa batok at kinabig pababa ang ulo nito. “Happy birthday,” anas niya bago niya inangkin ang mga labi nito.
Saglit lamang itong natigilan. Umungol ito nang malakas bago ito gumanti ng halik. Ipinailalim nito sa buhok niya ang mga daliri nito at lalo siya nitong hinapit palapit. Ito na ang may kontrol sa halik. Medyo marahas ang paghalik nito. He urged her to open her mouth for him. She did. Ginalugad ng dila nito ang bawat sulok ng bibig niya.
Hindi siya makapaniwala sa nadarama niya. May masarap na kilabot na naglalakbay sa buong katawan niya. Napakatamis at napakalambot ng mga labi nitong humahalik sa kanya. Parang ayaw niyang tumigil ito sa paghalik sa kanya.
Namalayan na lang niyang nahubad na nito ang pang-itaas niya. Tumigil ito sa paghalik sa kanya at marahan siyang itinulak pahiga sa kama. Pinagmasdan nito ang kabuuan niya. Nababasa niya nang malinaw sa mga mata nito ang paghanga at pagnanasa.
Nahihiyang itinakip niya ang mga braso niya sa hubad na dibdib niya. Nahihiya siya.
Inalis nito ang mga braso niya. “Happy birthday to me, indeed.”
Inumpisahan na naman siya nitong hagkan. Nang bumaba sa leeg niya ang mga labi nito ay marahan niya itong itinulak.
“What?” sambit nito sa malambing na tinig habang hinahagkan-hagkan ang kanyang mga labi. “You’re not going to back out now, are you?”
“H-hindi. H-hindi ako tatanggi. Bayad na ako. Pero puwedeng pakipatay muna ang ilaw?” Nais niyang maging madilim upang mabawasan naman ang kahihiyan niya.
Siniil nito ng mainit na halik ang kanyang mga labi. “We’re not gonna turn off the lights. I wanna see your beauty, baby. I wanna see the best birthday gift I’ve ever had.”
“R-Raphael,” protesta niya ngunit hindi niya maituloy-tuloy dahil hindi na mapakali ang mga kamay nito sa katawan niya. Marahan nitong pinaglalakbay ang mga kamay nito sa kabuuan niya. Tila nag-iiwan ng apoy ang bawat daanan ng kamay nito.
Pumikit na lang siya at hinayaan itong hagkan ang buong katawan niya. Hindi niya maintindihan ang kanyang sarili, ang kanyang damdamin. Bakit ganoon? Hindi iyon ang inaasahan niyang mararamdaman niya. Hindi niya akalaing makakaramdam siya ng ibayong sensasyon at luwalhati. Ano ang mali sa katawan niya?
Hinayaan niya si Raphael na mahalin ang buong katawan niya.
Hinagkan nito nang mariin ang mga labi niya bago siya nito tuluyang inangkin. Nakulong sa bibig nito ang sigaw niya. Tila siya binibiyak sa gitna sa sobrang sakit.
“It’s all right, baby. It’s gonna be all right,” bulong nito habang hinahagkan siya nang marahan at puno ng pagsuyo.
Naniwala siya rito. Tinugon niya ang halik nito hanggang sa maramdaman niyang unti-unti nang nawawala ang kirot at napapalitan iyon ng luwalhati.