4

2470 Words
“THAT was amazing.” Nakatulalang nakatitig lamang si Laureen sa kisame. Nasa ibabaw niya si Raphael, nakabaon ang mukha nito sa leeg niya at habol ang hininga. Siya man ay abala sa paghabol sa kanyang hininga. When she reached her zenith, she had stopped breathing for a while. She could not explain the ecstasy that came rushing through her. It was exquisite. Halos hindi na niya madama ang sakit. Hindi siya pinabayaan ni Raphael. Nang mahimasmasan siya ay kaagad na inatake siya ng guilt. Tumimo na sa kanyang sarili ang kanyang nagawa. Naging miserable ang pakiramdam niya. Hindi dapat ganoon ang nadarama niya. Naiwala niya ang dangal niya para sa ilang libong piso. Ibinenta niya ang sarili kay Raphael Dunford. Mula sa gabing iyon ay mag-iiba na ang tingin nito sa kanya. Mas mababa pa siya sa mga mababang babae na nakakasalamuha nito. Umalis sa ibabaw niya si Raphael at humiga sa tabi niya. Unti-unti niyang naramdaman ang lamig nang mawala ang mga bisig nito sa kanya. Kinapa niya ang kumot at itinakip iyon sa kanyang katawan. “How are you feeling?” malambing na tanong nito sa kanya. Kung hindi marahil siya isang bayarang babae nang gabing iyon ay yayakap siya rito. “O-okay lang,” nauutal na tugon niya. “How was I? How was my performance?” Napalunok siya. Ramdam niya na nakatingin ito sa kanya ngunit hindi niya magawang bumaling dito. Nahihiya siya na hindi niya mawari. Kailangan pa ba nilang pag-usapan ang bagay na iyon? Hindi niya alam kung paano sasagot sa mga tanong nito. Bago niya nalamang si Raphael ang makakasama niya nang gabing iyon ay inihanda na niya ang kanyang sarili. Inasahan niyang mandidiri siya sa kanyang sarili at hindi magugustuhan ang akto ng pakikipagtalik. Ang akala niya ay aalilain siya ng miserableng pakiramdam sa matagal na panahon. Pero hindi ganoon ang nangyari. Raphael managed to make her forget the reason why she was there with him. Habang hinahagkan siya nito, wala siyang ibang iniisip kundi ito. Hindi nito ipinaramdam sa kanya na isa siyang bayaran at mababang uri ng babae. He was a generous lover. Hindi lamang sarili nitong kaligayahan ang inisip nito. Umupo siya at binalot ng kumot ang katawan niya habang nakatalikod siya rito. Nagawa na niya ang trabaho niya. Maaari na marahil siyang umalis. Isang mabuting kapitbahay lamang ang kasama ng kanyang ina sa ospital. Nais niyang nasa malapit lang ang kanyang ina para maibsan ang miserableng pakiramdam niya. Tumayo siya at magtutungo na sana sa banyo ngunit pinigilan siya ni Raphael sa braso. “Where are you going?” tanong nito. Pumaikot ang mga braso nito sa baywang niya at hinalik-halikan nito ang leeg at balikat niya. Kaagad na kumalat ang kakaibang sensasyon sa buong katawan niya. “S-sa b-banyo,” aniya habang pinipigilang mapaungol. His hands found her breasts. She bit her lower lip when his hands started kneading them. Ramdam niya ang pagkabuhay ng p*********i nito mula sa likuran niya. “You wanna wash up? Let’s do it together,” anito habang patuloy ito sa paghalik sa balikat niya. Inalis niya ang mga kamay nito sa dibdib niya. “M-magbibihis na sana ako, Raphael.” “Bakit?” “T-tapos na, hindi ba? Baka puwede na akong umuwi.” Ang totoo ay hindi niya alam kung gaano siya dapat katagal doon. Ang sabi ni Suzette ay sumunod lang siya sa gusto ng customer dahil malaki naman ang bayad sa kanya. Sapat nga ang bayad sa kanya para sa buong magdamag pero nais lamang niyang makakawala na kay Raphael. Tumawa ito nang malakas, kapagkuwan ay hinablot nito pahubad sa kanya ang kumot na nakabalot sa katawan niya. Napatili siya nang buhatin siya nito at dalhin sa loob ng banyo. Ibinaba siya nito sa gilid ng bathtub. Pinanood niya ito habang tinitimpla nito ang tubig. Pinangko siya nito at ibinaba sa bathtub na may maligamgam na tubig. Sinamahan siya nito roon. Napapikit siya nang hagkan nito ang kanyang mga labi. “You will stay with me the whole night,” anito habang pinapaulanan ng halik ang buong mukha niya. “R-Raphael...” “I’ll triple the price, don’t worry.” Pumikit siya nang mariin. Muntik na naman niyang makalimutan kung ano siya. His kisses and his touch were gentle and soft, but they didn’t change the way he saw her. Sa mga mata nito, mananatili siyang bayaran. Hindi na siya nito makikita bilang isang disenteng babae. Hindi na kailanman. NATUTUWA si Laureen sa nakikitang kasiglahan ng kanyang ina. Habang lumilipas ang mga araw ay lalo itong nagiging malusog. Naging matagumpay ang operasyon nito at nagpapagaling na lamang ito. Inaalagaan niya ito nang husto upang magtuloy-tuloy ang paggaling nito. Pinagbawalan na niya itong magtrabaho. Tinanong siya nito kung saan siya nakakuha ng pera para sa operasyon nito. Wala siyang nagawa kundi ang magsinungaling. Sinabi niyang pinahiram siya ng isang kaibigan niya na may-kaya sa buhay. Sinabi niyang siya na ang bahala sa pagbabayad niyon at huwag na lamang nitong masyadong isipin iyon. Habang-buhay siguro niyang ililihim dito ang tungkol sa pagbebenta niya ng kanyang sarili maisalba lang ang buhay nito. Baka atakihin ito sa puso kapag nalaman nito ang ginawa niya. Naalala niya si Raphael. Hindi pa uli niya ito nakikita mula nang iwan niya ito sa unit nito. Hindi niya ito kayang harapin paggising nito kaya habang natutulog pa ito ay umalis na siya. Nang sumunod na araw ay binisita siya ni Suzette. Binigyan siya nito ng tseke na naglalaman ng tatlong ulit na halaga kaysa sa unang bayad na natanggap niya. Ipinabibigay daw iyon ni Raphael sa kanya. Naalala niyang sinabi nito sa kanya na triple ang ibabayad nito. Ayaw sana niyang tanggapin ang malaking halaga na iyon ngunit ipinilit iyon ni Suzette. Hindi na raw tatanggapin uli ni Raphael ang tseke kung hindi niya tatanggapin. Naisip niyang kailangan niya ang perang iyon. Hindi naman niya iyon basta hiningi. Walang katumbas na halaga ang p********e niya, ngunit hindi niya dapat mas pairalin ang pride niya sa ngayon. Kailangang mag-maintain ng gamot ang kanyang ina. Kailangan din niyang bumalik sa pag-aaral. Kailangan niyang maging praktikal. Ang sabi pa ni Suzette, maigi raw siya dahil may kabuluhan ang pagkapunit ng hymen niya. Samantalang ito ay ibinigay lamang iyon sa isang lalaking hindi karapat-dapat. Nagpatuloy ang buhay nilang mag-ina. Kahit mahirap ay pinilit niyang maging normal uli ang buhay niya. Pilit na kinalimutan niya ang nangyari sa pagitan nila ni Raphael. Wala siyang pinagsisisihan dahil ginawa niya ang bagay na iyon para sa kanyang ina. Nailigtas niya ang buhay nito. Isa pa, hindi naman gaanong masama sa alaala niya ang gabing iyon. Kahit pilit na kinakalimutan niya iyon ay sumisingit pa rin sa isip niya ang mga pinagsaluhan nila ni Raphael. Minsan ay napapanaginipan pa niya ang mainit na tagpo nila. Hindi rin ganoon kabigat na dalhin iyon sa dibdib dahil si Raphael ang nakakuha ng p********e niya. Tumigil siya saglit sa pag-aaral para alagaan muna ang kanyang ina. Nang malakas-lakas na ito ay naghanap siya ng trabaho dahil hindi niya maaatim na bumalik ito sa paglalaba. Masama ang loob nito sa kanya dahil kung kailan daw malapit na siyang magtapos ay saka pa siya tumigil sa pag-aaral. Pinayapa niya ito sa pangakong babalik din kaagad siya sa pag-aaral. Pansamantala lamang siyang titigil. Nang magbalik siya sa unibersidad, nahiling niyang sana ay hindi na niya makita roon si Raphael Dunford. Nais niyang maging normal ang natitirang panahon niya sa unibersidad. Nais niyang makatapos nang matiwasay. Kapag tapos na siya ng pag-aaral ay makakahanap na siya ng magandang trabaho. Mabibigyan na niya ng magandang buhay ang kanyang ina at matutupad na ang mga pangarap niya. Ngunit hindi siya kinasihan ng pagkakataon dahil nakita uli niya ito isang araw sa library. Nakasandal ito sa shelf sa isang sulok na bahagi. Natigilan siya. Tatalikod na sana siya ngunit tinawag siya nito. “Laureen, don’t go.” Nanigas siya. Napalunok siya. Hindi niya magawang pumihit at tumingin sa mga mata nito. Hindi niya magagawa iyon dahil nahihiya at nanliliit siya pagkatapos ng nangyari sa kanila. Napapitlag siya nang hawakan siya nito sa braso at ipihit siya paharap dito. “I’ve missed you,” anito habang masuyong hinahaplos ang kanyang pisngi. Hindi niya magawang magsalita. Nakatingin lamang siya sa mukha nito. Hindi niya maikakaila sa sarili na nangulila rin siya rito. Matagal-tagal din niya itong hindi nakita. Lalo yata itong kumisig sa paningin niya. Parang nais niya itong titigan nang matagal at pagsawain ang kanyang mga mata sa guwapong mukha nito. Tinitigan lang din nito ang mukha niya. Mababakas sa mga mata nito ang pananabik sa kanya. Mayamaya ay unti-unting bumaba ang mukha nito sa mukha niya. Bago pa man siya makapiyok ay naisandal na siya nito sa bookshelf at nailapat na nito ang mga labi nito sa mga labi niya. Isang mainit na halik ang iginawad nito sa kanya. Tila inilipad ng hangin ang lahat ng matitinong kaisipan na mayroon siya. Ipinaikot niya sa leeg nito ang mga braso niya at tumugon sa halik nito. Umungol ito at lalong nilaliman ang halik. Naging mas mariin ang mga labi nito sa mga labi niya. Tila ito mauubusan kung makahalik; tila wala nang bukas. Tila nangulila rin ito nang lubos sa kanya. “Laureen... Laureen...” he murmured against her lips. Isang ungol lamang ang naging tugon niya rito. Hindi niya inakalang labis siyang nangulila rito. Tila ayaw na niyang bumitiw at gustong manatili na lang sa mga bisig nito habang-buhay. Nais niyang hagkan siya nito nang matagal na matagal. Napapitlag siya nang maramdaman niya ang isang kamay nito sa dibdib niya. Pinigil niya ang kamay nito. Bigla siyang naging aware sa paligid. Itinulak niya ito nang marahan palayo sa kanya. Pinakawalan nito ang kanyang mga labi ngunit nakayakap pa rin ito sa kanya. Maliit lamang ang distansiya ng mukha nila sa isa’t isa. “Why?” anas ni Raphael at umakma na naman itong hahalikan siya. Iniwas niya ang kanyang mga labi at pilit na itinulak ito palayo. Baka bigla siyang bumigay sa sandaling lumapat ang mga labi nito sa mga labi niya. “What’s wrong?” tanong nito, hindi nagpapatinag. Hinawakan nito ang mga kamay niya. Bumuntong-hininga siya at tiningnan ito sa mga mata. “Alam kong mababa ang tingin mo sa akin, Raphael. At hindi na iyon magbabago. Habang-buhay na akong magiging babaeng-bayaran sa mga mata mo. Wala na rin akong maipagmamalaki sa `yo. Nakita mo na ang lahat sa `kin, nakuha mo na ang lahat. Pero hihilingin ko pa rin na sana ay may natitira ka pa ring paggalang sa akin.” “Laureen...” Tumingin siya sa ibang direksiyon dahil hindi niya matagalan ang mga pagkakatitig nito sa kanya. Tila matutunaw siya sa kahihiyan. Noon lamang niya napagtanto ang kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. Parang kailan lang ay nasa di-kalayuan siya at umaaktong walang pakialam kay Raphael habang nakikipaghalikan ito sa isang sulok ng library. Ngayon, siya na ang babaeng nakasandal sa bookshelf at hinahagkan nito. Ganoon na ba siya kababa? Namasa ang kanyang mga mata. Ayaw niyang umiyak sa harap nito kaya ginawa niya ang lahat ng pagpipigil upang hindi tumulo ang kanyang mga luha. Ayaw niyang kaawaan siya nito. “Alam mo ba kung bakit ko nagawa iyon?” tanong niya sa pilit na pinatatag na tinig. Gayunman, hindi niya masabi kung nagtagumpay siyang gawin iyon. “Naospital ang nanay ko at kailangan niyang maoperahan. Wala akong pagkukuhanan ng pera. Ayokong mawalan ng ina kaya sinunggaban ko ang pagkakataong kumita nang malaki sa mabilis na paraan. Alam kong medyo cliché. Baka ilang ulit mo nang napanood ang ganito sa mga pelikula at telebisyon. Baka isipin mo pa na gumagawa lamang ako ng kuwento at umaarte—o nag-iinarte. “Pero sa maniwala ka o hindi, totoo ang sinasabi ko. Siguro, ang nais ko lang sabihin sa `yo ngayon ay hindi ako masamang babae. Hindi ko basta-basta ibinebenta ang sarili ko. Hindi ako mababa kagaya ng tingin mo sa akin ngayon. Kinailangan ko lang gawin ang bagay na iyon para sa nanay ko. Palagi kong hinihiling na sana ay iyon na ang huling pagkakataon na kailangan kong gawin ang bagay na iyon. Sana ay hindi ko na ibenta ang sarili ko sa hinaharap. Sana, ikaw na ang huli.” Tiningnan niya ito sa mga mata. “Nakikiusap ako sa `yo, Raphael. Baka puwedeng kalimutan na lamang natin ang lahat? Baka puwedeng umasta ka na hindi mo ako kilala, na walang anumang nangyari sa `tin.” “I can’t,” anito sa munting tinig. “Mananatili na habang-buhay sa alaala ko ang naganap sa atin. Kahit pilitin ko, alam kong hindi ko makakalimutan iyon. Hindi ako makakaakto na walang nangyari, na hindi kita kilala. I just can’t. Can you do that? Can you tell me straight to my face that you can act like nothing happened between us?” “Mahirap pero pipilitin ko,” aniya sa matatag na tinig. “Marami pa akong pangarap, Raphael. Mula nang makulong ang tatay ko, ipinangako ko sa sarili kong iaahon ko sa hirap ang nanay ko. Hindi ko hahayaang habang-buhay kaming nasa ganitong kalagayan. Matayog na matayog ang pangarap ko. I want the whole world, if I could have it. Gagawin ko ang lahat para matupad ang mga pangarap ko para sa sarili ko at para sa aking ina. Hindi ikaw ang magiging hadlang doon, Raphael. Anuman ang nangyari sa `tin, tapos na iyon. Naibigay ko na sa `yo ang sarili ko at binayaran mo ako nang malaki bilang kapalit. Magpapasalamat na rin ako dahil kahit na paano ay naisalba mo ang buhay ng nanay ko.” Bumuka ang bibig nito na tila may sasabihin ngunit isinara uli nito iyon. Lumuwag din ang pagkakahawak nito sa kanya. Sinamantala niya ang pagkakataon upang makawala rito. Naglakad siya palayo. Hindi naman siya nito pinigilan. Nakakaapat na hakbang na siya nang lingunin niya ito. “I don’t know if it matters to you, but I am a bit thankful that you were my first,” nahihiyang sabi niya. Pakiramdam niya ay dapat niyang sabihin iyon para malaman nitong hindi marumi sa alaala niya ang nangyari sa pagitan nila. Kahit sinabi niyang pipilitin niyang kalimutan ang nangyari, alam niyang hindi siya magtatagumpay. Habang-buhay na itong mananatili sa puso at alaala niya. Hindi niya makakalimutan na dito niya unang isinuko ang p********e niya. Ngumiti ito nang matipid sa kanya. May nabasa siyang kalungkutan sa mga mata nito. Hindi niya alam kung para saan ang kalungkutang iyon. Hinintay niyang magsalita ito ngunit lumipas na ang mahabang sandali ay nanatili lamang itong tahimik at nakatingin sa kanya. Nagdesisyon siyang umalis na lamang. Iyon ang huling pagkakataon na nakita niya si Raphael Dunford hanggang sa magtapos ito ng kolehiyo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD