NAPAPANGITI si Laureen kapag tumatawa nang malutong si Sean. Masarap sa tainga ang tawa nito. Nanonood sila ng cartoons sa TV. Nasa pagitan nila ito ni Raphael. Katatapos lamang nilang maghapunan. Ang yaya ay pinagpahinga na niya. Tila hindi nauubusan ng enerhiya ang anak nila. Hindi pa yata ito pagod mula sa paglalaro at pagswi-swimming buong maghapon. Napatingin siya kay Raphael at natagpuan itong nakatingin din sa kanya. May masuyong ngiti sa mga labi nito para sa kanya. Gumanti siya ng ngiti. She really felt good. Ganoon pala ang pakiramdam kapag masaya at magkakasama silang tatlo tulad ng isang tipikal na pamilya. Nang matapos ang pinapanood ni Sean ay niyaya na niya itong matulog. “Puwede po ba tayong mag-sleep na magkakatabi ngayon?” tanong nito sa kanila habang nagpapakarga sa

