“KUMUSTA ka naman?” tanong ni Laureen kay Raphael na katabi niyang nakaupo sa buhanginan. Nasa di-kalayuan ang anak nila na abala sa paggawa ng sand castle. Nasa beach house sila ni Raphael sa Batangas. Dumating sila roon nang nagdaang gabi. Bukas ng hapon sila uuwi. “I’m okay,” tugon nito. “Much better than the first week.” “Just okay?” Alam niyang mahirap para dito na mawalay sa anak nito, ngunit inaasahan niyang mas maayos na ito dahil malaya na ito. Umiiling-iling na napapangiti ito. Hindi umabot sa mga mata nito ang ngiti. “Hindi mo inaasahan na magiging sobrang masaya ako sa gusto mo, hindi ba? Ibinigay ko sa `yo ang gusto mo dahil ang sabi mo ay doon ka magiging masaya. Sinusubukan kong ibigay ang lahat ng mga makakapagpaligaya sa `yo.” Nais niyang tanungin ito kung ano ang ib

