HINDI inasahan ni Laureen na magiging masaya siya sa bagong trabaho niya. Papaangat pa lamang ang kompanya kaya masipag sa pagtatrabaho ang lahat. Maganda ang working environment niya. Kasundo niya ang boss niya at ilang kasamahan niya. Ang akala niya ay mahihirapan siyang mag-adjust dahil maraming taon din siyang hindi nagtrabaho. Ngunit taliwas sa inaasahan niya, hindi siya gaanong nahirapan. Naroon pa rin ang dating abilidad niya. She was still efficient. Nakakaramdam uli siya ng fulfillment kagaya noon. Kahit abala sa trabaho ay sinisikap niyang gampanan ang mga tungkulin niya bilang ina kay Sean. Noong unang linggo niya sa trabaho ay panay ang tanong nito kung bakit alis siya nang alis ng bahay. May isang pagkakataon na umiyak nang umiyak ito dahil nais nitong sumama sa kanya. Naaa

