“THANK God I have you.” Napangiti si Laureen sa sinabi ni Raphael. Kulang na lang ay yakapin siya nito. Nagkagulo-gulo kasi ang schedule nito para sa araw na iyon dahil nagkaroon ng problema. Marami itong naka-schedule na meeting at aligaga ito mula nang mag-umpisa ang araw. “Wala naman akong gaanong ginawa, Sir,” aniya at inilapag sa harap nito ang kape na hiningi nito sa kanya. “You’ve organized my life,” natatawang sabi nito bago humigop sa kape. “You don’t crack under pressure. I once had a secretary who cracked under pressure big time. Kapag nataranta na siya, nawawala na sa ayos ang lahat. Eh, disorganized nga ako, madali rin akong mataranta. Thank you for making my life bearable today.” “It’s my job,” tugon niya. Hindi niya maiwasang ngumiti. He was praising her for doing a good

