“MAY I speak with Raphael? Is he free?” Napatingin si Laureen sa magandang babaeng nakatayo sa harap ng mesa niya. Nakangiti ito nang matamis sa kanya. Napakaamo ng mukha nito. Noon lamang niya ito nakita roon. Wala sa anyo nito na isa itong businesswoman. Tila naroon ito para sa isang social visit. Gumanti siya ng isang pormal na ngiti. “Puwede ko po bang malaman kung sino sila, Ma’am?” magalang na tanong niya. “Melisa. If he’s busy with work, I’m willing to wait.” Natigilan siya. So, ito pala ang nobya ni Raphael. Hindi na siya nagtataka kung bakit ito nagustuhan ng binata. Melisa looked so sweet and kind. Mukhang palakaibigan ito. Tila pinipiga ang puso niya habang nakatingin dito. Nasa harap niya ngayon ang babaeng mahal na mahal ni Raphael. Ito ang dahilan kung bakit hindi siya m

