"Kali?" nakalayo na kami. Tatlong araw nang absent si Agassi. Paano ko s'ya makakausap? Paano masasagot ang mga tanong ko? Oo, alam kong hindi kami totoong magkasintahan, pero selos na selos ako ngayon. "A-yos lang ako." Pinupunasan ko ang sarili ko gamit ang panyo. Kunwari'y abala sa pagpupunas pero sa totoo lang, ayaw kong makita nito na naiiyak ako. "D'yan ka muna. Punta lang ako sa CR." Hindi ko na s'ya tinignan. Naiiyak kasi talaga ako. Ang deal namin ni Agassi ay bawal ma-fall. Pero lintik, alam ko sa sarili kong na break ko na iyong deal namin na iyon. Na-fall na ako sa lalaking iyon. PINANOOD KO LANG si Kali na tumakbo palayo, patungo sa banyo. Alam ko namang ayaw lang nitong makita ko s'yang umiiyak. Mabait si Agassi, hindi rin malabong ma-fall si Kali rito. Pero may s

