Two

1982 Words
Ang gara ng mga sasakyan nila. Iyon ang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko paglabas ng gate. Ilan lang ang mga estudyanteng naglalakad palabas ng gate. Pero pagdating naman sa labasan ay may mga sasakyang naghihintay sa mga ito. May kalayuan din bago makalabas sa kanto, saka lang ako nakakita ng ibang estudyante na naglalakad. Lahat ng iyon ay mula sa dati kong paaralan. "Kali!" pamilyar ang tinig nang sumigaw. Mabilis akong lumingon at nang makitang si Doris iyon ay tuwang-tuwa na kumaway ako rito. Daig pa namin ang hindi nagkita ng ilang taon. Samantalang kapitbahay lang naman namin ito. Siguro ang nagbago lang ay hindi na kami magkaklase at magkaiba na ang school na pinapasukan, pero 'yong samahan, malabong magbago. Nakuha pa naming magyakap nito. "Kumusta ang pang-rich kid na school? Grabe, bagay na bagay sa 'yo ang uniform ninyo. Pangmayaman!" tili pa nito. Ako ang nahihiya sa lakas ng boses nito, eh. "Sira, hindi 'no. Ako nga lang 'yong naiiba sa school na 'yan. Kita mo naman sila, with service, mga anak ng maraming datong." "Tsk, maganda ka naman. Iyon na lang ang ipagmalaki mo." Nakaingos na ani nito. Huminto kami sa waiting shed. Napangiwi ako nang maalala kong wala nga pala akong pamasahe. "Doris, may kailangan pa pala akong daanan. Mauna ka nang umuwi." Nagmamadaling ani ko rito. Saktong huminto ang jeep pabyahe sa norte kaya naman nagmadali na ang ibang student na makasakay. Dahil sa magulong sistema sa paradahan ay natarata si Doris, at nakipag-unahan na rin. Saka lang nito na realize na hindi ako nito kasama nang umusad na ang jeep at napalingon ito sa bintana. Kumaway ako rito sumenyas na sa kabilang dereksyon tutungo. Humakbang na rin ako, pero nang matanaw na nakalayo na ang jeep ay nagsimula na akong maglakad. Ilang minuto na akong naglalakad. Tagaktak na rin ng pawis at tiyak na mabaho na ang uniform ko, buti na lang ilang pares din ang uniform na ipinadala ni Mayor sa akin. Hindi ko kailangan mag-wash and wear ng uniform. Nakakita ako nang nagtitinda ng palamig kaya naman dinukot ko ang limang piso sa bulsa at dali-daling lumapit at bumili. Kaya naman nang muli akong naglakad ay ngingiti-ngiti na ay dahil sa palamig na dinagdagan pa ni Manong. Nang makarating sa kanto papasok sa amin ay inubos ko na ang iniinom ko at pasimpleng itinapon ang plastic. Dinukot ko na rin ang panyo sa bulsa at mabilis na nagpunas ng pawis. Nilakad ko lang din papasok. Bahagya pa ngang hinawi ang buhok upang ayusin. Pagdating sa tapat ng bahay namin ay nakita ko si Mama na abala sa garden namin. "Ma..." tawag ko rito. "Ay, andyan na pala ang maganda kong anak." Tuwang-tuwa na ani nito. May kasama ito sa garden, dalawang babae na tiyak kong kalahi ni Marites. Madalas kasing bida sa umpukan tapos madalas si Mama ang topic nila. Ano kayang ginagawa ng mga ito rito? "Anak, gusto raw nilang maghalaman." Imporma ni Mama. Gusto kong mapairap sa sinabi nito. And so? Dito sila kukuha ng halaman? "Ma, akala ko ba kaya ibinili mo ng paso 'yong extra mong pera kasi plano mong ibenta?" takang ani ko rito. "Ano ka ba naman, Kali?" ani ni Aling Rowena."Pati ba naman halaman ay gusto mo pang pagkakitaan? Aba'y humihingi lang naman kami." Kagigil talaga itong bruha na ito, ang dating ay ako pa itong madamot tuloy. "Anak, ikaw naman oh...pumasok ka na sa loob. Saglit na lang ito." Hindi na ako nagkumento. Pagpasok sa loob ng bahay ay mas lalo kong naramdaman ang pagod sa paglalakad nang makita ang ayos ng bahay. Kami lang ni Mama ang nakatira rito. May dalawang silid sa second floor, tapos dito sa first floor ang kusina, sala at banyo. Sakto lang sa aming dalawa ni Mama. Pero hindi ko alam kung bakit palagi na lang magulo kahit bago ako umalis ay nililinis ko naman. Bago ko ayusin ang mga iyon ay pumanhik muna ako sa kwarto. Wala kaming TV, naisangla ni Mama noong natalo ito sa tong it's. Saglit kong inihiga ang pagod kong katawan. Tumutunog din ang t'yan ko dahil sa gutom. Kaya ng kaya nang tumayo ay bumangon na ako at bumaba. Saglit na dinampot ang kalat sa sala saka nagtungo sa kusina. Ngunit muling bumagsak ang balikat nang makita ang kalat na naroon. Hugasin na tiyak kong wala bago ako pumasok. Nang sipatin ang kaldero ay kaunting bahaw na lang ang nakita ko roon. Pero sinandok ko na rin kaysa naman wala. Nang tignan ko ang ref ay yelo lang ang naroon. Tapos pitchel na pinapalamig. Oo, pinapalamig na pitchel. Kasi wala namang lamang tubig. Para akong may kasamang musmos dito sa bahay. Nagkasya na lang ako sa toyo at mantika na ulam. Tahimik na pumwesto sa mesa at kumain. Sinasabayan na lang din ng inom ng tubig para mabusog. "Nak? Anong sabi ni Mayor?" excited na tanong nito. Dumeretso sa lababo at naghugas ng kamay. Saka binitbit na ang basahan na pampunas ng kamay at naupo sa kabilang upuan. "Hindi ko s'ya inabutan, Ma." Pagsisinungaling ko rito. Hindi ko nga rin magawang tignan sa mata si Mama dahil ayaw kong makita ang excitement doon. "Ay, bakit? Tinataguan ka ba ni Mayor?" tanong nito. Mabilis naman akong umiling. "Ma, hindi. Sadyang hindi ko lang s'ya inabutan. Saka, kabibigay lang naman n'ya ng allowance ko." Agad na umangat ang kilay nito ng bahagya ko s'yang sulyapan. "Kali, hindi sapat iyon. Sa susunod na magkita kayo ni Mayor sabihin mo 'yan sa kanya. Kulang pa nga sa 'yo 'yong ibinibigay n'ya. Paano pa 'yong kailangan natin dito sa bahay? 'Yong mga kailangan ko?" nagbaba ako nang tingin. Gusto ko sanang sabihin na hindi obligasasyon ni Mayor Calixto na suportanhan ang bisyo n'ya, pero mas pinili kong itikom ang bibig ko. "Puntahan mo s'ya, sabihin mo 'yang sinabi ko sa 'yo. S'ya ang nagpumilit na mag-aral ka sa pangmayaman na eskwelahan na 'yan, dapat panindigan n'ya." Gigil na ito ngayon. Nagpatuloy na lang ako sa pagkain ko. "Baka may naitabi kang ulam, Ma?" ani ko rito. "Naku! Hindi mo naman kasi ibinilin kaninang umaga. Ibinigay ko na sa kapitbahay 'yong tirang ulam natin. Kawawa naman kasi 'yong anak ni Aling Merna, maghapon sa sugalan tapos naiwan sa bahay nila d'yan 'yong mga bata. Gutom na gutom na, nag-iiyakan pa nga." Kwento nito, na waring ikinabanal nito ang pagkakawang-gawa. Napayuko ako upang hindi nito mapansin ang pag-agos ng luha ko. Ako na lang 'yong nag-a-adjust. Medyo pasan ko rin ang ganitong ugali ni Mama, walang-wala na nga kami, pero nakukuha pa rin nitong maawa sa iba. Hindi naman masama, pero medyo mabigat din naman kasi sa side ko 'yon. Pinilit ko na lang na ilunok ang kanin kahit bigla akong nawalan ng gana. Hindi na ako magugulat kung mamayang hapunan ay wala kaming kakainin. Pagkatapos kong kumain ay hinarap ko ang lababo. Naghilamos pa nga ako upang hindi na n'ya mapansin ang pagluha ko. Ibinibida na naman nito 'yong bagong TV sa kaibigan nito. Kesyo maganda raw at malapad at mura lang na nautang sa 5'6. "Ma," natigil sa pagsasalita si Mama at alam kong lumingon sa akin. "Nak?" "May extra ka pa ba d'yan? Kailangan ko po nang pamasahe bukas." "Mayroon pa naman, gagamitin ko sana bukas magpapa-manicure ako sa kaibigan ko, pero sige, hiramin mo muna. Palitan mo na lang kapag nagbigay ulit si Mayor. Kulitin mo s'ya para palagi kang may extra, ha." "S-ige, Ma." Tugon ko rito. Hindi ko na ito malingon dahil mas lalong umagos ang luha ko. I'm so disappointed. Pero wala akong magawa, ganito na talaga s'ya. Kahit pa umiyak ako sa harap n'ya, ganoon pa rin s'ya. Nang matapos kong hugasan ang nakatambak na hugasin ay muli akong naghilamos upang hindi mahalata nito ang pag-iyak ko. Hindi ko na naman alam kung nasaan ito, kaya pumanhik ako sa silid ko at nagpasyang pag-aralan na lang ang susunod na lesson. Wala rin naman akong cellphone, dahil noong nagkasakit ito ay isinanla n'ya iyon pambili ng gamot. Kaso 'yong kalahati ay ipinang-bingo nito. Talo sa sugal, hindi na rin na tubos ang pobreng cellphone. Mahigit isang oras akong nakaharap sa mga libro ko nang kumatok ito. "Anakkk..." masayang ani nito. Kung masama ang loob ko rito, ay ito lang din naman ang nagpapagaan no'n Ngiting-ngiti ito at halatang masaya. "Tinawag ako ni Aling Betchay, tara sa kusina nag-uwi ako ng tira nilang handa." Nakadiskarte pa ito ng hapunan namin. Siguro, be thankful na lang din. Kasi kung mag-isa ko, hindi ko rin naman iyon kakayanin. Nang bumaba kami sa kusina ay mayroon ngang pagkain. May spaghetti, pancit, shanghai at pritong manok. "Kain na, nak. Busog pa kasi ako. Kumain muna ako roon para hindi na ako makihati sa 'yo sa iuuwi ko." Ngiting-ngiti pa rin ito. Nagpasalamat ako rito at kumuha ng mangkok. "Anong gagawin mo?" tanong nito sa akin nang makita ang pagkuha ko ng mangkok. "Baon ko na lang itong pritong manok, Ma." Inilagay ko iyon sa mangkok saka inilagay sa ref."Iinit na lang bukas para umabot ng tanghalian." "Ikaw ang bahala, sige na at kumain ka na. Ako na rin ang maghuhugas at nang makapagpahinga ka na. I love you, nak." Nang tignan ko ito ay pilit akong ngumiti. "I love you, Ma." Humalik pa ito sa noo ko bago ako iniwan sa kusina. Mabilis ko lang ding naubos iyon. Pagkatapos ay inilagay sa lababo ang pinagkainan. Tinitigan pa iyon kung dapat na bang hugasan, in the end hinugasan ko na lang din. Kaysa naman abutin pa ng kinabukasan. Nang matiyak na maayos na ang lahat ay bumalik ako sa kwarto. Magpapahinga na ako, dahil tiyak bukas ay panibagong hamon na naman ng katatagan ang sasalubong sa akin. "ANAK, GISING KA NA D'YAN!" malakas ang tinig ni Mama. Sunod-sunod din ang katok nito sa pinto kaya naman napabalikwas ako nang bangon, may orasan naman sa kwarto ko, 5:20 am na. Kailangan ko nang kumilos dahil tiyak na male-late ako kung babagal-bagal ako. Nakahanda na ang mainit na tubig na ilalagay ko sa pampaligo ko. Wala naman kasi kaming heater kaya kailangan iyon dahil sobrang lamig ng tubig. Pagkatapos matantya ang tubig na nilagyan ko ng mainit ay naligo na ako. Naririnig ko pang kumakanta si Mama sa sala ng bahay. Nang matapos ako ay nakatapis ng twalya na lumabas ako. "Anak, na plantsa ko na ang uniform mo." Salubong nito sa akin. Tumango ako at nagpasalamat dito, saka ko tinungo ang uniform na naka-hanger na nga at halatang na plantsa na. Sumunod ito sa kwarto kahit pa alam nitong magbibihis ako. "Nak, daanan mo si Mayor ha." Paalala nito. "Opo." "Sabihin mo rin naman kasi 'yong mga kailangan mo. Huwag kang mahiya sa kanya, obligasasyon n'yang ibigay ang lahat nang pangangailangan mo lalo't nag-aaral ka sa pangmayaman na eskwelahan. Tsk, kung ibinigay na lang kasi n'ya sa atin 'yong pinang-tuition n'ya roon, eh 'di sana rich na tayo ngayon." "Wala naman po tayong say sa mga plano n'ya. Saka be thankful na lang po, Ma." "Ano pa nga bang magagawa ko? Oo nga pala, kumusta ang unang araw mo roon? May mga friends ka na ba? Pwede mo ba silang tanungin kung need nila ng mga Yaya, baka pwede kang mag-extra. Gano'n 'yong mga napapanood ko sa TV, eh." "Ma, wala tayo sa teleserye." "Nagsu-suggest lang naman. Ito nga pala 'yong pera, oh. Bumili ka rin ng merienda mo, ha! 'Wag kang magpapagutom." "Opo." "Mauna na akong aalis. May raket daw si Aling Babes, sasama ako." Si Aling Babes na may pwesto sa palengke. Ewan ko lang kung mapagtinda ni Aling Babes si Mama. Lahat na ata ng kaartehan sa katawan ay sinalo na n'ya. Naiwan ako na may 80 pesos mula rito. At least, may pamasahe na ako papasok at pauwi. May matitira roon na pwede kong magamit bukas. Magbabaon na lang ako ng tubig para naman hindi ako mauhaw.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD