Three

1865 Words
"I'm Maya." Second day, at ang babaeng nakita kong binu-bully sa corridor ang unang lumapit sa akin at nagpakilala. Classmate ko pala s'ya. "I'm Kalila, Kali for short." Iginala ko ang paningin ko. Wala pang ibang tao bukod dito at sa tatlong kaklase naming naggigitara sa gilid. "I saw what you did kahapon." Natigilan ako sa akmang paghakbang papasok ng classroom. "Ha?" "Ang sabi ko nakita ko 'yong ginawa mo kahapon." "Ah, wala 'yon." Bahagyang umiling na ani ko rito. Bahagya itong tumawa,"hindi mo naman napansin na may extra pa sila kahapon." Natigilan ako at napatitig dito. "Ano?" "Binuhusan pa rin naman nila ako ng harina." Natatawa pa ito? Anong nakakatawa sa sitwasyon na iyon? Immune na ba ito sa ganoong gawain ng mga schoolmate nito? "Walang nakakatawa sa nangyari kahapon. Hindi tama ang ginawa nila sa 'yo." Seryosong ani ko rito. Ngumisi ito saka hinila ako patungo sa upuan ko kahapon. "Sanay na ako. Buti nga ganoon lang, eh. Saka hindi naman masakit kasi nasa timba na 'yong egg. At least, hindi nila ako binato. Binuhusan lang." Muli itong tumawa. Salubong na ang kilay ko, bakit parang okay lang dito ang nangyari? My god, kung sa akin nangyari iyon hindi ako mananahimik. Umayos ako nang upo saka inilabas ang libro ko. "Anong business n'yo?" dahan-dahan akong napatingin dito."From LFHS ka, 'di ba? Nag-boom ba ang business n'yo? Medyo mahal ang tuition fee rito." "Mahal talaga." Mabilis kong tugon dito na medyo diskumpyado."Saka wala kaming business, mahirap lang ako." Mabilis ako nitong pinigilan sa pagsasalita. "B-akit?" takang ani ko rito. "Huwag kang maingay! Baka i-bully ka rin nila." "Mahirap ka rin?" tanong ko rito. Mukha namang hindi, naka-brace pa ito, ang mahal kaya nang palagay ng bakal sa ngipin. Tapos 'yong kutis nito parang gatas ang pinangliligo. May suot din itong gold na kwintas at maganda ang bracelet nito. "Mahirap? Siguro, may limang coffee shop kami dito sa bayan ng Santa Laurea. Tapos si Daddy doctor sa ibang bansa." "Mahirap pa ba 'yon?" manghang ani ko rito. "Iyon ang tingin ng mga schoolmates natin." Muli itong tumawa. Sarap tuktukan, walang nakakatawa."Mahirap siguro kasi naman sila mga tagapagmana, mga malls, resort at marami pang iba ang mayroon sila." "Tsk, ano pa kami na halos walang isaing sa bahay?" bulong ko na bahagyang umiling. "Kung ganyan ang sitwasyon mo 'wag kang maingay. Tiyak na ibu-bully ka rin nila." "Bakit hindi mo sila isumbong?" "Ano namang mapapala nang pagsusumbong? Saka iyong isang bully rito sa school paborito ng mga teachers and admins." "Mali pa rin 'yon." Napipikong ani ko rito. "Ayos lang 'yon. Saka may times gusto ko ring binu-bully ako lalo na no'ng crush ko." Kinikilig na ani nito. Baliw na ata ito, mukhang pumasok sa kokote nito 'yong itlog na ibinuhos dito. "Maya, walang nakakakilig sa pambu-bully." Nakasimangot na ani ko rito. Nagkaroon nga ako nang kausap, may tama naman sa ulo. "Naku! Kapag nakita mo 'yong si Agassi, baka gustuhin mo na rin pansinin n'ya." "Kahit s'ya pa ang pinakagwapo sa buong mundo, kung masama ang ugali n'ya, ekis pa rin s'ya sa akin." Nanulis ang nguso nito sabay kibitbalikat. "Tignan lang natin kapag nakita mo na s'ya. Sobrang gwapo n'ya talaga." Kinikilig na ani nito."Kali, dito na lang ako sa tabi mo, ha? Saka tiyak na ayaw naman ng mga kaklase natin na tabihan din ako." Tumayo ito at nilapitan ang bag n'ya. Nakasunod lang ang tingin ko rito. "Ang ganda, 'no?" ngiting-ngiti na ani nito. Akala ata n'ya 'yong bag n'ya ang tinitignan ko."Regalo ni Daddy sa akin ito. Akala nga ng mga classmate natin original ito." Bumungisngis pa si Maya. "Hindi 'yan original?" "Nope, binili lang namin ito sa online." Mahinang ani nito. Bumagsak ang tingin ko sa back pack ko. "Tiyak ko hindi rin 'yan original." Tatawa-tawang ani nito saka inagaw ang bag ko. May mga sinuri itong parts ng bag ko. "Hala! Original ito." Nanlalaki ang matang ani nito."Saan mo nabili? Isama mo naman ako." Excited na ani nito. "B-igay lang 'yan." Binawi ko iyon agad dito. Baka kasi mahulog pa ang baunan ng tubig at pagkain ko. "Sinong nagbigay? Alam ba n'yang mahal 'yang ganyang bag? Siguro kaya rin hindi maniniwala ang mga kaklase natin na mahirap ka kasi mamahalin ang bag mo. Tapos patingin nga ng uniform mo." Bigla na lang ani nitong pinayuko. Masama ko itong tinignan pagkatapos. "Shockssss, sa The Best ka bumili ng uniform mo? Girl, alam mo bang mahal doon?" Alam kong mahal. Pero hindi ko alam kung saan binili ng assistant ni Mayor ang uniform ko. The Best? "'Yong The Best na store, official store iyon ng LHS. Doon bumibili ng uniform ang mga student dito." Tumango-tango ako. Gets ko na. Dumarami na ang kaklase naming pumapasok. Lahat sila, napapatingin sa gawi namin. "Kalila..." tawag ng isa. Malamang kilala ako nito dahil nagpakilala ako kahapon. "Yes?" "I'm Zarah, remind lang kita, 'wag kang lumapit kay Maya. Tiyak na madadamay ka sa ibu-bully." Maarteng ani ni Zarah. Inirapan pa nito si Maya na biglang tiklop naman. Sinulyapan ko si Maya na nilalaro na ngayon ang laylayan ng palda nito. "Oo nga." Sang-ayon ng isa."Kapag anak ng poor dapat iwasan. Bago ka kasi kaya hindi mo pa alam 'yan, sa amin ka na lang sumama. I'm Lea." "Ayos lang." Ngumiti ako sa mga ito. May isang lalaking kaklase ang lumapit sa pwesto namin ni Maya. Umupo pa ito sa upuan sa harap ko. "Anong business ninyo? From Luwalhati Foundation ka, 'di ba? Anong business n'yo para maging afford mo ang tuition fee rito sa LHS?" tanong nito sa akin. Required ba talaga na sabihin ang status in life para maging in sa school na ito? "'Wag mo na nga s'yang tanungin, kita mo naman ang bag n'ya at uniform. Mamahalin, baka nga mas mayaman pa sa 'yo si Kali, eh." Singit ni Maya. "Tsk, palibhasa ikaw lang ang mahirap dito sa school na ito." Parungit ng lalaki at iniwan na kami. Nang dumating ang guro ay nagsipag-ayos na ang mga ito. Si Maya ay todo ang pakikinig sa guro namin. Kaso nang tanungin na ito ng guro ay napakamot lang ito sa ulo. Mabilis kong isinulat ang sagot sa notebook. "345, Ma'am." Mabilis na ani ni Maya. Halatang na bigla lang, walang pagka-natural sa pagbigkas nito. "Paano mo nakuha ang sagot na 'yan?" tanong ng guro. Nalintikan na. Tama ang sagot pero tiyak na hindi nito alam i-solve iyon. "Hindi ko alam, Ma'am. Hula lang. Tama po ba?" nagtawanan tuloy ang mga kaklase namin sa sinabi nito. "Kailangan ka pa naging manghuhula? Tsumamba ka, sana palaging tama ang hula mo." Pinaupo si Maya saka ito nagtawag ng panibagong student na s'yang nagsagot sa board. "Paano mo nasagot 'yon?" tanong ni Maya sa akin nang makaupo ito. Ipinakita ko rito ang scratch paper ko. Tumango-tango ito. "Naintindihan mo?" tanong ko rito. Ngingiti na sana ngunit nagsalita ito. "Hindi." Nalukot ko sa inis ang scratch paper saka sinimangutan ito. "Makinig ka kasi." Paalala ko rito. Tumango lang naman ito saka ibinaling na ang tingin sa harap. "Tama ba?" malakas ang tinig na tanong ng guro pagkatapos sumagot ng kaklase namin. Mabilis akong nagtaas ng kamay. "Yes, Kalila?" "Correct ang final answer, wrong solution." Tipid na ani ko. Nang sumenyas ang guro na lumapit ako ay tumayo na agad at lumapit sa board saka inayos iyon. "Very good." Masayang ani ng guro. Resulta nang pagre-review ng lesson. Nakita ko na ito sa book, eh. 'Yong example ni Ma'am, iyon din 'yong mismong sample sa libro. Gusto kong bumungisngis pero pinanatili ko ang seryosong mukha. Nang makabalik ako sa upuan ay muling umusad ang klase. Ilang ulit pang natawag si Maya, pero ligwak ang mga naging sagot nito. Nang tumunog ang bell ay excited na itong nagligpit ng gamit nito. "Tara!" "Dito na lang ako." "Libre kita." Parang musika sa pandinig ko ang sinabi nito. Pero nagpasya akong tangihan. "Dali na, ngayon lang naman. Saka thank you ko na rin 'yon kasi sinave mo ako sa tanong ni Teacher kanina." Makulit si Maya. Kaya naman nakita ko na lang ang sarili ko sa pangmayaman na cafeteria. May mga tray roon, inabutan ako ni Maya ng isa. Saka mahinang binibigyan ng instructions. Napansin ata nitong kaunti lang ang kinukuha ko kaya naman dinagdagan na nito iyon. "Doon tayo." Itinuro nito ang pinakagilid na parte. Naaarawan ang side na iyon kaya alumpihit akong sumunod dito. "Bakit dito?" takang tanong ko."Ang dami pang bakante, oh." "'Yong mga bakanteng pwesto na 'yan ay para sa mga kings ng LHS." "Kings? Ano tayo monarchy?" "Ano 'yon?" takang tanong nito. Mariin akong napapikit. Medyo bopols, sorry sa words pero iyon talaga ang observation ko. "Monarchy, 'yon 'yong gino-govern ng mga king and queen." Paliwanag ko rito. "Ah, 'yon ba? Hindi naman. Basta 'yong mga schoolmates nating astigin, famous, magaganda ang nakapwesto d'yan." Sinulyapan ko ang bakanteng pwesto. "Eh 'di dapat doon tayo." Akmang kukunin ko na ang tray nang pigilan ako nito."Bakit? Maganda naman tayo." Buhat na buhat ko ang sarili sa part na 'yon. "What I mean, 'yong mga pinakamayayaman." Okay, kick na agad ako roon pa lang sa pinakamayayaman. Ganda lang ang mayroon ako, tapos 68 pesos na natira sa ibinigay ni Mama. Ay, hindi pala 'yon bigay. Papalitan ko pa rin iyon. Nang umugong ang bulungan ay parang nag-twinkle ang mata ni Maya na nakatingin sa pinto papasok ng cafeteria. Gumawi na rin ang tingin ko roon. Pumasok ang grupo ng mga kabataan na naka-formation pa. Akala ata nila ay ikinagwapo nila ang formation nila. Nauuna ang lalaking naka-sunglass pa. Wala namang araw, eh. "Ayan, ayan ang lalabs ng buhay ko." Kinikilig na waring kinurot sa singit na mahinang bulong ni Maya sa akin. Mukhang ayaw iparinig sa katabing table namin. "Sino s'ya?" tanong ko rito. Humakbang ang grupo patungo sa bakanteng table sa gitna. Walang nangahas na pumwesto roon kung 'di sila lang. Biglang natahimik ang kanina ay maingay na cafeteria. Ang ilang kasama na nakabuntot sa grupo ay mabilis na tumango sa paninda at om-order. "Sino nga s'ya?" ulit kong tanong kay Maya. Titig na titig ako sa lalaking waring s'ya ang leader. Sa asta pa lang nito ay waring ito ang sinusunod ng grupo. "S'ya si William Agassi Apolinario." Kinikilig na ani nito. "'Yan 'yong bully na okay lang sa 'yo na i-bully ka?" manghang ani ko rito. "Oo." Kilig na kilig ang itsura nito. Sarap talagang kaltukan. "Eh kung ako na lang ang mam-bully sa 'yo?" inis na ani ko rito. Bumungisngis lang naman ito. Kumain na lang ako, sayang naman ang libre nito. "Ayaw mong kainin?" tanong ko rito. Sayang naman ang binili n'ya. "Ayaw ko na, parang titigan ko lang si Agassi, busog na ako." "Baka maihi ka sa kilig. Akin na lang?" mabilis naman itong tumango. Pinagpalit namin ang lagayan ng pagkain. Hindi nga ito kumain. Tinitigan lang nito si lalabs daw n'ya. At least, busog ako. Iyon na lang ang mahalaga roon. Mahal ng pagkain dito, pero masarap naman. Kailangan ko kaya ulit matitikman iyon? Busog na busog ako. Akala ko magiging payapa ang oras namin dito sa cafeteria. Pero hindi pala. Na-spot-an ng mga bully si Maya. Kawawa naman itong nilalang na ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD