Four

1969 Words
"Maya, tara na." Yaya ko rito nang lumapit ang isang grupo ng mga babae. Ang kapapasok na grupo kanina ng mga student ay nakatingin na rin sa pwesto namin. "Kapag umalis ako tiyak na hahabulin din naman ako. Hayaan mo na, may extra naman akong uniform sa locker ko." Gusto kong pompyangin ang ulo ng isang ito. Nakakapikon sa sobrang pagkabobita. Pwede naman itong makaiwas pero hinahayaan lang nito na gawin iyon sa kanya."Ikaw na lang ang umalis." Inis na tumayo ako. Hinila ang bag at iniwan nga ito. Pero kusa ring huminto ang paa ko sa paghakbang palayo. Inis na humarap akong muli kay Maya. "Maya, tara na kasi." "It's okay, kami na ang bahala sa friend mo," sabi ng babae na maganda naman pero mas lutang ang sungay sa attitude nito ngayon. "Maya..." muling ulit ko rito. Ngunit humakbang na ang isa na sa akin pa nakatitig. Napasinghap ako nang unti-unting buhusan ng babae ang ulo ni Maya ng juice. Tapos itong si Maya hinayaan lang gawin sa kanya 'yon. Kumuyom ang kamao ko. Nagpipigil na sigawan ang mga ito. Hindi ko pwedeng bigyan ng sakit ng ulo si Mayor sa school na ito. Dahil naalala ko ang matandang iyon, nanlulumong bumuntonghininga ako. Saka tumalikod. Hindi ko na nilingon pa ang mga ito na malakas na nagtawanan. Nangigigil sa galit ang kalooban ko. Ilang ulit pa akong huminga nang malalim para lang kalmahin ang sarili ko. Nagtungo muna ako sa CR, dahil alam kong hindi ako kakalma ng ganito. Anong klaseng school ba ito? Buti pa sa LFHS may mga manners naman kami roon kahit papaano. Naghilamos ako para mahimasmasan. Saka kumuha ng tissue at pinunasan ang mukha ko. Hindi ako pwedeng madawit sa kahit na anong gulo sa prestigious school na ito. Daig pa ang mga celebrity ng mga student dito. Pag-uusapan talaga kapag may naging issues. Naaalala ko pa rin ang itsura ni Maya na walang kagalaw-galaw sa kinauupuan nito kanina. Muling nabuhay ang inis ko. Akma ko nang kukunin ang bag nang bumukas ang pinto. Si Maya, yukong-yuko ito. "Maya..." tawag ko rito. Nang tignan ako nito ay malawak ang ngiti nito. "Tama 'yong ginawa mo. Mahirap na baka ikaw ang pag-initan kapag nakialam ka. Pwede mo ba akong samahan muna saglit dito? Magpapalit lang ako." May extra uniform nga ito. Nakuha pang ngumiti samantalang nag-iinit ang ulo ko rito. Hindi lang pala rito, kung 'di sa sarili ko mismo. Hindi ko man lang natulungan. Pinanonood ko lang ito habang isinasahod nito ang ulo sa gripo. May bimpo rin ito at iyon ang ginamit nitong pampunas doon. Nagpalit na rin ito ng uniform. Sanay na sanay sa sitwasyong mali. Iyon ang nakakainis. "Tara na." Yaya nito sa akin pagkatapos n'yang nagsuklay. Tamang-tama katutunog lang ng bell. Lakad-takbo na lang ang ginawa namin nito para hindi ma-late sa klase. Tamang-tama lang din naman, kapapasok lang ng guro. Nagbungisngisan pa ang mga classmate namin nang makitang pumasok si Maya. Mukhang nakita rin ng mga ito ang nangyari sa cafeteria kanina. Tahimik lang kaming naupo. Kahit nang magsimula ang klase ay wala akong ganang nakinig. Sinubukan ko namang unawain ang lesson. Pero distracted ako sa babaeng katabi ko. Pagdating ng lunch ay muli itong nagyaya sa cafeteria ngunit tumangi na talaga ako. Maghahanap ako ng pwesto kung saan makakain ako nang maayos at wala ang mga kulugong buliies sa school na ito. "Ayaw mo talaga?" alumpihit na ani nito. Tumango naman ako saka isinukbit na ang bag. Sabay kami nitong lumabas at lumulan sa elevator. Nang marating ang first floor ay naghiwalay na rin kami nito. Naglakad-lakad ako. Hangang sa narating ko ang likurang bahagi ng LHS. May malaking puno roon, tapos may mataas na pader. Sa kabilang bahagi ay ang left wing ng LFHS. Hindi dinarayo ang left wing dahil intimidated ang mga student sa parteng iyon dahil malapit lang sa LHS. Kung alam lang nila, masasahol ang ugali ng mga tagarito. Sa ilalim ng pine tree ako pumwesto. Malilim at may malapad na batong pwedeng upuan. Mabilis ang kilos na inilabas ko ang baunan ko. Ininit naman ni Mama kanina ang pritong manok at bagong saing din ang ipinabaon nito sa akin. Hindi na malamig ang tubig ko pero okay lang. Nagsimula akong kumain. Nagdarasal na sana ay hindi magawi rito ang kahit na sinong estudyante. Ilang minuto rin akong kumain. Nang maubos ang laman ay ibinalik ko na iyon sa plastic at inilagay sa bag. Nang matapos namang uminom ay ibinalik ko na rin iyon. Mahaba pa ang oras ko. Pwede pa akong umidlip. Kaya naman feel na feel ang ginawa kong pagsandal sa puno at nagpasyang umidlip muna. Masyado kasing tahimik ang lugar, hihilain ka talaga at nanaising matulog muna. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nagising na lang ako sa tunog ng bell. Dali-daling kumilos at akma na sanang aalis nang mapansin ko ang mineral water at sandwich na nasa gilid ng bato. Takang dinampot ko ang mga iyon. May papel na nakadikit sa bottle kaya naman binasa ko ang nakasulat doon. "You're so cute." Iyon lang ang nabasa ko. With smiling emoji pa sa dulo. Takang pinagmasdan ko iyon. Nang maalalang male-late na ako ay mabilis kong inilagay sa bag ko ang tubig at sandwich saka lakad-takbo tinungo ang gusali kung saan ang classroom namin. Naroon na si Maya at may kausap itong kaklase rin namin. "Hindi talaga ako naniniwala na from LFHS si Kali. Ikaw ba naniniwala?" may kausap nga ito pero mukhang gusto lang kumuha ng pwede nitong masagap na balita. Mga anak ba ni Marites ang mga ito? "Hindi naman kasi talaga s'ya mahirap. Original 'yong bag n'ya, sa The Best din binili 'yong suot n'yang uniform. Mayaman s'ya, ayaw lang n'yang ipagkalat." Mariin akong napapikit. Bakit kailangan pang magsinungaling ni Maya? Para ano? Hindi ako i-bully? Hindi pa rin namang magsinungaling ito. Tumikhim na ako upang kunin ang atensyon nila. Saka ako naupo sa tabi ni Maya. Ngumiti ang babae sa akin. "I'm Louise." Naglahad pa ito ng kamay. "Kali." Tipid na sagot ko at tinanggap ang nakalahad nitong kamay. "Okay lang bang sumama ako sa inyo? Wala rin naman kasing gustong kumausap sa akin." Mukha naman itong mabait. "Sure ka ba? Baka ma-bully ka rin?" ani ni Maya kay Louise. "Alam naman nating pareho na malabo nilang gawin sa akin 'yan. Teacher kaya ang Mommy ko rito." "So, pwede mo bang isumbong sa Mommy mo ang mga bullies dito?" tanong ko rito. Napangiwi naman ito. Base sa reaction nito, I think hindi. "Kung gagawin ko kasi 'yan baka madamay ang work ni Mommy." I understand, mukhang sa school lang na ito umaasa si Louise at ang Mommy nito. Lumipat na rin ito ng upuan at tumabi na sa amin. Hindi lang si Maya ang nabu-bully rito sa classroom. May ilan pa. Kung binu-bully nila dahil sa status sa buhay, bakit pati 'yong iba na may maayos namang buhay ay nadadamay? Ang gugulo rin ng utak ng mga batang ito. Patapos na ang klase, si Maya at Louise ay parang drain na drain na sa klase. Samantalang ang ginawa lang naman nila ay iwasan ang tingin ng guro. Sumagot nang 'pass' at 'hindi ko po alam'. "Saang subdivision ka nakatira, Kali?" natigilan ako sa tanong ni Louise. "Naku! Sa Lorenzo Subdivision s'ya nakatira." Mabilis na ani ni Maya na ikinasalubong ng kilay ko rito. "Hala! Mayaman ka nga talaga. Ang galing, sasabihin ko kina Lea na roon ka nakatira. Tiyak na iiwasan ka nila once na nalaman nilang doon ka nakatira." Aawatin ko pa sana ito ngunit iniwan na n'ya kami ni Maya. Naiwan kami ni Maya sa classroom na kami lang dalawa. "Nakita mo na 'yong ginawa mo? Nagsinungaling ka kay Louise." "Galit ka ba? Sorry na, gusto ko lang isipin nila na ka-level ka rin nila para hindi ka nila awayin." "Maya, mali 'yon. I-bully man nila ako ay kaya ko naman silang labanan. Hindi ko kailangan itago ang tunay kong estado sa buhay. Hindi ko kailangan magpanggap." "Sorry na, ayaw ko lang din namang matulad ka sa akin. Saka wala rin naman talagang maniniwala na mahirap ka, kahit ako ay nagdo-doubt talaga. Kasi naman mukha kang mayaman, mamahalin ang gamit mo kahit pa sabihing bigay lang 'yan. Sorry na talaga." "This is the last time na gagawa ka ng kwento patungkol sa akin. Hindi ko kailangan ng kasinungalin para lang maprotektahan ko ang sarili ko. I can manage." Kinuha ko na ang bag ko at iniwan ito. May sundo si Maya, sumabay pa rin ito sa akin palabas ng gate pero may kotse nang naghihintay sa kanya roon. "Ayaw mong sumabay? Ihahatid ka namin." Umiling ako rito. "Hindi na, magje-jeep na lang ako pauwi." Kumaway pa ako rito at iniwan na ito. Medyo rude ang naging kilos lalo't hindi man lang binati ang Mommy nito pero wala ako sa mood makipag-plastic-an. Sinira nito ang mood ko. Naglalakad na ako palabas ng may humintong magarang sasakyan sa tapat ko. Nang magbaba ng bintana ang may-ari ay nakita kong assistant ni Mayor iyon. Agad akong nagpalinga-linga bago sumakay roon. "Bakit ka naglalakad? Pwede ka namang mag-taxi pauwi." "Nagtitipid ako sa pamasahe, Ate Claire." "Nagtitipid? You don't need to do that. May allowance ka naman para sa pamasahe at baon mo, ah." Inabutan ako nito ng tissue. Mukhang napansin nitong pawisan ako. "Sa Lorenzo Subdivision tayo, Kuya Sanjo." Utos ni Ate Claire. Kinuha ko na rin ang iniabot nitong sanitizer at nilagyan ang kamay ko. Pati suklay ay inabutan din ako. Nagsuklay lang ako ng buhok. Akala ko naman ay sapat na iyon, pinatagilid n'ya ako at sinimulang itali ang buhok ko. "Punasan mo rin 'yang alikabok sa sapatos mo." Ginawa ko na lang ang inutos nito. Tiyak namang gusto lang nitong maging presentable ako sa harap ni Mayor. "Ang ganda-ganda mo talagang bata ka." Puri nito nang makontento na sa ayos ko. Kinuha nito ang bag ko. Hindi na rin ako tumutol lalo na ng kinalkal nito iyon. "Baunan? Nagbabaon ka ng pagkain?" "Tanghalian ko 'yan kanina, Ate Claire." "Bakit? Pwede ka namang kumain sa cafeteria, ah. Hindi ba nabangit ni Miss Laura Esfid na pwede kang mag-lunch sa cafeteria. Hindi lang for recess iyon." "Mahal naman doon, Ate Claire." "Huwag mong masyadong tinitipid ang sarili mo. Huwag ka ring nagpapagutom para hindi ka magkasakit." "Opo, nauunawaan ko." Tugon ko rito saka nag-iwas nang tingin. Pinapasok agad ang sasakyan sa entrance ng subdivision. Hindi na kinailangan pang i-check ang sakay. Tiyak na pamilyar na sa mga guard ang sasakyan na ito. Tahimik lang ako hangang sa narating namin ang mansion ni Mayor. Bago pa ito naging mayor ng Santa Laurea ay mayaman na talaga ito. Negosyante ito at karamihan ng sikat na establishments ay pag-aari nito. Agad na pinagbuksan ako ng pinto ng guard, kinuha naman ng kasambahay ang bag ko. Tahimik lang na bumuntot ako kay Ate Claire. Nang marating namin ang sala ay pinaupo muna ako nito. Marahan ko lang na iginala ang paningin ko. Malaki naman ang allowance na ibinibigay ni Mayor. Kaso malakas magsugal si Mama, kapag nagbayad na kami ng bills sa tubig at kuryente 'yong natitira roon ay dapat para sa pagkain na namin at allowance ko, kaso nakukuha pa rin nitong ilustay iyon sa sugalan. Hindi ko naman magawang sabihin iyon kay Mayor dahil ayaw kong mag-away ito at si Mama. "Pababa na s'ya." Imporma ni Ate Claire. Agad naman akong napatayo. "Good afternoon..." iyon agad ang bungad n'ya. "Good afternoon, mayor." Seryosong ani ko rito. Automatic na napasimangot ito. "Anong mayor ka d'yan? Papa, Kalila Farrah, Papa!" unti-unting gumuhit ang alanganing ngiti sa labi ko. "P-apa." Tumango-tango ito at lumapit sa akin at inakbayan ako. "Nakahanda na ba ang merienda?" tanong ni Mayor sa na daang kasambahay. "Opo, nasa garden na po gaya nang utos ninyo."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD