Five

1989 Words
"Anak!" excited na ani ni Mama. Nakita ako nitong bumaba ng tricycle. Alas-7 na, gusto man akong ipahatid ni Mayor dito sa bahay ay mariin kong tinanggihan. Nakapambahay na akong damit. Si Ate Claire ang nagbigay nang pamalit kanina. Tumulong agad si Mama na magbaba ng mga kahon na galing kay Mayor. Nag-utos ito sa tauhan na mag-grocery nang malamang nagbabaon ako sa school. Tiyak na aabutin ng ilang lingo ang mga iyon dahil sa dami. Pinagtulungan naming maipasok iyon sa bahay. Alam ko namang pinasundan pa rin ni Mayor ang tricycle na sinakyan ko sa tauhan nito kanina, kaya naman tiwala ako na ligtas na makakauwi. "Pumunta ka kay Mayor?" ngiting-ngiti na ani nito. "Nadaanan po ako ni Ate Claire kanina at isinama n'ya sa bahay ni Mayor." Pinanonood ko si Mama na excited na iniayos ang mga groceries sa cabinet. Iyong iba ay inilagay nito sa ref. Ang ganda na namang pagmasdan ng kusina namin, pero kung hindi magpapaka-santa si Mama ay tiyak na aabot ng ilang linggo iyon, kung ipamumudmod na naman n'ya ay tiyak na abutin lang iyon ng isa o dalawang lingo. "Anong sabi n'ya? Nabangit mo ba na wala na tayong pera? Nagbigay ba s'ya?" tanong nito sa akin. "Hindi, Ma." "Ano? Bakit naman? Pinagdadamutan ka ba ng tatay mo?" inis na ani nito. Naibagsak pa nga nito ang delatang hawak. "Hindi n'ya ako pinagdadamutan. Sadyang kabibigay lang n'ya noong nakaraan." "Sasagot ka pa?" "Ma, sinasabi ko lang naman." Kailangan kong maging mahinahon. Ayaw ko namang mag-away kami nito. "Tsk, pasasa s'ya sa buhay n'ya. Kung sino-sino ang natutulungan tapos hindi ka man lang mabigyan ng magandang buhay." Nagdadabog na ito. Gusto kong sabihin na maayos naman sana ang buhay namin kung wala s'yang bisyo. Pero ayaw kong magtalo kami nito. "Nakakabwisit talaga 'yang taong 'yan." Pasimple na lang akong sumalisi. Pumanhik ako sa silid at pabagsak na naupo sa gilid ng kama ko. Ilang taon ako nang malaman kong tatay ko si Mayor. Hindi pa ito mayor ng bayang ito. Hindi ako welcome sa pamilya San Sebastian dahil anak ako ni Daisy Monoban, ang sikat na bayarang babae sa lugar namin. Iyon ang madalas kong marinig na tawag sa nanay ko. Hindi mawala-wala sa buhay nito ang bansag sa kanya na ganoon kahit pa matagal na s'yang huminto sa trabaho n'yang 'yon. Sa mansion lang ni Mayor ako welcome, pero hindi sa publiko. Ayaw ko rin namang malaman ng iba. Saka, maganda ang pangalan ni Mayor sa buong Santa Laurea, tiyak na madurungisan iyon kapag nalaman ng lahat na nagkaanak ito sa isang bayaran. Ganito na ang buhay ko. Pero mas tanggap ko na rin ang ganito kaysa puno ng kontrobersya sa pagiging illegitimate child ni Calixto San Sebastian. Maaga akong nagising. Hindi ako ginising ni Mama. Dali-dali akong kumilos dahil sa takot na baka ma-late. Wala si Mama sa kwarto n'ya. Wala sa sala, lalo na sa kusina. Wala ring baon na nakahanda. Mabilis na lang akong naligo kahit malamig. Pagkatapos maligo ay nagtimpla ako ng gatas, gatas ngayon kasi may stock kami. Pero kapag ubos na iyon ay balik na ulit sa kape. Nagpalaman na lang ako ng tinapay saka iyon ang inalmusan. Mabuti na lang hindi lukot ang uniform ko. Kaya nakapagbihis agad ako. Tinapay na lang din ang inilagay ko sa baunan. At least may palaman na iyon. 7 am, lakad takbo na ako palabas ng Dambong Street. Hindi ko pa rin nakita si Mama. Kahit sa umpukan ng mga tsismosa ay wala ito na madalas naman nitong tambayan. 7:15 ay nakasakay na ako ng jeep. Bakit ba naman kasi ang agang umalis ni Mama? 7:30, tumatakbo na ako sa hallway patungo sa classroom ko. Saktong tumunog ang bell. Hinintay ko munang humupo ang hingal ko bago pumasok. Wala pa naman ang guro. "Ngayon ka lang? Hindi ka ba inihatid ng service mo?" ngiting-ngiti na ani ni Maya. "Ha? Service ko?" "Yup." "Wala naman akong service, jeep ang sinakyan ko papasok." Takang ani ko rito nang makaupo sa pwesto ko. "Friends na tayo, 'di ba? Huwag mo nang itago sa akin, tama nga rin ako na nakatira ka sa Lorenzo Subdivision, eh." "Ha? Paano mo naman nasabi." "Pinasundak kaya kita kay Mommy. Pumasok 'yong car ninyo sa Lorenzo Subdivision." Pabulong na ani nito."Ano bang secret mo? Nagpapanggap na mahirap?" "Maya, mahirap talaga ako. Hindi naman ako nahihiya na ganoon ang estado ko." Naiiritang ani ko rito. Lumapit lang ba ito sa akin dahil feeling nito katulad ako ng ibang student dito sa LHS? "Tsk, ewan ko ba kung bakit ayaw mong sabihin. Sige, secret na nga lang natin." Mariin akong napapikit sa sobrang irita ko. Nanahimik na ito saka inabala ang sarili sa phone nito. Pasimpleng sinulyapan ko ang tina-type nito. Nagfe-fayslife ito. 'Yong social media platform kung saan pwede kang mag-status ng mga ganap mo sa buhay, pwede ring mag-post ng picture and videos. "May friend akong rich, nakatira sa Lorenzo Subdivision." Nakita kong pinost nito iyon. Salubong ang kilay na tinignan ko ito. Nang tumingin ito sa akin ay nginitian ako nito. "Burahin mo 'yon." Seryosong ani ko rito. "Ang alin?" okay, fine. Magmaang-maangan lang s'ya. Inirapan ko ito saka pinili na lang itikom ang bibig. Ngumiti si Louise nang umupo ito sa tabi namin. Ipinakita pa nito kay Maya ang recent post nito na ngayon ay marami ng reaction. "Tignan mo, oh. Interested silang malaman." Waring kinikilig na ipinakita pa nito sa akin iyon. "Labas ako d'yan. Kapag na damay ang pangalan ko d'yan, please lang, lumipat ka na agad ng upuan." Seryosong ani ko rito saka binuklat ang libro para sa first subject namin. Nagbubulungan pa si Maya at Louise pero hindi ko na lang pinansin. Hindi ako na rito para makipag-socialize sa lahat ng student na kailangan i-please. Nandito ako para tapusin ang high school ko. Tapos pagkatapos ay iiwan na agad ang eskwelahan na ito. Madugo ang lesson namin. Kaya halos wala akong pakialam sa dalawang katabi ko. Nang sumapit ang break ay excited na tumayo ang mga ito. Nakuha pa nga kaninang mag-retouch. "Tara na!" yaya ni Louise sa akin. Sa totoo lang, mas okay ito kaysa kay Maya pero dahil mainit ang ulo ko ay damay ito sa pagsusungit ko. "Mauna na kayo." "Susunod ka?" tanong ni Maya na nakangiti na rin. Bigla tuloy akong na konsensya. "Hindi, may pupuntahan ako." Tipid na ani ko rito. Pero pilit namang ngumiti. Nagkatinginan pa ang dalawa bago nag-okay. Bitbit ang bag na lumabas na rin ako ng classroom. Mabilis lang na napuntahan ang likod kung saan ako tumambay kahapon kaya roon ako ulit pumwesto. Pakanta-kanta pa ako habang kinakain ang baon na tinapay. Itinabi ang apat na slice bread para sa lunch. Natigalan ako nang maalala ang pagkain na iniwan sa tabi ko ng kung sino man. Dahil hindi ko naman kilala ang nagbigay ay itinapon ko iyon sa trashcan pero ang sticky note ay idinikit ko sa likod ng notebook ko sa English. Saglit lang naman ang recess kaya nang matapos akong kumain ay bumalik din agad ako sa classroom. Ngunit hindi pa man nakakasakay sa elevator ay may lalaking natisod sa bandang likuran ko. Naitulak pa ako nito mabuti na lang at matibay rin ang tuhod ko. Nagtawanan ang mga student. Ito na naman, may napili na naman silang pag-trip-an. Nang tignan ko ang nakatulak sa akin ay pagapang itong lumayo. Saka tumayo at nagpagpag ng slacks n'ya. Inayos din n'ya ang salamin na bahagyang nawala sa ayos. "Sabi ko naman sa 'yo na 'wag kang tatakbo kapag kinakausap kita. Nadapa ka tuloy." Masungit na ani ng lalaki. Kilala ko s'ya, s'ya 'yong bully na crush ni Maya. Si Agassi...si Agassi na hindi yata love ng Mama n'ya kaya kung mang-bully ay ganoon na lang. "Sorry, boss. Hindi kita napansin." Nakayukong ani ni student. Boss? Bosabos? "Okay lang 'yon, Pat. Sige na, sa susunod 'wag kang tatakbo ha. Para hindi ka nadarapa," ani ni Agassi. Nagbungisngisan ang mga nakapalibot na student. Bahagya akong nailing. Tuwang-tuwa sila sa eksena. Akmang tatalikod na ako nang magtama ang tinging namin ni Agassi. Humagod ang tingin nito mula ulo hangang paa ko. Bahagya ko lang itong inangatan ng kilay saka tinalikuran na ito. Masyadong obvious 'yong ginawa ko dahil ako lang 'yong tumalikod at umalis. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang floor. Nakuha ko pang labanan ang titig nito hangang sumara ang pinto. Pagbalik sa klase ay wala pa sina Louise at Maya. Baka naroon pa at nakikiusyoso. Na-late nga ang mga ito. "Anong sabi ni Ma'am?" bulong ni Louise sa akin. "Pinapaayos n'ya ang mga clubs na sasalihan." Tipid na ani ko rito. "May sasalihan ka bang club?" ani nito sa akin. Umiling lang ako rito. "Hindi mo ba alam na required dito sa school natin na sumali sa mga club?" ani ni Maya. Required? Bakit sa kabilang eskwelahan ay hindi naman. Saka 'yong ibang club doon ay hindi naman active. Nagpa-member nga lang ako roon para cool. Ilan lang ang aktibong club sa LFHS. "Hindi." Tipid na sagot ko. "Gusto mo bang sumali sa cheerleading? Member kasi ako roon, since first year." "Talaga?" ani ko kay Louise. Sinulyapan ko si Maya."Ikaw?" "Member ako ng Theater club ng LHS." "Okay, 'yang dalawang 'yan ang iiwasan ko." Nanlaki ang mga mata nila na bahagya kong ikinatawa. Joke 'yon. Pero hindi mabenta. "Saan ka ba magaling? Ano ba ang mga hilig mo?" "May club ba sa magagaling kumain?" sabay pang napasimangot ang dalawa. Joke ulit 'yon pero hindi sila natawa. "Wait, mataas ba ang grades mo last year? Baka pwede ka sa Best Student Club." "Ano naman 'yon?" bahagyang umangat ang kilay ko. "Club iyon para sa matatalinong student ng LHS. Alam mo ba, member si Agassi ng Club na 'yon. Gusto ko nga sanang sumali kaso hindi pasok ang grades ko." Paano naman kasi tataas ang grades nito kung bigla na lang nagiging busy sa notebook nito at libro kapag tinatawag ng guro. Tapos parang auto-pass ito palagi. "Hindi ako matalino." Tipid na ani ko rito. "Pati ba naman 'yan secret din? Malalaman din naman 'yan kapag inilabas ang pre-ranking list eh. 'Yon 'yong grades last year. Halo-halo 'yon, mula sa first level hangang sa atin." "May gano'n?" biglang angat ng kilay ko. Tumango naman ang dalawa. "Okay." Sinulyapan ko ang guro na abala sa laptop nito. Tapos na itong mag-discuss. Ayos lang naman na may student na nag-uusap ngunit hindi lang malakas. Mukha naman mabait ang gur...bigla na lang nitong dinampot ang stick nito at hinampas ang gilid ng table. Kahit nakita ko iyon ay hindi ko pa rin napigilang magulat. "Para kayong mga palakang natubigan." Masungit na ani nito. Natahimik naman ang lahat. May ipinagawa lang ito saglit sa amin at umalis na rin ito. Wala pang one week na nagsimula ang klase, nakapagbigay na s'ya ng apat na assignment. Iyon 'yong pinasulat n'ya sa amin kanina. Mukhang sanay na ang iba sa kanya kaya nagkibitbalikat na lang ako. "Lunch na." Yaya ni Louise sa akin pagkatapos ng huling klase. "Sa likod ako kakain. Kayo na lang dalawa." Ngitinitian ko pa si Louise. "Ayaw mo ba kaming kasama?" "Hindi naman. May baon kasi ako. Bye na, sayang ang oras. Enjoy." Kumaway pa ako sa kanila. Sa Jollibee kasi sila kakain at hindi ko naman afford kumain doon. Narinig ko pa ngang sinabi ni Maya na madaya raw ako pero nagtuloy-tuloy na ako sa paglabas. Nakasabay ko pa sa elevator 'yong lalaking binully kanina. Pat ang pangalan nito. "Hi!" bahagya ko lang itong sinulyapan. "Hello." Tipid na ani ko. "Ikaw 'yong naitulak ko kanina, 'di ba? Sorry nga pala." "Ayos lang, hindi naman ako lampa." Pero na realize ko rin ang sinabi ko. Parang mali, parang pasaring na lampa ito ang dating. "Sorry ulit." "Okay lang," ani ko rito saka lumabas na ng elevator at iniwan ito. Nakita ko pa ito sa reflection sa katapat na mirror wall na nakatitig sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD