Six

2119 Words
Iginala ko ang tingin ko sa paligid ngunit wala namang tao. Pero mayroong mineral water at sandwich. Humakbang ako palapit doon at sinipat ang sticky note na nakadikit sa plastic ng sandwich. This time hindi na lang iyon basta nakapatong sa bato. May maliit na box na roon at doon nakalagay ang dalawa. "Kali, walang dumi 'yan. 'Wag mo nang itapon." Iyon 'yong nakasulat doon. Gumuhit ang ngiti sa labi ko dahil doon. Wala akong idea kung sino ang nag-iwan pero hindi ko maiwasang mangiti. Ang thoughtful naman nitong taong ito. Inilagay ko ang mga iyon sa bag saka inilabas ang baon ko. Nagpakabusog lang ako sa baon na tinapay. Wala rin akong planong matulog ngayon, pupuntahan ko si Miss Laura upang kausapin ito. Akma na sana akong tatayo nang makita ko ang dalawang student na patakbong nagtungo sa gilid ng building. Hindi yata nila ako napansin kaya naman nagpatuloy ang mga ito sa balak. Tumikhim ako nang akmang maghahalikan ang mga ito. Para pang nagulat ang dalawa na napatingin sa akin. Saka hinila ng babae ang boyfriend nito at umalis. Ang babata pa ng mga ito. Ano ba naman 'yan? Nagpasya na lang akong lumakad na patungo sa kaibigan ni Mayor na si Miss Laura. Baka matulungan n'ya ako. Gusto kong mag-parttime. Nakakahiya naman kasi kung aasa lang ako sa allowance na galing sa ama ko. "Anong kailangan mo?" tanong nito na abala sa laptop nito. "Miss Laura, mayroon po bang ino-offer na part-time job ang school?" hindi na nagpaligoy-ligoy pa na ani ko rito. "Bakit?" bahagyang inayos ang salamin. Waring nagtataka sa sinabi ko. "Kasi po..." ano nga ba ang tamang sabihin at idahilan dito? Tiyak na makakaabot kay Mayor ang ano mang magiging reason ko. "Kulang ka ba sa allowance, hija?" "Ah, hindi naman po. G-usto ko lang mas maging productive." Gusto kong kaltukan ang sarili ko, anong klaseng reason 'yon? My gosh! "Hija, alam mo naman siguro na hindi basta-basta ang school na ito. Napakahalaga ng grades dito. Kailangan mong mag-focus." Gusto ko sanang sabihin bakit sina Maya at Louise? Pero hindi na lang. "Kaya ko naman po." "Hindi matutuwa si Mayor kung gagawin mo 'yan." Ano pa nga bang aasahan ko? "Sige po pala." Bumuntonghininga ako at nagpaalam na rito. "Kali!" akmang hahawakan ko na ang doorknob nang tawagin ako nito. "Kapag free time mo, dito ka tumambay. Tulungan mo ako sa mga papers dito. Marunong ka naman sigurong mag-organize?" "Talaga po? Opo naman po. Kayang-kaya ko po 'yan." Masayang ani ko rito. Bumuntonghininga pa ito bago sumenyas na umalis na ako. Malawak ang ngiti na umalis na ako ng office nito. Sa daan pabalik sa classroom ay nadaanan ko ang grupo ng mga babae na may pinalilibutang babae. "Sasabihin mo lang naman na girlfriend ka ni Liam." Utos ng babaeng makapal ang lipstick. "'Di ba, nililigawan n'ya si Dianel? Baka magalit si Liam sa akin." "Basta, gawin mo na lang. Para bastedin ni Dianel si Liam. Galingan mo ha." Nagkunwari akong hindi pinansin ang mga pag-uusap nila. "Ayon si Dianel." Itinuro ng isa ang babaeng kalalabas ng classroom. Maamo ang mukha nito at kulot-kulot ang buhok. Maganda s'ya, kaya siguro insecure ang mga ito sa babae. Pasimpleng lumihis ang daan ko, sinadya ko talagang makasalubong ito. "Hi!" nakangiting ani ko rito. "Hello." Mahinhin ang tinig na tugon nito. "Dianel ang name mo?" Takang pinagmasdan ako nito. "Narinig ko kasi 'yong girls na nasa umpukan." Pasimpleng sinulyapan nito ang tinutukoy ko. Hindi naman kami naririnig kaya relax lang ako. "Anong narinig mo?" "Inuutusan nila 'yong isa na magpanggap na girlfriend no'ng Liam para bastedin mo raw si Liam." Pakialamero ako minsan, for good reason naman. "G-anoon ba? Thank you, what's your name?" "I'm Kalila." "Thank you, Kalila." Ngumiti lang ako rito at tinapik na ang balikat nito at iniwan na s'ya. Bumalik ako sa classroom ko na naroon na sina Maya at Louise. Maaga pa naman at may oras pa para matulog. "Kali, sama ka sa amin mamaya?" "Ayaw." Tipid na ani ko. "Hindi mo pa nga naririnig kung saan pero ayaw mo na agad." "Busy ako." "Pupunta lang naman tayo sa court." "Saang court?" itinuro nito ang covered court na tanaw mula rito sa bintana namin. "Anong meron?" "Maglalaro sina Agassi." Pantasyang-pantasya talaga nito si Agassi. Bully naman. "Pass." Sabay pang napabuntonghininga ang mga ito. Inabala ko ang sarili ko sa pagtitig sa labas ng bintana. Nang tapikin ako ni Louise. Iniharap n'ya sa akin ang phone n'ya. "Can I get your number?" "21." Tipid na sagot ko. Favorite number ba? "What I mean, 'yong phone number mo." "Wala akong phone." Blanko ang naging tingin nito sa akin na waring hindi kapanipaniwala ang sinabi ko. "That's it! Hindi na talaga ako naniniwala. Sa panahon ngayon halos lahat na may phone." "Tama ka, halos lahat. Pero hindi lahat." Sinamaan ako nito nang tingin ngunit tinawanan ko lang. "Hirap mong kausap. Syempre gusto ko rin naman may contact ka sa akin. Ise-save ko lang naman. In case of emergency ay may matatawagan ako." "Huwag kang tumawag sa akin in case of emergency. Sa emergency hotline ka tumawag." "Hay!" kulang na lang ay mapapadyak ito sa inis sa akin. Pinigil ko na ang tawa ko lalo't nagpasukan na ang mga mean girls. "Daan muna tayo sa CR later. Para naman fresh na fresh tayo pagpunta ng court," ani ni Zarah. "Maya!" naku! Mukhang may mapagtri-trip-an na naman. "Yes?" "Linisin mo nga 'yong board. Ang sakit sa mata." Demanding na ani nito. Gusto ko sanang magkomento pero mabilis nang tumayo si Maya at ginawa ang utos nila. Nang sulyapan ko si Louise ay kunwari'y abala ito sa phone n'ya. Napairap na lang ako. Bakit ba ang duwag? Inilagay ni Maya ang eraser sa lagayan ngunit kinuha naman iyon ni Lea. Napasinghap ako nang bigla na lang nito iyong ipagpag sa ulo ni Maya at nagtawanan ang mga ito. Mabilis akong tumayo. Lumikha nang malakas na ingay ang pagbagsak ng upuan ko. Humalo sa mga nakakainsultong tawa nila. Hinuli ni Louise ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. "'Wag, pamangkin ng principal si Lea." Mahinang ani nito. Kaya pala malakas ang loob. Pero mali nga kasi ang ugali nila. "Ganyan lang 'yan si Maya pero ayaw ka n'yang ma-involve." Inis na inayos ko ang upuan ko saka muling umupo. Mariing nakakuyom ang kamao na waring doon humuhugot ng lakas para kumalma. Bumalik si Maya na yukong-yuko. Nagtatawanan pa ang mga bruha sa ginawa nila. Kailangan kong lumabas saglit. Dahil hindi ko magawang ikalma ang sarili ko. "Tinitingin-tingin mo d'yan?" mataray na ani ni Lea sa akin. Cold lang ang naging tingin ko rito. Saka tumayo at hinawakan ang kamay ni Maya. "Saan kayo pupunta?" tanong ni Louise ngunit hindi ako kumibo. Nagpatianod lang naman si Maya sa paghila ko. Narating namin ang CR na wala pa rin itong kibo. "This is too much," ani ko rito habang inaabutan ito ng tissue. "Ayos lang, ano ka ba?" "Ayos? Wala pa akong 1 week dito pero ganito na ang na witness ko. My gosh!" inis na ani ko rito. "Isipin mo ang ikabubuti mo." "Isipin ko? Tapos tsismosa ka." Napabungisngis ito na waring wala lang dito ang sinabi ko. "Balik na tayo." Nakangiti na nitong ani sa akin. Parang walang nangyaring pambu-bully rito nang bumalik kami. Nagsimula ang klase na halos bilang lang sa daliri ang pursigidong matawag ng guro. Unfortunately, hindi kasali sa ilan na 'yon ang dalawang katabi ko. Nang matapos ang klase hindi lang si Maya at Louise ang halos magkumahog patungo sa court sa loob ng campus. Kung 'di lahat ng kaklase ko. Pwera sa akin na binilang sa isip ang oras hangang makauwi sa bahay. "Hindi ka talaga sasama?" tanong ni Louise na hinihila na ni Maya. "Pass." Kumaway ako sa mga ito at dali-daling umalis. Mas magandang hindi karamihan ang sasakyan palabas ng campus. Mabilis ang lakad ko hangang sa narating ko ang kanto sa labasan. Nag-uuwian na rin ang mga estudyante sa dati kong eskwelahan. "Kali!" malakas na tili ni Doris. Kasama nito si Aileen na kaklase rin namin noon. "Iba talaga ang yayamanin." Hindi pa man nakakalapit ay ani ni Aileen. Kita sa mukha ang ingit ng malditang ito. "Hindi naman." Pa-humble na ani ko. Si Doris ay agad lumingkis sa braso ko hangang marating namin ang sakayan ay mahigpit ang hawak nito. "Iniisip mo bang iisahan na naman kita?" natatawang ani ko rito. "Oo. Hindi ako nakatulog no'ng isang araw. Lintik ka." Natawa ako rito. Masyadong caring ang isang ito bilang kaibigan. "Tinatanong nila Carlos kung babalik ka pa raw sa LFHS. Baliw na baliw talaga sa ganda mo 'yon. Bakit kasi hindi mo pa jinowa. Eh 'di sana may hatid sundo ka." "Napakadugyot mo naman." Nakaingos na ani ko rito."Hindi ko talaga type 'yon. Mama's boy na nga, feeling astig pa." "'Wag kang ganyan. Crush na crush ni Aileen 'yon." Kaya pala walang imik ang malditang ito, eh. "Type mo 'yon? Ang pangit din no'n." "Shut up. Kung hindi mo kayang pahalagahan ang isang tao, huwag mo na lang sabihan ng ganyan. Hindi ka kasi marunong magmahal." Pagkatapos nang litanya n'yang iyon ay nauna na s'yang sumakay. "Gaga, 16 pa lang tayo may paganyan ka na." Inirapan lang ako nito saka nag-iwas na ng tingin. "Sa susunod na jeep na lang ako." Nakasimangot na ani ko kay Doris. "Alam ko na 'yang binabalak mo. Sige, sa next jeep tayo." "Hindi ka sasakyan d'yan?" "Sa 'yo ako sasama." Nailing na lang ako at nagkibitbalikat. Nang umusad ang jeep na kinalululanan ni Aileen ay tinaasan pa ako nito ng kilay. Kaya naman itinaas ko ang kamay at nag-middle finger dito. Natawa lang naman si Doris na sanay na sa bangayan namin ni Aileen. Nang dumating ang sumunod na jeep ay nakipag-unahan na kami nito. "Bayad po." Inilabas ko pa lang ang pera ko ay ani na nito. "Wait lang, 'yong pamasahe ko pa." "Ayos na. Itabi mo na lang 'yan. Nanalo sa bingo ko si Nanay kahapon binalatuhan n'ya ako." "Talaga? Pasabi kay Nanay Jo, balato naman." Biro ko rito. "Sige, sasabihin ko 'yan. Natalo raw si Mama mo kahapon, eh." "Ano pa bang bago?" "Ang lakas magsugal ni Tita Daisy, 'no? Pero hindi s'ya nauubusan ng pera. Ano bang trabaho n'ya ngayon?" Hindi agad ako nakakibo. Pero dahil naghihintay ito ay sumagot na lang ako. "Extra-extra lang, alam mo naman si Mama. Maligalig 'yon. Nangangati ang pwet kapag hindi nakakapag-resign ilang oras pagkatapos n'yang makapasok sa trabaho." Nahinto kami sa pag-uusap nang iabot ang sukli ni Doris. Hindi na rin nadugtugan ang usapan nang maisakay ng jeep ang isa sa kapitbahay naming member ng Marites Gang. "Oy, nakita ko si Mama mo. May kasamang lalaki kanina. Sinundo s'ya sa bahay n'yo." May kalakasan pa ang boses ni Aling Minda nang sabihin nito iyon. "T-alaga po. Okay." Nag-iwas ako nang tingin dito. Baka sakaling huminto na ito sa pakikipag-usap sa akin. "Anong okay? Hindi 'yon okay, Kali. Bata ka pa nga talaga. Kung sino-sinong sinasamahan ng Mama mo. Minsan nga sa bahay n'yo pa tumatambay. Kaya siguro talaga naghanap ng iba ang Papa mo, eh." Humigpit ang hawak ko sa palad ni Doris. Pinipigil ko na pabalang na masagot ang ginang. "Aling Minda, bakit naman kahit saan ang tabil ng bibig n'yo? Shut up po, okay po?" parungit ni Doris dito. "Aba'y bastos ka rin pala Doris. Alam ba ng Nanay mo na ganyan ka?" saktong huminto ang jeep."Parang nagkwekwento lang, mga kabataan talaga ngayon. Wala nang respeto sa mga nakakatanda." "Tara na!" hinila ko na si Doris dahil mukhang sasagot pa ito. Hindi malabong magsumbong si Aling Minda sa Nanay ni Doris dahil magkaklase ang mga ito sa binguhan. "Huwag kang makikinig sa matandang 'yan." Tukoy nito kay Aling Minda na sumakay na sa tricycle papasok sa Dambong Street. Kami naman nito ay nagsimula nang maglakad papasok. Sayang ang pamasahe. "Hayaan na lang natin. Hindi natin ikayayaman ang ugali n'ya." Walang kalakas-lakas na ani ko rito. "Nagbagong buhay na si Tita Daisy. Huwag kang maniwala roon, ha." Tinapik nito ang kamay ko. Ngumiti ako rito pero hindi napigil ang mapabuntonghininga. May posibilidad na totoo ang sinasabi ni Aling Minda. Pero ayaw ko na munang isipin. Hindi pa man kami nakakalayo ay may humarang na sa amin. "Kali, saan na ang Mama mo? Sabi n'ya tatambay s'ya rito? Pakisabi sa kanya, paisa naman." Mabilis kong kwinelyuhan si Mang Toryo na medyo lasing na ata. "Anong sabi mo?" galit na ani ko sa matanda. "Oh, bakit nagagalit ka? Paisa lang sa Mama mo. Madalas naman naming gawin 'yon." Nagpanting talaga ang tenga ko kaya nasuntok ko ang matanda. Kahit gusto kong magpakabuti, kahit gustong-gusto kong magpakalma, may mga demonyo talagang mandedemonyo sa 'yo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD