"This is unfair! Nababagot na ako dito! Promise hindi ko na sila kakausapin!" Parang bata si Dana na nagpupumilit makuha ang gusto. "Huwag na matigas ang ulo mo Dana Paoline! Hindi mo ba napapansin? They are all eyef*ck*ng you! Lalo na si Marc, babaero yan!" Nauubos lagi ang pasensya ni Bryan kay Dana. Pero lagi itong panalo at hinahayaan nyang ganun. "Kuya, mabait yun! Hindi ka naman nakikipag usap sa kanila hinuhusgahan mo sila. And kita mo naman ang mga klase ng damit ko. Malalaking t-shirt saka pantalon, hindi ako naka bikini, mga manyak lang talaga mga kasamahan mo! Ayaw mo naman ako tumulong sa kainan nina Manang Caring. Sama na lang ako doon." Napailing na lang ang Doctor. Minsan napapangiti siya ganito pala magkaroon ng kapatid stressful pero masaya. Minsan kasi tumutulong

