Nagising si Dana mula sa isang malalim na bangungot. Ang huling alaala niya may kung anong pwersa ang humahatak sa kanya sa kailaliman ng dagat. Napabalikwas siya ng bangon. Habol ang hininga na ginala ang mata sa paligid. Dahil naramdam niya na may nakatingin sa kanya. Nang tumama ang tingin niya sa matang kaparehong kapareho ng mata ni Greg napamura siya. Nakaupo ito at may isinusulat na kung ano. "What a f*****g fate of mine! Buhay pa rin pala ako!" Nasa loob sila ng isang kwarto na puno ng mga libro sa paligid. She's sure that she's not in the hospital but she's lying on a hospital bed at may swerong nakakabit sa kanya. "What a beautiful dirty mouth of yours." Sabi ng lalaki sa baritonong boses. Habang nakangisi, inangat nito ang suot na salamin. At inilapag ang hawak na bal

