"Nakakuha na ako ng mga kakailanganin nating ebidensya. Si mang Pedring siya ang contact natin sa loob. Kapag napatunayan natin na may illegal na operation ang MFC. Babagsak sila. Ang problema lang baka mahirap na lumago ito dahil nakaladkad pababa ang pangalan ni Daddy."
Greg sighed. He knew that Rex got a point.
"Palitan natin ng pangalan." He suggested.
"Ayoko ang ginagawa natin, na naglilihim kay Dana."
"But this is the safest way. I don't want her to get involved. Hindi ko kakayanin may masamang mangyari sa kanya."
"Pareho lang tayo ng iniisip but still may karapatan siyang malaman ang ginagawa natin."
"Don't worry. I have some problems to settle. Aayusin ko muna bago natin ipaalam sa kanya. But as much as possible I don't want Dana to get involved. Ayaw kung mapahamak siya."
Tumango si Rex bilang pagsang-ayon.
"Update mo na lang si Mr. Mallari."
Paalis na sana si Rexor ng pigilin siya ni Greg.
"Ah, wait! Pasensya nga pala, kung hindi naging maganda ang simula natin. Aaminin ko, sa una pa lang hindi na maganda ang hangarin ko kay Dana. Balak ko siyang paghigantihan. Kaso hindi nakakapag sinungaling ang puso."
Tumikhim muna siya.
"Alam kong mahalaga rin siya sayo. Pareho tayo ng hangarin, ang mapasaya siya kaya sana kalimutan na natin ang mga hindi magandang nangyari."
Inabot niya kay Rex ang kamay niya, tiningnan muna niya ito ng maigi kung sensiro ang binata.
"Huwag mo lang siyang pabayaan, makita ko lang na manumbalik ang saya sa kanya tulad noon, hindi tayo magkakagulo." At nakipag kamay na rin ito sa kanya.
Isang umaga habang naghahanda sina Dana at Greg papuntang opisina….
"Babe, sumama ka sa akin mamaya ha, may board meeting kasi ako, sumabay ka na lang kasi may date tayo after that."
Inaayos ni Dana ang necktie ni Greg.
"Babe, hindi naman ako importante dun, tawagan mo na lang ako kung saan tayo pwede magkita."
"Please babe." Niyakap siya ng binata. Nagsusumamo ang mata.
"Okay, fine, hmmpp! Bakit ba hindi ako makatanggi sayo kapag ganyan na ang tingin mo sa akin?"
"So nakuha ka sa tingin?”
"Ewan ko sa Greg, tara na nga!"
"Babe, wait! Nasabi ko na ba sayo na ang ganda-ganda mo ngayon?"
"Ngayon lang ba? Araw- araw naman akong maganda ah!"
"Yeah, that's why I need to compliment you about that everyday."
Saka hinalikan siya nito na puno ng pagmamahal.
"Ouch! Babe tingnan mo nga ang mata ko! Masakit wala akong makita!"
Nag-alalang nilapitan agad siya ni Dana.
"Ha? Bakit?"
"Because all I can see is you."
Saka malutong na tawa ang pinakawalan.
"Greg naman! Ang aga aga!" Nakangiting turan ng dalaga...
Nakaupo si Dana sa area na inilaan para sa mga assistant at secretaries ng mga board of directors. Medyo naasiwa siya sa mga tingin na ipinupukol sa kanya, lalo na pagpasok nila ni Greg.
Hindi maikakaila na angat siya sa lahat. Maputi, makinis, maganda kahit walang make up. Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya.
"Model ba siya?" Narinig niyang tanong ng isang babae sa hindi kalayuan.
"Ewan, pero ang ganda niya. Kaya siguro nadale niya si Sir Greg. Akala ko nga bakla iyon eh kasi wala naman siyang girlfriend na pinapakilala." Sabi naman ng katabi nito.
Binalewala na lang ni Dana ang mga nagbubulungan at nagfocus na lang sa agenda ng meeting.
Medyo uminit na ang usapan ng mga naroon ng magsalita si Mr. Torres isa sa may malaking hawak na share sa TWIN BUILDERS.
"Don't you thinks guys it's now the time para palitan natin si Mr. Fuentebella?"
Nagbubulungan ang mga kasamahan.
Kahit si Dana ay nagulat. Lumipad kaagad kay Greg ang kanyang paningin. Naikwento ni Grace sa kanya kung gaanong hirap, pagod at puyat ang ginagawa nito para lang mapalago ang kumpanya.
"Mr. Torres, bigyan pa natin ng pagkakataon si Greg, hindi naman basta basta lang makahanap ng mapapangasawa, saka nagagampanan naman niya ng maayos ang trabaho niya." Tutol ni Mr. Ocampo.
"Hindi Mr. Ocampo. Kung may asawa si Mr. Fuentebella, mas panatag ang kalooban niya. He will have his inspiration that will push him to do more than just enough."
Tumikhim si Greg. Makikita na inayos niya ang suot na relos. Isa ito sa mga mannerism niya kapag galit siya.
Nagbubulungan na naman ang mga naroon sa loob ng conference room.
"Let's have a vote, who among you here are in favor of removing Mr. Fuentebella from his position?" Tinig ulit ni Mr. Torres.
Nagtaas ng kamay si Dana. Why the hell Greg didn't defending himself? Hahayaan lang ba niya na iba ang makinabang ng lahat nga pinaghirapan niya.
"Ahm… Excuse me sir."
"Mukhang may sasabihin ang isang magandang binibini doon sa dulo."
Sabi ni Mr. Torres.
"Mawalang galang na po sir." Panimula ng dalaga.
"Bakit naman po dumating tayo sa pagpapatalsik kay Mr. Fuentebella?"
Nakita niyang umiiling si Greg para mapahinto siya sa kung ano pa ang sasabihin niya.
"Iha, mukhang ngayon lang Kita nakita rito. Kung alam ko lang na may kasing ganda mo ang umattend sa board meetings dapat pala palagi ako dumadalo."
"Sir, uulitin ko po, what are your grounds for removing Mr. Fuentebella from his position?"
Namumula ang mukha ni Dana dahil sa iba't ibang emotion.
Maroon yong galit, naroon din iyong inis kay Greg kung bakit ayaw depensahan ang sarili. At nandoon din ang pagkapahiya. Nahihiya siya dahil unang beses niya itong ginawa.
"As you can see, hindi po matatawaran ang sipag niya para matulungan kayo na palaguin ang kumpanya. Have you ever thanked him? When you're inside your house sleeping soundly while he's somewhere out there spending days and nights just to make your f*ck*ng business reaches beyond the top!?"
"Maghunos-dili ka iha. Sino ka ba? Yeah, hindi maikakaila na isa si Greg sa nagpalago ng kumpanyang ito. Pero para sa amin, darating din ang panahon na siya rin mismo ang magpapabagsak nito."
"At sa ano pong dahilan sir?"
"Iha, hindi na bumabata si Greg kailangan niya ng katuwang sa buhay. Now kung mananatili siyang single, magiging malungkot siya. Mawawalan siya ng ganang magtrabaho dahil marami na siyang pera. Wala siyang pinaglalaanan. At doon sa puntong iyon maapektuhan ang kumpanya."
"Kalokohan yan sinasabi mo Mr. Torres!"
Hinampas ni Greg ang ibabaw ng mesa.
"So sir masasabi nyo po ba na hindi masaya si Mr. Fuentebella? At gaano po kayo kasigurado na ang pagiging single niya ang hihila sa kanya at sa kumpanya pababa?"
"I've never seen him going out for a date. I've never seen him being with a girl. I've never seen him smile." Sagot ng matanda.
"Because he chose not to show you that he's going out for a date. He chooses not to show you that he's with his girl. Because he smiles only when he's with me. Now sir would that be enough?"
Hindi nga siya binigo ng binata at ngumiti ito sa kanya.
"You're just bluffing me. I've never seen you before."
"We want our life to be more private, Sir. Now, if this is the only way for him to stay for his position then here we are, going out in the open."
Napasinghap ang mga kababaehan. At nagpalakpakan ang ang board members.
"Still I'm not convinced!"
'Namputsa 'tong tanders na to ah!' Naisip ni Dana. 'Hirap na nga ako kakapaliwanag di pa ma gets ang gusto kong iparating sa kanila.'
"How long have you been together?"
"We're just star…." Sagot ni Greg ngunit pinutol ni Dana.
"Five years. And we're engaged."
She shows her ring.
"And next week we're getting married!"
"Babe!"
Pati si Greg nagulat sa sinabi niya.
"This is very impossible! Baka inupahan ka lang ni Greg na mangpanggap dahil sa pangungulit namin sa kanya.!"
"You need proof?" Binuksan niya ang bag at may hinahanap.
Tumayo siya lumapit sa projector at dinukot sa bag ang picture nila ni Anthony.
"That's us five years ago. I was only 18 during that time. Bibigyan pa po sana kita ng invitation sir kaso hindi pala ako nakapagdala."
Umupo si Mr. Torres dahil sa pagkatalo.
"So Sir, are you satisfied now?"
Hindi na niya hinintay ang sagot ng matanda.
"Ow I'm just curious, are you interested in the position sir?" Tanong ni Dana.
Ngumisi lang ang matanda.
Dalawa na lang sila ni Greg ang maiwan sa conference room.
Nang magtama ang tingin nilang dalawa sabay silang natawa.
Nilapitan siya ng binata. At niyakap.
"I'm so proud of you. I can't believe this. Now that I have you. It gives me more courage to do my best."
"Babe, ang hirap pala ng ganito noh? Malalaking tao ang kaharap mo. Sobrang kaba ang nararamdaman ko."
Pinatong niya sa mukha ni Greg ang kamay na namamawis.
"Kinabahan ka pa sa lagay na iyon? Parang hindi naman halata. Lalo mo pa akong pinahanga sa ginawa mo kanina."
Saka hinalikan siya sa noo.
"So we're getting married next week ha? Bakit hindi ako nainform?" Panunudyo ng binata.
Lalong humigpit ang yakap niya sa binata at itinago ang mukha sa dibdib nito.
"Babe akala ko ba may date pa tayo? Bakit pauwi na tayo."
Parang bata na nagtatampo si Dana.
"Relax ka lang dyan baby, leave it to me." Madalas naman ang pasok ng messages sa phone niya at panay din ang reply niya.
Pagpasok nila ng gate, nakapatay lahat ng ilaw.
"Babe nasaan sila? Bakit walang tao?"
Hinawakan siya sa kamay at hinila papasok sa main door, at isang sorpresa ang bumungad kay Dana. simula pinto hanggang pool area may mga red rose petals sa daanan nila. Maraming maliliit na ilaw ang nakakalat sa paligid.
Napasinghap si Dana.
"Babe ang ganda!" Manghang sabi ni Dana.
"You like it?"
Tumango siya bilang tugon.
Nang marating nila ang dulo may isang maliit na lamesa at may nakasinding kandila.
"Oh my God! Candle light dinner? Ang baduy!"
"Baduy ba? Hindi mo nagustuhan?"
"Gusto! Gustong gusto ko ang kabaduyan mo!"
"Di bale nang baduy basta nagustuhan mo."
Saka pinaghila siya nito ng upuan. And he opened his playlist and play the song Beautiful in My Eyes ni Joshua Kadison.
Habang sinasabayan nito ang kanta, nagsalin ito ng wine para sa kanilang dalawa.
{You're my peace of mind…
In this crazy world...}
Inabot sa kanya ang kopita And she whispered thank you.
{You're everything I've tried to find…
Your love is a pearl...}
He's looking straight to her eyes.
{You're my Mona Lisa...}
Hindi maiwasan tumulo ang luha ni Dana. Maganda ang boses ni Greg. Parang sa pakiramdam niya ginawa talaga para sa kanya ang kanta.
Hinawakan nito ang kamay niya at hinalikan.
"Babe, I may sound absurd but I'm going to make a vow. Because as you said earlier, we are getting married next week, so I decided to say it now because for sure we don't have enough time for this when we are in front of the judge."
"Biro ko lang iyon babe, kakaasar ka kasi hindi mo pinagtatanggol sarili mo."
"Hindi babe para sa akin totoong iyon kaya better be prepared dahil we're getting married next week!"
Hinawakan nito ang kamay niya. Tinitigan siya sa mata.
"Hindi pa ako lasing babe, huwag kang mag alala."
Biro pa nito.
"Ever since we met, I have loved you already. Out of foolishness I treated you badly. And I promise that everything I do is in favor of you. You will be the air I breathe and the light in my darkness. So please always hold me because if you are gone, I won't be able to live."
Panay tango lang ang ginawa ni Dana dahil umiiyak siya at hindi na makuhang magsalita pa.
"I will love you beyond forever!"
Dagdag pa ng binata. Saka siya niyakap nito.
Maya-maya pa nagsilabasan ang mga mga taong itinuring ng pamilya si Dana.
Mabilis na nag set up ng lamesa ang kinuhang catering service ni Greg.
Pati Daddy at Yaya Nena niya naroon din.
Dumating din ang mga magulang ni Greg. At nagulat si Dana dahil pagbaba mismo ng Mommy nito. Niyakap siya nito at nagpasalamat.
"Sa wakas may anak na akong babae. Mahirap iha kapag walang kakampi sa pamamahay na ito."
Hinila siya ng matanda para makapagsolo. Nasa kabilang lamesa naman sina Greg, papa nito, Daddy ni Dana at tatlo niyang kapatid masinsinan na nag uusap.
Lingid sa kaalaman ng dalaga na tungkol sa MFC ang paksa ng pag-uusap ng mga ito.
Samantalang nasa ibayong lamesa naman ang mga kasambahay at mga bodyguards.
"Alam mo iha, masaya ako sa wakas nagkita kayo ni Greg. Iyon lang talaga ang bilin ni Anthony bago siya mawala."
"Okay lang po ba sa inyo ma'am na kami ni Greg ay…"
"Oo naman iha! Unang araw mo palang dito sa bahay na kwento kana sa akin ng anak ko. Saka anong ma'am? Mama, iha, mama. Ikakasal na nga kayo ng anak ko diba?"
Hindi mapigilang tumulo ang luha ni Dana. Saka niyakap ang matandang ginang.
"Na miss ko po ang mommy ko." Niyakap din siya nito. At hinimas ang likod niya.
"Ako na ang mama mo ngayon. Kaya kapag may problema ka, huwag ka mag atubiling sabihin sa akin."
Tumango naman siya bilang tugon.
"Humihingi ako ng paumanhin sa mga nagawa ng anak ko sayo, iha. Naku kung malapit lang kayo sa amin, sinugod ko na iyan at pinagpapalo. Aba'y hindi maganda ang ginawa niya sayo. Kaya gumanti ka, pahirapan mo rin siya."
Natawa lang si Dana sa pagiging taklesa ng magiging biyenan.