We are in love!

1606 Words
Gumagayak na para matulog si Dana ng tumawag si Rexor sa kanya. Agad niya itong sinumbatan. "Nakakainis ka Kuya! Ba't di ka nagpaalam sa sakin!" "Easy ka lang diyan nandito lang naman ako sa Pampanga kasama ko si Daddy ngayon.  Gusto mong kausapin?  Dad o, nag iinarte parang bata!" "Eee hindi kaya.  Naiinis lang ako bakit hindi niyo sinabi magkasama kayo ngayon?" "Tama na muna ang asaran alam na natin sino ang pikon sa inyo.  Iha, ako 'to."  Inagaw ng ama ang telepono. Narinig naman ni Dana ang tawa ni Rex. "Kamusta kana Dad?  Buti naman nandiyan si Kuya.  Nag alala ako sa inyo pareho ko kayo hindi matawagan!" "Napagsabihan ko nga rin kasi nagleave pa talaga para lang alagaan ako.  Aba eh nandito naman si Nena." "Sigurado ka Dad ok kana?"  "Oo naman malakas na ako,  saka may charity na kaming nahanap, makakatulong iyon sa pagpapa therapy ko."  "Totoo po?  Thank God!  Pakausap ulit kay Kuya, Daddy." "O bakit?  Kala mo kinalimutan ka na namin?"  Tumulo ang luha ng dalaga.  Hindi niya akalain na sa ibang tao pa nila maramdaman ang totoong pagmamahal bilang pamilya. "Thank you Kuya."  Halata sa kabilang linya na umiiyak siya. "Napakaiyakin mo talaga." "Ikaw kasi…" Natawa lang si Rex. "Aba at ako pa ang sinisisi.  Iyakin ka lang talaga.  Wala ka tuloy boyfriend isip bata ka kasi." "Ang kapal ng mukha mo Kuya,  ikaw nga dyan single pa rin eh.  Martyr ka kasi..  Asa ka pa na babalikan ka nun." "Tama na yan!"  Saway ulit ni Paolo sa mga anak. "Seryoso Kuya salamat talaga ha." Tumahimik muna siya. "Ako dapat ang nandyan para mag alaga kay Daddy.  Kahit hindi mo kami kaano ano sobra sobra ang serbisyo at pagmamahal mo sa amin." "Di ba noon ko pa sinasabi sa yo to na kayo na ang pamilya ko.  Hindi man tayo magkadugo pero tinuring nyo akong hindi iba sa inyo. Sino sino pa ba ang magdadamayan kundi tayo lang?  Saka hindi naman halata dahil magandang lalaki naman ako kapag magkasama nga tayo napapansin ko hindi lang babae at bakla ha,  pati mga lalaki napapatingin sa akin eh." Natawa si Dana sa biro nito. "I love you Kuya!  I love you Daddy!  Na miss ko kayo kaagad."   Alam ng dalaga na hindi sapat ang pagpapasalamat lang sa taong itinuturing silang sariling pamilya. Samantala.. Napapansin ng dalaga na iniiwasan siya ni Greg.  Ilang araw na kasi na pinapauna siya nito umuwi at pagdating nito tulog na siya. Nakainom pa palagi.  Tinanong niya si Dexter kung anong problema wala rin daw alam. 'Hindi kaya may girlfriend siya tapos nag away sila dahil sa akin?  Pero wala pa akong may nakita na may bumisita sa kanyang  babae.  Halos buong araw kaming magkasama lagi.  Hindi kaya LDR?  Tama!  Nasa ibang bansa siguro.  Aw!  Masakit?  Selos ka girl?' Kausap niya sa sarili. Hindi na natiis ng dalaga. Hihintayin niyang makauwi si Greg at kakausapin. Ayaw niyang may naaapakang tao. Kusa siyang lalayo sakaling meron nga itong kasintahan.   Quarter to twelve, dumating si Greg, nagkunwaring natutulog si Dana. Pagkatapos maligo ng binata humiga na ito sa tabi niya. Dinig ng dalaga ang makailang beses na buntong hininga nito. Amoy alak na naman. Umupo siya paharap dito at tiningnan diretso sa mata. "Babe, did I wake you up?" Mukhang nabahala ito sa biglaang pagbangon niya. Umiling siya bilang tugon. "Bakit gising kapa?" "Hinintay kita."  Ngumiti ito sa kanya. Yayakapin sana siya nito pero pinalis niya ang braso ng binata. "May problema ka ba?" Sita niya dito. "Ako?  Wala.  Ba't mo nasabi?" "Iniiwasan mo kasi ako."  Tumawa ulit ito. Bihira niya ito marinig na tumatawa. "Come here." Tinapik pa nito ang higaan sa gilid niya. "No.  Not until you tell me what is bothering you."  "Okay, halika dito sasabihin ko sayo. I'll let you know what's wrong with me."  Sumunod naman agad siya. "Here babe. Ilapit mo ang tainga mo sa dibdib ko para masabi mo na nagsasabi ako ng totoo." "Nitong huli kasi…" Huminto muna si Greg at tumikhim  pilit na binubuo ang gustong sabihin kay Dana. Dinig naman ng dalaga ang mabilis na t***k ng puso nito. "Hindi ko alam saan ako magsisimula.. I'm sorry babe." Hinalikan siya nito sa noo. "Bakit ka nagsosorry!  May nagawa ka bang kasalanan sa akin?"  "Oo, malaki...uhmmm" "Ituloy mo kasi nabibitin ako!"  Natawa na naman si Greg na ikinainis ng dalaga. "Kahit kailan babe hindi Kita binitin. Aaahhh tama na, tama na!  Mapanakit?"  Pinagkukurot kasi siya nito sa tagiliran. Hinuli ng binata ang kamay niya at hinalikan ito. "Puro ka kasi kalokohan!" "Patawad Dana." Sumeryoso ito. "Patawad dahil hindi maganda ang naging simula natin. Napuno ako ng galit. Pinarusahan kita ng hindi muna inalam ang totoong nang-ya.. ri. Huling bilin ni Anthony sa akin na protektahan kita." 'Umiiyak ba siya?' Tumingala ang dalaga. Tumutulo nga ang luha niya. "Kaya kita iniiwasan lately kasi nakokonsensya ako sa ginawa ko sayo. Saka nahihirapan akong kontrolin ang sarili ko kapag magkalapit tayo."  Hinalikan siya ulit nito sa noo.   "Naintindihan ko naman.  What happened before was my fault also. I provoked you. Kaya lang hindi ko natiis na tanungin ka baka kasi may ibang babae… na.. alam mo na.. Involved." Tumawa ito. "Nagseselos ka?" "Hindi noh!"  "Weehh di nga?" "Bahala ka nga dyan." Kumalas ito sa pagkakayakap sa binata. "Hey.. I'm sorry. Pwede ba tayo magsimula ulit. Pwede ba natin kalimutan ang dati?" "What do you mean?” "Let's start again like we didn't know each other."  "Pwede ba yon?" Parang nag aalangan si Dana. "Pwede, pero depende pa rin sa yo kung pagbibigyan mo ako."  "Uuhmmm okay! Why not!" "Hey gorgeous, what's your name?"  Panimula ni Greg. Inilahad nito ang palad sa dalaga. Tinanggap niya naman ito. "Dana Paoline Mallari, and you are…" Tunog malandi ang tono ng boses niya. "What a beautiful name. I'm Floyd Gregory Fuentebella. But your name is too long, can I  call you mine?"  Napangiti siya. Kinikilig ang dalaga.  "Ang baduy mo!"  "Sorry babe never ko pa talaga nagawa ito. Pwede ba kitang ligawan?"  Tumango ito sa binata. "Talaga? Sooo,  tayo na?" "Anong tayo sabi mo liligawan mo pa lang ako." "Ah, eh umoo kana eh di sinagot mo na ako."  "Baliw!" Hinampas niya ito sa dibdib. "Yeah, baliw na baliw sayo!"  "Will you stop? Ang baduy talaga pramis!"  Humiga na ulit ang dalaga sa tabi niya. "Babe?" "Uuhhmm?" "Please catch me." "Why?" "Cause I'm falling for you!"  "Pwede ba Greg! Ang baduy ng mga pick up lines mo!" "Baduy ba? Pero aminin mo kinikilig ka? Ang sarap pakinggan ng pangalan ko kapag ikaw ang bumigkas."  Parang may libo libong paru paro ang nasa tiyan ng dalaga dahil sa kilig. "I told myself before that never in my life I will get attracted to you. But look at me now. I'm falling for you." Kumpisal niya sa dalaga. "I love you Dana Paoline Mallari." Seryosong sabi ni Greg. Tiningnan muna niya ang binata. Halos hindi siya makapaniwala sa sinabi nito. Napaiyak siya sa tuwa. "I love you too Floyd Gregory Fuentebella." "For real?" Tumango siya.   "You mean me? Not Anthony?" Tumango ulit ito. "Dati akala ko nahuhulog ako sa yo dahil sa kanya, but every time I close my eyes. I can see your smile, and your beautiful eyes. You possess all Anthony's features except your eyes." "Really babe? Are you for real? "Yes I am for real." "Will you marry me?" "Ang bilis naman yata. Parang kanina lang tinatanong mo ko kung pwede ka manligaw ngayon kasal agad?"  "Yes babe sinuot mo lang kasi ang singsing na hindi sumagot kung papayag kang pakasal sa akin." "Hindi kita inutusan isuot to sa akin noh! Saka hindi ka rin nagtanong. Balik ko na lang" "No,no, no. babe." Pinigilan nito ang kamay niya. "Para talaga sayo yan, habang binibili ko yan abot abot ang dasal ko na sana tanggapin mo dahil gusto mo, hindi yung tinanggap mo dahil tinakot kita." "Hindi ko akalain na mahuhulog ako sa taong total opposite ni Anthony. He was my first love, he was my ideal man. Napaka understanding. Sobrang bait. At napaka gwapo. Kaya gumawa talaga ako ng paraan para mapasakin siya." Tumawa siya ng mapakla. Pinunasan ni Greg ang luha na walang tigil sa pag agos.  "Ako na mismo nanligaw sa kanya. I can't imagine life without him, until one day bigla na lang siyang nawala. Galit ako sa kanya pero nandoon pa rin iyong what ifs. Lagi ko kinakausap picture niya sana valid ang reason niya kung bakit siya nawala nang sa gayon mapapatawad ko siya at magsimula kami ulit. I cried every night for 5 long years."  "Hush now baby, nandito na ako hindi mo na mararanasan ang pinagdaanan mong sakit dati. Magtiwala ka lang sa akin. No matter what."  Banayad siyang hinalikan  ni Greg sa labi. Kinabukasan paggising ni Dana wala na si Greg sa tabi niya. At doon niya ito nadatnan sa kusina at nakasuot pa ng apron. Makahulugang tingin ang ipinukol ng mga tauhan ni Greg sa kanya. Pati mga kasambahay naroon din. "Magbigay daan tayo sa babaeng dahilan ng pagbabago ng masungit nating amo!"  Wika ni Dexter at yumukod pa ito na parang servant sa mga fairytale. Kahit si Greg abot tainga ang ngiti. "Good morning babe!" Bati niya sa dalaga. "Why are you here?" Tanong ni Dana. "I'm here to steal your heart!" Kumindat pa ito sa kanya. "Wooooooh!" Sigaw ng mga bodyguards niya. Pati mga kasambahay kinikilig sa kanila. At hinalikan pa siya sa harap ng maraming chismosa at chismoso! "You're so cute when you blush."  "Guys dismiss! Baka langgamin tayo dito, sobrang sweet di ko kinaya!" Utos ni Dexter.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD