Eye contact

1589 Words
"Mahal kumain ka na ba? Baka nakakalimutan mo na kumain dahil sa thesis mo na ha." "In your 18th birthday mahal magpapaalam na ako sa parents mo. Ayaw ko ng ganitong klase nang relasyon, iyong patago. Kaya bilang respeto na rin sa kanila magpapakilala na ako." Mag-isa na naman si Dana sa kwarto. Tulad ng dati si Anthony pa rin ang naiisip niya bago matulog. Lalo niyang minahal si Anthony dahil na rin sa respeto nito sa kanya. At napaka maunawain pa. Dahil na rin siguro sa mas mature ito dahil sa age gap nila. "Ano ba nangyari sayo Mahal? Bakit bigla ka na lang nawala." Usal niya habang nakatunghay sa picture nilang dalawa. Ramdam naman niya na totoong mahal siya ni Anthony.  Isang linggo bago siya mag debut hindi sinasadyang marinig ang pinag uusapan ng Dad niya at kapatid nitong si Emilda. "We don't have any choice Paolo. Alam mo ang kakayahan ng pamilyang iyon. Kaya kailangan ikasal si Dana sa  anak nila dahil kung hindi gagapang tayo sa kahirapan!" Natutop ni Dana ang bibig para hindi makalikha ng ingay dahil sa pagkabigla. "No Ate! Mas pipiliin ko pa maghirap kesa ako mismo ang tutulak sa anak ko sa impyerno!" Dali daling tumawag si Dana sa kasintahan. "M-mahal." Hindi niya alam paano simulan ang sasabihin dito. "Mahal why are you crying? Is there anything wrong?" She is murmuring something but Anthony couldn't get what she is saying. "Mahal calm down, pupuntahan kita mag usap tayo. I'll be there in a bit." Pagdating ng kasintahan niyakap niya kaagad ito. "Get inside the car doon tayo mag usap." Utos sa kanya na agad naman niyang sinunod. "What's wrong? Are you okay?" Nag aalalang tanong nito.  "Narinig ko sina Auntie Emi at Dad na nag uusap, balak nilang ipakasal ako sa ibang lalaki!" She was so childish at that time. "Calm down Mahal. Hindi pa naman final yan di ba? Sa birthday mo sasabihin na natin na may boyfriend kana, na may relasyon tayo. Kaya hindi ka nila pwedeng ipakasal sa iba."  "Hindi, hindi mo naiintindihan, gagawin nila akong pambayad utang. Hindi makakatulong ang sinasabi mo!" Hysterical niyang sabi. Niyayakap siya nito.   "May isip ka bang solusyon?" Tanong ni Anthony habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri nito. "Sayo lang ako magpapakasal. Magtanan tayo! Mahal, itanan mo ako!" Sabi niya. "Mahal hindi basta basta ang gagawin natin! At isa pa napakabata mo pa. And I don't want to get advantage of your situation right now."  "Basta be there on time sa party ko. Magtatanan tayo. I have to go." Niyakap niya muli ang kasintahan. Halos ayaw pa nga siya bitawan. "Okay ka na ba? Don't worry, I will find a way." Saka siya hinalikan sa noo. Iyon ang huling yakap at halik ni Anthony sa kanya dahil hindi ito sumipot sa mismong kaarawan niya. Don't dare to show your f*cking face to me asshole! Lalagyan ko ng black eye decoration ang peyslak mo hayop ka? Kausap niya sa litrato nito. "Boss, sa condo ng isang Police Makati nakatira si Miss Mallari. Mukhang mahihirapan ako mag imbestiga dahil deactivated ang lahat ng social media accounts niya 5 years ago kahit dummy account wala siya." Sa office ni Greg pinapunta ang tauhan. "Ganun ba? Mukhang may tinatago ka f*cking b***h!" Nakatunghay siya litrato ng dalaga habang paalis ito galing sa condo bitbit ang isang helmet. Maganda ito. Kaya hindi malabong mahulog ng todo ang kakambal niya sa mala anghel na mukha, pero hindi siya si Anthony. Kaya never in his life na mahulog sa kagandahan nito. On the way ngayon si Dana sa inaplayan na bagong trabaho. Halos mag isang buwan na rin si Max sa Hawaii at talagang hindi ito tumitigil kakapilit sa kanya na sumunod.  "Okay mars basta sunod ka dito ha? Business natin 'to ayaw kong malusaw lang ang effort natin kaya go go go!" Masiglang sabi ng kaibigan. "Yeah, yeah, yeah, basta ikaw! Love kita alam mo yan, kaya mag ingat ka palagi dyan ha? Alam mo na ang weaknesses ko ayaw ko may mangyaring masama sa mga mahal ko."  "Aaayyy kinilig ako dun pramis! Kung lalaki lang ako talaga besh ikaw ang pipiliin kong pakasalan!" "O siya sige na, mahal ang long distance call noh?"  Pagdating niya sa law office na inaplayan bilang messenger diretso na siyang pumasok dahil provided na man na lahat ng kakailanganin niya pati company ID. "Good morning Kuya guard!" Bati niya habang sinusulat sa logbook ang pangalan. "Maganda ka pa sa umaga Mam Dana!" Sagot nito pagkatapos basahin ang pangalan niyang sinulat. "Uuuuyy si Kuya bolero!" At patakbong pumasok na sa loob. Sa dinami dami ng inaplayan niya ito lang talaga ang tinawagan siya at tinanggap matapos mainterview. Kung hindi pa siya marunong magdrive baka malabo pa syang matanggap. Tutol man ang Kuya Rexor niya dahil napaka delikado ng trabaho. Araw araw na nasa kalsada para maghatid ng mga papeles sa kung saan saan. "Balik ka na lang sa pagiging bodyguard, at least di ka mag iisa kasama mo sila Jepoy at Drake." "Ayaw ko muna Kuya gusto ko 'tong subukan para iba na man." "Ikaw bahala basta mag iingat ka ha? Kapag may kakaibang kinikilos ang mga kasamahan mo sa trabaho timbrehan mo agad ako. Tataniman ko nang tingga ang ulo nila." "Haru jusko! Kuya apakayabang naman!" "Ayaw ko lang maulit ang nakaraang nangyari sayo Dana Paoline!" "Oopps! Seryoso na ang Kuya ko niyan buo na ang bigkas ng pangalan ko. Hindi na iyon mauulit Kuya mag iingat na ako." Sabi niya na nakataas ang kamay na parang nanunumpa. Buntong hininga lang ang tugon ni Rex. Muntik na kasi siya noon magahasa ng negosyanteng hapon na binabantayan niya. Buti na lang marunong siya humawak ng baril. Nabaril niya ito sa binti. Binaliktad pa ng hapon ang sitwasyon pero ang camera nito mismo ang nagpahamak sa kanya dahil balak niyang kunan ng video ang gagawin sa dalaga. At nakatulong yun bilang ebidensya. "Teka lang Kuya matagal ko nang gustong itanong sayo to kaso lagi kong nakakalimutan." "Ano yan?” "May kakambal ba si Anthony? Di ba close din naman kayo dati?” "Parang nabanggit niya may kapatid siya na may sakit. Bakit?" "May na meet kasi ako kamukhang kamukha niya, maliban sa kulay ng mata." Natahimik si Rex sa sinabi ni Dana. Habang tumatagal nagustuhan na ni Dana ang trabaho niya. Hindi naman mahirap dahil company car ang service niya sa paghahatid ng mga importanteng documents. "Boss magkakilala ba si Boss Wilson at Miss Dana?" Usisa ni Dexter "Bakit?" "Magkasabay kasi silang mag lunch kanina. Mukhang close sila." Inabot nito ang larawan ng dalawa habang masayang kumakain sa isang restaurant. Parang umakyat lahat ng dugo ni Gregory sa ulo.   "What are you doing asshole? Ikaw pa yata sisira ng mga plano ko."  Sabi niya patungkol sa kaibigan. "Hindi ba magagalit ang jowa mo na ako kasabay mo mag lunch?" Usisa ni Wilson kay Dana magkasama sila ulit kumain. "Hindi. Sobrang bait kaya nun kaya alam ko siya na talaga ang the one ko. Saka mukha ka namang mapagkakatiwalaan." Kumindat pa siya sa binata. "Aw! It hurts." Arte nito. Natawa siya sa bagong kaibigan. "Kaya nga huwag ka nang umasa para di ka masaktan."  Tumunog ang cellphone ng binata. Wala itong kamalay malay nasa malayong lamesa ito nakapwesto kung saan sila ni Dana kumakain ngayon. "Buti na man naalala mo pang may kaibigan ka!" Bungad nito. "F*ck you! Asan ka ngayon? Yayain sana kita mag lunch." Sagot ni Greg. "Mag lunch ka mag isa mo asshole! May date ako ngayon."  "Ganun ba maybe next time na lang bad timing pala ako." Saka inend call niya.   Kinagabihan tumawag si Wilson kay Greg. "Dude I think I'm in love!" Kwento sa kaibigan. "At kailan kapa hindi in love?" Bara nito sa kaibigan. " Iba 'to pare! Ang ganda niya is one of a kind. Do you remember miss number 15? Doon sa fashion show na dinaluhan natin? Kaso may boy friend siya ngayon eh." "Eh di agawin mo!" Tinawan lang siya ng kaibigan. "No bro ipagdasal ko na lang silang maghiwalay."  "Ulol!" Mura ni Greg sa kaibigan. Miss Mallari." Tawag ng boss ni Dana. "Yes Ma'am."  "May hihilingin sana akong pabor sayo kung okay lang?" "Oo ba basta po kaya ko." "May importante kasi tayong client kailangan niya ang mga papel na ito bukas kaso sabado, pwede ka ba sa hapon? Dodoblehin ko ang sahod mo."  "Walang problema po Ma'am. Text nyo na lang po sa akin ang address." Saka kinuha ang envelope. "Kuya Rexor!" "Bakit? Nasa banyo ako!" "Alis muna ako!"  "Mag ingat ka ha? Diretso ka na sa hotel mamaya?" "Yup! Bye Kuya!" "Ingat!" "TWIN BUILDERS." Basa niya ng malakas. Nagpaturo na lang siya sa guwardiya kung aling floor ang office ni Mr. F.G. Fernandez. Fernandez? Parang may cymbals siyang narinig ng mabasa ang apelyido ng pakay. Baka magka apelyido lang. Naisip niya. "Ah para kay CEO. Last floor Miss. 20th floor. Sundan mo lang ang arrow pagdating mo doon. Katunayan nga kanina ka pa niya hinihintay." Mabilis niyang tinungo ang elevator pagkatapos magpasalamat sa guwardiya. Paghinto ng elevator lumabas agad siya. Nakita niya sa ding2 ang malaking arrow. CEO's office. Pagtapat sa pinto kumatok siya. "Come in." Mukhang bata pa ang boses. Iba sa naisip niya na matanda na ito dahil CEO na. Pagpasok niya nakatalikod ito sa kanya. "Pasensya na po kayo sir kung pinaghintay ko ka…" Natutop niya ang bibig niya.  It's him! The man that possesses Anthony's features.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD