In Denial

1734 Words
Matagal ng nakababad si Greg sa malamig na tubig na nagmula sa shower ngunit hindi niya ito alintana. Mas higit ang galit na nararamdaman niya.  Wala siyang magawa noon dahil sa sakit katunayan halos nakakulong lang siya sa bahay dahil bawal siya mapagod. Bawal siya ma-stress, bawal siya malungkot at bawal din siya sumaya. He had dilated cardiomyopathy. And because of this he is grumpy all the time. "Hello  my  dear twin brother! Just wanna say goodbye before leaving for work." Eksena sa bahay nila tuwing umaga.Hindi siya iimik. Sisenyasan niya lang ito na umalis na. Pagkatapos nila mag college nakapasok agad  bilang guro si Anthony. Unlike him, he finished his degree in business pero wala pa rin kwenta dahil hindi siya makapagtrabaho. "Don't worry Bro it won't take long you'll get a heart  donor, just don't lose hope." Mas concern pa ang kakambal sa health niya kesa sa kanya. He's always buying him healthy foods, keep on reminding him to take his medicine on time which he hates the most. He is f*****g bored!  "How's your work son?" Usisa ng Mama nila kay Anthony minsan habang nag aalmusal sila. "Great Ma! You know na man na this my passion right?" Nakangiting tugon nito. Kita sa mga mata nito na masaya siya. "Alam mo ba Ma, meron akong estudyante, sobrang kulit. Liligawan daw niya ako kapag nakalipat siya ng ibang school. Hahaha! She's so cute."   Simula palang iyon ng kwento niya sa amin tungkol sa estudyanteng tagahanga. Ngunit sa kalaunan mukhang tinamaan ito. "I think I'm in love Bro!."  Napabuga siya ng hangin sa naalala. Tandang tanda pa niya kung gaano kasaya ang kakambal noon. Pero hindi niya akalain na ganun lang kaiksi ang kanilang pagsasama. Pagkalabas ng banyo tumawag siya kay Dexter. "May problema Boss?" Bungad agad nito. "Nakita ko na ang pinapahanap ko sayo.  Gusto ko sundan mo siya lagi at ireport mo sa akin lahat." Utos nito.  "Yes Boss."  "At gusto ko din malaman ang nangyari sa kanya 5 years ago hanggang ngayon. Simulan mo bukas sa bahay ni Maximilian Fernandez." Kinaumagahan nagmamadali si Dana dahil tinanghali siya ng gising. "Kuya! Bakit hindi mo ko ginising? Malalate na tayo pareho!" Sumbat sa dating bodyguard. Dito siya tumutuloy sa condo ni Rex kapag may trabaho siya sa Maynila. "Ikaw lang kaya ang late, rest day ko ngayon." Nakatunghay ito sa dyaryo. "Ang daya mo naman sana ginising mo ko! Aaahhh!" Saka biglang paypay sa bibig niya gamit ang kamay dahil sa init ng hinigop na kape. Hindi kaagad siya nakatulog kanina dahil naalala na naman si Anthony. Napailing nalang Rex tumayo ito at pinatong sa lamesa ang hawak na dyaryo.  "Tara na hatid na Kita mamaya mapaano ka pa sa daan, halata ng natataranta kana." Lumapad ang ngiti ni Dana. "Saka pati sundo mamaya Kuya ah!" Paglalambing nito. Na ikinailing na lang ng lalaki. "Thanks Kuya, ingat ka sa pagdrive!" Kumaway lang ang dating bodyguard, ngunit ngayon ay parang tunay na magkapatid ang turingan nilang apat. Noong hindi pa bumagsak ang negosyo ng Daddy ni Dana meron siyang tatlong bodyguards. Ang magkapatid na Drake at Jepoy at si Rex. Sila yung lagi niyang tinatakasan para makipagkita sa kasintahang si Anthony. Actually hindi naman tinatakasan. Kakutsaba niya ang mga ito para pagtakpan siya sa mga magulang.  Kailangan pa nga niya umiyak sa harap ng Dad niya dahil hindi na mabilang sa mga daliri na masabihan ang mga ito ng 'YOU ARE FIRED!' Pero syempre crocodile tears lang naman iyon. Hirap kaya hanapin ang mapagkakatiwalaan na bodyguard sa ngayon. Bumalik sa kasalukuyan ang utak ni Dana when Max snapped his fingers in front of her face.  "Earth to Dana!" Dinig niyang sabi nito. "Oops! Sorry. Medyo na stress lang ako besty."  "About what abir?" "May na meet ako kagabi, akala ko si Anthony. Parang kilala niya ako dahil sinundan pa ako hanggang restroom." She sighed. "Girl hindi kaya sa sobrang pag-iisip mo kay fafa Anthony kaya ka nagkakaganyan?" "Hindi ko alam, I really missed him but what he did is unforgivable! I really need a f*****g explanation at siguraduhin lang niya na katanggap tanggap ang alibi niya ha dahil kung hindi break na kami!" "Ayyyy! Judy Ann Santos ang peg mo prenship!" Nahulog na naman Sana siya sa isang malalim na pag iisip buti na lang napigilan siya ang kaibigan. "O siya kalurky ka ang aga aga noh! Saan rarampa ang beauty natin ngayon?" Tanong sa kanya. "Ayaw mo ba mag report sa office?"  "No darling, pwede ko naman gawin dito sa bahay ang trabaho sa office. Hhhmmm wait, mag gym tayo ngayon. Maraming machong fafa doon hahay! Baka doon mo na makilala ang the one mo girl!"  Wala ng magawa si Dana kundi sumama sa kung saan man ang balak pumunta ng boss.  Tumawag sis Wilson sa kaibigan. "Dude gym tayo." Yakag niya dito. "Wala ako sa mood."  "Come on bro! It's Saturday. Wag mong sabihin magtatrabaho ka pa rin?" "Ikaw na lang bro."  "Bahala ka nga, hindi mo man lang ma enjoy ang buhay mo bago ka sumalangit! Sige ka hindi matahimik ang kaluluwa mo niyan kapag nawala kana dito sa mundong ibabaw!" Natawa siya sa tinuran ng kaibigan. Pagpasok nina Dana at Max nagkanya kanya na silang hanap kung anong trip nilang gawin. Dahil alam niya makipag landian lang naman ang best friend niya sa loob. "Magboboxing na lang siguro ako." Naiisip niya. Pagpasok sa loob meron na ring lalake na gumagamit ng isang punching bag kaya pumwesto siya sa dulo. "s**t! Wala pala akong pantali sa buhok." Mahinang mura niya. Ginamit niya na lang ang malaking panyo na tinali niya sa pulsuhan. Habang sinusuot ang gloves biglang sumigaw sa sakit ang lalaki. Napalingon siya dito at nakita niyang mukhang pinupulikat ito. Pinipisil niya kasi ang hita niya. Hinagis muna niya ang gloves saka mabilis na dinaluhan ang lalaki. "Come sit down first." Sabi niya habang inalalayan itong makaupo. Humihiyaw pa rin sa sakit ang lalaki.  Tinaas niya ng konti ang shorts nito. Pero bigla siyang hinawakan sa kamay para pigilan. Napatingin si Dana sa mukha ng lalaki, gwapo siya at mukhang mayaman.  Nailang yata ito kasi tinaas niya ang shorts nito. She smirked. "Huwag ka ng mailang sa akin marami rami na rin akong nahawakang hita." Saka nginitian niya ito. Lumikot pa lalo ang mata ng lalaki hindi makatingin ng diretso sa kanya. Pero banaag sa mukha nito ang sakit. Tinanggal niya ang tali sa buhok at mahigpit na tinalian ang hita ng gwapong lalaki. Saka minasahe ang binti nito hanggang talampakan at pinapatunog ang mga daliri nito sa paa. Mukhang effective naman ang ginawa niya dahil tahimik lang ang lalaki habang pinagmamasdan siya. "You okay?" Tanong niya dito saka naman ito tumayo. Tumayo una si Dana saka inilahad sa lalaki ang palad.  "Tayo kana."  "Thanks!" f**k kailan pa ako natameme sa harap ng babae? She is an angel sent from above! Oh God this time kuntento na ako sa blessing mo. Napaigtad pa siya when the beautiful woman in front of him snapped her fingers. "Sure ka okay ka lang? Parang tulala ka kasi eh?" "Y-yeah I a-ahhm okay." Nabubulol niyang sabi.  Natawa si Dana at lalong humanga ng lihim ang lalaki sa kanya.   "Sorry naabala pa Kita miss….?”   "I'm Paoline.” "Wilson nga pala. Nice to meet you Pao! Hulog ka ng langit sa akin." Seryosong turan ng lalaki. Natawa ang dalaga.  "OA naman! Paano mo naman nasabi na hulog ako ng langit?" Mukhang magaan na ang loob nila sa isa't isa. "Ang ganda ganda mo kasi para kang anghel." "Bolero! Halika na. Mag t-treadmill na lang ako baka pulikatin din ako tulad mo wala ng anghel na sasagip sa katulad kong anghel." Umandar ang pagkataklesa ni Dana. Halos trenta minutos ng tumatakbo si Dana at ganun na rin katagal niyang napansin na panay ang titig ni Wilson sa kanya. Naiilang tuloy siya. Magkatabi ang ginagagamit nilang treadmill. Ngunit naglalakad lang ang binata dahil masakit ang isang binti. "Ano ba naiilang na ako! Tumigil kana!" Sita niya. "Sorry, iniisip ko kasi kung saan kita nakita. Pero hindi ko maalala." "Baka panay check in mo sa hotel? Hahaha! Na may kasamang bebot! Na receptionist ako. O kaya ay kumain ka minsan sa fastfood, na service crew ako. Marami kasi akong raket, kahit anong trabaho pinapasok ko basta mapagkakakitaan. Ang hirap mag apply ngayon lalo na sa tulad ko walang natapos." "Ganun ba? Paano ka nakapagpamember dito sa Gym mga may kaya ang nakakapasok dito." "Kasama ko ang boss ko. P/A din kasi ako. Personal alal…" "Tama! Kagabi sa fashion show! Ikaw iyon di ba? Miss number fifteen?" Agaw ng binata sa susunod pang sasabihin ni Dana. "Ahhh oo kagabi. Andun ka pala." "Yup! Kasama ko ang kaibigan ko. I'm glad we meet personally. I was so lonely last night cause I didn't get to know you!" Tawa ng tawa ang dalaga. "Taga Bulacan ka ba?" "Yes, why?"  "Para ka kasing makata eh." Napakamot na lang sa ulo ang binata. Marami pa silang napag usapan ng binata.  Mga banat at hirit na nagpapahiwatig na humahanga ito sa kanya. May tumawag sa binata mukhang emergency kaya nag paalam na ito sa kanya. "Ayaw ko man na iwan ka ditong nag iisa at dumudugo ang puso ko sa isiping iyon ngunit mayroon pa akong mahalagang aasikasuhin mahal na prinsesa! Aaaawww!" Hinampas niya ito sa braso hamang nakatawa. "Amasonang prinsesa!" Bulong niya sa binata. "Umalis kana bago pa tayo mahuli ng boyfriend ko." Taboy niya. "Taken kana?" "Oo. Ayon siya oh." Kumaway siya sa bestfriend. Kumaway din ito pabalik. Mukhang dismayado ang kausap ng dalaga. Kung tititigan kasi ang kaibigan ay napakakisig at napakagwapong lalaki ito. Pero lingid sa kaalaman ng lahat isa itong pogay!  "Ganun ba? Ayos lang yun wala namang forever magkakahiwalay din kayo." Biro nito.  "Siya nga pala ito ang calling card ko. Tumawag ka kung may problema ka bukas ang phone ko 24/7 para makinig sayo." Biro nito. She's flipping the card na parang hindi interisado. Pero sa kalaunan kinuha niya ang numero at nag miscall dito. "Save mo na lang number ko." Saka binalik ang card dito. "Boss nasa gym siya ngayon kasama ang boss niya na si Mr. Fernandez." Bigay impormasyon ni Dexter sa amo. "Bigyan mo ako araw ng picture niya." Utos nito. "Sundan mo lang siya araw araw. At padalhan mo ako mga litrato nya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD