Secret Unfold ll

1618 Words
Napabalikwas ng bangon si Dana ng maramdaman ang lamig ng aircon. Kahit masakit ang buong katawan pinilit niyang bumangon. Makirot ang maselang parte ng katawan niya. Wala pa rin siyang saplot ngunit may kumot na itinakip sa kanya. Dahan dahan siyang pumasok sa banyo at doon niya pinagmasdan ang itsura niya. Sabog ang buhok. Namumugto ang mata. May mga pasa sa braso at kahit binti at hita meron din.  "Mahal." Bigkas niya. Katagang alam niyang hindi na siya marinig ng taong mahal niya kahit kailan. Binuksan niya ang tubig umupo sa ilalim ng dutsa habang patuloy sa pagtangis.  Bumalik sa kwarto si Greg para tingnan kung gising na si Dana. Halos hindi siya makatulog sa ginawa sa dalaga.  Wala na ito sa higaan, dumako ang mata niya sa tuyong dugo sa ibabaw ng kama.  Sumandal siya sa pinto at pumukit habang minamasahe ang sintido. Nakailang shot na rin siya ng whiskey. Narinig niya ang lagaslas ng tubig. Lumapit siya sa pinto ng banyo. Dinig niya ang mahinang iyak ng dalaga. "God what have I done? Napakagago ko nagpadala ako sa bugso ng galit." "Mahal." Narinig ni Greg na nagsalita si Dana habang umiiyak. Napakagandang pakinggan ng boses nito. "Take me with you please. At least wala ng mananakit sa akin dahil nandyan ka para ipagtanggol ako. Ang daya mo naman limang taon akong naiinis sayo dahil hindi ka nagpapakita sa akin. Sana mahal na fall out of love ka na lang, sana pinagpalit mo na lang ako sa iba. Nang sa ganun pwede pa rin kitang mahalin kahit iba na ang mahal mo. Mahal, hindi ko kakayanin ito. Lahat ng paghihirap, pagmamaliit, pamamahiya kaya kong lampasan pero ang katotohanang nasa kabilang buhay ka na hindi ko na kakayanin." Humihikbi pa rin si Dana nang umalis si Greg sa kwarto dahil hindi niya kinaya pa ang mga sinasabi ng dalaga. "Patawad bro, hindi ko natupad ang pangako ko sayo na iligtas siya, na protektahan siya. Dahil ako mismo ang nagpahamak sa kanya. Ako mismo ang nanakit sa kanya."  "Yaya Lydia?" Tinawag niya ang kasambahay. "Nasa library lang ako. Marami kasi akong dapat tapusin."  Hindi kaya ng konsensya niya makita si Dana sa sitwasyon niya ngayon. "Yaya pakidalhan na lang ng pagkain si Dana, kapag gusto po niyang umalis pakisabi kay Arnold ihatid kung saan niya gustong pumunta." Hindi na niya hinintay pa na sumagot ang yaya. "Anak Greg, kumain ka muna. Lamnan mo muna ang tiyan mo bago ka uminom."  May pag alalang boses ng tagapag alaga. "Mamaya na lang yaya tatawag na lang ako kapag nagutom ako." Saka niya tinungo ang library.  Pagkatapos maligo ni Dana saka niya naalala wala pala siyang damit. Naghalungkat siya closet na naroon. Bumungad sa kanya ang lahat ng klase ng damit na pamilyar sa paningin. Gamit lahat ito ni Anthony.  Kumuha siya ng isang tshirt at isang boxer shorts. Hibang na kung tawagin pero pakiramdam niya kayakap niya ang kasintahan ngayon.  Napansin niyang malinis na ang kama napalitan na rin ito ng sapin. Dinampot niya ang cellphone na nakapatong sa side table... Hindi mapakali si Rexor meron uupo maya maya tatayo maglakad lakad panay ang tingin sa cellphone. Halos dalawang oras bago siya nakatanggap ng reply galing sa kapatid kung ituring. Sis_Dana: Good A.M. Kuya sorry for not responding ASAP. Nalasing kasi ako kagabi. Dito ako sa friend ko natulog.    Nakahinga sya ng maluwag. Sis_Dana: Baka dito muna ako Kuya ha? Maybe a week or two. Luv u! Ingat!   Wala kasing balak muna si Dana umuwi sa condo ng Kuya niya. Meron siyang konting tampo dito. Alam niyang alam nito na patay na si Anthony. May narinig siyang mahinang katok paglingon niya pumasok ang isang may edad nang babae. "Iha kumain ka muna." Ngumiti ito sa kanya.  Tiningnan lang niya ang dala nitong pagkain. "Tawagin mo akong Yaya Lydia. Ako ang nag alaga hanggang lumaki sina Greg at Anthony." Pagkarinig ng pangalan ni Anthony kinuha niya ang dalang tray ng matanda at pinatong sa side table. "Yaya Lydia sabihin nyo po na hindi totoong  wala na si Anthony." Sabi niya sa matanda habang akay akay niya ito papasok sa kwarto na kinaroroonan ng portrait ni Anthony. "Sabihin nyo po sa akin na nagsisinungaling lang ang kapatid niya." Nagsisimula na naman siyang umiyak. Napaiyak na rin ang matanda. "Totoo anak. Wala na ang alaga ko matagal na." Sagot nito. "Noooo! Mahal! Hindi totoo di ba? Alam kong hindi mo 'ko kayang iwan!"  "God please I'm begging you! Send him back siya na lang po ang meron ako! Anthony!" Niyakap siya nang matanda pagkatapos iginiya papunta sa sofa. "Anak tibayan mo ang loob mo. May dahilan ang Panginoon kung bakit naunang nawala si Anthony. Kami man ay halos hindi matanggap ang nangyari. Lalong lalo na ang kakambal na si Greg. Kaya kung anuman ang ginawa sa iyo nang alaga ko sana intindihin mo siya nabubulagan lang siya dahil sa galit."   "Kung maibabalik ko lang ang pangyayari, at nalaman ko kaagad na wala na siya tinuluyan ko nalang sana ang sarili ko." "Diyos na mahabagin! Anak malaking kasalanan ang magpapakamatay!." "Noong hindi po sumipot si Anthony sa usapan namin binaril ko ang sarili ko. Paggising ko nasa ospital na ako ang masaklap pa ibinalita nila sa akin na patay na si Mommy dahil inatake sa puso ng masaksihan niya ang ginawa ko. Kaya siguro inilihim na lang nila sa akin ang pagkawala ni Anthony dahil ikakabaliw ko na po siguro." Humihikbing kwento niya sa matanda. "Nawala po ang lahat sa amin. Nagsimula kami ni Daddy sa probinsya ng Yaya ko na walang wala dahil hindi ako pumayag maikasal sa taong hindi ko mahal. Umaasa na isang araw mahanap ako ni Anthony, umaasa na balang araw magkakaroon ng happy ending ang love story namin. Pero bakit? Yaya, ha? Bakit? Mabait po akong tao. Kahit anong hirap ni hindi ko nagawa ng manlamang sa kapwa. Hu hu hu!" "Wala akong maisagot sa tanong mo anak. Patawad ito lang ang kaya kong gawin sa kadahilanang ako'y matanda na." Niyakap na lang siya ng matanda at doon siya lalong umiyak sa balikat nito. Nakatayo lang si Greg sa labas ng pinto narinig niya lahat ng sinabi ni Dana. Mabilis siyang bumaba ng marinig na may naglalakad. Nakita niyang binaba ng Yaya ang tray ng pagkain. Umiling ito sa kanya saka tinapik siya sa balikat nang matapat sa kinaroroonan niya. Tinungo niya ang mini bar na katabi lang ng library. Pagkatapos ng tatlumpung minuto umakyat siya sa kwarto ngunit bago pa man pumasok napansin siyang nakaawang ang pinto ng kwarto ni Anthony sinilip niya si Dana sa loob ngunit wala ito. 'Did she left?' Tanong sa sarili. Ngunit napansin niyang nasa side table pa rin ang keypad cellphone nito. He went straight to the only place she might have stayed. Sa room kung nasaan si Anthony. There! He saw her sitting on the floor while her head was resting on the couch, sleeping. Nilapitan niya ito. He squatted in front of her. Hinawi ang buhok na nakatakip sa mukha nito. Basa pa ng luha ang mata ng Dalaga.  Galit at pagkamuhi ang nararamdaman niya ngayon. Hindi na para sa babaeng kaharap kundi sa sarili. Tumulo ng paisa isa ang butil ng luha ni Greg hanggang tuluyan itong umagos. What happened to him? Kahapon lang halos kainin niya ito ng buhay dahil sa galit, ngayon naman awang awang siya sa dalaga.  His heart is beating faster than usual. Looking at the woman in front of him gustong magwala ng puso nito. Hindi kaya dahil puso ito ng kakambal? Could it be possible that his heart recognized her?  Binuhat niya si Dana at inihiga ng maayos sa kama ni Anthony. Pagkaligo bumaba ulit si Greg. Para bilinan ang Yaya na pakainin si Dana. He's on his way to the airport. May meeting siya sa Bacolod. Dalawang araw siyang mawawala. Tinawagan muna niya ang secretary niyang si Grace. "Is there any problem Mr. Fuentebella?" Sagot nito. "Grace, I need some girl stuff. I mean complete girl stuff. Clothes,shoes, anything. I mean.." Natawa ang secretary niya.  "Right away sir! What size? At saan ko ipapadala?" May halong panunudyo ang boses ng kaibigan. Yeah kaibigan nila ni Wilson si Grace.   "Sa bahay mo ihatid. I'll send you the photo hindi ko alam kung anong size."  "Seryoso ba ito? Ha ha ha! You? Floyd Gre.." "K. Bye!" Pintayan niya ng telepono ang kausap. Alam niya aasarin lang siya nito. "Balitaan nyo po ako Yaya tungkol kay Dana, hindi ko kasi pwedeng ipagpaliban ito." "O siya sige mag iingat ka!" Parang ina na rin niya si Yaya Lydia. Lalo na ngayon na nasa New Zealand na ang mga magulang nakatira. Pagod sa maghapong meeting si Greg. Kung pwede lang sana i-cancel ang mga natitirang pa niyang schedule. Mamayang gabi pa ang balik niya sa Maynila. Tumawag muna siya sa bahay. "Umalis ba siya Yaya?" "Hindi, saka hindi rin siya lumalabas ng kwarto iyak ng iyak. Nag aalala na ako anak. Hindi pa siya kumakain simula ng umalis ka."  "Bakit hindi moko tinawagan? Di ba bilin ko sayo tawagan mo ko." Parang bata si Greg na sinusumbatan ang Yaya. "Sinubukan ko. Pero ayaw niya ipaalam sayo. Baka daw madagdagan lang ang galit mo sa kanya." Mas lalo siyang nakonsensya sa sinabi ng tagapag alaga. "Sorry po Yaya pagod lang ako pati ikaw nadamay pa."  "Naiintindihan kita iho."  Halos hilahin ni Greg ang mga oras para makarating sa mansyon. Wala siya sa sarili kanina kaya ni-reschedule niya na lang ito.  Niluluwagan niya ang necktie habang patakbong inakyat ang kinaroonan ni Dana. Pagpihit ng doorknob nakalock ito!    Kinalabog niya ng malakas ang pinto. "Dana open the door!" Habang patuloy na iniikot ang doorknob para sakaling tulog man siya ay magising.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD