"Dana! open the door!" I'm desperately banging the door.
Ngunit hindi siya sumasagot sa loob.
I am f*cking furious.
"I'm warning you woman! Huwag mo nang hintayin na malagutan ako ng pasensya! Dana!" Kinakabahan ako na hindi ko naiintindihan.
"Yaya Lydia, pakikuha ng susi sa kwarto ko. Dali!" Agad namang sumunod si Yaya.
Pagbukas ko ng pinto madilim sa loob, kinapa ko ang switch at dumako agad ang mata ko kay Dana na nakahandusay sa sahig.
"F*ck!"
"Dana?" Kinapa ko ang leeg niya. She's barely breathing!
"Yaya pakisabi kay Marlon ihanda ang kotse. Dali!"
Pagbuhat ko sa kanya may bagay na bumagsak galing sa palad nito. Pinulot ko na lang bast at ibinulsa.
"God please I'm begging you, not now please. Hindi ko kaya.. I ..I.. Ahhhhhh." Nasapo ko ang ulo ko. "I love her."
Alam kong masyadong mabilis. Pero itong pusong 'to dati nang tumibok para sa kanya.
Bihira akong magdasal pero this time iyon na lang ang aking makapitan. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung may masamang mangyari sa kanya. Sobrang putla ng bibig niya.
Naramdaman ko ang mga kamay ni Yaya Lydia sa balikat ko. Hindi nagtagal lumabas ang babaeng Doctor mula emergency room..
"Doc?" Salubong ko sa kanya.
"She's fine. Pero sobrang hina niya ngayon. Dehydrated at nalipasan ng gutom masyadong mababa ang sugar sa katawan kaya nawalan siya ng malay." A sigh of relief, iyan ang pinakawalan ko.
"Thanks God!" Ngumiti ang Doctor.
"Baka bukas pa magkakamalay ang pasyente. Pinatulog ko muna siya para makaipon ng lakas. Ililipat na rin siya sa regular na kwarto para makapagpahinga. Sige, maiwan ko muna kayo."
"Thank you Doc." Tumango lang siya sa akin.
"Oh wait! Before I forget, who's Anthony? Ikaw ba? She's begging you to stay. So please don't leave her again. I think this is not just a simple dehydration. She's attempting to end her life. She has suicidal tendencies." Tumango lang ako parang wala sa sarili.
"Anak kailangan malaman ng pamilya ni Dana ang nangyari sa kanya." s**t oo nga pala sabado pa siya hindi umuwi.
Pagdukot ko ng phone sa bulsa may nakapa akong ibang bagay. Hinugot ko ang mga ito maliban sa cellphone ko nandoon din ang maliit na mukhang remote na keypad phone niya at picture niya at ni Anthony na magkasama halos sira na ito.
Naghanap ako ng pwedeng makontak. Sa call register niya. Una kong nakita ang 'Rexor_d'great', pangalawa ang 'Astig_Drake at kasunod ang Jepoy_d'pogi. Nandoon din ang Max_d'best, Mahal_kong_Yaya, at kay Wilson? s**t pakiramdam ko umiinit ang taenga ko. Bakit halos lahat lalaki ito?
"Hello?" Tugon mula sa kabilang linya.
"I just called to inform you that Dana is in the hospital."
"P*t*ng*na! Sino 'to? Anong nangyari sa kapatid ko?" Nailayo ko ng bahagya ang phone sa tainga dahil malakas ang boses nito. Maingay sa kinaroroonan niya baka nasa duty pa. Sabi ni Dexter police Makati ito.
"Yaya ikaw na muna magbantay dito ha? Magpapahinga lang ako saglit. Babalik din ako kaagad."
Matapos kong maiayos ang lahat na kakailanganin ni Dana saka ko naramdaman ang sobrang pagod. Naghalo halo na ang pagod sa byahe at takot na baka may masamang mangyari sa kanya dahilan kung bakit para akong hinang hina.
Pagbalik ko hindi ako nakapasok agad, nasilip ko sa nakaawang na pinto may lalaking nakaupo sa tabi ni Dana hawak nito ang kamay niya. Bumaba ulit ako, naghanap ng matambayan.
"Yaya saan ka? Bakit iniwanan mo si Dana?" Kausap ko si Yaya sa cellphone.
"Nagpasundo na ako kay Marlon iho. Pinauwi ako ng kapatid niya na pulis."
"Ganun ba? Sige Yaya magpahinga kana salamat!".
"Miss saan ang kwarto ni Dana Mallari?" Napaangat ako ng tingin ng marinig kong binanggit ang pangalan ni Dana.
Isang matangkad na lalaki. Well built ang pangangatawan.
"Kaano ano nyo po ang pasyente sir?"
"Kapatid." Tugon agad nito.
May lumapit pang isang lalaki dito kamukha niya mas matangkad lang ng konti sa kanya. Akyat po kayo sir sa 3rd floor po. Right wing room 501."
"Salamat!". Saka mabilis nilang tinungo kung saan naroon si Dana.
Sinundan ko sila. Pagpasok ko nagbabangayan na silang tatlo. Mukhang sinisisi nila ang naunang lalaki.
"Akala ko ba tutok ka sa kanya? Di ba sabi ko sa amin na siya tumira pero mapilit ka!" Tinapik tapik ng isa ang balikat ng kapatid.
"Hindi ito ang tamang oras para mag sisihan." Saway nga isa.
Pagpasok ko nalipat ang attention nila sa akin. Bakas sa mga mukha nila ang pagkagulat.
Lumapit sa akin ang unang lalaki. Siya iyong pulis.
"Anong ginawa mo sa kanya?" Mahina ngunit madiin na magkompronta niya.
Saka ako kinuwelyuhan. Kung ibang pagkakataon lang siguro ito kanina na ito bumagsak. Ngunit iba ngayon. Kasalanan ko ito.
"Rex." Awat nang isa. Saka pinaghiwalay kami.
"Bakit ka pa nagpakita? Ano ang motibo mo? Hanggang saan ang alam niya?" Sunod sunod na tanong ni Rex.
"Totoo bang hindi niya alam na patay na si Anthony? O baka nagkukunwari lang siya? Para hindi siya makonsensya na dahil sa kanya namatay ang kakambal ko?"
"Sa labas na tayo mag usap!" Seryosong boses ng isa saka nagpatiuna nang lumabas. Naiwan naman ang isa.
"Noong araw bago maaksidente si Anthony tumawag siya sa akin. Pinapasabi niya kay Dana na mahuhuli siya sa usapan nila dahil nasira ang sasakyan niya. Pagdating ko sa hotel na dadausan ng debut niya hinarang kaming tatlo sa labas mukhang nakatunog sila na balak tumakas ni Dana at alam nila na kaming tatlo ang malapit sa kanya. Hindi ko nasabi sa kanya ang mensahe ni Anthony." Nakikinig lang ako sa kwento ni Rex.
"Si Drake," lumipad ang tingin niya sa kaharap.
"Gumawa ng eksena, nagwala siya sa labas, para makapasok ako. Dahil isang oras na ang lumipas sa itinakdang pagtakas nina Dana at Anthony. Pagpasok ko hawak na ni Dana ang baril nakatutok sa dibdib niya,nakuha niya ito sa bodyguard ng pinsan na katabi niya. Halos liparin ko ang kinaroroonan niya para makuha ang baril pero huli na. Buti na lang natabig ko ang siko niya kaya sa ibabaw ng puso niya bumaon ang bala."
"Noong oras na iyon, buhat buhat ko siya lumapit ang Mommy niya sa akin at sinabing kahit anong mangyari iligtas ko siya. Hindi pa kami nakakalayo bumagsak ang Mommy niya dahil inatake." Hindi na naituloy ni Rex ang sasabihin tumutulo na pala ang luha niya.
"Pinili naming tatlo na huwag ipaalam kay Dana ang nangyari kay Anthony." Si Drake ang nagpatuloy ng kwento.
"Hindi namin alam paano sasabihin sa kanya dahil noong ibinalita namin na wala na ang Mommy niya nag hysterical siya tinanggal lahat ng nakakabit sa kanya. Baka kung ibalita pa namin na wala na si Anthony ikababaliw na niya. We deactivated all of her social media accounts. Pati cellphone sinira niya sa pag aakalang winantutri siya Anthony. Hinayaan namin siya sa pinaniwalaan niya." He sighed trying to calm himself.
"Nawala lahat sa kanila dahil hindi natuloy ang kasal niya sa matandang hukluban na iyon. Pera, Ari arian, kaibigan, kamag-anak..."
Hindi naituloy ni Drake dahil tinawag sila ng kapatid nito nagising na raw si Dana. Hindi na ako sumama sa loob. Halos hindi ko pa maabsorb lahat ng kwento nila sa akin.
Baka gawa gawa niyo lang iyan para magkaroon ako ng simpatya kay Dana at umaasa kayong ako ang makakatulong sa kanya maiahon siya sa kahirapan ngayon. Nagkakamali kayo. I'll stick to my plan.
Kilala akong negosyante hindi malabong pinag aralan na ninyo itong mabuti.
"Bakit hindi nyo sinabi kaagad Kuya?" Sumbat niya habang umiiyak.
"Nawalan ako ng lakas ng loob." Sagot ni Rex.
"Pero maraming pagkakataon na binabanggit ko sa inyo, hindi ko itinago sa inyo ang lahat dahil kayo na lang ang mapagkakatiwalaan ko."
"Sorry. Magpalakas ka muna bago umuwi sa probinsya."
"Doon muna ako uuwi kay Anthony." Mahinang tugon nito.
"Dana!" Nagbabantang boses ni Drake.
"Alam mo nang wala na si Anthony!"
Hindi na sila nito pinakinggan nagtalukbong na ito ng kumot. Marahas na napabuga ng hangin si Rex.
"Tawagan mo kami lagi para hindi kami mag aalala sayo."
"I'm not a fifteen year old girl anymore."
"But you're acting like one!" Sagot ni Rex.
"Drake, Jepoy, mauna na ako sa inyo." Paalam nito.
Pagtapat sa akin binantaan pa ako.
"Kapag may nangyaring masama kay Dana sa poder mo, sisiguraduhin ko sayo, itataya ko ang propesyon ko para makaganti sayo." Saka mabilis na umalis.
"Pagpasensyahan mo na 'tol. Simula kasi maliit pa lang si Dana si Rex na ang naging tapagtanggol niya. Sa kanila lumaki si Rex matapos ito tulungan nd Daddy niya noon ng tumakas ito sa bahay ampunan." Tiningnan ko lang si Drake saka tumango.
"So paano, since wala talagang makapagpabago dyan sa desisyon ng prinsesa namin, ipinapaubaya na namin siya sayo." May kalakasang sabi ni Jepoy.
Alam kong patungkol iyon kay Dana.
"Good luck na lang bilang bata palang si Dana bodyguards na niya kami. Kaya alam namin kung gaano kapilya yan. What she wants is what she got."
'Well, tingnan lang natin. Spoiled brat ka pala ha?' Naisip ko.
Lumabas na rin ako para makausap ang doctor kung pwede ko na siyang iuwi.
After a couple of hours we are on our way home. Wala kaming imik pareho.
Pagkababa niya nang kotse diretso na siya sa kwarto ng kakambal ko. Alam kong mahina pa siya gusto ko na lang siyang hayaan but my mind telling me to not let her alone or else she will kill herself. I am being paranoid.
Dumapa siya sa kama nito. Pumasok na rin ako sa kwarto ko dahil madaling araw na din. Habang nakahiga sa kama hindi mawala sa isip ko ang mukha ng babaeng iyon sa kabilang kwarto. F*ck! Mahirap talagang hindi makaranas na maging normal na teenager. Crush ba 'to or infatuation?
"Go get up. You'll stay in my room from now on!" Pinuntahan ko siya sa kabilang kwarto ngunit hindi siya sumagot sa sinabi ko. Ganun pa rin ang pwesto niya simula ng iniwan ko.
"Don't make me say it twice. Dahil hindi mo gugustuhin ang gagawin ko sayo." Hindi pa rin siya tuminag.
"Dana!" Hinawi ko ang buhok na nakatabing sa mukha niya. Tulog? Damn it! Kaya pala hindi sumasagot.
Dahan dahan akong umupo para mapagmasdang mabuti ang mukha niya. Napangiti ako. Wait, what? Napapangiti ako dahil lang sa mukha ng babaeng ito?
Unat na unat ang mahabang buhok niya, maputi at makinis ang balat. Matangos ngunit maliit ang ilong, malantik ang pilikmata, at kulay pink ang kanyang manipis na labi, malaki ang dibdib, matambok na puwet mahaba ang binti parang nasa anime characters.
'Hindi man ako ang unang halik mo pero ako naman ang nakauna sayo.' Bulong ko habang hinahaplos ang buhok niya.
Nanumbalik sa akin ang nangyari sa amin nakaraang gabi. I know that for you it wasn't a memorable moment but for me I treasure it.
Binuhat ko siya papunta sa kwarto ko. Nilapag sa kama. Binihisan ng mas komportableng damit saka ako humiga sa tabi niya.