Naalimpungatan ako sa tunog nang phone. Hindi ako makakilos nakagapos ako sa yakap ni.. Anthony? s**t no! It's Greg. Ng naramdaman niyang kumilos ako lalong humigpit ang yakap niya sa akin. "Stay. You need to rest." Sabi nito habang nakapikit. Kung ikaw lang sana siya I'm sure I will be the happiest person ever. Naisip ko.
"May tumatawag sayo." Kinapa niya ang phone saka pinatay.
Tanghali na ng magising ulit ako. Mabilis akong pumasok sa banyo para makapaglinis ng mukha at mag toothbrush dahil nagugutom na ako.
Paglabas ko naroon na ang kasambahay na nag aayos ng kwarto ni Greg.
"Mam baba na daw po kayo para kumain kanina pa po kayo hinihintay ni Sir." Sabi nito.
"Dana na lang nakakaasiwa naman ang mam. Anong pangalan mo?" Tanong ko habang sinusuot ang nakita kong shorts na maong doon sa closet na may mga dakit pambabae, ibinulsa ko ang phone ko. Hindi na rin ako nagpalit ng tshirt dahil komportable naman ito kasi maluwag. Saka hindi talaga ako nagsusuot ng bra sa loob ng bahay kaya laging malalaki ang tshirts ko.
"Janice, Miss Dana." Natawa ako.
"Nawala nga ang mam napalitan naman ng miss." Ngumiti lang ito.
"Bilisan mo na Miss masama magalit si Sir Greg." Sabi nito. Napansin niya siguro ang mga pasa sa binti ko. Nginitian ko na lang siya.
Pababa ako sa spiral na hagdan habang namamangha sa nakasabit na paintings sa dingding at may narinig akong nag uusap.
Ng malapit na ako sa baba tumikhim ang mga kasamang lalaki ni Greg.
"You woman, don't you have any descent clothes?" Napakunot ang noo ko.
"This is the most descent." Natawa ang gwapong katabi nito.
"Palitan mo yan kung ayaw mong ikulong kita sa kwarto!" Banta nito.
"Mamaya na gutom na ak.." Hindi ko na natapos ang sasabihin ko. Inilang hakbang niya lang ang kinaroroonan ko, binuhat at isinampa sa balikat niya.
"Ano ba?!" Nagpupumiglas ako pero sa laking tao nito balewala ang bigat ko.
"Lumabas ka muna, tuturuan ko lang to ng leksiyon." Utos niya kay Janice. Saka ako binagsak sa kama.
"Ano bang problema mo? Maayos naman ang suot ko ah. Itong suot ko? Big deal?" I smirked. Sabay turo sa dibdib ko.
"Kung ayaw mo palitan ang damit mo, magsuot ka man lang sana ng panloob!" Sigaw nito.
"Dito ako sanay, hayaan mo ako."
"I won't let you flirt with my bodyguards." Saka niya inangat ang baba ko.
"Itanim mo 'to sa utak mo. YOU ARE MINE. Kahit buhay mo pag aari ko! Lahat ng gusto kong gawin sayo magagawa ko. Baka nakalimutan mo ikaw ang kabayaran ng kasalanan mo sa kapatid ko." Saka ako marahas na hinalikan sa laki.
Ang sakit ng mga sinabi niya pero mas masakit na kapatid mismo ng taong mahal ko ang mang aapi sa akin.
"Now fix yourself, wear bra atleast, come down, have lunch with me." Saka ako iniwan.
"P*t*ng*na mo! Transformer." Sigaw ko kahit alam kong hindi na niya ako maririnig.
Kung hindi lang ako gutom hindi na sana ako bababa. Patakbo akong bumaba ng hagdan, naiisip ko baka pabalikin na naman ako sa taas dahil wala akong suot na tsinelas. Bahala na nga utom na talaga ako.
"Follow me." Pero dahil gutom na ako nauna na ako sa kanya basta sinundan ko lang kung saan galing ang mabangong amoy ng pagkain.
"Nakahanap ka ng katapat Boss." Natatawang sabi ni Pogi.
"Shut up! If you don't want to get fired!" Banta nito.
'Apaka transformer mo talaga, kung makayakap ka kanina sa akin wagas tapos ngayon oorderan mo ko ng dapat kong gawin. Ang bilis mo naman yata magtransform?' Naisip ko.
Puno ng pagkain ang mahabang dining table pumwesto na ang apat na bodyguards ni Greg at ang natirang pwesto ay ang katabi nito. Kumuha lang ako ng pagkain ko at pumasok sa kusina.
"Where are you going?" Dinig kong tanong ni Greg ngunit hindi ko siya pinansin.
Sumampa ako sa counter kung saan may ginagawa si Yaya Lydia. Hindi ko talaga matanggal ang katangian king 'to. Simula pa noong bata ako.
"Kumain na po kayo Yaya?"
"Tapos na kami iha, magpakabusog ka para bumalik agad ang lakas mo."
"Ilan po kayong lahat na kasambahay dito?"
"Pito kami kaso nakabakasyon ang dalawa."
"So pang walo pala ako." Sabi ko.
"At sino naman nagsabi sayo na maninilbihan ka dito?" Inangat pa ng matanda ang salamin niya.
"Kailangan ko po makabawi sa kasalanan ko. Napakalaki po ng kasalan ko kung alam niyo lang."
"Iha, kung yan ang sinabi sayo ng alaga ko sana huwag mo masyadong dibdibin ha? Alam mo kilala na kita noon pa man. Lagi kang kinikwento ni Anthony sa amin."
Nahinto ang chikahan namin ni Yaya Lydia dahil tinawag siya ni Transformer. Pumanhik ako sa taas pagkayari kong kumain. Naligo lang ako saglit at pumasok ulit sa kinaroroonan ng abu ni Anthony. Dumapa ako sa sofa na naroon. Medyo mahina pa ang pakiramdam ko.
Dinukot ko ang larawan namin sa bulsa ko.
{You are my sunshine
My only sunshine
You make me happy
When clouds are gray}
I was humming our favorite song and his smiling face appears in my imagination. Tears flowing down my face. Then the door swung open. It made me happy! It's him, no he's not. Habang papalapit siya sa akin lalo akong nananabik mayakap siya.
Lumapit ako sa kanya at niyakap siya ng mahigpit. He froze.
"Close your eyes please." Tumalima naman siya sa sinabi ko. 'This is Anthony' panloloko ko sa sarili ko.
I cupped his face, dinama ko ang kilay niya, ilong, bibig.
"Mahal I missed you a lot! How could you leave me without saying goodbye." Bulong ko sa kanya. Nanlalabo ang paningin ko dahil sa luha. Unti unti kong hinalikan siya ng mariin habang tinutulak papuntang pinto.
"Mahal na mahal na mahal Kita. You still have this special place in my heart!" Huminto muna ako dahil hindi ako makahinga sa sakit. Parang dinudurog ang puso ko.
"Mahal sabihin mo sa akin, turuan mo 'ko paano kita makakalimutan? Paano nga pala kita makakalimutan kung ang iniwan mo sa akin ay lahat masasayang alaala? Tulungan mo na lang ako magpatuloy na umusad Mahal. Bigyan mo 'ko ng dahilan, bigyan mo 'ko ng makapitan nang sa gayon ay gugustuhin ko pang manatili dito sa mundo." Hinalikan ko ulit siya sa labi. Saka tinulak para tuluyang makalabas ng pinto. Mabilis kong sinara at nilock.
Umiyak ako nang malakas. Palahaw at hinagpis ng nawalan na alam ko na kahit kailan hinding hindi na babalik.
"Dana!" Kumakatok si Greg.
"Please open the door!"
Halos isang oras na ang nakalipas alam kong nasa labas parin siya, kaya binuksan ko ang pinto.
"Bakit hindi ka pa pumapasok sa trabaho mo?" Tanong ko na nakayuko.
"How can I go to work na ganyan ang kalagayan mo?" Bulyaw nito.
'Transform agad agad?' Naisip ko.
"Hindi mo ako obligasyon."
"Yeah right." Hinawakan niya ang braso ko.
"Pero baka nakalimutan mo na may kasunduan tayo. Di ba sabi mo magpapaalila ka sa akin makabawi ka lang?" Piniksi ko ang kamay ko.
"Marunong ako tumupad ng kasunduan."
"Good. Mabuti na yong malinaw. Baka lang kasi magpakamatay ka ulit. Ako ang mananagot sa tatlong unggoy mong kapatid." Tugon nito.
Tiningnan ko siya ng masama.
"Hindi unggoy ang mga kapatid ko!"
"So malinaw na tayo? Kapag kaya mo na at malakas na ang katawan mo sasama ka sa akin. Doon ka sa office magtatrabaho. Baka may bakante doon sa maintenance kita ilagay. Pinaalam na rin kita sa dati mong trabaho." 'Yeah, yeah, yeah! Sana all mayaman at maipluwensya lahat kayang gawin.' Gusto kong sabihin sa kanya ngunit hindi ko na lang isinatinig.
"Huh nang aasar ka ba? Kahit saan mo ako ilagay hindi kita aatrasan." Hamon ko.
"That's my girl!" Nakangisi nitong sabi.
"I need my own room." Sabi ko.
"No! You'll stay in my room!" Utos niya.
"Okay." Ayon ko na lang. Saka naglakad papuntang kwarto niya.
"You can use everything here." Binuksan niya ang closet. "You should wear more descent clothes lalo na sa loob ng pamamahay ko."
"Not because I agreed to stay here you'll manipulate me. Pati pananamit ko pakikialaman mo. Hindi mo ko asawa!" Inis kong turan.
"Darating din tayo diyan." Sabi nito tinaasan ko lang siya ng kilay. 'In your dreams!'
Subukan mong sundin ang gusto mo, paparusahan kita. In fact you owe me one this morning. Better be prepared. Negosyante ako, kapag siningil kita expect the interest."
"Sa tingin mo masisindak pa ako sa sinabi mo? Nagawa mo na lahat sa akin. Kahit nga nagmamakaawa ako sayo nakinig ka ba? Hindi di ba?" Nakita ko ang pag iba ng kanyang anyo.
'SAVAGE! You won girl!' Sabi ko sa sarili.
"I'll be in the library if you need anything."
Saka mabilis lumabas ng kwarto.
Pero sa totoo lang kahit sapilitan ang nangyari sa amin. Nagustuhan ko rin naman. 's**t! Pero hindi niya dapat malaman, nakakahiya! Pero anong drama iyon? Bakit nalungkot siya ng binanggit ko ang tungkol doon. Nakonsensya kaya siya? Iyon? May konsensya? Malabo girl walang pakiramdam yon manhid!'
Umupo ako sa sofa at nagbukas ng tv nagpalipat lipat ako ng channel ngunit wala rin akong nagustuhan.
Nag decide ako na matulog na lang muna. Hanggang mahulog ako sa isang panaginip...
Napadilim ng paligid para ako nasasakal wala akong makita. 'Tulungan nyo ako!’ sigaw ko. May narinig akong tumawag sa pangalan ko.
"Dana! Dana! Hold my hand tutulungan kita, pero tulungan mo rin ang sarili mo. Mamahalin kita ng mas higit sa pagmamahal niya. Hindi man naging maganda ang simula natin pipilitin kung maituwid lahat. Sabay sabay natin tahakin hanggang dulo. Mahal kita. Mahal kita. Mahal kita... Teka lang huwag mo ako iwanaaaan'.. Napasinghap ako ng hangin parang sasabog ang dibdib ko sa kakapusan ng hangin.
Madilim na sa loob ng kwarto. Kinakalma ko ang sarili ko kahit pagtayo hindi ko kaya. Minamasahe ko ang dibdib ko.
May pumihit sa pinto, pagkabukas iniluwa nito si Greg. Mabilis siyang lumapit sa akin.
"Are you okay?" Tumango lang ako.
Inabutan niya ako ng tubig.
"Here." Nanginginig ang kamay ko. Kaya hindi binitawan ang baso kahit hawak ko na.
Inakay niya ako papunta sa kama. Humiga ulit ako. Ang bilis pa din ng t***k ng puso ko.
"You need to eat baka malipasan ka na naman ng gutom." Akmang tatawag siya umiling lang ako.
Ano kaya ang ibig sabihin ng panaginip ko na iyon? Nawala ako sa sarili saglit hindi ko namalayan nakahiga na sa tabi ko si Greg.
Pinatong niya ang ulo ko sa braso niya. Ang bango niya. I felt comfortable kahit papaano.
Hinalikan niya ako sa noo. 'OMG! May pagkabipolar pala ito!
Pinikit ko nalang ulit ang mata ko.