Chapter 3 : "Estefan Sebastian Dawson"

2104 Words
CHAPTER 3 : “Estefan Sebastian Dawson” Annais   "A butler to attend my needs and protect me?" Ulit ko sa sinabi ni papa.   Tipid na tumango ang matanda bago sumipsip ng tsaa sa maliit niyang tasa. Napahilot ako sa aking sentido.   "Papa may paraan ba para maiwasan yang batas na yan?" Inis kong tanong sa aking ama. Napabuga ito ng hangin sabay lapag ng tasa niya sa nakapahingang Saucer plate sa lamesita.   "As if we can change the rules of being an elite then that's the only solution you have."   Mas lalo lamang bumagsak ang aking balikat dahil sa suhestiyon ni papa. Akala ko ay makakalaya na ako pero hindi pa pala. Hindi ko pa rin pala makakamit yung freedom na matagal ko ng hinihingi sa kanila. Five years lang naman ang gusto ko! Five years lang bago nila ako ipakasal sa lalaking iyon.   Hindi ko na nga mapipili kung sino ang lalaking makakasama ko habang buhay tapos heto at lilimitahan pa nila ang five years na hinihingi ko.   "Pa..." Naiiyak kong tawag kay papa.   "I'm sorry, alam mo naman na wala akong magagawa tungkol sa bagay na ito. Naging okay naman sina Berry sa pagkakaroon ng butler baka pag nagtagal sayo si Estefan mag-"   Hindi ko na pinatapos pa si papa.   "Who's estefan?"   Malungkot na napangiti ang matanda sabay patong ng kaniyang kamay sa aking balikat.   "He's your butler. Ang sabi ng mga nasa Butler's manor si Estefan ang pinaka magaling pero may katigasan nga lang ang ulo non, ikaw na lang ang magpasensya."   Mas lalo lamang lumaki ang pagkaka-awang ng aking labi. Okay...hindi pa nga ako nakakabawi sa balita nila na meroon ng butler na aaligid-aligid sa buhay ko tapos ngayon sasabihin nila na matigas ang ulo ng napunta sa akin!.   "Ilang elite family na po ba ang pinagdaanan ng butler na yon?"   Sumasakit na ang ulo ko, kailangan ko na yata ng vase para ipukpok sa ulo ko. Baka kasi bangungot lang ito at magising pa ako.   "Unfortunately lima na pero anim kung Isasama mo yung asawa ng merchant na nakatira sa Celeste castle."   Mas lalo pang sumakit ang aking ulo at ng hindi ko na makaya ay inis ko na lamang na isinubsob ang aking mukha sa lamesita. Ano bang naisipan ng mga tao at binigay nila sa akin ang butler na yan?   Tatanggapin ko na sana na meroon akong butler pero gusto ko sana yung tahimik lang, hindi yung mas matigas pa yata sa akin ang ulo!   Napaangil ako dahil sa Inis, ramdam ko naman ang pagtayo ni papa at ang paglakad nito palapit sa glass wall na ngayon ay lantad na lantad na sa amin'g mga mata, binuksan ito ni uncle Niko matapos niya akong bigyan ng Isang tasa ng tsaa.   "Give Estefan the chance to prove himself, you're aware that once a butler is rejected they'll be executed."   Nanigas ako sa aking kinauupan.   "Wha-What?"   hindi ko alam ang tungkol don, wa-wala akong alam tungkol sa execution ng mga butlers...   Napabuntong hininga si papa at kahit na nakatalikod ito sa akin ay alam kong may simangot na naka plaster sa may katandaan niya ng mukha.   "Binigyan na ng council si Estefan ng warning, isang pagkakamali pa niya at hindi na sila magdadalawang isip na tapusin siya."   Hindi ko malaman kung bakit pero ng marinig kong sabihin ni papa iyan, agad na bumigat ang aking puso. Napaayos ako sa aking pagkakaupo bago napasapo sa aking dibdib. Ngayon lang ako naawa para sa Isang butler.   "Now, do you want to reject him and find another one?" Tanong ni papa gamit ang seryoso niyang tono ng pananalita. Bumuka ang bibig ko upang sana sagutin siya ngunit nakakapagtala dahil wala man lang boses na lumabas sa aking bibig.   hin-hindi ko kayang may mamatay dahil lang sa kaartehan ko, hindi naman ako ganoon kasama para hayaan na mamatay ang isang tao. Ka-Kahit labag sa aking loob mukhang wala na akong pagpipilian pa.   Tipid kong nginitian si papa bago ko dinampot ang isang tasa ng tsaa na tinimpla ni uncle Niko para sa akin.   "I-I'm giving him a chance."   Nanginginig ang aking boses ng sabihin ko iyon. Humarap sa akin si papa suot ang ngiting nagsasabing nagtagumpay siya. Tsk, ayoko lang may mamatay dahil sa akin.   "That's a very good decision Annais."   Napaiwas ako ng tingin nang makita ko kung gaano katuwa si papa. Gagawin ko lang ito dahil naawa ako sa butler na iyon pero kung darating sa punto na naiirita at nakakaabala na siya sa gusto kong mangyari sa natitirang kalayaan na meroon ako, ako mismo ang magbabaon sa kaniya sa likod ng apartment building namin!   Matapos ng usapan namin ni papa patungkol sa iilang problema ng pamilya ay kinamusta ko rin ang kapatid kong si Berry.   Mas matanda siya sa akin ng Tatlong Taon ngunit hindi tulad ko ay mas immature itong ate ko. Magkatulad sila ni Kuya Caedman na isip bata pa rin magpasahangang ngayon. Hindi na nga magkanda ugaga yung kawawang right hand ni kuya na si Elizabeth-yung anak ni Uncle Niko.   Hindi ko nga alam kung paano niya nakakayanan na makita ang mukha ni kuya eh si kuya ang dahilan kung bakit siya napahiya noong bata siya.   "Narinig kong magkakaroon ka na ng butler?" Tanong ni Ate Berry habang abala ito sa pagpitas ng rosas na nakatanim dito sa malawak na hardin ng mga Davis. Mapait akong napangiti ng maalala nanaman iyon.   "Oo, wala naman akong magagawa diba?"   Tamad kong asik na ikinatawa ng nakakatanda kong kapatid. Dahil sa pagtawa niya ay hindi sinasadyang bumaon ang tinik ng rosas sa dulo ng kaniyang hintuturo, napasinghap si Ate Berry dahil sa gulat.   "Okay ka lang?"   Nag-alala kong tanong sa babae, sa pagkakatanda ko kasi ay takot si Ate Berry sa dugo.   Napangiwi ito at isusubo na sana ang daliri upang pigilan ang pagdugo ng biglang may humablot sa kamay niya.   "My lady, you should be careful."   Asik ni Augustine na siyang butler ni Ate Berry. Gamit ang kulay puting panyo ay pinunasan ng lalaki ang dugo na nasa daliri ng aking kapatid. Pinakatitigan ko si Augustine, kung susuriin ay hindi ito mukhang normal na butler. Daig pa ng lalaking ito ang balat ng Isang prinsipe.   Maayos na nakahawi ang kulay chokolate niyang buhok at dahil sa kulay Asul na mata ng lalaki ay mas nadagdagan ang Aristikrato niyang wangis.   Palaging nakaguhit sa mukha ni Augustine ang ngising punong puno ng pang-aakit at paglalaro. Mukha lang mabait at gentlemen ang lalaking ito pero mas f**k boy pa ito kay kuya!   Nahuli namin siya ni Ate Berry noong nagpaalam kami kay papa na pupunta ng italy para kamustahin sina Grandpa at Grandma, hindi na nga ako nagulat ng makita ko siyang nakikipaghalikan sa Isang commoner.   Pero si Ate Berry...bakas sa mukha niya ang kalituhan at sobrang pagkagulat.   "Even the most beautiful things can hurt you too." Dagdag pa ni Augustine. Napaikot na lamang ang aking mga mata at akmang lalakad na para iwanan ang dalawa ng may mapansin ako kay Ate Berry.   Namumula ang magkabilang pisngi niya habang punong puno ng pag-iingat na binebendahan ni Augustine ang kaniyang daliri. Okay...may hindi ba ako alam tungkol sa dalawang ito?   Nagpalipat lipat ang aking tingin sa dalawang kasama ko. Parang kinikilig si ate habang obvious naman na nilalandi siya ng Augustine na ito. Alam naman siguro ni Ate na bawal pumatol sa sarili niyang butler, diba?   Kunwari ay napaubo ako para kunin ang atensyon ng dalawa.   "Ate aalis na ako, baka gabihin pa ako sa daan." Imporma ko sa aking kapatid. Kaya naman binitawan na ni Augustine ang kamay niya atsaka ito umatras at yumuko sa amin.   "A-Ah oo kailangan mo ng u-umalis kasi baka gabihin ka pa!" Nauutal niyang wika.   Tinaliman ko ng tingin si Augustine na ngayon ay naka ngisi pa rin.   "Mauna ka na ate may sasabihin lang ako kay Augustine."   Matalim kong pahayag sa Kapatid kong hanggang ngayon ay namumula pa rin ang magkabilang pisngi.   "Huh ba-"   "Hindi naman ako magtatagal."   Putol ko sa sasabihin sana nito. Binigyan pa ako ni Ate Berry ng isang nagtatakang tingin bago ito tahimik na naglakad palayo.   Kaming dalawa na lang ni Augustine dito. Papalubog na ang araw at naglalabasan na ang mga paru-paro sa mga bulaklak, maganda na sana ang paligid kung hindi lang dahil sa lalaking ito. Wala namang mali kay Augustine, pwera na lang sa pagiging babaero niya at wala akong pakialam don, pero ibang usapan na kung si Ate Berry na ang magiging target niya.   Muli kong pinakatitigan ang lalaki. Suot nito ang uniporme ng mga butler dito sa Davis manor.   White wing collar dress shirt, Black morning coat, Black tie, Gray vest, cufflinks, White gloves, Pocket watch and the Davis family Symbol pin. Bagay na bagay sa kaniya ang uniporme ng pamilya namin.   "Young mis-"   "Are you flirting with my sister?" Diretsa kong tanong sa lalaki. Mas lalo lamang tumaas ang dulo ng labi niya hangang sa nagkaroon na ito ng lakas ng loob upang salubungin ang aking mga titig.   "Is there any problem on that thing, young mistress?"   Tanong nito, hindi ko pa nga maiwasang mapalunok ng makita kung paano naging nakakatakot ang bawat titig ng kulay asul niyang mga mata.   "Yes."   Nawala bigla ang ngisi ni Augustine.   "My bad."  tanging sagot ng lalaki.   Alam ko kung gaano kayaman si Augustine, halos naman yata lahat ng nasa Butler's manor ay mayaman at may kani-kaniyang negosyo na umaarangkada sa publiko pero nakakalungkot lang na dahil sa binitawang pangako ng mga ninuno nila ay kailangan nilang pagsilbihan ang mga elite families kahit na mas mayaman pa sila dito.   "You know that it's against the rules!" Naiinis kong asik sa lalaki ngunit imbes na matakot ay napabuga lang ito ng hangin sabay sabing...   "As if you're not going to do it, just wait until you meet him. I heard he's quite good and irresistible---If it's okay I'll excuse my self, my dear young mistress."   Napaawang ang aking labi at naikuyom ko ang aking kamao ng marealize ko kung ano ang sinasabi ni Augustine. Sisinghalan ko pa sana ang lalaki pero wala na ito, nakasunod na siya kay ate Berry.   Ang Babaerong yon! tinutukoy niya yung magiging butler ko! Muling namilog ang aking mga mata. Kilala ni Augustine si Estefan?!   Oo nga naman, parehas silang galing sa Butler's manor kaya imposibleng hindi sila magkakilala.   Naikuyom ko ang aking kamao dahil sa pagka-irita at galit. Paulit ulit na tumatakbo sa aking isip yung mga binitawang salita ng Butler ni Ate Berry.   Those words are made by that evil creature to scare me! As if naman matatakot ako sa Estefan na iyon. Upang alisin ang tensyon ay napabuga na lang ako ng hangin. Hindi kalaunan ay sinundan ko na rin sina Ate Berry para magpaalam.   Tulad kanina ay si Uncle Niko rin ang naghatid sa akin pauwi sa apartment building  na aking tinutuluyan. Hays, anong gagawin ko sa butler na iyon?   Hindi naman pwedeng ikulong ko na lang siya sa apartment. Out of nowhere ay bigla ko na lang na imagine ang isang Hound dog na naka kulong sa kulungan habang matiim na pinagmamasdan ang amo niya gamit ang nangungusap nitong mga mata.   Hindi naman aso si Estefan para ikulong ko. Muli akong napabuntong hininga.   "Young mistress we're here." Anunsyo ni uncle Niko. Naunang bumaba ang matanda at pinagbuksan ako ng pinto.   "Thank you."   "Be good to your new friend, young mistress." Paalala sa akin ni Uncle Niko bago nito patakbuhin paalis ang sinasakyang itim na subaru.   Bagsak ang aking balikat, hindi maipinta ang aking mukha habang naglalakad papunta sa apartment na tinutuluyan ko. Papadilim na at tahimik na rin ang paligid. Para ngang may hindi magandang mangyayari ngayon.   Muli akong napabuga ng hangin. kailangan kong pakisamahan ang butler na iyon at kailangan kong makaisip ng paraan para hindi siya sumunod sa akin 24/7!.   Matapos ng ilang hakbang ay nakarating na rin ako sa harap ng pinto kung saan ako tumutuloy. Kinuha ko ang susi na nasa aking bulsa bago ito sinuksok sa door knob at walang pasabing pinihit ito pabukas. Hahakbang na sana ako papasok sa aking tinutuluyan ng bumulaga ang pigura ng isang lalaki.   “Welcome back young mistress. I am Estefan Sebastian Dawson from the Butler’s manor. From now on I’m going to be your astonishing butler.”   Umalingawngaw sa aking tenga ang malalim ngunit punong puno ng hinhin na boses ng Lalaking nasa aking harapan.   My mouth went wide when I saw the owner of that graceful voice. A dark gentleman wearing the Davis Butler's uniform.   Ngumiti sa akin ang lalaki kasama ang kulay abo nitong mga mata.   E-Estefan...This handsome human is my butler?!    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD