Chapter 2 : "The butler's law of Execution"

1622 Words
CHAPTER 2 : “The Butler’s law of Execution” Annais   Hindi maaalis-alis ang galit ko dahil sa binalita ni Uncle Niko. Alam ko naman na nasa batas na kailangan magkaroon kami ng sarili namin’g mga butler pero akala ko ay nagawan na ni papa ng paraan iyon?!   Para saan pa ang pagiging Queen’s dog niya kung wala siyang magawa para sa sarili niyang Anak?!. Gusto ko lang naman magkaroon ng kalayaan, gusto kong maging independent pero bakit ganito pa?   Inis akong napahilamos sa aking mukha ng masaksihan ko na ang malawak na lupain ng pamilya namin, sumasalubong sa amin ni Uncle Niko ang matataas na puno ng Pine trees at kahit na matanda na ang lugar na ito, hindi pa rin natatabunan ng oras ang gandang taglay ng lahat ng bagay na nandirito.   Malawak ang lupain ng mga Davis at sa gitna nito ay nakatayo ang malaking mansyon kung saan kami lumaki at ang mga ninuno namin. Ang Pangunahing pinagkakakitaan sa lugar na ito ay ang pagha-harvest ng mga Ubas at ang paggawa ng mga inumin galing sa mga prutas na nakatanim sa paligid ng aming lupain.   Maraming natutulungan sina Papa at ang buong pamilya kaya nga maraming tumitingala sa pamilya namin---kahit na hindi nila alam kung anong klase ng nakaraan ang meroon ang pamilyang ito.   “Don’t be too upset young mistress, having a butler is not a bad idea especially if there’s a group of people who wants your family dead.”   Pagbabasag ni Uncle Niko sa nakakabinging katahimikan. Napalunok akong muli ng laway. Naalala ko kasi yung sinabi ni Uncle Niko na may isang grupo raw ng mga tao na gustong Isa-isahin ang pamilya namin.   Tinanong ko kung bakit at ang tanging naging sagot ni Uncle Niko ay dahil daw naiinggit ang mga taong iyon sa yaman ng pamilya namin. May tiwala ako kay Uncle Niko pero…may iba akong kutob kung bakit galit ang mga taong iyon.   “Alam mo naman kung gaano ko kagusto ang mabuhay ng mag-Isa diba?”   Malungkot kong tanong kay Uncle Niko, imbes na sagutin ako ay tinanguan lang ako ng matanda.   “Kung susuway ka sa gusto ng mga nakakatanda, hindi sila magdadalawang isip na bilisan ang proseso para maitali ka na sa prinsepe ng mga Sawyer.”   Mariin kong naipikit ang aking mga mata, isa pa sa pino-problema ko ang kasal na yan. Akala ng ibang tao masaya ang mapasama sa pamilya ng mga elite pero sa totoo niyan, sumpa ang ipanganak na kabilang sa pamilya ng mga Elite.   Mapait akong napangiti ng muli kong marinig sa isip ko yung mga salitang binibitawan ng dati kong mga kaibigan. Gusto nilang maging katulad ko, gusto nilang manirahan sa mansion na kinalakhan ko.   Pero taliwas iyon sa gusto kong mangyari dahil sa tuwing nasa loob ako ng mansion na iyon lagi kong ikinukumpara ang aking sarili sa alaga naming aso.   Muli kong ikinuyom ang aking kamao hanggang sa huminto na ang sinasakyan naming kotse sa harap ng napaka-enggrandeng entrada ng matayog na mansyon.   Naunang bumaba si Uncle Niko kesa sa akin para pagbuksan ako ng pinto. Nakailang buntong hininga muna ako bago ko napagpasyahan na muling umapak sa lupain na aking kinalakhan. Nagsitayuan pa ang aking mga balahibo ng salubungin ako ng malamig na ihip ng hangin.   “Young mistress shall we head to your father’s library or do you want your tea at the garden first?”   Pinakatitigan ko si Uncle Niko. Wala naman akong balak na magtagal pa sa lugar na ito kaya hindi na ako magpapaligoy ligoy pa.   “I want to talk to my father then I’ll go home.” Mahinhin kong pakiusap kay uncle Niko na animoy natuwa pa sa biglaang pagpapalit ko ng asal.   Takot ko lang na masermonan ni papa pag nalaman niyang hindi nanaman ako gumagalaw ayon sa tinuro nila sa akin.   “Then shall we?” Iminustra ni Uncle Niko ang nakabukas na pinto ng mansion. Tinanguan ko ang matanda bilang hudyat na handa na ako.   Sana lang talaga ay magbago ang Isip ni papa, a-ang weird kasing tignan kung magkakaroon ako ng butler eh sa isang cheap at maliit na apartment lang naman ako nakatira.   Ayoko rin na may ibang tao na gumagawa ng trabaho para sa akin kaya anong gagawin ng butler na iyon sa bahay ko?. Pwede ko ba siyang utusan na matulog na lang buong araw o ibaon niya yung sarili niya sa bakuran nung apartment building na tinitirhan ko ngayon?.   Wala akong choice kundi ang muling tumapak sa sahig ng mansion. Nang muli kong makita ang loob nito ay nagdaan nanaman ang mga alaalang araw araw kong namimiss.   Yung mga alaala noong bata pa ako at kasama kong naglalaro sina kuya at yung mga pinsan namin. Kung sana hindi ko lang nakita ang pangyayaring iyon…   Kung sana hindi na lang ako gumising ng gabing iyon baka mas ginusto ko pang manatili na lang dito kasama silang lahat. Baka siguro hindi nag-iba ang tingin ko kay papa at kay…   Alangan kong itinaas ang aking tingin upang mapagmasdan ang malapad na likod ni Uncle Niko. Mahal ko sila pero hindi ko kayang manatili dito ng panghabang buhay. Isang mabigat na buntong hininga nanaman ang lumabas sa akin dahil sa bigat at hirap ng dinadala ko ngayon.   Stress free na sana ako, kung hindi lang sana umepal yang butler issue na yan!   Ilang minuto rin kaming naglakad ni Uncle Niko sa elegante at malinis na pasilyo ng Davis mansion. Nakita ko pa ang mga portraits at family pictures na nakasabit sa kulay kremang pader. Bawat litrato na nandoon ay nagbibigay sa akin ng ngiti at saya, parang kailan lang ay naglalaro pa ako sa pasilyong ito pero ngayon heto at lumalakad na lang ako dala ang napakabigat na problema at sama ng loob.   Nadaanan rin namin ni uncle Niko ang tahimik at walang katao-taong Living area hangang sa mapunta kami sa harapan ng mahaba at kulay gintong hagdan, para maiwasan na madulas ay nilagyan ito ng mga kasambahay ng Isang makapal at mahabang pulang karpeta.   Sa bawat dulo ng hagdan ay nakapahinga ang Isang agila na sumisimbolo sa pamilya namin. Bawat elite families ay meroong simbolo na tutukoy sa pagkakakilanlan nila.   Pinili ng mga ninuno namin ang agila dahil sa hindi ko malamang dahilan. Siguro dahil akala nila na matatalino kami?   Napabagsak ang aking balikat dahil sa naisip ko na yon, hindi ako matalino kaya malabong yon ang dahilan. Yung kuya ko naman papasa na sana siyang matalino kung alam niya lang sana kung bakit nagkakaroon ng menstrual period ang isang babae.   Gusto kong mapasapok sa aking noo ng muli kong maalala yung ginawa niyang kautuan sa Isa sa mga butler na nasa Butler’s manor.   Bumisita kasi ang asawa ni Uncle Niko dito at kasama niya ang anak nila na kasing edad ko lang rin noong mga panahon na iyon. Nakikipaglaro si kuya sa anak nila Uncle Niko ng bigla itong sumigaw para sabihing mamatay na ang anak ni Uncle Niko.   Nagulat lang raw kasi siya kung bakit may dugo sa pants yung batang babae. Miski ako ay nagulat kung gaano siya katanga ng mga oras na iyon. By the way high schooler na siya ng mangyari yon.   “We’re here young misstress.” Imporma sa akin ni Uncle Niko ng tumigil kami sa harap isang pamilyar na pinto. Tinitigan ko ito, hindi pa rin talaga nagbabago ang lahat ng nandito sa mansion.   Ang sabi ko kay papa noon bago ako umalis ay pinturahan niya sana itong pinto ng library niya. Hindi ko gusto ang kulay Itim. At sa hindi sinasadyang pagkakataon, kulay itim ang pinto nitong library niya. Sa susunod na pagbisita ko sa lugar na ito ay sisiguraduhin kong makakapagdala na ako ng pintura, yung kulay pink.   “Are you ready young mistress?” Punong puno ng pag-aalalang tanong sa akin ni Uncle Niko.   Binigyan ko ng isang tipid na tango ang matanda kaya naman muli niyang hinarap ang pinto at kumatok dito ng tatlong beses.   Bakit parang bumigat bigla ang hangin sa paligid?. Pa-parang may hindi magandang mangyayari ngayon? Sinubukan kong lumanghap ng hangin ngunit parang hindi pa rin ako makahinga. Dahil siguro ito sa tensyon at takot sa maririnig kong sasabihin ni Papa?   “Master, the young mistress Annais is already here.” Sigaw ni Uncle Niko upang malaman ni papa na nandito na ako.   Ilang segundo pang tumahimik ang paligid bago namin narinig ang boses ni papa.   “Please come in.” Anunsyo ng padre de pamilya.   Hudyat na iyon ni uncle Niko upang buksan ang pinto at imustrang pumasok na ako sa loob ng library ni papa.   Unti-unting nawala ang ngiti sa aking mukha ng muli kong mapagmasdan ang lumang aklatan ng sarili kong ama. Natatakpan pa rin ng makapal na kurtina ang glass wall at bawat pader nitong kwarto ay napapaligiran ng libro. Nakabitin sa gitna ang chandelier tapat ng Isang lamesita at apat na single sofa ang nakapalibot doon.   Sa harap ng glass wall ay nakapahinga ang desk at swivel chair ni papa, doon ay nakalagay ang iilang mga litrato namin magkakapamilya.   Mahilig ako sa libro at kung gusto kong makatakas sa problema ay dito lagi ako dumidiretso. Dito ko rin nakita ang bagay na iyon. Napalunok akong muli ng laway bago napagpasyahan na humakbang na papasok sa napakagandang kwarto.   “How’s my beautiful daughter?” tanong ng matandang nakatayo sa harap ng glass wall.   Hawak hawak nito ang isang tasa na sa tingin ko ay naglalaman ng tsaa.   “Father…”   Nginitian ako ng matanda.   “Annais, finally I have the chance to see my daughter again.”  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD