Tied a Knot

1252 Words
Hindi paman masyadong lumalalim ang gabi ay nakailang shots na sila ni Riza ng tiquella. Yun kasi pinili nilang inumin na ladies drink daw sabi ni boss Ken. Hindi niya kasi kilala ang mga ilang inumin na binanggit nito. Natawa pa siya kasi may sinuggest itong inumin na bastos. s*x on a beach daw. Meron pala non?! Oo meron daw. Kaya nang sinabi tiquella nalang ay yun nalang. First time niyang uminom ng sosyal. Kaya napaparami na siya. Hindi naman niya first time uminom kasi sa kanilang lugar minsan sa isang linggo nag iinuman sila ng mga kaibigan at kaklase niya. Cheap nga lang..! Rh at tanduay. Sina boss Ken at Danny ang nakadalawang bote na ng black label. Gusto niya sanang tekman pero mas masarap na ang tiquella saka nalang muna. Panay ang siplat niya kay Ken. Hindi niya talaga maiwasang humanga sa kagwapohan nito. Siplat lang! Baka kung ano kasi isipin nito pag mahuli pa siyang nakatitig. Minsan ay ninanakawan niya ng sandaling titig at pagramdam niyang titingin sa kanya ay biglang bawi. “Can we transfer to VIP room?” Sigaw ni Ken maya maya sa kanilang tatlo. Sumunod nalang kami. Syempre hindi naman kami ang gumastos aangal pa?! Kaya sunod nalang kami sa financer. Napahinga ako ng maluwag nong nasa VIP room na kami. Dito napakalamyos lang ng togtog hindi katulad nong nasa labas. Nakita niyang nag-pa order ulit ng bagong black label si Ken. Mukhang lasing na yata ito pero si Danny grabeh super hyper pa. Siya naman nakailang shots na kaya medyo umiikot na ang kanyang paningin. At yung lukarit niyang pinsan panay harot na sa jowa nito. Kung makalingkis parang sawa. May laplapan pa. Hindi na alintana na may kasama sila at boss pa. Napaka awkward! Juskolord! Napapagitnaan parin kasi sila ng mga kasamang lalaki. Panay saway niya sa pinsan niya. Nakakahiya kasi kay Ken. At ang huli naman ay natatawa lang samantalang siya gusto ng kutusan ang pinsan. Minsan nakikita niyang pinipigilan din ito ni Danny. Pero ang tigas parin ng pinsan. Pasaway! Bahala na nga ito! Nakikiinom na siya sa inumin nina Ken. Nilagyan kasi ng apat na baso ng waiter sa mesa ibig sabihin makikiinom na siya. Siya lang si Riza lango na. Nakakapit nalang itong parang sawa makalingkis sa jowa habang nakapikit na. “Baka lasing ka na?” Narinig niyang bumulong ang isang nakapalamyos na tinig ni Ken. Biglang ragasa ng kaba at kakaibang pakiramdam ang lumukob sa katawan niya. Ay ano ba ‘to?! Umiling nalang siya bilang ganti nito. “Huwag kang mag alala. Pwede namang matulog dito sa VIP.” Napatawa siya bigla. “Here you are. Now only i see your smiling.” Napabaling ang tingin niya rito. Na nakatitig din pala sa kanya habang nakangiti. Ewan! Parang nabato balani na naman siya at napako na naman ang mata niya sa gwapo nitong mukha. Ang mga magagandang mata nito. Ang matangos na ilong at maninipis na labi. Na may dalawang maliit na biloy sa mukha. Hindi niya mapigilan s**t! Kaya iniwas niya ulit ang tingin. “At maganda ka kapag nakangiti.” Kinilig naman siya doon. Juskolord! “Salamat.” Mahina niyang sambit. Na nakatuon lang ang tingin sa basong may lamang alak. Baka makita pa nitong kamatis na ang mukha. Hindi na niya makayanan ang kakaibang pakiramdam. Maya mayay nag aya ng bottoms up si Ken syempre tatlo nalang sila. Tulog na si Riza. At nakaramdam siya ng naiihi na kaya nagpaalam siya na mag-c-cr lang muna. “Samahan na kita.” Ani ni Ken. Nasa labas kasi ang cr. walang cr dito sa loob ng VIP room. Napakagentleman naman pala nito kung tutuusin. Kaya umuo nalang siya. Napadaan sila sa grupo ng mga lalakeng nag iinuman. Nakasunod lang si Ken sa kanya. Ramdam niyang may isang lalaking titig na titig sa kanya. “Hi, miss. Edsil nga pala.” Aning lalaking nakaharang sa kanyang daraanan sabay lahad ng kamay. Nakatitig lang siya sa lalaki. At hindi niya tinanggap ang kamay nito. Naramdaman niyang may biglang humablot ng kanyang bewang at yumakap ang mga braso nito. Nagulat pa siya ng si Ken pala iyon. “Layuan mo ang girlfriend ko.” Anitong habang nakipagtitigan sa lalake. Kaya kita niyang napaatras ang lalake sa ginawa nito. Napalunok siya ng laway sa ginawa ni Ken. Rumaragasa na naman ang kakaibang pakiramdam ng mga sandaling yun sa ginawa nito. At hinayun na siya papuntang ladies room. Pagkapasok sa loob ng cubicle toilet ay agad siyang napa ihi. Kanina pa parang puputok ang pantog niya dinagdagan pa ni Ken sa ginawa nito. Paglabas niya sa ladies room ay bumungad ulit ang madilim na lugar at puro iba’t ibang ilaw ulit ang nakikita niya. Feeling releif na siya. Naramdaman niya ulit ang pagyakap ng isang braso sa beywang niya, ang pagharap nito sa kanya at isinandal siya ito sabay lapat ng mga labi nito sa labi niya. Nanlaki ang mga mata niya sa ginawa nito. Si Ken! Ba’t siya hinahalikan nito?! Nakita niyang nakapikit ito habang ninanamnam ang kanyang mga labi. First time niyang mahalikan. Kaya hindi niya alam kung anong gagawin. Maya mayay naramdaman niyang gumagalaw ang mga labi nito. Instead na itulak ay napakapit pa siya sa batok nito. Nanghihina kasi ang kanyang mga tuhod dahil marami narin siyang nainom. Pero ramdam parin niya ang kakaibang sensasyon na ginagawa ni Ken. Biglang ragasa ng kung ano ano sa kanyang isipan bakit siya hinahalikan nito? Dahil sa kalasingan? Ah basta! Bahala na. Gustong gusto niya ang ginagawa niyo ngayon. Kaya hinayaan niya lang na angkinin nito ang kanyang mga labi. At napapikit siya. Namalayan na lang niyang humahaplos na ang kamay nito mula sa likod niya hanggang maramdaman niyang pinipisil na nito ang kanyang isang dibdib. Shit! Nagising siya bigla sa kagagahan dahil nagpaubaya siya. Naitulak niya ito! Kaya napatitig ito sa kanya na namumungay ang mga mata. Tanda na lasing na ito. “I need you.” Anitong parang nag aakit. “I’m attracted with you Ericka.” Dinig niyang sambit nito. “And i want to make love to you right now!” First time niyang makaramdam ng ganito sa tanang buhay niya. Pero hindi niya kakainin ang sariling salita nong sinabi niyang asawa lang ang unang makakahalik sa kanya lalo na ang angkinin siya. Kahit gaano pa siya kalasing. Pero nagpa ubaya na siya sa paghalik nito. Eh ano ka ngayon?! “Kailangan pakasalan mo muna ako bago mangyari ang gusto mo.” Nataranta na siya sa narinig kaya yun ang namutawing mga salita mula sa bibig niya. Napatawa naman ito ng pagak! Peste na! Tinawanan lang siya. Kaya aalis na sana siya ng yakapin na naman siya nito ulit at halikan. “Your wish.” Anito ng naghiwalay ulit ang mga labi nila. Sabay hugot ng cellphone nito sa bulsa nito. May hinahanap na numero. Napalunok siya. Parang nabitin yata siya lalo pa’t amoy na amoy niya ang mabango nitong hininga kahit na may amoy alak pinaghalong perfume nito at natural scent. “Hello!” Anito ng may sumagot sa kabilang linya. “Hey buddy! Ngayon lang ako hihingi ng favor sayo.” Hindi man lang inilayo ang katawan nito sa kanya kahit may kausap ito sa phone. “I need a lawyer to get married right now. Yeah as in right now!” Pagkabalik nila sa VIP room. Wala pang kalahating oras ay may dumating ng dalawang tao. Isang lawyer at kaibigan nito. At namalayan nalang niyang nagpeperma siya sa isang kaperasong papel.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD