Bar hopping

1405 Words
Nagising siya sa sunod sunod na katok mula sa pintuan ng kanyang kwarto. Sino ba tong kumakatok? “Sino yan?” Bahaw ang boses niyang galing lang sa pagtulog. “Jang Nara!” Ang pinsan niya. “Gising!!!!may lakad pala tayo hindi mo man lang sinabi.” Anito. “Teka!” Kaya bumangon na siya. Tiningnan niya muna ang oras sa cp. 6:30 na pala ng gabi. Alas3:40 siya nakauwi kaninang hapon mula sa interview. Napasarap ang tulog niya. Pupungas pungas pa siyang binuksan ang pinto ng kanyang kwarto. At nakita niyang pumasok ang pinsan niya sa loob at siya ay bumalik sa kama. “Tumawag si Dan. Mga 7:30 dadatnan daw tayo ritong dalawa at pupunta daw tayo sa bar.” Excited nitong sabi. Nagkukusot siya ng kanyang mga mata dahil inaantok pa siya. Sa sinabi ng pinsan biglang nawala ang antok at naalala ang sinabi ng mayabang na boss kanina. Oo nga pala! Ngayon nga palang alas8. Napabuga siya ng hangin. “Kayo nalang ni Dan. Inaantok pa kasi ako.” Aniyang nakatungo na. “Ano ka ba Erica?!” Anitong pinagsalikop ang mga braso. “Hindi naman tayo gagastos. Yung boss naman ni Danny at magiging boss mo narin. Kaya sige na!” Kaya hinila siya nito. “Eh sa inaantok pa nga ako eh.”maktol niya. “Ngayon nga lang tayo makapagbar at hindi natin afford ang mga ganyan. Tatanggihan mo pa?” Hila parin siya nito. At hindi siya nito mapilit mapatayo. “At isa pa Erica. Magiging boss mo narin siya. Ikaw ang nangangailangan ng trabaho kaya pagbigyan mo na. Cge ka pagdi ka pumunta wala kang magiging trabaho at maimpluwensya pa naman yung boss niya.” Napatingin siya rito. “Kilala mo ba kung sino yung boss ni Danny?!” Napatigil ito sa paghila sa kanya at tumitig. “Oo si Dicken Hernandez!” “Siya lang naman yung hambog at tangang driver na muntik na akong masagasahan.” Nguso niya at hinila niya ang kamay. “Tapos aq pa babaliktarin na tanga.” “Hayyy naku! Erica.” Napabuntong hininga ito at tumabi ulit sa pag upo sa kama. “Aksidente lang ang nangyari. Hindi sinasadya. Wala namang naagrabyado sa inyong dalawa.” “Meron!” Nanlaki na mata pati butas ng ilong niya. “Basang basa kaya ako! Sinadya niyang sagasaan yung lubak!” “Buhay ka pa naman dbah?!” Bigla siyang tumingin ng masama rito at napangisi lang ito. “At kailangan mo ng trabaho kaya tara na!”tumayo ulit ito. “Mag-aalas7 na. Magpaganda ka nalang para maakit mo yung boss niyo!” “Tseh!” Ingos niya. As if naman magugustuhan ako non. Napatawa ito. “Lalo kang kumu-cute.” Isa pang irap binigay niya rito. Kung di lang niya naisip ang pinakakautangan ayaw na niyang pumasok sa factory. Kaso naisip siya bigla nagchat pala yung pinagkakautangan niya na binibigyan siya ng isang buwang palugit. Kaya no choice! At napatayo siya. Nakita niyang ang laki ng ngiti ng pinsan niya. Dumiritso siya sa banyo at ito rin ay lumabas na ng kanyang kwarto para maggayak. EKSAKTONG alas7:30 ay tapos na sila sa pagbibihis. Nagtext na naman daw si Danny na on the way nadaw ang mga ito. Mga ito? Ibig sabihin may kasama ito? Pero iwinaksi na niya ang isiping iyon malalaman din naman niya pagdating ng mga ito. Naka off shoulder black top lang siya at black pants na butas2x ang sa may tuhod. At black sandal. At naka-pony ang kanyang buhok. Nakalip gloss lang siya at nag eyeliner. Kalalabas lang din ng pinsan niya mula sa kwarto nito. Nakafloral dress ito off shoulder din na hanggang tuhod. Napahagod ito ng tingin sa kanya habang nakangiti. “Wow ang gara ah?” Anitong nakangisi na. “Saan ang lamay teh?!”biro nito sabay tawa. “Pero infairness bagay sayo cous. Nag-iba aura mo.” Bumawi din. Gumanti lang siya ng ngiti. “Tara na sa labas at andiyan na sila.” Aya na nito. Nilagay na nito ang cellphone sa dala nitong shoulder bag na kasing kulay ng floral dress nito. In fairness ang ganda din ng pinsan niya. Pinaresan pa ng white shoes. Pagkalabas ng bahay ay nakita niya ang familiar na sasakyan kulay black na Audi. Hindi niya mapigilang kumulo na naman ang dugo sa nangyari sa nakaraan. Alam na niya kung sino ang kasama ni Danny ng sinabi ng pinsan niya ang mga ito. Sumampa na sila ni Riza sa likod ng passenger seat. Siya sa may likod ng driver nilang gwapo este presko. At si Riza naman ay sa likod ng jowa nito. “Hi! Mga girls.” Ani ni Danny. “Hello!” Pagkapanabay nilang bati ng pinsan niya. Nakita niyang inayos ni Ken ang rearview mirror. Nakatoon ito sa kanya at saglit silang nagtitigan. Kumindat pa ito sa kanya ng napatingin siya sa rearview mirror. Shit! Biglang bumilis ang t***k ng puso niya sa ginawa nito. Irap lang ang inabot nito sa kanya. Kaya napababa na siya ng tingin. Alam niyang ngumisi lang ito. Hindi niya dapat maramdaman ito. Ane beh?! Maya mayay naramdaman niyang umaandar na ang sasakyan. Mahigit kalahating oras din sila bumyahe papunta sa bar na yun. Pinababa na sila ni Ken at naghintay sa may b****a ng parking lot. At magpapark ito. Hihintayin nila itong makapagpark at sabay nadaw sila kamong pumasok sa loob. “Mukhang tinamaan yata si boss kay Erica babe.” Narinig niyang sabi ni Danny sa pinsan niya ng silang tatlo nalang. “Ganun ba?!” Sagot ng pinsan niya na nakangisi. “Ikaw ba naman tingnan mo naman pinsan ko artistahin.” Sabay kindat sa kanya. Napanguso siya sa dalawa. “Tinamaan? Tinamaan ng trip kamo?!” Inirapan niya ang mga ito. “Lakas ng tama ng boss mo Dan.” “Oo sayo!” Sabay tawa ng mga ito. “Huwag niyo kong pinagloloko at para sa trabaho lang ito. Kaya nahagilap ako ngayon.” Aniyang tinalikuran na niya ang mga ito. Dahil nakita na niya paparating na yung bagyo gwapong bagyo. Nakapagpark na siguro. Ang tangkad pala nito at hindi niya maipigilang hindi mapansin ang tindig nito. Napasunod naman ang dalawa ng makalapit na ang boss. Sa bilis ng lakad ni Ken ay naabutan siya nito. Kaya nagkasabay sila. Hanggang balikat labg siya nito. Hindi niya mawari ang nararamdam dahil nakita niya sa peripheral vision niya na sumisiplat din ito sa kanya kahit hindi nagsasalita. Hindi din nakaligtas ang suot nitong black pants and leather jacket na may white t-shirt sa loob. Ano kayang nasa loob ng damit na yan?! Pilya niya g naisip. Iwinaksi niya nalang niya ang naisip na kapilyahan. Hanggang sa makarating na sila ng entrance ng bar. “Good evening po sir Ken. Long time no see?!” Ani ng bouncer na nakatalaga sa entrance na yun. “Long time no see too Bugart.” Anitong nauna ng pumasok sa loob ng bar. Sumunod lang silang tatlo. As if naman hindi ito mahilig sa bar eh kilalang kilala ito ng mga staff doon. So ibig sabihin lage ito rito ngayon lang nakapasyal ulit. Bumungad sa kanya ang malakas na disco musik at iba’t ibang kulay ng ilaw pagkapasok nila doon. Bar nga talaga! Eh saan ba sila? Parang tangang kausap ang sarili. Dumiritso silang apat sa may bar counter. Napapagitnaan sila ng pinsan niya sa dalawang lalaking kasama. Katabi pa niya si Jeric este si Robin ay ano ba?si Ken pala. At si Riza naman at Danny. Syempre magjowa eh alangan naman sa iba tumabi at selosa pa naman ang pinsan niya. Napapangiti nalang siya at napapatawa sa sarili minsan sa naiisip. “You guys! Did you take your dinner already?” Malakas na tanong ni Ken. Dahil sa malakas na togtog baka hindi sila magkarinigan. Syempre narinig niya kasi sila magkatabi. Ayan na siya hindi na nakakarandam ng gutom tumatanggi pa siya kanina na ayaw niyang sumama pero nakalimutan nilang kumain ng hapunan. Excited kasi masyado! “Hindi pa!” Sagot niyang napasigaw din. “Then you order a food first.” Sumenyas pa to sa bartender na Menu. Binigyan sila ng Menu ng pinsan niya isa isa. Ang mga lalake kasi nakakain na sila lang ng pinsan niya ang wala pa. Nag order na ng mga inumin ang mga ito. Isang bote ng black label. Pagkadating ng inorder nila ay agad silang kumain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD